XLII. Leap.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Win, wake up...”

 

“We’re here na Win...” Nakaramdam siya ng mga mahihinang tapik sa kaniyang pisngi. Parang nangyari na sa kaniya ito dati pero sa bus. “Baby, wake up...”

 

Napamulat siya. Unang tumambad sa kaniya ay leeg ng girlfriend. Nakatulog nga pala siya sa biyahe nila papunta sa Batangas. Natuloy na rin sa wakas ang lakad nila. Halos hindi na niya nga matandaan kung ano ang mga napag-usapan noong mga nakaraang araw.

 

Hindi na sila umuwi sa probinsya kagabi at nagkita-kita na lang kaninang alas sais ng umaga para bumiyahe papunta sa Batangas. Kanina lang din sila muli nakapagsama ni Rina nang matagal pero nakatulog lang pala siya buong biyahe sa balikat ng girlfriend.

 

Umayos na siya ng upo at lumingon-lingon. Sila na lang dalawa ang tao sa van at naka-park na ito sa garage ng rest house nila. Nang magtama ang kanilang mga mata ni Rina, nakatingin ito sa kaniya na parang nag-aalala.

 

“Kanina mo pa ba ako ginigising?” Tanong niya.

 

Bahagyang ngumiti si Rina. “I didn’t wanna wake you up dahil mukhang pagod ka pero malapit na mag-lunch. RJ and I will cook pa.”

 

Namiss niya si Rina. Ayaw niya pang umalis sa sasakyan.

 

“Hey,” mahinang tawag sa kaniya ni Rina at kinuha ang kaniyang kamay. Parang may gusto itong sabihin sa kaniya kaya hinintay niya lang ito. Pinanood niya ang paghinga nang malalim ng girlfriend na parang kumukuha ng lakas ng loob. Humigpit din ang paghawak nito sa kaniyang kamay. “I... I missed you,” bulong nito.

 

Mahina siyang natawa. “Gano’n ba kahirap sabihin ‘yon?” Pabiro niyang tanong. Hindi sumagot si Rina at nakatingin lang ito sa kaniya. Tumikhim siya at pinisil pabalik ang kamay ng girlfriend. “Namiss din kita...”

 

“I’m sorry about the cancelled dinners and stuff these past few weeks. It’s uhm...it’s because of work and—and I didn’t mean to put you aside. It’s actually...” kinakabahang tumawa si Rina at saglit na tumigil. “I’m bad at juggling my time with work and...”

 

“And me?” Putol niya dito. Napatitig sa kaniya si Rina at bahagyang kumunot ang noo nito. Kahit siya ay nabigla sa sariling sinambit pero hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin. Gusto niya lang sana biruin ang girlfriend para pagaanin ang mood sa pagitan nila.

 

“Win...”

 

“Sabi ko naman sa’yo naiintindihan ko. It’s okay, Rina. I’m not complaining,” pag-alo niya dito.

 

“I’d rather you complained to me, honestly,” bulong nito. “I want you to tell me if nagtatampo ka or may hindi ka gusto sa mga ginagawa ko.”

 

“Would you do the same, though?”

 

“What

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet