XXXIII. Agam-agam.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Excited siya umalis ng office. Sabado ngayon at kahit hindi siya uuwi sa probinsya ay okay lang sa kaniya. Hindi rin kasi umuwi si Rina at inimbitihan siya nito na magdinner sa apartment nila. Si Rina raw ang magluluto.

 

Nasabihan siya dati ni Irene na hindi marunong magluto ang kapatid nito. Sabi naman ni Rina na nag-aral na siyang magluto mula noong nagtrabaho siya sa Maynila. Wala na siyang sinabi. Kahit ano pa yata ang ihain ni Rina sa kaniya, kakainin niya.

 

Malala na talaga ‘to.

 

“Nagmamadali?” Tanong ni Yeji sa kaniya. Nang mag-alas sais na ng gabi ay agad siyang nag-ayos ng gamit. Hindi normal na ganito siya. Madalas ay binabagalan pa niya ang kilos dahil ayaw niyang makisabay sa ibang mga empleyado na pauwi.

 

“May naghihintay sa’kin,” nangingiti niyang sambit. Naalala niya lang ang palitan nila ni Rina ng text kanina.

 

Win: 6 pm ang out ko ngayon. Alis din ako kaagad tapos diretso papunta sayo.

Rina: Okay. I’ll be waiting ;)

 

Umiling siya. Habang nagdadaan ang araw, mas nagiging corny silang dalawa. Lumingon siya kay Yeji na parang nag-cringe sa sagot niya. “Hay nako, pakilala mo na ‘yan sa’kin. Gusto kong makita kung sinong gumawa sa’yo nito.” Sambit ni Yeji at itinuro ang pisngi niya. Nagpaalam na rin agad siya kay Yeji matapos niyang makapag-ayos ng gamit.

 

Nagmamadali siyang sumakay ng elevator. Buti na lang at hindi ito masyadong puno. Maglalakad na lang siya papunta sa apartment nina Rina. Malapit na lang naman ito.

 

Takbuhin ko na lang kaya?

 

Naputol ang kaniyang mga iniisip nang makalabas siya ng building at nakita si Rina na naghihintay sa kaniya. Wala ito sa plano nila. Kumaway si Rina na may malaking ngiti nang magtama ang kanilang mga mata.

 

Napangiti na rin siya. Pakiramdam niya nga, mapupunit ang kaniyang labi sa lawak nito. Huling kita kasi nila sa isa’t isa ay kahapon pa ng umaga. Hindi naman ganoon katagal pero namiss niya talaga ang girlfriend niya.

 

Girlfriend. Mas lalo lang siyang napangiti pero pilit na itinago.

 

“Hey, akala ko hihintayin mo ako sa apartment?” Tanong niya nang makalapit na siya kay Rina.

 

Umiling si Rina at nagsimula na silang maglakad. “Masama bang sunduin ka?”

 

Mahina siyang natawa. “Wala naman akong sinabi...”

 

“Hmm, how’s work?” Tanong ni Rina. Magkadikit ang kanilang mga braso na naglalakad. Sumagot naman siya sa tanong ni Rina at sinabi ang mga ginawa niya ngayong araw, pero may iba siyang iniisip. Panay ang sulyap niya sa kamay ng katabi na kanina pang dumadaplis sa kaniyang kamay. Hindi niya alam kung sinasadya ba ito ni Rina o talagang magalaw lang ang kamay nito kapag naglalakad.

 

Napapalunok na lang siya tuwing dumidikit ang kamay ni Rina sa kaniya. “So, you can go home na next week? We can—”

 

“Can I hold your hand, Rina?” putol niya kay Rina. Tinutukoy yata nito ang pag-uwi niya sa probinsya pero hindi na rin siya nakasagot.

 

Napatigil naman at napatingin sa kaniya si Rina. Maya-maya lang ay ngumiti na ang katabi at ito na mismo ang kumuha sa kamay niya. “Of course, you can. You didn’t have to ask, Win...”

 

Marahan na pinisil niya ang kamay ni Rina. “Every time na may gusto akong gawin na kasama ka, I feel like I have to ask first. Bago pa lang kasi sa akin ang lahat, Rina...and, kahit na this isn’t your first relationship, it’s still uhm...” nahihirapan siyang ituloy. Ito na naman siya. Bakit ba kasi ang hirap sabihin lahat ng nasa isip niya?

 

Mas madali siguro kung kaya ni Rina basahin ang lahat ng iniisip niya.

 

Naramdaman na niya ang paghigpit ng hawak ni Rina sa kaniyang kamay. Para namang kumalma siya at huminga nang malalim. “I just want you to be comfortable with everything you do with me,” sambit niya.

 

“I am comfortable with you,” bulong ni Rina pero enough na ito para marinig niya. “Let me know din if I do something that makes you uncomfortable.” Tumango siya. Saglit silang ngumiti sa isa’t isa na parang may pinagkasunduan bago nagsimulang muli na mag-usap sa kanilang araw. Para namang mas naging kumportable sila na magkadikit habang naglalakad.

 

Wala rin silang pakialam sa mga tao sa paligid kahit pa nga ang bagal nila maglakad.

 

Nang makarating sila sa apartment nina Rina, pinaupo siya nito saglit sa couch habang nag-aayos ng kanilang dinner. Nag-offer siya na tumulong pero sinabihan lang siya nitong magpahinga. Hindi rin naman siya nakatiis at sinundan si Rina sa kitchen.

 

Natatawang umiling si Rina nang makita siya na nakasandal sa may kitchen counter. Mas okay manood sa malapitan.

 

“So, si Ate Irene ang umuwi ngayon sa bahay n’yo?” Tanong niya. Lumayo siya sa kitchen counter at akmang kukuha ng mga pinggan at kubyertos pero pinigilan lang siya ni Rina.

 

“Stop. Ako lang dapat,” sabi nito. “And yes, umuwi s’ya this week...”

 

Nagpaubaya na siya sa girlfriend.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
forkey
Thank you po sa star! May part 2 pala siya hehe :D

Comments

You must be logged in to comment
Zeke_L #1
Chapter 76: 💙💙💙
Zeke_L #2
Start start
tobykaiii
#3
Chapter 76: This is so good. Part of my faves now!
Wagplease #4
Chapter 76: saan part 2 ssob?? huhu
0h_wtf #5
sana fluff 'to, pagod na ako umiyak sa mga angst stories huhu
emotaeyeon #6
Chapter 76: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
grabe lahams ko na tong fic na to 200% salamat po sa pag write
🤧♥️
iluvjiminjeong
#7
Chapter 13: ang apelyido ba ni Win ay "Hindi makatanggi kay Rina" ?? HAHAHAHAH anywayyy nakakakiligs, ramdam ko na paparating na ang romance 😳
iluvjiminjeong
#8
Chapter 12: ang sakit lang na wala na pala ang parents ni Win :( ang iyak ko sa chapter na 'to!
EzraSeige
#9
Time to relapse eme 😣😶😝😍💙❄
Kklavs #10
Chapter 12: oooh, so itong fic nga pala talaga iyong fic na iyon.