XXI. Sa'yo. Palagi.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Trapik. Palagi namang ganito sa Maynila. Si Chenle ang driver nila habang nasa passenger seat naman si RJ. Sa tabi naman niya si—

 

Bigla siyang nakaramdam ng paghawak sa kaniyang kamay. Nang lingunin niya ang katabi, nakangiti lang si Rina na nakatingin sa harap.

 

Tuluyang pinagsaklop ni Rina ang kanilang mga kamay. Maaga rin itong umalis sa trabaho para sumama sa paghatid sa kaniya.

 

Hindi na niya pinigilan si Rina. Gusto niya rin naman itong makita bago umalis.

 

“You’re cold,” bulong sa kaniya ni Rina. Bigla namang sumulyap si Chenle sa rear view mirror.

 

“Malakas ba ang aircon?” Tanong ni Chenle. Narinig pala nito si Rina.

 

Umiling siya.

 

Ang totoo niyan, kinakabahan siya.

 

Palagi namang ganito ang kaniyang nararamdaman tuwing aalis, kasama na rin dito ang lungkot at sakit tuwing maalala ang kaniyang mga magulang.

 

Ang mga kaibigan naman niya sa US ay hindi lumiliban at taon-taon na sinasamahan siya tuwing uuwi siya sa US. Close rin kasi ang mga ito sa kaniyang parents.

 

Sa bahay nila sa US sila madalas maglagi at naging hang out place na ito ng kanilang grupo kaya naman sobrang naapektuhan rin ang mga kaibigan nang mawala ang parents niya.

 

Tahimik lang sa loob ng sasakyan. Tulog na si RJ sa unahan at natatawa lang si Chenle na sumusulyap sa katabi.

 

“Chenle, kumain kayo bago kayo umuwi,” sambit niya.

 

“Libre mo?” Tanong ni Chenle.

 

Tumango lang siya.

 

“Yes!” Sambit ni Chenle na ikinagulat ni RJ. Nagising tuloy ang kaniyang pinsan. Natawa siya sa hitsura ni RJ.

 

Napailing naman siya kay Chenle na ngiting-ngiti. Kung kuripot siya, mas kuripot si Chenle. Mas mahilig ito sa libre kahit na ang yaman-yaman ng pamilya nito.

 

“How about you?” Tanong sa kaniya ng katabi.

 

“Sa airport na or sa plane mismo,” sagot niya

 

Tumango si Rina, “just make sure you get to eat.”

 

Maya-maya lang, they heard RJ snort. “Nakakasuka pala kayo.”

 

Biglang gumalaw si Rina at sinapak ang braso ng pinsan niya. “Rina ang sakit!” Sigaw ni RJ.

 

“Deserved. You’re annoying,” sambit ni Rina.

 

Natawa siya sa hitsura ni Rina. Nakasimangot kasi ito. Minsan niya lang makita si Rina na ganito.

 

“‘Wag ka na d’yan kay Rina, Win. Ang liit ng kamay pero ang bigat,” sagot pa ulit ni RJ.

 

Nakita na niya magbangayan sina Rina at RJ kahit noong college pa lang sila. Sumasakit ang ulo niya kapag nagsisimula na ang dalawa kaya madalas, pumupunta na lang siya sa kuwarto niya.

 

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Rina bago pa nito hampasin ulit si RJ.

 

“Nahulog si RJ sa kanal noong bata kami,” sambit niya.

 

“Win!” Si RJ.

 

Tumawa naman nang malakas si Chenle sa unahan habang si Rina ay pigil ang ngiti na nakatingin sa kaniya.

 

Parang ang lambing ng tingin sa kaniya ni Rina. Dapat nga matawa ito nang sobra. Premium info ‘yun tungkol kay RJ.

 

Pinisil ni Rina ang kamay niya. “I’ll take note of that for future blackmails.”

 

Natawa na rin siya. Naririnig pa rin niya ang pag-aalburuto ng pinsan at ang mga tanong naman ni Chenle kay RJ.

 

“It was a matter of life and death! Baki

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet