XLVII. Tinatangi.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata, huling naalala niya na katabi niya si Rina. Kaninang umaga, nadatnan niya ang girlfriend niya na nagluluto ng breakfast sa kusina—kung panaginip ba ito o hindi, hindi siya sigurado.  

 

Nag-ayos muna siya ng kaniyang kama at pagkalabas niya ng kuwarto, bumungad sa kaniya ang magandang ngiti ni Rina.  

 

Ngayon naman ay hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Inaalala niya ang huling usapan nila. Ang sabi ni Rina sa kaniya, hindi siya pumasok sa trabaho dahil gusto nitong kausapin siya; pinilit din siya ni Rina na matulog muna at magpahinga matapos kumain ng almusal at paggising niya, mag-uusap sila. 

 

Naalala niya na halos wala siyang imik buong umaga na dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari habang si Rina ay patuloy lang sa pag-asikaso sa kaniya.  

 

“Why did you get up too soon? Six hours ka pa lang natutulog,” sambit ni Rina at lumapit sa kaniya.  

 

“Wala ka sa tabi ko,” sagot niya. Nagulat siya sa sinambit habang si Rina ay malawak ang ngiti sa kaniya.  

 

“I’m sorry, I cooked lunch for us. Gusto mo pa ba matulog? Tatabihan ulit kita.”  

 

Gusto niya, pero hindi na rin siya makapaghintay na mag-usap sila.  

 

“Mag-aayos lang ako sa bathroom,” paalam niya dito. Nang makabalik siya sa living room, nakangiting naghihintay si Rina sa kaniya. 

 

“Baby?” Tawag ni Rina sa kaniya. Kanina pa siya natutulala at wala sa wisyo.  

 

“Okay lang ba na mag-usap muna tayo?” 

 

Kita niya ang paghinga ni Rina nang malalim bago tumango sa kaniya. “But let’s eat first,” sambit nito at hinila siya papunta sa dining area ng apartment. Nagpadala lang siya at hinayaan si Rina na asikasuhin siya habang ang mga mata niya ay nakasunod lang sa bawat galaw ng kaniyang girlfriend.  

 

“How was work?” Tanong ni Rina. Sumagot naman siya habang patuloy sila sa pagkain. Ramdam niya na kinakabahan si Rina at pilit na itinatago ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa kaniya sa mga nangyari sa trabaho niya.  

 

Malapit na sila matapos kumain. Habang hinuhugasan niya ang kanilang mga pinagkainan, ramdam niya na pareho silang hindi mapakali.  

 

“Where do you want to talk?” Tanong ni Rina sa kaniya nang matapos siya sa gawain. Hinawakan niya ang kamay ni Rina at hinila ito papunta sa balcony ng unit nila. 

 

“Are you sure you can tell me everything now?” Tanong niya. Gusto niyang makasigurado na hindi napipilitan si Rina at handa na talaga ito. Bahagyang ngumiti si Rina at pinisil ang kaniyang kamay. “Okay, I’m all ears, Rina. You’re safe with me...” 

 

Tumango si Rina. “I know ilang beses ko na nasabi sa’yo ‘to, but...I’m still sorry, Win. I want to start there.” Tumango siya. Bawat segundo, mas lumalakas ang tibok ng puso niya. Alam niya na kung ano man ang malaman niya ngayong araw, hindi magbabago ang tingin niya kay Rina.  

 

“I was afraid...did you know why—why Jeno and I broke up?” Kinakabahan na tanong ni Rina sa kaniya.  

 

Naalala na naman niya ang nabanggit ni Lia dati na hindi naging maganda ang break up nila ni Rina. Umiling lang siya bilang sagot.  

 

“I was in love with him,” mahinang sambit ni Rina. Humigpit ang kapit nito sa kamay niya at hindi niya alam kung bakit sa kung anong dahilan, parang sumikip ang dibdib niya. Nanumbalik lahat ng sakit n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet