XLIX. Threshold.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Isa calling... 

 

Saglit na napakunot ang kaniyang noo sa nakita. Nitong mga nakaraang araw, minsan na lang sila mag-usap ni Isa at madalas sa emails na lang tungkol sa mga update sa properties na naiwan sa kaniya ng mga magulang.  

 

Tinutupad kasi ng kaibigan niya ang sinabing lalayo muna siya para maka-move on at ang pagtawag ni Isa ngayon ay pahiwatig na may nangyari.  

 

Medyo kinakabahan siyang sumagot sa tawag matapos magpunta sa may emergency exit ng kanilang opisina. “Isa?” 

 

“Hey,” tugon nito sa kabilang linya. Napahinga siya nang maluwag dahil mukhang hindi naman urgent ang pagtawag ng kaniyang kaibigan base sa mahinahon na boses nito. “How’s everything going with you?” Tanong nito. 

 

“Good. Everything’s okay. You?” 

 

“Same. Well, not much happened, but we’re closing the deal regarding your house next week.” 

 

Ah. Nawala sa isip niya ang ibinebenta na bahay sa Amerika. Nitong mga nakaraan, ang mga natatanggap na email niya mula kay Isa ay mga potential buyer, pero hindi naman ito madalas na natutuloy at ngayon nga ay parang sobrang bilis naman ng mga pangyayari kahit na ito naman talaga ang patutunguhan sa huli.  

 

“Are you okay?” Tanong ni Isa.  

 

Napasandal lang siya sa malamig na pader.  “I’m fine,” sambit niya kahit na medyo sumisikip ang kaniyang lalamunan. Desisido siya na ibenta ang bahay pero hindi ibig sabihin nito, hindi na siya makakaramdam ng lungkot. 

 

“Dad wanted you here before we close the deal...” 

 

Tumango siya kahit hindi siya nakikita ng kaibigan. “I can’t go there right now and maybe it’s for the best.” 

 

“Hey, if you’re having second thoughts about this, we can postpone it again. You don’t have to do this right away.” Rinig niya ang pag-aalala sa boses ni Isa at sobra siyang nagpapasalamat pero kailangan niyang gawin ito.  

 

“Don’t worry, I can handle this. I have to do this, you know.” 

 

“For you to finally let go?” 

 

“Yeah. And well, I can always crash at your place if I ever visit there again,” mahinang tawa niya.  

 

Narinig niya rin ang pagtawa ni Isa. “You’re always welcome here, Winter.” 

 

“Thanks, Isa.” 

 

Binalot sila ng katahimikan pero walang nais magbaba ng tawag sa kanilang dalawa kahit alam nila na wala na silang pag-uusapan sa ngayon. Alam niya na gusto ni Isa pagaanin ang loob niya pero hindi rin nito alam kung paano. Sa kaniya naman, sapat na na alam niya na magkaibigan pa rin sila sa kabila ng lahat ng nangyari. 

 

Tumikhim si Isa, “uhm, I’ll have to tell my dad about your decision.” 

 

“Yeah. I’ll send him a message, too. Take care, Isa, and thank you so much...for everything.” 

 

“It’s what friends do, Win. Take care and let’s talk again soon.” 

 

Nanatili muna siya sa emergency exit ng building. Alas onse pa lang ng gabi at may anim na oras pa siya bago matapos ang kaniyang shift ngayong araw. Bukas naman ay diretso na siyang uwi sa kanilang probinsya kasabay si Rina at RJ. 

 

Nagpresinta si RJ na mag-drive pauwi dahil dala ulit nito ang sasakyan ng kuya nito. 

 

Bago bumalik sa kaniyang station, naisip niya na magmessage kay Rina.  

 

Win: Baby? Gising ka pa? 

Rina: Hey, I’m still up. Is there something wrong? 

 

Napangiti siya sa natanggap na reply. Wala pa naman siyang sinasabi pero mukhang alam na nito na may iniisip siya.  

 

Win: I miss you. 

 

Naghintay siya ng reply mula kay Rina pero napangiti siya nang makita na tumatawag si Rina. Agad naman niyang sinagot ang tawag.  

 

“Hey, okay ka lang?” Tanong nito. 

 

“I talked to Isa,” panimula niya. “Next week, iba na ang may-ari ng bahay.”  

 

“Baby...” Rinig niya ang lungkot sa boses ni Rina. Wala naman siyang tinatago kay Rina at nasabi na niya rin dito kung gaano ‘yung lungkot na mararamdaman niya kapag dumating ‘yung araw na kailangan na niyang pakawalan ang bahay. “Are you okay?” 

