XVII. Stay.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

RJ: Umuwi ba kayo this weekend?

Giselle: Yep! Why?

RJ: Birthday ni mother, punta kayo hehe.

 

Sunod-sunod naman agad na sumagot ang mga kaibigan. Ito ‘yung gc nila na magkasama ang group nilang dalawa ni RJ. Nagkataon na lahat naman sila ay umuwi sa probinsya. Minsan lang ‘to mangyari kaya naman pumayag ang lahat sa biglaang pag-imbita ni RJ.

 

Kasama si Rina.

 

Napabuntong-hininga na lang siya. Ilang araw na mula noong huli niyang nakita si Rina. Ito pa ‘yung araw na nag-dinner sila ni Ning.

 

Hindi naman sila nagkasabay sa pag-uwi sa probinsya dahil kararating niya lang kaninang umaga habang si RJ naman at Rina ay magkasabay umuwi kagabi.

 

Nag-dinner kasi siya kasama ang mga kaibigan. Kumpleto sila kagabi nina Ning, Beomgyu, Chenle at Yuna. Dahil may dalang sasakyan si Chenle, doon na sila sumakay kaninang umaga pauwi ng probinsya.

 

Alam na nila ang lahat at tulad ni Ning, supportive naman daw ang mga ito sa kung anumang mapag-desisyunan niya—basta daw ba palagi siyang bibisita sa Pinas kung sakali mang maisipan niya na sa US na ulit tumira.

 

‘Yung tungkol naman kay Rina...

 

Hindi niya alam ang mangyayari mamaya dahil panay tukso lang naman ang natanggap niya sa grupo matapos umamin. Nakiusap naman siya na ‘wag silang manukso kapag kaharap si Rina.

 

Wala pa naman talagang masyadong nangyayari sa kanila. Ayaw niya lang maging awkward ang lahat.

 

Kinakabahan na siya. Dinner time pinapunta ni RJ ang mga kaibigan. Masyado kasing maraming tao ng lunch dahil may mga bisita pa ang Tita niya habang mamayang dinner ay sila-sila lang sa bahay.

 

Hindi na siya mapakali. Maya-maya lang kasi ay darating na sina Rina. Nag-aayos sila ni RJ sa likod ng bahay. Naglagay kasi ang mga magulang ni RJ ng mga table at chairs sa backyard dahil malawak dito at doon na nila ginanap ang birthday ng Tita niya. Wala naman naging program, sadyang kainan lang ang ganap.

 

May karaoke rin sila na inilabas para sa mga gustong kumanta. Sigurado na siya na sina Ning, Beomgyu, Lia at Chenle ang mga magiging suki nito ngayong gabi.

 

“Nakausap mo na si Rina?” Tanong ni RJ. Nililinis nila ang mga table. May mga naiwan kasi na mga pinggan ng mga bisita kanina. Isang long table ang gagamitin nila para kasya na silang magkakaibigan.

 

Hindi niya alam kung madandang ideya ba ito o hindi.

 

“Hindi pa,” sagot niya lang.

 

“Talagang papatagalin mo pa ‘yan?” Parang dismayadong sambit RJ sa kaniya.

 

“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Rina, RJ. Paano na lang kung bale wala lang pala sa kan’ya ang pag-alis ko?” Balik niyang tanong.

 

Inisip na rin niya kasi ito. Hindi siya ganoong confident sa kung ano mang nangyayari sa kanila ni Rina nitong mga nakaraang buwan.

 

Iniisip niya rin na baka siya lang naman ang nag-aalala.

 

“Eh pa’no kung big deal pala sa kan’ya? Win, the thing is kailangan mong ipaalam sa kan’ya. If may sabihin s’ya, then pag-usapan n’yo nang maayos. If wala lang sa kan’ya, then...well, alam mo na.”

 

Hindi niya alam kung alin ang mas gusto niya sa dalawang scenario na inihain ni RJ. Mas madali siguro kung walang sasabihin si Rina tungkol dito at sasabihan lang siya na mag-ingat sa pag-alis pero...hindi na niya ikakaila na masasaktan siya kung sakaling ganoon nga ang isagot ni Rina.

 

Kung big deal ito kay Rina, mas mahihirapan naman siya na mag-decide.

 

“Ang hirap sa’yo you’re already worrying about things na hindi pa naman nangyayari. Ang hilig mo mag-overthink wala ka pa naman ginagawa,” pag-lelecture sa kaniya ni RJ.

 

Sapul.

 

Napasimangot siya habang tinawanan lang siya ng pinsan. “I know Rina—probably more than you do—at hindi sya ganoon kababaw, Win. Kung sinabi mo agad sa kan’ya, pipilitin niyang intindihin at baka nga tinulungan ka pa niya sa mga worries mo.”

 

Sang-ayon siya kay RJ. Mas kilala nito si Rina. Hindi niya alam kung bakit ayun lang ang nag-register sa utak niya at may halong inis nang marinig niya iyon. Gusto niya rin makilala pa si Rina—mas higit pa sa pagkakakilala ni RJ sa kaniya.

 

“Ano ba sinisimangot mo d’

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet