VI. Somewhere Nice.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

7 PM.

Rina: Hey, Win.

Rina: Still at the office?

 

Kasalukuyan siyang nag-aayos ng gamit nang makatanggap ng message kay Rina. Sobrang bihira lang na makatanggap siya ng random message from Rina especially kapag hindi naman Friday night or Saturday ng umaga.

 

Usually kasi ang laman lang ng convo nila is kung nakauwi na ba siya sa probinsya; kung p’wede ba si Rina sumabay sa kan’ya if hindi pa siya nakakauwi.

 

Win: Yes, bakit?

Rina: Can you do me a favor?

Win: Hm?

Rina: I’m at the lobby right now and hintayin sana kita.

Rina: Is it okay if sabayan kita pauwi?

 

Mabilis siyang nagreply. Hindi na naman pinag-iisipan ang mga ganitong bagay. Kahit sino sigurong kakilala niya ang humingi ng ganitong pabor ay hindi niya tatanggihan.

 

Win: Okay.

Rina: Great! Whatever it is I say or do can you promise me you’d just go with the flow?

 

Weird. Anong meron?

 

Win: Sure, basta hindi illegal ‘yan.

Rina: Not illegal 😝

Win: Sige, pababa na ako sa lobby.

 

Nang makarating na siya sa lobby, nakita niya ang likod ni Rina, nakaharap sa isang grupo ng mga lalaki.

 

Kumunot agad ang noo niya.

 

Again, anong meron?

 

“Rina,” tawag niya nang makalapit na sa dating kaklase.

 

Lumingon si Rina, kasabay ng pagbaling sa kaniya ng mga mata ng kausap ni Rina. Simpleng pinasadahan niya ng tingin ang mga lalaki. Tatlo sila. Malilinis ang hitsura at p’wede na sumabak sa mga pageant sa barangay kapag piyesta.

 

“Hi, Win,” bati ni Rina. Malawak ang ngiti nito at mas dumikit sa kan’ya na para bang kailangan ni Rina maramdaman ang presensya niya. “Uhm, sorry I can’t go right now. I have plans,” baling ni Rina sa tatlong lalaki.

 

Ah, eto ‘yung weird. Na-gets na agad niya ang sitwasyon.

 

Matapos sabihin ni Rina na may plano sila ay agad din siyang ipinakilala ng dating kaklase sa mga kausap.

 

Co-worker ni Rina ang mga ito. Hindi na niya binalak pa na tandaan ang pangalan ng mga lalaki. Hindi na rin naman ulit sila mag-uusap.

 

“Well, Winter can come with us, Karina. Susunod din sina Somi and Minju so... the more the merrier! My treat, of course,” ngiti nung isang lalaki sa kanila.

 

Uy, libre. Pero mapilit amp.

 

“I’m really sorry, I can’t,” polite na sabi ni Rina.

 

Hinihintay niya na sumagot ang mga lalaki pero mga mukhang tanga lang ang mga hitsura ng mga ito na parang nangungusap ang mga mata nang bumaling sa kan’ya.

 

Wala naman silang mapapala sa kan’ya.

 

Hinawakan n’ya ang braso ng katabi. “Late na tayo sa reservation, Rina.”

 

Sanay na naman siyang magsinungaling—white lies, kumbaga. Nakita niya rin ang pigil na pagtawa ng katabi. Gusto niyang iikot ang mga mata pero bago niya pa ito magawa ay tumango na si Rina.

 

“We’ll go ahead. But thanks sa invitation,” sabi ng katabi at hinila na siya palabas ng building.

 

Hindi pa rin bumibitaw si Rina sa pagkakahawak sa braso niya at parang mas naging kumportable pa ito sa tabi niya nang tuluyang ipinulupot ang kamay nito sa kaniyang braso.

 

Naramdaman naman niya ang marahan na pagpisil sa kaniya ni Rina. “So, saan ka ba nagpa-reserve, Winter?”

 

Bibihira na siyang tawagin sa buong pangalan ni Rina. Wala na rin tumatawag sa kaniya nito kahit sa workplace. Nakakapanibago, pero hindi masamang pakinggan.

 

Sa wakas, inikot na niya ang mga mata. “Sabi mo go with the flow, Ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet