XLV. Tiwala.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Nang magising siya, wala na si Rina sa tabi niya. Nagdiretso na lang muna siya sa banyo ng kuwarto para maligo. After lunch kasi, aalis na sila para bumalik naman sa Maynila.

 

Linggo na ngayon at may mga pasok pa sila bukas. Siya naman ay simula na ulit ang night shift para sa linggong ito. Busy na ulit siya at iniisip na nga niya kung kailan ba sila makakapag-usap ni Rina.

 

Pagkatapos niya magbihis ay siya namang bukas ng pinto ng kuwarto.

 

“Hey, uhm...good that you’re awake. It’s almost ten am and hindi ka pa kumakain ng breakfast,” bungad nito sa kaniya. Late na siya nagising. Kagabi lang kasi ulit siya nakatulog nang maayos. Ilang gabi rin siyang puyat sa dami ng iniiisip. 

 

Si Rina naman, mukhang tapos na rin mag-ayos ng sarili. Hindi na kasi ito nakausot ng pantulog at ayos na rin ang bag nito.

 

Ngumiti siya kay Rina. “Kumusta pakiramdam mo?” Tanong niya. Lasing na lasing kasi ito kagabi.

 

Para namang hindi makatingin sa kaniya ang girlfriend. Nag-aalala siguro ito sa inakto niya kagabi. Naisip niya lang na wala naman ganoong nangyari at parang malinaw pa nga ang isip ni Rina kagabi bukod sa pag-iyak nito.

 

“I’m okay. Uminom ako kanina ng gamot and...” nahihiya itong tumawa at kagat ang labi na nakatingin sa kaniya. “I didn’t do anything embarrassing last night, right?”

 

Tama ang hinala niya. Wala itong naaalala sa mga nangyari kagabi. May panghihinayang siyang nararamdaman pero okay na siguro ito sa ngayon.

 

Umiling siya at humakbang papalapit kay Rina na nakatayo pa rin sa may pinto. “You were just drunk pero nakatulog ka na rin agad,” pagsisinungaling niya.

 

Para namang nakahinga na nang maluwag si Rina at nakangiting tumango sa kaniya. “I’m sorry if I was messy—”

 

“Baby, it’s okay,” malumanay niyang sambit. Para namang nagulat si Rina sa sinambit niya. Sa kanilang dalawa kasi, siya ang mas nahihiya na tawagin ng ganito ang girlfriend. “Natulog ka lang talaga kagabi,” pagputol niya sa kung anumang iniisip ni Rina.

 

Inabot ni Rina ang kaniyang kamay. “Kain ka na? I cooked breakfast for you,” bulong nito. Tumango siya at magkahawak ang kanilang mga kamay na bumaba mula sa second floor.

 

Naabutan naman niya ang mga kaibigan sa living room. Si RJ mukhang may hangover pa dahil nakahiga ito sa couch. Sina Yuna at Ning daw ay naglangoy ulit kasama sina Beomgyu at Chenle.

 

Sina Lia at Giselle naman ay nakangiti sa kanilang bumati. Bumaba pa ang mga tingin nito sa magkahawak nilang kamay habang si Rina ay hila-hila siya papuntang dining room.

 

Pinapupo na siya nito. Handa na ang lahat at kakain na lang siya. “Eat, kumain na kami kanina,” sambit ni Rina at umupo sa tabi niya.

 

“Papanoorin mo ako?” Tanong niya.

 

“Should I leave? Uhm...if you’re not comfortable I can—”

 

“Can you stay?” Request niya rito. Parang bago lang ang lahat sa kanila ngayon at nangangapa pero ayaw niyang umalis si Rina sa tabi niya.

 

Masayang tumango si Rina at nagsimula na siyang kumain. Simple lang naman ang breakfast na inihanda nina Rina. Fried rice, beef jerky and egg. Tumayo si Rina para ipagtimpla siya ng kape.

 

“Hindi ba dapat ako mag-asikaso sa’yo? Ikaw kaya ‘yung hindi okay ang pakiramdam,” sabi niya nang makabalik ito sa kaniyang tabi.

 

“It’s okay, ikaw na ang nag-alaga sa’kin kagabi. I want to do this for you,” sambit nito.

 

Ito ba ‘yung bumabawi? Gusto niyang itanong pero baka mas maging awkward lang ang lahat.

 

Nagpatuloy lang siya sa pagkain kahit na ramdam niya ang pagsunod ng mga mata ni Rina sa bawat galaw niya. Parang may gusto itong sabihin pero hindi niya magawa.

 

Nang matapos siyang kumain, tumayo na siya para ligpitin ang pinagkainan pero pinigilan lang sya ulit ni Rina. Hindi naman siya nagpatalo at sinabihan ito na pumunta muna kina Lia.

 

Pumayag si Rina na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet