LVII. Run.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Huminga siya ng malalim bago tawagan si Rina. Kinakabahan siya. Muntik na magtampo si Rina sa kanya noong isang araw dahil natalo siya sa pustahan nila tungkol kay RJ at Yeji. Panalo kasi si Rina at tama nga na si RJ ang unang nagmessage sa katrabaho niya.  

 

Mahirap kasi ang gusto ni Rina at ilang beses niyang sinabi na iba na lang ang hilingin nito. Mga ilang oras din siyang hindi kinausap ni Rina. Naalala niya tuloy ang sinasabi ni RJ na minsan daw may toyo ang girlfriend niya kapag hindi pinagbibigyan. 

 

Nabanggit na rin ito ni Irene sa kanya na sobrang understanding ni Rina pagdating sa mga seryosong bagay pero may pagkamatampuhin daw ito kapag may maliit itong hinihiling pero hindi mapagbigyan.  

 

“Hello?” Sagot ni Rina sa tawag niya. Walang gana ang tono nito at alam niyang may kasalanan siya.  

 

Tumikhim siya at sinimulang... 

 

“I can show you the world  

Shining, shimmering, splendid”  

 

...kumanta. 

 

Narinig niya ang mahinang paghagikhik ni Rina sa kabilang linya at napasimangot siya. 

 

“Ayaw mo ba?” Tanong niya. 

 

Rinig niya ang pagpigil ni Rina sa pagtawa. “Sorry. Go on. From the start,” sambit nito.  

 

Nagbuga na lang siya ng hininga. Ito kasi ang hiling ni Rina—ang kumanta siya randomly, ‘yung tipong hindi dapat expected ni Rina. Magmula kasi ng kantahan niya si Rina sa KTV bar noon, hindi na siya tinigilan nito. Ang ganda raw pala ng boses niya pero hindi man lang alam ni Rina. 

 

Ito rin ang muntik nilang pinagtalunan. Ayaw niya sa hiling ni Rina; parang ngayon nga lang siya tatanggi sa hihilingin nito. Para sa kanya kasi, sapat na iyong isang beses na kumanta siya at sobrang kaunti lang ng mga kantang alam niya na bago. Puro luma kasi ang alam niya.  

 

Hindi naman sila umabot sa punto na mag-aaway sila pero depensa ni Rina na pumayag na siya sa kahit anong hilingin nito.  

 

Wala na siyang nagawa. Okay lang din naman, nagbabakasakali lang talaga siya na puwedeng maiba ang hiling ni Rina. 

 

Tumikhim siyang muli at ngumiti kahit na hindi siya nakikita ni Rina. Aayusin niya ngayon ang pagkanta. Sabi ni Rina, kahit isang verse lang ang kantahin niya, okay na.  

 

“I can show you the world  

Shining, shimmering, splendid 

Tell me, princess, 

Now when did you last let your heart decide?” 

 

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Rina. “Is the last part a question?”  

 

Napatawa na rin siya. “Okay na ba ‘yun?” 

 

“I’m s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi! Wala po ud, I just edited some parts 😅

Also, I don’t think magkakaroon pa ng another chapter since it’s already completed. If ever I decided to write some kind of a continuation ng muni-muni, it would be a part 2 na, not here. Skl 😆 Sorry if na-disappoint po kayo 🤧 kasalanan ni aff haha jk!
No comments yet