 

“I’m not,” pag-amin niya. “Pero it doesn’t mean I wouldn’t be okay after. I didn’t mean to dump this onto you, I just really needed to talk to you...” 

 

“Of course.” Parang nakikita niya na nakangiti si Rina. “I’m glad na ako ‘yung una mong naisip.” 

 

“Palagi naman kitang iniisip,” mabilis niyang sambit na dahilan ng saglit na pagpikit niya ng mata. Tunog pick-up line kaya medyo napangiwi siya kahit na may katotohanan naman talaga ang sinabi niya.  

 

Narinig naman niya ang malutong na tawa ni Rina sa kabilang linya. “I really wanna kiss you right now.” 

 

Naramdaman naman niya ang pag-iinit ng mukha. Kapag ganitong sobrang honest ni Rina sa mga gusto nitong mangyari at gawin, parang umuurong ang kaniyang mga salita at ‘di gumagana ang utak niya. “We’ll see each other later,” tanging sagot niya lang. 

 

“You sure you want to us kiss right in front of your cousin?” 

 

“Right, that would be a nightmare,” pagsang-ayon niya. Nakalimutan niya na kasama nila mamaya ang pinsan. “Sige na, you should sleep. Maaga pa tayo bukas,” sabi na lang niya.  

 

“You think you can work now? Do you want me to stay muna on line kahit a few minutes?” Alok ni Rina. 

 

“Okay na ako. Thank you,” sambit niya na may ngiti sa labi. 

 

“Okay. If you need anything, just call me, alright? I love you.” 

 

Hindi na yata siya masasanay na marinig ang mga katagang iyon mula kay Rina. Ganoon pa rin kasi ang nararamdaman niya—parang noong unang beses lang na binitawan nila ang mga salitang iyon. “I love you,” tugon niya dito.  

 

Bumalik siya sa working station niya na may ngiti sa labi. Nagsimula na ulit siyang magtrabaho nang maglapag si Yeji ng kape sa table niya at umupo sa chair sa harap niya. “Okay ka na? Masaya ka na?” 

 

Napailing siya sa tanong ng kaibigan. “Masaya naman talaga ako,” sagot niya lang at tinikman ang kape. Napakunot-noo naman siya nang maalala na ubos na ang coupon niya na free coffee from Yeji. Matagal na niya na-redeem ang sampung kape mula kay Yeji. “Bakit may kape? Nagpabili ba ako sa’yo?” 

 

Bigla naman nagseryoso ang mukha ni Yeji at parang nahihiya na magsabi. Minsan niya lang makitang ganito ang kaibigan. “Well, uhm...” 

 

“Ano ‘yun?” Tanong niya. Straightforward si Yeji at nakakapagtaka lang na umaakto ito ng ganito ngayon.  

 

Umayos ng upo si Yeji at mahinang umubo. “About your cousin...” panimula nito. Napataas ang kilay niya sa sinambit ni Yeji. Hindi muna siya nagsalita at hinintay ang kaibigan. Saglit muna siyang uminom ng kape nang magpatuloy ito. “Is she uhm...is she single?” 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Thank you po sa star! May part 2 pala siya hehe :D

Comments

You must be logged in to comment
Wagplease #1
Chapter 76: saan part 2 ssob?? huhu
0h_wtf #2
sana fluff 'to, pagod na ako umiyak sa mga angst stories huhu
emotaeyeon #3
Chapter 76: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
grabe lahams ko na tong fic na to 200% salamat po sa pag write
🤧♥️
iluvjiminjeong
#4
Chapter 13: ang apelyido ba ni Win ay "Hindi makatanggi kay Rina" ?? HAHAHAHAH anywayyy nakakakiligs, ramdam ko na paparating na ang romance 😳
iluvjiminjeong
#5
Chapter 12: ang sakit lang na wala na pala ang parents ni Win :( ang iyak ko sa chapter na 'to!
EzraSeige
#6
Time to relapse eme 😣😶😝😍💙❄
Kklavs #7
Chapter 12: oooh, so itong fic nga pala talaga iyong fic na iyon.
Kklavs #8
Chapter 11: kilergz
Kklavs #9
Chapter 10: ayieee
kwonjess13 #10
Chapter 60: hi win na di tatakbo. chariz! pero ung story ng parents nya ha nasabi ko na before na familiar. pero ung story ng breakup ng dad nya and ng ex nito...parang familiar din...anyway!!:nandito nga ko para magrelax at hindi magoverthink. so ang gagawin ko ay kiligin after ng i love yous nila.