II. Bahala na.
Muni-muni
Hindi na niya alam ang gagawin. Sa totoo lang, buong linggo na siyang pagod at kulang sa tulog. Isang linggo na rin kasi siyang puro overtime sa trabaho dahil may hinahabol ang team nila na deadline. Sa loob ng isang taon niya sa kumpanya niya, ito ‘yung unang beses na parang hindi niya nakikita ang katapusan sa hawak na project.
Naranasan na niya mag-overtime ng maraming beses. ‘Yung tipong kahit Sabado, papasok na lang siya imbes na umuwi sa bahay nila sa probinsya pero ito ang unang beses na hindi niya alam kung matatapos ba talaga nila ang project.
Sa simula pa lang kasi, mahirap na kausap ang kliyente na napunta sa team nila. Demanding. Mareklamo at maraming ipinapabago sa kanila. Madalas din mag patawag ng meeting at kahit na humihingi lang ang kliyente ng trenta minutos hanggang isang oras na meeting sa isang araw, umaabot sila ng dalawa hanggang tatlo.
Paulit-ulit lang din naman ang sinasabi ng kliyente nila.
Imbes na ilaan ang ilang oras na iyon para tapusin ang project, nauubos pa ito dahil sa meeting.Hindi na rin niya mabilang kung ilang designs na niya ang na-reject ng kliyente nila.
At muli, napagod siya sa pag-dedesign. Pinili niya ang pagiging graphic designer na career dahil ito talaga ang kanyang gustong gawin. Mahilig kasi siya mag-sketch dati. Gusto niya rin sana kunin ang course na Fine Arts, pero hindi niya itinuloy. Hindi lang naman kasi sa arts gusto niya mag-focus.
Marami rin siya gustong ma-explore bukod sa arts.
High school siya noong unang beses siya na nakahawak ng mga software application tulad ng Photoshop at Illustrator.
Hanggang ngayon, iniisip niya pa rin na sobrang impulsive ng desisyon niya sa pagkuha ng IT course. Hindi na lang niya masyado pang namroblema. Okay naman daw ang pinili niyang kurso at in-demand naman daw ito sa panahon ngayon.
Pero ngayon, may kaunting pagsisisi siyang nararamdaman.
Paano pala kung nag-focus talaga siya sa multimedia arts?
Baka hindi puro rejection ang natatanggap niya sa kliyente. Baka mas marami siyang input or ideas na ma-present sa mga ka-team.
Baka kailangan na niya talaga ng formal training.
Nakasubsob ang ulo niya sa desk, sandaling ipinapahinga ang mata. Alas otso pa lang at malamang, aabutin na naman siya ng hanggang alas diyes ng gabi sa office.
Gusto na niya umalis, sa totoo lang.
Naghihintay at nag-iisip siya ng pwedeng maging dahilan para iwan ang trabaho at ipagpabukas ang mga gawain. Hindi naman mandatory ang overtime sa kanila, pero ngayon, kailangan niya ng isang dahilan para makauwi—kahit gaano pa kababaw ito.
Please Subscribe to read the full chapter