XV. Huminga.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“RJ,” tawag niya sa kaniyang pinsan. Nasa probinsya sila ngayon.

 

Wala naman sila masyadong pinagkakaabalahan sa probinsya, madalas naglalaro lang sila ng console game o tulad ngayon, nanood ng movie.

 

Hindi na niya naiintindihan ang palabas. Kanina pa kasing lumilipad ang isip niya.

 

“Bakit?” Tanong ni RJ. Hindi siya nililingon ng pinsan at ganun rin naman siya.

 

“Si Rina ‘yung madalas kasama ko na magdinner kapag maaga akong umaalis tuwing night shift ko,” sambit niya. Isang bagsakan na lang.

 

Bigla naman ang paglingon sa kaniya ng pinsan. Napasimangot pa ito at humawak sa leeg. Gusto niyang matawa sa hitsura ng pinsan pero seryoso rin kasi itong nakatingin sa kaniya.

 

“Tapos?” Naghihintay lang ang pinsan.

 

Hindi niya pala masyadong napag-isipan ito. Ano naman kasi kung nagdidinner sila?

 

“Hindi ka namin inimbitahan kahit isang beses… ‘yan lang reaction mo?” Nagtataka niyang tanong.

 

RJ snorted. “Ano tayo, bata? Wala naman sa ‘kin ‘yun, Win. Ang tanong ko lang, bakit mo sinasabi sa ‘kin ‘to?”

 

“Kasi…” tumigil siya saglit. Nakaabang pa rin ang pinsan.

 

Ganito naman lagi si RJ.

 

Makulit siya sa maliliit na bagay pero kapag alam ng pinsan niya na nahihirapan siya, ngingiti lang ito at sasabihing hihintayin na lang siya nito hanggang sa maging ready siya para magsalita.

 

“Kasi… mas—mas napapalapit ako kay Rina nitong mga nakaraan.”

 

Ang hirap pala nito.

 

“At?”

 

Pakiramdam niya ay tinatrato siyang bata ng pinsan.

 

“At… “ napapikit siya saglit. Nahihirapan siyang bigkasin at ituloy ang gustong sabihin. Pero gusto na rin niya na gumaan ang pakiramdam niya.

 

Masyado na kasing mabigat.

 

“At ngayon, hindi na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya,” tuloy-tuloy niyang sabi.

 

Kita niya ang gulat sa mata ni RJ, kasama na ang pag-aalala. “Nasabi mo na kay Rina?” Tanong ni RJ makalipas ang ilang saglit.

 

“Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin.”

 

Huminga nang malalim ang pinsan at tumango. Humarap na ulit sila parehas sa TV at namuo ang katahimikan sa pagitan nila.

 

“Malapit na death anniversary ng parents mo,” pagbasag ni RJ sa katahimikan. Nakapako pa rin ang kanilang mga mata sa screen. “Babalik ka sa US? Kaya ba palaging tumatawag sa’yo si Isa?”

 

Hanggang ngayon, hindi niya sinasagot ang tawag ni Isa. Nakapag-message na siya dito na hayaan muna siya na mag-isip pero makulit ito.

 

“I don’t want to let go of the house, RJ,” mahina niyang sambit.

 

“Hindi mo naman kailangan ibenta… bibisita ka lang din naman kina Tita, ‘di ba?”

 

Hindi siya agad na makasagot. “I promised Isa I would go back once I graduate college. Kaya hanggang ngayon, nandoon pa rin ‘yung bahay.” Tahimik lang ang pinsan. Tumawa siya nang mahina, “A big part of me wants to go back kasi that’s what I promised…”

 

“Alam ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Thank you po sa star! May part 2 pala siya hehe :D

Comments

You must be logged in to comment
Wagplease #1
Chapter 76: saan part 2 ssob?? huhu
0h_wtf #2
sana fluff 'to, pagod na ako umiyak sa mga angst stories huhu
emotaeyeon #3
Chapter 76: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
grabe lahams ko na tong fic na to 200% salamat po sa pag write
🤧♥️
iluvjiminjeong
#4
Chapter 13: ang apelyido ba ni Win ay "Hindi makatanggi kay Rina" ?? HAHAHAHAH anywayyy nakakakiligs, ramdam ko na paparating na ang romance 😳
iluvjiminjeong
#5
Chapter 12: ang sakit lang na wala na pala ang parents ni Win :( ang iyak ko sa chapter na 'to!
EzraSeige
#6
Time to relapse eme 😣😶😝😍💙❄
Kklavs #7
Chapter 12: oooh, so itong fic nga pala talaga iyong fic na iyon.
Kklavs #8
Chapter 11: kilergz
Kklavs #9
Chapter 10: ayieee
kwonjess13 #10
Chapter 60: hi win na di tatakbo. chariz! pero ung story ng parents nya ha nasabi ko na before na familiar. pero ung story ng breakup ng dad nya and ng ex nito...parang familiar din...anyway!!:nandito nga ko para magrelax at hindi magoverthink. so ang gagawin ko ay kiligin after ng i love yous nila.