LIII. Pa Rin.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Bakit ba ayaw n’yo pa sabihin sa’kin kung sino unang nagmessage?” Tanong niya sa katrabaho. Kasama niya maglunch ngayon si Mark at Yeji sa isang restaurant malapit sa kanilang opisina. Alam na rin ni Mark ang tungkol kay Yeji at RJ. 

 

“Where’s the fun in that? I heard from RJ that you’re betting on me,” ngiti ni Yeji sa kaniya. Napangiwi siya. Nagkaroon kasi sila ng pustahan ni Rina tungkol kay RJ at Yeji. Sigurado siya na ikinuwento ito ng girlfriend niya sa pinsan niya at si RJ naman ay sinabihan si Yeji.  

 

“You made a bet with your girlfriend? What’s the prize, huh?” Nakangising tanong ni Mark. Nang lumingon siya kay Yeji ay nanunuksong nakangiti rin ito sa kaniya. Inabot niya ang baso ng juice at napainom. 

 

Wala pa naman silang napag-uuspan ni Rina sa kung anong mangyayari sa mananalo. Nag-aasaran lang naman kasi silang dalawa pero mukhang seryoso pa nga ang girlfriend niya. “Seriously, sabihin n’yo na lang sa’min para matapos na ‘to,” sambit niya. 

 

“Ayaw sumagot, Yej,” sabi ni Mark. 

 

“Hindi ko gustong manalo, curious lang ako,” pagsisinungaling niya. Ang totoo, gusto niyang manalo sa bet kahit hindi pa niya alam kung anong kapalit. Sabi kasi ni Rina, the decision will be after the result. In short, hindi niya alam ang pinapasok niya. 

 

Mas mukhang confident kasi si Rina na si RJ ang unang nagmessage.  

 

“Win, wala kang makukuha sa’kin,” natatawang sambit ni Yeji. “Papahirapan muna kita.” 

 

Inikot na lang niya ang kaniyang mga mata at hindi na namilit pa. Napunta naman ang mga usapan nila tungkol sa trabaho. Hindi rin sila nagtagal sa restaurant at bumalik na sila sa opisina.  

 

May fifteen minutes pa siyang natitira sa break kaya nagcheck muna siya ng phone. Napangiti naman siya sa nakitang message mula kay Rina. 

 

Rina: Baby, have you asked Yeji about that dinner with our friends? 

Rina: I think we’re okay to catch up with them this coming Friday. 

Win: Hindi pa. Tingin mo ba dapat ako ang mag-invite?  

Win: Shouldn’t it be RJ? 

Rina: Hm, pwede. I don’t think it matters for now.  

Rina: Pero let’s tell RJ din. 

Win: Okay po 😊

Win: Kumain ka na? 

Rina: Yes, baby 🥰 hbu?  

Win: Good. Katatapos ko lang din. 

Rina: Mmkay. That’s good.  

Rina: Baby? 

Win: Yes? 

 

Bahagyang napakunot ang noo niya. Madalas kasi, diretso si Rina sa mga gusto nitong sabihin pero ngayon panay ang litaw ng typing indicator nito. Mawawala tapos babalik. 

 

Rina: Do you mind if we have dinner na lang sa apartment tonight? 

Win: Sure. Kasama natin si Ate Irene? 

Rina: Nope, she’s busy with her resignation. Probably wrapping things up. 

Win: Hind siya uuwi? 

Rina: Do you want me to tell her na wag na umuwi? Is that what you want? 😙 

Win: 😒 

Rina: Hahaha I’m just kidding! She will be late so, let’s just cook na lang instead of going out.  

Win: Ge. 

Rina: ? 

 

Bahagya siyang natawa. Gustong-gusto lang talaga ni Rina na tinutukso siya pero kapag siya naman ang gumagawa nito pabalik, mas napipikon ito sa kaniya pero hindi naman sila umaabot sa punto na nag-aaway.  

 

Minsan, iniisip niya lang na gusto lang ba ni Rina na magpalambing. 

 

Win: Joke lang din! I have to go na. See you later, babe.  

Win: I love you. 

Rina: 🙄 

Rina: I love you too. 

 

Hindi na nawala ang ngiti sa kaniya. Kahit ganitong simpleng pag-uusap lang nilang dalawa sa text, ang lakas na agad ng epekto nito sa kaniyang mood. Naging magaan para sa kaniya nga mga tasks ngayong araw at hindi niya kinakailangan na mag-overtime.  

 

Hindi rin naman talaga siya makakapag-overtime dahil may plano sila ni Rina na magkita. Change of plans nga lang dahil sa halip na sa labas sila kumain, gusto ni Rina na magluto na lang sila sa place nito. Dahil naging busy siya matapos ang lunch, naging mabilis lang din na oras sa kaniya.  

 

Saktong alas sais, umalis na siya opisina para kitain si Rina sa lobby. 

 

Pagbukas ng elevator nasilayan niya agad si Rina sa may bandang likod. Hindi siya nito nakita dahil may hinahanap ito sa bag kaya tumabi na siya rito. Hindi naman siksikan ngayon sa elavator kaya mabilis siyang nakatabi kay Rina.  

 

Mahina siyang tumikhim. “Hello miss, p'wede ko ba makuha number mo?” Biro niya kay Rina. 

 

Pinanood niya ang naka-kunot na noo ni Rina na inalis ang tingin sa bag pero nagliwanag ang mukha nang makita siya. Sumimangot pa rin ito at hinampas siya. “Ew,” sambit nito. 

 

Hindi niya napigilan ang matawa at hinawakan ang kamay nito. Tago naman silang dalawa dahil nasa pinakadulo sila. “Ano ba kasing hinahanap mo d’yan?” 

 

“My phone. I was about to text you,” sagot nito at humawak sa kaniya pabalik.  

 

Nagbitaw din sila agad nang bumukas ang elevator. Masyadong marami pang nakakakilala sa kanila na mga ka-opisina. Hindi naman nila inililihim, pero nasa loob pa rin sila ng building at workplace pa rin ito. 

 

Nag-uusap sila tungkol sa iluluto nila mamaya nang marinig nila ang pagtawag kay Rina. “Karina!” 

 

Napatingin sila sa dalawang babae na naglalakad papalapit sa kanila. Isang blonde na malawak ang ngiti—mukkhang hyper ito; ang isa naman ay simple at kalmado lang na naglalakad papalapit sakanila. May mga hawak itong kape. Mga ka-opisina siguro ito ni Rina.  

 

“Hey,” pagbati ni Rina nang makalapit na ang dalawa. Tumigil sila sa side para hindi makaharang sa daan at doon nag-usap.  

 

Napatingin siya doon sa isang babae n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet