XXVI. Dito lang.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Alam mo ba na galit sa akin si Rina ngayon, ha? Win, simula noong naging magkaibigan kami, hindi ko namiss ang birthday niya!” Frustrated na sambit ni RJ.

 

RJ is currently driving. Pinahiram daw kasi sa kanila ng kuya nila ang kotse nito dahil matagal-tagal ulit itong mawawala. Kung saan-saang bansa kasi ito napapa-destino.

 

“Papatawarin ka naman niya, sure ako.” Pag-alo niya sa pinsan.

 

“Well, oo kapag nakita ka niya, pero hindi niya ako pinapansin simula kaninang umaga. May toyo rin talaga si Rina minsan, Win. Good luck na lang,” tawa ni RJ.

 

Napailing na lang siya. May party daw si Rina sa apartment nila at kumpleto ang lahat ng kaibigan. Wala namang iba pang nakakaalam na uuwi na siya—kahit pa nga sina Ning. Una niya lang naman kasi na sinabihan ang Tita niya at si RJ.

 

“So… ano ba… dito ka na talaga?”

 

Ngumiti siya at tumango.

 

“Woah woah,” manghang sambit ni RJ.

 

Tumawa siya nang malakas sa reaksyon ng pinsan.

 

“Paano na ‘yung bahay at ibang properties ng parents mo?” Tanong ni RJ.

 

“Tito Art will sell the house,” banggit niya. Ito ang tatay ni Isa na best friend ng kaniyang ama. “About the other properties, Tito said na pag-isipan ko muna. Basically, p’wede ko rin daw itong pagkakitaan—I mean, kumikita pa naman ‘yung iba pero it’s up to me kung gusto ko na ako ang mag-manage. Some distant relatives have been eyeing those properties ever since I left pero as long as nand’yan daw si Tito Art, hindi nila magagalaw ito,” mahaba niyang paliwanag.

 

“Sure ka na? About selling the house?”

 

Tumango siya. “Yeah. Hindi na naman ako dun titira. Sayang lang,” sambit niya.

 

“Ayaw mo gawing bakasyunan?”

 

“House maintenance is a lot of money, too. I live day by day sa salary ko and… sapat na sa akin ‘yung sa Batangas as a vacation house.”

 

Umismid si RJ. “Akala mo wala talagang pera.”

 

“I’m thinking of getting my own place here sa Manila.”

 

Marahas ang paglingon sa kaniya ni RJ.

 

“Front, RJ. Look at the front,” pagpuna niya dito.

 

“Mag-aasawa ka na ba?”

 

“Crazy,” bulong niya. “Anyway, nothing’s fully settled pa except sa house. I know I said hindi ko kayang bitawan pero… hindi naman ako makakausad nang ganito. I feel like that house has been tying me down. I was the one who couldn’t let go of those painful memories.”

 

Nakita niya ang pagngiti ng pinsan. “You’re doing great, Win.”

 

“I always do great,” sabi niya.

 

RJ snorted, “and now, bumalik na ‘yung conceited Win. Alam mo ba na pag nalaman nina Ning kung gaano ka ka-conceited dati, itatakwil ka ng mga ‘yon.”

 

It’s one of their inside jokes before everything went downhill. Madalas sila mag-usap ni RJ lalo na kapag naglalaro sila noong nakatira pa siya sa US at alam ng pinsan kung gaano siya ka-confident sa mga bagay-bagay.

 

Minsan lang naman ito mangyari. May pagka-competitive kasi siya.

 

“Anyway, chika ulit kapag kaharap na natin si Mommy. Magtatampo ‘yun,” sabi ni RJ. “May regalo ka ba kay Rina?”

 

Ngumiti siya. Nakabili na siya at sana lang ay magustuhan ito ni Rina.

 

Pasado alas diyes na nang makarating sila sa apartment nina Rina. Dahil sinundo siya ni RJ at may utang siya dito, si RJ ang nagsabi na siya ang magpa-plano kung paano surpresahin si Rina.

 

Ayaw niya sana ng plano. Puwede naman siya na magpakita na lang basta sa apartment nito pero ang daming nalalaman ni RJ. Mas maganda daw kung may dramatic effect kaya eto siya ngayon, nakaupo sa hood ng kotse habang hinihintay ang pakulo ng pinsan.

 

Mabuti na lang at nakapagpalit na rin siya ng damit bago bumaba ng eroplano. Simpleng white shirt, black jeans at zip up hoodie lang ang suot niya. Sa sobrang pagmamadali niya, wala na siyang time para maghanap pa ng ibang isusuot.

 

Huling message niya rin kay Rina ay noong bumati siya dito at sinabihang magiging busy siya buong araw.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet