V. Tokis.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

RJ added you to the group.

 

Bagong GC na naman. Hindi na niya alam kung pang-ilan na ito. Nag-scroll siya sa mga members at ang mga members lang sa group chat ay ‘yung magkakalapit ang lugar na pinagtatrabahuhan.

 

RJ: Welcome welcome hehehe 🥳🎉

Rina: Rj, what’s this? Haha.

Giselle: God another group chat.

Giselle: I can’t keep up!

RJ: Tayo-tayo lang dito plus group nina Win.

Lia: Hello beautiful people! ☺️

Ning: Nu to? Mag-bebenta ka ba ng insurance RJ?

Rina: LOL

Chenle: Pass, Rj.

Beomgyu: Ako magbebenta ng insurance.

Yuna: Lmao shut up, Gyu. Wala ka sa sales 🤨

Yuna: Hello people!

Win: Hi.

RJ: Tipid naman 😒

RJ: Anyway, if hindi pa obvious, Ortigas-Makati-BGC peeps dito.

Ning: May discrimination? Kapag hindi dun nagtatrabaho di pwede sa gc?

RJ: NING!!! Alangan naman papuntahin natin dito yung mga outside NCR or even inside NCR pero malayo pa rin satin. May separate gc tayo para dun.

RJ: Anyway, hangout tayo minsan. Sawa na ako sa mukha ng mga co-workers ko.

Lia: I’m g lang anywhere, anytime.

Giselle: Same.

Rina: I’ve got free tickets sa No Way Home movie. You guys might want to watch if hindi niyo pa napapanood? Dito lang siya sa uptown mall, tho.

RJ: G!! Ilan tickets mo, Rina?

Rina: Ten. It’s from my manager.

Rina: How about Friday night? Anytime naman ‘yung ticket but better if we reserve the seats pa rin.

Ning: LFS?

 

Saglit niyang sinara muna ang messenger app. Hindi pa niya alam ang schedule niya this coming Friday.

 

Isa pa, napanood na niya ‘yung movie. Isinama kasi siya ni Mark at Yeji—mga katrabaho niya—sa premier night nito last week.

 

May kakilala si Yeji na organizer ng event. Nagkataon din na silang tatlo nina Mark ang laging magkakasama.

 

Diretso lang naman ang pag-vibrate ng kanyang phone. Nag-uusap-usap pa rin ang mga tao sa gc panigurado. Close naman ang dalawang grupo kapag nagkasama-sama na kaya hindi na nakakapagtaka kung ganun na lang kaingay sa gc.

 

Malapit na matapos ang lunch break niya at kailangan na niya mag-ayos. Mamaya na lang niya babalikan ang mga messages.

 

For the rest of the day, nakalimutan na niya ang gc. Hindi na rin naman masyado nag-vibrate ang phone niya after 1 PM. Bumalik na siguro sila lahat sa kani-kaniyang trabaho. Kung Friday night ang schedule, either diretso sila ng biyahe pabalik sa probinsya or Saturday morning na lang ulit sila uuwi.

 

Medyo hassle sa kan’ya.

 

Ayaw niya kasi talaga ng sobrang gagabihin. Bale wala naman ito sa pinsan. May pagka-kaladkarin kasi si Ryujin at minsan na lang talaga niya ito makasabay umuwi ng Friday night.

 

Busy naman si Rina. Dalawang linggo na ang nakalipas noong huling nakasabay niya ito pauwi sa probinsya. Si Rj naman ngayon ang sinasabayan ni Rina na Sabado ng umaga ang uwi.

 

“Win, p’wede ikaw na bumili ng coffee? Sa SB lang sa ground floor,” utos sa kaniya ni Mark. Wednesday at pay day. May pa-coffee na naman ang kanilang manager. Usually, si Mark ang designated person dito, pero may meeting daw siya ngayon.

 

Okay lang naman sa kaniya. Hindi naman siya ang gagastos.

 

After makuha ang order ng buong team at ang card ng manager, dumiretso na siya sa baba. Mahaba ang pila ngayon. Sabay-sabay yata ang break time ng mga company.

 

“Hi, Win.”

 

Si Rina.

 

“Hello,” bati niya sa nasa likuran niya. Nakapila rin si Rina.

 

“Break mo?”

 

Tumango siya. “Ikaw?”

 

“Yup! Parang ngayon lang kita nakita dito,” sabi ni Rina.

 

Hindi naman kasi siya ang madalas bumibili. “Ah, hindi kasi ako umaalis sa station ko kahit break. Marami ka bang bibilhin?” Tanong niya. Sampung coffee ang pinapabili sa kaniya.

 

“Nope, para sa akin lang,” sabi ni Rina.

 

“Una ka na.”

 

Ngumiti lang si Rina. “Gusto mo na ako umalis?”

 

Kumunot ang noo niya. Paano kami napunta sa ganoong interpretation?

 

“Hey, I’m just kidding. It’s okay, nauna ka so okay lang talaga.”

 

Sabi niya nga, hindi siya mapilit. Ayaw niya rin kasi ng pinipilit siya kaya hinayaan na niya ang dating kaklase. Mahaba pa rin ang pila at mukhang magtatagal talaga sila.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet