Balik-tanaw.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Jeno was staring at her. Rina knew kahit na nakatalikod siya sa lalaki. It’s been two weeks since the night they fought and although Jeno reached out to her the next day, Rina wasn’t ready. Humingi siya ng panahon sa lalaki na makapag-isip—ayaw kasi nitong makipaghiwalay sa kaniya at hindi niya alam kung kaya niyang palagpasin ang mga masasakit na salitang sinambit ng lalaki.

 

Rina’s aware that she’s at fault too. She shouldn’t have treated Jeno that way pero hindi niya rin kasi mapigilan. Gusto niya lang din naman na ingatan ang sarili.

 

She also knew she’s asking for too much, at hindi dapat siya humihing ng kapalit sa lalaki. Nasasaktan niya rin si Jeno.

 

Rina just couldn’t wrap her head around their situation.

 

How can Jeno say that he’s doesn’t love her yet when he cared for her so much? Ramdam naman niya kasi na committed sa kaniya ang lalaki at gusto siya nito. Okay naman kasi sila before she confronted him. Maybe if she just chose to wait for him, baka nga okay pa sila ngayon. Part of her knew she was being impatient and she showed it by busying herself with other things.

 

Hindi niya sinasadya na pabayaan si Jeno, she just thought of it as a way to not push him too much. Hindi niya rin kayang pigilan ang sarili. Gusto niya iparamdam kay Jeno na mahal niya ito, but she didn’t know how to do that without making him feel like she was pressuring him.

 

“Butas na likod mo, Rina,” bulong ni RJ sa kaniya. Nasa library sila at nakaupo sa harap niya si RJ. Sa likod na table nila nakapuwesto si Jeno kaya kitang-kita ni RJ ang lalaki.

 

“Shut up,” she hissed.

 

“Sabihin mo kung abangan na ba namin ni Win sa kanto,” dagdag ni RJ. Napatingin siya sa kaibigan tapos nakarinig siya ng sunod-sunod na ubo sa kaniyang kaliwa. Rina almost forgot, kasama nga pala nila sila Win ngayon sa library dahil nagpapatulong si RJ dito sa computer graphics subject nila.

 

Sa kanan naman niya ay si Ning na natutulog. Si Win kasi at Ning ang magkasamang dumating sa library. Sila namang dalawa ni RJ ay nagpapalipas ng oras dito habang hinihintay ang susunod na subject.

 

Hindi na nga alam ni Rina kung paanong napagitnaan siya ng mgakaibigan. Umalis kasi saglit sina Giselle at Lia para kumain sa cafeteria.

 

“Idadamay mo pa ako,” tahimik na sagot ni Win.

 

Rina looked at the girl on her left. Seryoso itong may ginagawa sa laptop.

 

Napaisip na naman siya kung alam ba ni Win ang nangyayari sa kaniya at kay Jeno. Alam na rin ng ate niya ang nangyari sa kanila ni Jeno. Baka lang kasi nakuwento na rin ito ni Ate Irene niya kay Win.

 

Pero wala kasi talaga interes si Win sa kahit kanino. Sumilip siya saglit sa ginagawa ni Win. “Mid-point circle algorithm?” Mahina niyang tanong sa katabi matapos makita ang forumla na nakalagay sa notes nito.

 

Win’s eyes didn’t leave the screen. “Hm. I need to fill the circle. Or RJ needs to,” sambit nito at tumingin sa pinsan.

 

Tumawa naman si RJ, “hehe sabi ko nga ako d’yan. Nagpatulong lang naman ako, hindi ko naman sinabi na ikaw gumawa lahat!”

 

Win stopped whatever she was doing on RJ’s laptop and gave it back to her cousin. Napangiti siya sa dalawa.

 

Rina knew Win would’ve finished the work if RJ asked her to. Hirap kasi si RJ sa computer graphics habang ito naman ang forte ng pinsan at alam niya na likas na matulungin ang pinsan ni RJ. Kahit sina Giselle at Lia kasi kay Win nagpapaturo sa calculus subject nila dati.

 

Kaya palagi rin silang nasa bahay nina RJ. Rina was okay with her subjects. Sometimes she thought of asking Win for help, pero marami na itong tinutulungan at feeling niya, magiging awkward lang ang lahat. Kaya naman niya ang mga subject niya, maybe she just wanted to see how Win was to others. Sobrang patient daw kasi nito sa pagtuturo, kuwento nina Lia.

 

“Saan pala sina Yuna?” Tanong ni RJ. Nakatutok na ito ngayon sa laptop niya. Rina went back to solving equations while she can see Win playing with her pen from her peripherals.

 

“Kumakain. Kasama yata sina Giselle.”

 

“Wala na kayong klase?” Tanong ulit ni RJ.

 

“Tapos na,” sagot ni Win.

 

“Eh bakit nandito ka pa?”

 

“Nagpatulong ka ‘di ba? At nasa akin sasakyan ni Tita, hintayin na kita.”

 

Tahimik lang na nakikinig si Rina na mag-usap (o magtalo) ang magpinsan. “Rina, hatid ka na namin ni Win,” sambit ni RJ.

 

“No, hindi na. Out of the way ako,” sagot ni Rina.

 

“Alam ko, Rina. Aabangan ka na naman kasi ni Jeno,” bulong ni RJ. “Hayaan mo na kami muna maghatid sa’yo. ‘Di ba, Win?” Rina looked at Win who was just wearing a blank face. Parang hindi pa nito naiintindihan ang nangyayari.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet