LIX. Sueno.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan habang siya ay nagmamaneho papunta sa airport. Lumingon siya kay Rina na nakatingin lang sa labas ng bintana at sumilip naman sa sa rear-view mirror para tingnan si Irene na nakapikit ang mga mata. 

 

Siya na ang nag-offer na ihatid si Irene sa aiport. Sa pagkakakuwento ni Rina, ayaw ni Irene na magpahatid sa buong pamilya dahil mag-iiyakan lang daw sila sa airport. Nagmula din naman sila sa probinsya at nakita niya nga ang pag-iyak ng mga magulang nina Irene. 

 

Gamit nila ngayon ang sasakyan ni Irene. Sa pagkakaalam niya, iiwanan ito ni Irene kay Rina. Marunong naman magdrive si Rina at may lisensya na ito pero hindi pa kasi ito sanay magmaneho sa Maynila. Mas marami kasing sasakyan dito at hindi rin talaga hilig ni Rina ang magdrive dati pa kaya minsan niya lang ito makitang may dalang sasakyan. 

 

Napabuntong-hininga na lang siya. Ang bigat lang ng mood ngayon. Kahit nga siya ay nalulungkot sa pag-alis ng nakakatanda. Ang bilis lang din kasi na lumipas ang mga araw. Parang kailan lang, nagsasabi si Irene sa kaniya na aalis na ito sa trabaho dahil may apply ito sa ibang bansa at ngayon naman...siya na mismo ang maghahatid. 

 

Inaalala niya rin si Rina na kanina pang tahimik. Sobrang close lang kasi talaga ng dalawa at alam niya malaki ang magiging epekto ng pag-alis ni Irene sa girlfriend niya. Umiisip na siya ng mga bagay na puwede niyang gawin para maibsan ang lungkot ni Rina. 

 

“Sayang, I wouldn’t be here sa housewarming party mo, Win,” biglang sambit ni Irene. Hindi pala ito tulog. Malapit na kasing matapos ang place niya at naisipan niya na magkaroon ng simpleng pagtitipon kasama ang mga kaibigan niya at si Irene rin sana. 

 

Si Rina naman, hindi pa fully nakakalipat kaya mauuna siya.  

 

“Oo nga, Ate. Sorry, hindi pa kasi tapos ‘yung condo.” 

 

Tumawa si Irene. “Ano ka ba, walang problema do’n. Let’s videocall each other then condo-tour mo ‘ko.” 

 

Masaya siyang tumango. Hindi malayong ipagawa ito ni Irene sa kaniya at willing naman siya. 

 

“Ikaw Rina? You still have issues sa new place mo?” Tanong ni Irene. 

 

“Hm, I just need to move other stuff. Kuya will help daw next week since free siya,” sagot ni Rina. 

 

“Okay. Ingat ka sa pagdrive nitong sasakyan. Masikip dito sa Manila,” paalala ni Irene sa kapatid niya.  

 

“I don’t know if I want to drive, Ate. Baka iwan ko rin kina Mom. Just thinking of the traffic, napapagod na agad ako. Sayang naman if gagamitin ko lang once every two weeks para umuwi sa province. Sabi ko sa’yo you should’ve sold this car na lang,” paliwanag ni Rina.  

 

“Ayoko. This is my first car,” sambit ni Irene na parang bata na nagmamaktol.  

 

Mahinang natawa si Rina. “You’re too sentimental.” 

 

“Like you aren’t,” ganti ni Irene. “Ikaw ba, Win, gusto mo nitong car?” 

 

“You’re gonna sell this to me?” Tanong niya. Naisip niya na hindi rin naman masama kung sakali. Maganda pa ang kotse at maingat si Irene. Wala pa rin naman siyang plano na bumili at kahit na hindi niya rin hilig ang magdrive, naisip niya na convenient ito kung sakali man may mga pupuntahan sila na malayo. 

 

Lalo na kapag uuwi sa probinsya. Medyo magka-iba ang pananaw nila ni Rina sa convenient. Convenient kay Rina na matulog sa bus habang bumabiyahe pauwi habang siya ay mas convenient sa kaniya ang hindi makipagsiksikan sa bus. Hindi rin naman siya nakakatulog sa sasakyan. 

 

“Hm, p’wede. Pay me anytime you want,” kaswal na sambit ni Irene. 

 

“Okay,” sagot niya.  

 

Tumingin sa kaniya si Rina. “Are you serious? Baby, baka napipilitan ka dahil kay Ate. You just spent too much sa condo mo.” 

 

Narinig niya ang halakhak ni Irene sa likod. “Rina, kaya nga I said your girlfriend can pay me anytime. I don’t care if it’s next year pa.” 

 

Inabot niya ang kamay ni Rina. “It’s okay, Rina. Kapag wala akong ibayad, magtatago na lang ako sa ate mo.” 

 

“See, Rina? And tatakbuhan pa yata girlfriend mo,” biro ni Irene. “Anyway, I didn’t want to sell it dahil ayoko mapunta siya kung kanino lang. I know safe ang baby ko kay Win,” dagdag ni Irene. Sumilip siya ulit sa rear-view mirror at nagpalitan sila ng ngiti ni Irene. 

 

Napalingon siya saglit sa girlfriend at natatawa itong umiiling. Medyo magaan na ang mood nito kahit papaano. Kanina, gusto niyang bagalan ang pagmamaneho pero may hinahabol din silang oras.  

 

Napansin niya lang ulit na unti-unting nag-iiba na naman ang mood ni Rina habang papalapit sila sa airport at nang makapag-park na nga siya, ay halos hindi na umiimik si Rina at puro sil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Thank you po sa star! May part 2 pala siya hehe :D

Comments

You must be logged in to comment
Wagplease #1
Chapter 76: saan part 2 ssob?? huhu
0h_wtf #2
sana fluff 'to, pagod na ako umiyak sa mga angst stories huhu
emotaeyeon #3
Chapter 76: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
grabe lahams ko na tong fic na to 200% salamat po sa pag write
🤧♥️
iluvjiminjeong
#4
Chapter 13: ang apelyido ba ni Win ay "Hindi makatanggi kay Rina" ?? HAHAHAHAH anywayyy nakakakiligs, ramdam ko na paparating na ang romance 😳
iluvjiminjeong
#5
Chapter 12: ang sakit lang na wala na pala ang parents ni Win :( ang iyak ko sa chapter na 'to!
EzraSeige
#6
Time to relapse eme 😣😶😝😍💙❄
Kklavs #7
Chapter 12: oooh, so itong fic nga pala talaga iyong fic na iyon.
Kklavs #8
Chapter 11: kilergz
Kklavs #9
Chapter 10: ayieee
kwonjess13 #10
Chapter 60: hi win na di tatakbo. chariz! pero ung story ng parents nya ha nasabi ko na before na familiar. pero ung story ng breakup ng dad nya and ng ex nito...parang familiar din...anyway!!:nandito nga ko para magrelax at hindi magoverthink. so ang gagawin ko ay kiligin after ng i love yous nila.