XII. Unang Hakbang.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Hindi niya alam kung matatakot ba siya sa ngiti ng kaharap niya. Kanina pa kasing pangiti-ngiti si Irene sa kaniya. “Go na, Win. Kain ka, treat ko.”

 

Tumango siya sa nakakatanda. Nahuli—nakita kasi sila ni Irene na papasok ni Rina sa isang Chinese restaurant malapit sa building nila. Dinner ulit with Rina. Tinotoo kasi ng kaibigan ang every other night kaya naman every other night rin ang pag-iisip niya nang dahilan para hindi sumabay kay RJ sa dinner.

 

“Bakit pala kayong dalawa ang magkasama? Hindi available si RJ?” Tanong ni Irene kay Rina.

 

Tumingin siya sa katabi at nakita ang pag-irap nito sa kapatid. “Ate ang sama pakinggan,” sambit ni Rina habang sinisimulan na halu-haluin ang canton na order ng kaibigan.

 

“What? Si RJ naman talaga ang madalas mo yakagin sa mga dinner kapag ayaw mo ng luto ko.”

 

Panay lang naman ang paglipat ng tingin niya sa magkapatid habang nag-aaway ang dalawa. “Si RJ ang madalas mag-invite sa ‘kin ng dinner, Ate.” Parang napapagod naman ang boses ni Rina.

 

“I invited Rina,” singit niya para matigil na ang dalawa. Malalate kasi siya kung hahayaan pa niyang magtalo ang magkapatid. “Night shift ako ngayon, Ate and Rina is uhm...working overtime?” Iniisip niya kung sapat na bang dahilan iyon para tigilan na ni Irene ang kapatid.

 

May halong katotohanan naman ang sinabi niya. Ang sabi kasi ni Rina, overtime siya kaya p’wede siyang sumabay sa dinner sa kaniya. Siya rin ang unang nagmessage kay Rina. Tinanong niya lang naman kung seryoso si Rina sa dinner at kung matutuloy sila para alam niya kung anong oras siya aalis ng apartment.

 

“Wow, Win... mas close tayo pero mas nauna mo ma-invite si Rina sa dinner.” Rinig niya na may halong pagtatampo sa boses ni Irene. May katotohanan din ang sinabi ni Irene. Mas close siya sa nakakatanda, pero ngayon…

 

“Ate, you’re always like that kay Win. Ang clingy mo,” naiinis na sambit ni Rina.

 

Natatakot na siya sa totoo lang.

 

“Ate Irene, last time na nagmessage ako sa’yo, sabi mo busy ka,” pag-segway niya sa usapan para hindi na magsagutan ang magkapatid.

 

“Right, sorry about that. Pero walang follow-up, Win?” Medyo nakanguso pa ang nakakatanda nang sabihin ito.

 

Hindi siya agad nakasagot at napakurap lang.

 

Mali ba?

 

Hirap pa rin kasi siya mag-arrange ng meet-ups kahit pa nga gusto niya ang makakasama.

 

“You’re making Win uncomfortable.” Ayan na naman ang impatient tone ni Rina. Maya-maya pa ay bahagyang iniharap ni Rina ang katawan sa kaniya at hinaplos ang braso niya. “Hey, kain ka na,” malambot ang boses na sabi ni Rina.

 

Napalunok lang siya. Ramdam niya ang titig ni Irene sa kaniya.

 

At ramdam niya pa rin niya ang nakapatong na kamay ni Rina sa may bandang pulso niya. Nakasuot naman siya ng jacket pero bakit parang tumatagos hanggang sa balat niya ang init na nanggagaling sa palad ni Rina?

 

“We’ll arrange another dinner, Ate,” ngiti niya kay Irene. Unti-unti naman na pinakawalan ni Rina ang hawak sa kaniyang pulso at nagsimula na itong kumain.

 

Tahimik lang na kumakain si Rina habang tuloy ang kuwento ni Irene. Parang first time manahimik ni Rina. Hindi siya sanay.

 

Usually kasi, si Rina ang maraming kuwento.

 

Pero hindi na rin nakakapagtaka. Mas madaldal kasi si Irene at kahit na sanay na siya dito, parang ayaw naman niya na halos walang imik si Rina.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet