LV. New Home.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Alas tres na ng hapon nang magising siya. Nagcheck muna siya ng phone dahil ang unang paalam niya kay Rina ay matutulog siya ulit pero kaninang alas onse pa ng umaga iyon. Hindi pa pala siya kumakain ng lunch dahil mas inuna niya ang tulog. 

 

May ilang messages din siya mula kay Rina.  

 

10:45 AM 

Rina: Babe, sleep well. I love you! 😘 

1:30 PM 

Rina: Hey, tulog ka pa ba? I’m bored here sa bahay wala si mom and dad 😣 

2:45 PM 

Rina: I talked to RJ and sinilip ka daw niya. RJ said you’re snoring 🤣 is that true? Do you snore? 

Rina: parang hindi naman kapag magkasama tayo natutulog. 

Rina: anyway, text me when you wake up! I have something to tell you pala.  

Rina: I'm just gonna clean up my room. Love you! 

 

Napangiti siya sa mga messages ni Rina. Natatawa rin siya dahil ramdam niya ang pagka-bored nito sa bahay. Nasa probinsya sila ngayon at magkikita sila mamayang gabi ni Rina. Wala namang ibang plano bukod sa pumunta lang sila sa malapit na mall. 

 

Kasama rin nila mamaya si RJ dahil may bibilhin daw ito sa mall.  

 

Win: Sorry, ngayon lang ako nagising. I’ll just wash up, eat then tawagan kita.  

Win: I love you! 

 

Hindi na niya hinintay na magreply si Rina. Matapos niyang maligo ay dumiretso siya sa kitchen nila para kumuha ng makakain. Halos wala ring tao sa bahay at sigurado siya na nagpapahinga si RJ sa kuwarto nito. Kapag ganito kasing kauuwi lang nila sa probinsya, may kani-kaniyang buhay sila. 

 

Hinahayaan lang naman sila ng tita niya na magpahinga.  

 

Katatapos niya lang kumain at maghuhugas na sana siya ng pinggan nang marinig niya ang boses ng tita niya na may kausap sa living room. Mukhang kararating lang nito at may kasamang bisita.  

 

“O, Win. Gising ka na pala,” bati sa kaniya ng tita niya.  

 

“Opo. Saan po kayo galing? May bisita ba tayo?” Tanong niya habang patuloy na naghuhugas ng pinggan. Lumapit sa kaniya ang tita niya at humawak sa kaniyang balikat.  

 

“Nagkita kami ng mommy ni Rina sa supermarket. Inimbitahan ko muna dito sa bahay para kumain,” panimula ng tita niya. Napatigil siya saglit pero hindi niya ipinahalata at nagpatuloy lang sa ginagawa. “Hinahanap ka niya.” 

 

Napahinga siya nang malalim. Mukhang naramdaman ng tita niya ang tensyon sa katawan niya dahil tinapik-tapik siya nito sa balikat. “Nagsabi na pala si Rina.” 

 

Tumango lang siya.  

 

“Maglalabas lang ako ng merienda. Labas ka na lang kapag tapos ka na, ha?” sambit ng Tita niya bago siya iwanan sa kusina.  

 

Nagcheck siya ng phone. Wala naman nabanggit si Rina na pupuntahan siya ng mommy nito. Gusto niyang sabihin kay Rina pero baka mag-alala lang ito at mapasugod pa sa bahay nila. Mas okay na siguro na makausap niya ang nanay ni Rina na silang dalawa muna. 

 

Huminga siya ng malalim bago lumabas ng kusina. Kita na niya sa bakuran nila na nag-uusap ang tita niya at mommy ni Rina. Nagtatawanan pa nga ang dalawa kaya medyo kumalma siya.  

 

“O, ayan na pala si Win,” sambit ng Tita niya.  

 

Ngumiti siya at sinuklian din naman ito ng ngiti ng mommy ni Rina.  

 

“Hi, Tita,” bati niya sa mommy ni Rina.  

 

“Win,” ngiti nito sa kaniya. Ramdam niya ang paglipat ng mga mata ng mommy ni RJ at nagmamadaling tumayo ito.  

 

“Nakalimutan ko pala gisingin si RJ. Maiwan ko muna kayo ha,” paalam nito. Hindi na niya napigilan ang tita niya at tumango na lang. Hiniling siguro ng mommy ni Rina na silang dalawa lang ang mag-uusap.  

 

“Win, upo ka,” sambit ng mommy ni Rina. Natatawa pa ito dahil nakatayo lang siya. Tumango siya at sumunod. Binabalot sila ng katahimikan ngayon. Panay ang inom ng juice ang mommy ni Rina habang siya naman ay palinga-linga sa paligid.  

 

“Uhm... kumusta po kayo, Tita?” Panimula niyang tanong.  

 

Ngumiti sa kaniya ang kaharap. “Okay naman. Nagkita lang kami ng tita mo sa supermarket. Nabitin sa kuwentuhan kaya nandito ako.” 

 

“Good to hear po,” sambit niya. Medyo napangiwi siya sa sinabi.  

 

“Nasabihan ka na ba ni Rina about sa dinner sana sa bahay namin next weekend?” Saglit na napakunot ang noo niya. Iniisip niya kung may napag-usapan ba sila ni Rina tungkol dito pero ang naaalala niya lang ay ang huling sabi sa kaniya ni Rina na may good news daw siya. 

 

Inaantok na kasi siya kanina kaya nagpaalam na siya. Ito siguro ‘yung good news. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi! Wala po ud, I just edited some parts 😅

Also, I don’t think magkakaroon pa ng another chapter since it’s already completed. If ever I decided to write some kind of a continuation ng muni-muni, it would be a part 2 na, not here. Skl 😆 Sorry if na-disappoint po kayo 🤧 kasalanan ni aff haha jk!
No comments yet