XXVIII. Antukin.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Hindi siya mapakali. Nakapag-wash na sila parehas ni Rina at tabi silang nakahiga sa kama ni Rina ngayon.

 

Hindi naman niya alam na seseryosohin pala talaga ni Rina ‘yung matulog sila nang magkatabi. Hindi naman awkward, pero parang mas hindi siya dalawin ng antok ngayon.

 

Para lang naman siyang nakainom ng sampung kape.

 

Sobrang magkadikit rin sila dahil maliit lang ang kama ni Rina.

 

“You’re stiff,” sambit ni Rina. “And you’re still awake.”

 

Pumikit na siya. Patay naman ang ilaw at hindi siya makikita ni Rina, pero pakiramdam niya, papagalitan siya nito dahil hindi pa siya tulog.

 

Pasado alas tres na rin ng madaling araw.

 

“Tulog na ako,” sabi niya.

 

“Idiot,” natatawang sambit ni Rina. “So, are we gonna debunk my theory? Parang hirap ka naman makatulog.” Hindi niya alam pero parang nangungutya ang boses nito sa paraan ng pagkakasabi sa kaniya.

 

Huminga siya nang malalim. Wala naman siyang iniisip ngayon. Madalas kasi, madami siyang iniisip kapag hindi siya makatulog.

 

“Is this your first time na may katabi ka sa kama?” Tanong ni Rina.

 

“No. I used to sleep with Isa—” Napapikit siya sa sinambit.

 

.

 

“Uhm... well, tabi kami dati. I mean, malaki ‘yung kama niya and doon ako tumutuloy sa bahay nila pero this time, sa bahay namin ako—”

 

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Rina. “It’s okay, Win,” bulong nito. “How did Isa take your decision?”

 

Nag-isip siya saglit kung sasabihin niya ba ang totoo o ‘yung pahapyaw na kuwento na lang. Parang ang pangit lang kasi na pag-usapan siya ngayon.

 

“Hindi ka pa inaantok?” Tanong niya.

 

“Hmm, now that you seem to refuse to answer my question, mas lalo lang akong nagising. C’mon, you can tell me what happened.”

 

“Okay, uhm... she asked me to stay,” panimula niya. Tahimik lang naghihintay si Rina sa susunod niya na sasabihin. “And then she confessed to me...”

 

Tahimik ulit. Napapalunok na siya at kinakabahan pero hindi niya magawang lingunin ang katabi.

 

“Rina?”

 

“Go on,” tugon nito sa kaniya.

 

Bakit parang malamig?

 

Nahihirapan ulit siya. Kapag mga ganitong kailangan niya magkuwento at sabihin kung anong nararamdaman niya o naramdaman niya sa ganoong sitwasyon, nahihirapan siya.

 

Parang mas madali lang kapag tungkol lang kay Rina. Kay Rina kasi, palagi siyang sigurado sa nararamdaman niya.

 

“I don’t feel the same,” tipid niyang sabi.

 

“Okay...” halos pabulong na sabi ni Rina.

 

Akala niya madali na lahat sabihin. Pero ngayon, hindi niya alam kung paano ba ikukuwento ang lahat.

 

“We talked,” patuloy niya, another attempt para magkuwento. “She apologized for asking me to stay and for not giving me the chance to decide for myself. I think we’re good now.”

 

“Hm...” Maikling tugon ni Rina. Maya-maya, nagsalita na ulit ito. “But what did you feel?”

 

“Saan?”

 

“When she asked you to stay and when she confessed to you.”

 

“I—I...” Pumikit siya saglit, pilit na inaalala ang naramdaman niya noong gabing nagtapat sa kaniya si Isa. “Malungkot and...and hiniling ko na sana hindi na lang ganun ‘yung sitwasyon namin. Sana hindi na lang niya ako nagustuhan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet