XLIV. Tahan Na.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Nakapaikot sila ngayon sa bonfire na ginawa nila habang nakaupo sa deck chairs. May mga ganitong gamit kasi sa rest house nila para rin sa mga customer nila na nirerentahan ang lugar kapag gustong magbakasyon. Mga alak at pagkain na lang talaga ang binili nina Ning kanina.

 

Naging okay naman ang maghapon nilang magkakaibigan. Ramdam ng mga ito na may problema sila ni Rina pero wala namang nag-ungkat nito. Ang weird lang din kung pag-uusapan nila ang nangyayari sa harap ng mga kaibigan.

 

Tinotoo niya ang sinabi niya sa sarili kanina. Hindi siya aalis sa tabi ni Rina. Hindi siya sigurado kung gusto ba ito ni Rina pero hindi rin naman nagrereklamo ang girlfriend niya. May isang pagkakataon na lihim pa siyang napangiti.

 

Hinila kasi siya ni Yuna kanina papalayo kay Rina at nakita niya kung paanong luminga-linga ito nang mapansin na wala na siya sa tabi nito at nang makabalik pa nga siya sa tabi nito, inabot ni Rina ang kaniyang kamay. Mukhang hindi naman siya mahihirapan na maghintay.

 

Hindi siya magpupumilit at ibibigay kung anong kailangan ni Rina.

 

“You’re not going to drink?” Bulong sa kaniya ni Rina. May hawak na beer si Rina habang siya ay walang gana na uminom. Baka malasing lang siya, mahirap na.

 

Umiling siya at ngumiti sa girlfriend. “I’m good.”

 

“Is it okay if I drink more?” Tanong ni Rina. Pangalawang bote na kasi nito at ubos na ang hawak ngayon.

 

Tumango siya. “Of course. But not too much, baka sumama pakiramdam mo bukas.”

 

Ngumiti sa kaniya si Rina at tumango bago tumayo para kumuha pa ng isang beer. Naramdaman naman niya ang tingin sa kaniya ng tatlo—sina Giselle, RJ at Lia. Mukhang nasabi na agad ni Lia sa kaibigan at pinsan ang nangyayari sa kanilang dalawa.

 

“Truth or dare!” Biglang sigaw ni Beomgyu. Nakikipagbulungan kasi ito kay Yuna kanina pa at mukhang may binabalak ang dalawa. Bigla namang nagprotesta ang lahat. Hindi na raw sila bata. Tumawa lang si Beomgyu at hindi nagpumilit.

 

Nakabalik na si Rina sa tabi niya at hindi nawala sa pansin niya ang paghila nito sa upuan nito papalapit sa kaniya bago tuluyang umupo.

 

Ang totoo niyan, pagod na silang lahat at kuntento na lang silang nagkukuwentuhan.

 

“Aminin mo na Ning, crush mo ako dati,” sambit ni Beomgyu. Nagtawanan naman ang lahat habang si Ning ay mukhang ready na lunurin ang lalaki.

 

“Sinabihan lang kitang cute dati. Feeling ka!” Pag-irap ni Ning dito. Napangisi na lang siya sa sarili habang pinandilatan siya ni Ning nang magtama ang mga mata nila. Tulad ng pangako niya kay Ning, may mga usapan na dadalhin niya hanggang hukay, kung ano man ibig sabihin nito.

 

“Tama, cute ka Gyu. But, pass. Totropahin,” singit ni Giselle.

 

“Grabe ka, hindi ko naman tinanong,” sambit ni Beomgyu na may kasama pang paghawak sa dibdib.

 

“Honestly, I never thought na magkakaroon ng couple sa group natin,” si Giselle. Nakatingin ito sa kanilang dalawa ni Rina at nakangiti. Lumingon siya sa girlfriend at nakangiti lang din ito habang ikinukuwento naman ni Giselle kung gaano ka-unexpected na magiging sila.

 

Akala raw kasi ni Giselle wala siyang pakialam sa mga ganito. Ngayon naman ay parang na-hot seat siya dahil kahit ang pinsan niya ay nagsalita tungkol rito. Naramdaman lang naman niya ang tingin sa kaniya ni Rina.

 

Tumikhim siya para magsimulang magsalita. “Ako rin naman, hindi ko naisip na magiging kami.” Tipid niyang sambit. “Wala akong balak kasi I was set on leaving this place para bumalik sa Amerika...”

 

Wala sa plano na magsasalita siya tungkol dito. Wala naman kaso sa kaniya dahil tapos na ito. Natahimik ang lahat saglit at parang hinihintay siya na magpatuloy. Magkadikit ang mga braso nila ni Rina ngayon pero kinuha niya pa rin ang kamay nito. Gusto niyang mahawakan si Rina habang nagkukuwento.

 

“Nasabi ko na ‘to dati kina Ning pero gusto kong sabihin ulit...I’m happy to be here. I don’t regret leaving everything behind sa US para lang manatili dito,” lumingon siya kay Rina. “And I know I won’t regret it—kahit anong mangyari,” halos pabulong niyang sabi. Sa sandaling iyon, parang nakalimutan niya rin na may mga kasama sila.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet