XIV. Sulong...

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

Ilang araw na siyang hindi pinapatahimik ng mga tanong ni Chenle. Hindi na niya ulit matandaan ‘yung huling beses na natulog siya nang mahimbing.

 

Hindi naman talaga siya madalas makatulog ng mahimbing pero nitong mga nakaraang linggo, parang idinuduyan siya pagbagsak pa lang ng katawan niya sa kama.

 

Busy si Rina. Minsan na lang niya ito makita at makasabay pauwi.

 

Hindi rin ito masyadong nagmemessage. Naiintindihan naman niya. Bukod sa wala siyang karapatan na magdemand mula sa kaibigan, sinabihan na siya agad ni Rina na marami siyang trabaho ngayon.

 

Pero hindi nito nakakalimutan na magsabi kapag nakauwi na siya. Ganun rin siya kay Rina.

 

Normal pa ba ito?

 

Naisipan niya mag-stay sa office ngayon kahit late na. Ayaw niyang humiga lang sa kama at tumitig sa kisame. Uuwi na lang siya bago mag alas diyes.

 

Wala namang kaso sa kumpanya kung mag-stay pa siya nang matagal o mag-file ng overtime, basta ba may reason at nagtrabaho naman siya kahit pa nga hindi urgent.

 

Inaya siya nina Yeji at Mark sa rooftop ng building para magpahangin. Pinag-uusapan pa rin ng mga ito ang ginawa nilang paglabas noong nakaraan kasama sina Yeonjun at Chaeryeong. Nag-enjoy naman siya na kasama ang mga ito at saglit na nawala ang mga isipin.

 

Naibigay na rin ni Yeonjun sa kaniya ang DnD starter kit set. Buong gabi, tungkol lang rin sa laro ang pinag-usapan nila. Mabait at very friendly rin naman si Chaeryeong.

 

Inalok sila ni Mark ng sigarilyo. Bahagya siyang natawa at kinuha ang isang stick habang ang singkit na mata ni Yeji ay nanlalaking bumaling sa kanya.

 

Natawa lang si Mark.

 

“You’re smoking?” Tanong ni Yeji.

 

“Dati,” nahihiya niyang pag-amin.

 

“Hindi halata,” sambit ni Mark habang sinisindihan ang sigarilyo. Lumayo rin ito nang kaunti sa kanila. Pinaikot niya lang ang stick sa daliri niya.

 

“That is so unexpected of you,” sabi ni Yeji.

 

“I used to smoked occasionally, lalo na kapag malamig,” kibit-balikat niya. Yeji narrowed her eyes sa kaniya. “Tumigil na ako, okay?” Natatawa niyang sabi.

 

“Then why are you still holding that?” Turo ni Yeji sa stick na hawak niya.

 

Inilagay niya ang sigarilyo sa bibig, “it’s a metaphor, see? You put that thing—” pinutol siya ni Yeji nang hampas sa braso.

 

Nakuha niya ang linya sa isang libro na nirekomenda sa kaniya ni Yeji. Mahilig kasi magbasa ng libro si Yeji. Pansin niya na hopeless romantic ang katrabaho base sa mga gusto nitong genre.

 

“Okay, Augustus. Corny mo,” irap sa kaniya ng katrabaho. Natatawa lang si Mark na pinapanood sila. Maya-maya ay nag-aya na itong bumaba sa office.

 

Nagpa-iwan muna siya, hawak pa rin ang stick ng sigarilyo.

 

Sa totoo lang, na-tetempt na siya. Iniwan rin kasi ni Mark ang lighter nito sa kaniya kung sakali daw na gusto niyang i-try. Pinandilatan naman silang dalawa ni Yeji ng mata.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet