Unang Subok

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Makalipas Ang Mahigit Isang Taon...

 

 

December 2, 2026

 

Ngayon ang flight namin ni Catalina papunta sa America. Nakapag desisyon na kami at oras na para gawin namin ang matagal na namin binabalak, ang magpakasal. Buwan ng Disyembre talaga ang napili namin para hindi na ganun ka-hectic ang schedule sa farm at gusto din ni Catalina na maitapat sa winter. Alam din ng mga pamilya namin na ngayon na namin gagawin to at sinusuportahan nila kami.

 

 

Ilan buwan na ang nakalipas simula nung ma-engage kami ni Catalina. Hinding hindi ko malilimutan yun.

 

 

May nangyari nung buwan ng February, may isang umaga na nagising ako at wala sa tabi ko si Catalina. Ang tagal ko siyang hinanap sa mansyon pati na din sa bakuran. Natigil lang ako nung sinabi nila Nana Carmilla na nakita daw nilang siyang bumababa sa bangin. Sumunod kagad ako para hanapin siya, naabutan ko siya na nakaupo sa pampang at nakatingin sa dagat. Naghanda pala siya ng almusal at mag ppicnic kami. Akala ko normal na umaga lang ang naghihintay sa akin pero hindi pala. Grabe pa din ang epekto sakin at kinikilig ako tuwing maaalala ko yung nangyari sa amin ni Catalina.

 

 

Habang kumakain kami, bigla siyang nabilaukan nung sinubo niya ng buo yung pandesal, sobrang kinabahan ako nun dahil nakita ko na hindi na siya makahinga at inuubo na. Hindi na ako nagdalawang isip at ginawa ko yung first aid na alam ko, pinalibot ko yung mga braso ko sa ilalalim ng ribs niya at hinatak ko siya ng paulit ulit. Nilakasan ko yung pwersa hanggang sa tumalsik na yung pagkain na nakabara sa lalamunan niya. Naguluhan pa ako nun dahil napansin ko na kuminang yung pandesal na nanggaling sa bibig niya. Nung nilapitan ko para tignan, mas lalo akong naguluhan at hindi ako nakapag salita nung ma-realize ko na kung ano yun. Kumuha ako ng tissue at dinampot ko, hindi ko na mapigilan kiligin nung nakita ko na nakatingin na sakin si Catalina at ang ganda ng ngiti niya. Kinuha niya yung singsing at saka siya lumuhod. Nakakahiya man aminin pero naiyak pa ako nung mismong oras na yun. Walang pagaatubili, sinagot ko siya ng oo. Sobra yung emosyon na bumalot sa amin dalawa at niyakap ko siya ng sobrang higpit dahil grabe yung saya na naramdaman namin. Hindi ko talaga inasahan na aayain na niya ako, ang buong akala ko ay nabilaukan lang siya sa pandesal, hindi ko talaga inexpect na aayain na niya pala akong magpakasal.

 

 

Tuwang tuwa yung mga kapatid ko nung ibinalita ko sakanila, lalo yung kakambal ko. Umuwi pa talaga si Cheche para lang icongratulate kami ni Catalina dun sa engagement. Nagkaroon din kami ng maliit na salo salo sa mansyon na umattend ang lahat pati si ate Taeyeon. Sobrang saya dahil pumayag din kagad yung side ni Catalina. Naghintay nga lang kami ng sampung buwan bago gawin yung kasal dahil bukod sa nagsave muna ako ng pera para sa travel namin, hindi ko din basta basta pwedeng iwanan yung trabaho ko sa farm. Tinapos ko muna lahat bago dumating ang buwan ng December para wala na akong iisipin kapag umalis kami ni Catalina.

 

 

 

11:30pm

 

May kinse minutos na ang nakalipas simula nung mag take off itong eroplano. Business class yung ticket na binili ni Catalina para daw hindi kami mangalay at makatulog kami ng maayos. Nandito kami sa pinaka dulo bandang likod, magkatabi lang yung cabin namin at naiusog ko na yung harang kaya nakikita ko pa din siya. Fifteen hours flight time na diretso papuntang Las Vegas, two weeks kami na magbabakasyon sa America kaya sobrang excited na ako. Yung Baba ko ang nag ayos at namili ng mga pupuntahan namin, nagpatulong daw siya kay doc Yeji pati kila Gisele kaya wala na daw akong dapat intindihin. Parang tatlong araw din kaming nag impake ni Catalina, winter season sa America ngayon pero buti nalang pang malamig talaga ang katawan namin kaya hindi namin kailangan magsuot ng makakapal na damit.

 

 

"Psst."

 

 

"Psst!"

 

 

"Psst!"

 

 

"Huy ano ba wag." umiwas ako at hinuli ko yung kamay na kanina pa kalabit ng kalabit sa tenga ko. Busy akong pinipindot yung monitor sa harap ko para manonood ako ng movie pero may maliit na kamay na kanina pa ako inaabot at hindi tumitigil kakakalabit sakin.

 

 

"Psst."

 

 

"Ssshh teka."

 

 

"Waaah!" nagulat at natawa ako nung bigla siyang sumigaw at sumilip mula sa kumot. "Hahaha pansinin mo kasi siya. Kanina ka pa niya tinatawag, hindi ka manlang tumitingin." banggit sakin ni Catalina.

 

 

"Sorry." mas tinulak ko pa pababa yung harang at sinilip ko silang dalawa. Nakita ko na ang cozy ng pwesto nila at nakakumot na. "Yes ano yun?" inangat ko yung blanket at sinilip ko yung bata na yakap niya. "Gusto ko tumabi sayo."mahinang sabi niya sakin. Ang ganda ng pwesto ng baby kiti kiti namin na nakasuot pa ng chaleco at yung beanie na bagay na bagay sa kulot niyang buhok. Kung sa ibang tao, parang nakatuping mga tela lang ang nakikita nila, sa paningin namin iba. Grabe, sobrang cute ni Lucila sa ayos niya ngayon,binihisan talaga siya ni Catalina dahil mag ttravel kami. Kahit pa hindi namin mapalitan yung dress pati yung sapatos niya, at least nakakapagsuot siya ng accessories at ibang damit na pinapatong lang.

 

 

"Minjeon dyan ako sa pwesto mo."

 

 

"Gusto mo dito? pero sabi ni Catalina dyan ka daw sakanya dahil baka lumipad lipad ka. Baka pumasok at makipindot pindot ka pa sa mga piloto, mamaya kung saan tayo mapunta." kinalabit at tinawag ko si Catalina. "Ba may naisip ako."

 

 

"Haha sige ano yun Bubu."

 

 

"Naisip ko lang, dapat may airplane mode itong baby kiti-kiti natin noh?"

 

 

"Ano ba yan Minjeon naman eh."

 

 

"Hahahaha biro lang." umayos siya ng upo at nilingon si Catalina. Nahalata ko na nagpapaawa at nanguuto nanaman yung muka niya. "Mama Catalina," mahinang tawag niya. Ang amo ng muka na akala mo kerubin na napaka bait, sigurado ako magpapauto naman sakanya itong Baba ko.

 

 

"Ano ang gusto mo?" tanong ni Catalina. Sabi ko na nga ba.

 

 

"Gusto ko po kay Minjeon." sabay turo sakin. Napakamot ulo ako dahil sigurado susundin nanaman siya ni Catalina. Balak ko pa naman manood ng movie pero gusto daw niya dito, ang tagal tagal pa naman ng biyahe.

 

 

"Bubu." Hindi ko nalang pinansin, nagpatuloy ako sa pagpindot at nagbibingi-bingihan ako.

 

 

"Bubu."

 

 

"Bubu."

 

 

"Minjeong." pumikit at nagtalukbong na ako nung marinig ko yung sunod sunod na pagtawag niya."Bubu sige na, hayaan mo na. Gusto daw niya dyan sayo." hindi ako kumikilos at hindi ko talaga sila tinitignan.

 

 

"Minjeong ano ba."

 

 

"Ano ba yun?" pagbangon ko, medyo natawa ako sa itsura nilang dalawa. Parehas na ang amo ng muka at parang nagpapaawa. Muka nanaman big baby itong Baba ko kaya hindi ko din siya matitiis. "Ano ba gusto niyo? natutulog na ako eh."

 

 

"Anong natutulog hindi ka naman inaantok. Dyan daw siya sayo."   "Gusto ko po dyan."

 

 

"Eh pano ako magmmovie?"

 

 

"Gusto ko din po mag movie."

 

 

"Gusto din daw niya manood kaya sige na. Kunin mo na tong baby natin."

 

 

"Ano ba yan, baby pero ang galing magsasagot tsaka pilosopo. O sige na nga halika na."

 

 

"Wag aalis Lucila dyan ka lang kay Minjeongie." sinundan ko ng tingin nung bigla siyang lumipad at naglanding sa kandungan ko na nakangiti. "Hindi ka lang kiti-kiti para ka din tuko hindi ka na talaga mahiwalay sa akin." Inangat ko yung blanket, pinahiga ko sa akin si Lucila at niyakap ko. "Tsaka bakit ikaw kapag kay Catalina mama, tapos kapag ako Minjeon lang. Ano ba yan, kalaro mo lang ba ako?" tinitignan ko yung muka niya habang pinapaayos ko ng higa."Hindi bagay na tawagin kitang Mama." balik niya sakin. Inayos ko yung beanie na suot niya at pinahiga ko na na parang baby.

 

 

"Ah ganun. Okay, ayaw ko na nga sayo." nag iwas ako ng tingin at nagpapanggap na nagtatampo pero niloloko ko lang naman siya.

 

 

"Sorry po, sorry mama Minjeon."

 

 

"Ay oo ang panget nga. Hahahaha Minjeon nalang."

 

 

"Hahahaha ano ba yan."

 

 

"Ang panget eh, tama siya hindi talaga bagay." tumayo si Catalina para ayusin yung blanket at kinumutan niya kami ni Lucila. "Thanks Baba."

 

 

"Salamat mama."

 

 

"Ang sweet naman talaga ng baby namin na to." nagsmile siya sakin at pumikit na. "Good night Baba." bati ko kay Catalina. Hinawakan niya ako sa muka at hinalikan ako sa labi. "I love you, Lucila wag kang aalis kay Minjeongie." hinalikan niya sa pisngi itong bata na yakap ko bago siya umayos sa pwesto niya.

 

 

"Gusto mo ba matulog o manonood tayo?"

 

 

"Gusto ko po manood!"

 

 

"Hahaha okay sige anong gusto mo na movie?"

 

 

"Barbie Dreamhouse."

 

 

"Ha? eh ang haba nun eh. Series yun."

 

 

"Opo yun po ang gusto ko."

 

 

"Parang wala akong nakita, konting cartoons lang yung meron sa choices tinignan ko kanina."

 

 

"Meron, kanina sinubukan na namin. Tignan mo dyan sa for kids, nakita ko na kanina yun eh." tinitigan ko siya at sinusubukan kong kausapin gamit ang pagbulong. Bnbluff ko na nga si Lucila para makanood ako ng movie na gusto ko pero ang daldal naman nito ni Catalina.

 

 

"Bakit Bubu? bakit mo ako tinitignan ng ganyan?" tanong niya sakin, halatang nagtataka pa siya at hindi niya nakukuha yung gusto kong iparating. "Bakit ba?"ulit niya. Hindi talaga ako ma-gets ni Catalina."Wala. Matutulog nalang ako, okay sige na Lucila ikaw nalang manood."

 

 

"Thank you po."

 

 

"You're welcome." kniss ko siya sa noo at kinumutan ko pa mabuti. "Kapag ayaw mo na manood tawagin mo ako para papatayin ko."

 

 

Simula nung nagkaron ng personal tutor si Lucila, makikita talaga yung mga pagbabago sakanya. Mas lalong naging mabait, masunurin, magalang, natututo na siyang magsulat, gumaling nang magbasa at higit sa lahat nasanay na siya na tinatawag ng mama si Catalina, Imperia at si Nana Carmilla. Hindi din namin inexpect at nagulat nalang kami nung bigla siyang mangtawag ng ganun. Natuwa kami dahil talagang tntrato niya kaming lahat na magulang niya. Malaki din ang pasasalamat namin dahil matiyaga sakanya si teacher Seulgi. Ang kaluluwang guro na na-hire ni Imperia para maging personal teacher ni Lucila. Mahigit isang taon na din nung pumayag kami na manirahan siya sa mansyon. Nung tumagal at mas nakilala na namin siya, masasabi ko na mabait siyang tao kahit pa hindi maganda yung kinahinatnan ng buhay niya. Mabuti nalang din at kasama na namin siya dahil bukod sa nagkakaron ng magandang edukasyon si Lucila, napansin ko na parang nagkaroon ng matalik na kaibigan si Imperia. "Kaibigan" yun ang sinasabi nila, oo nalang ako dahil ayaw kong mabalibag nanaman. May isang beses nung nakaraan taon, inasar ko si Imperia dahil nakita ko naman talaga na madalas ay blooming siya at kinikilig siya kapag nag uusap sila ni teacher Seulgi. Hindi pa nga todo yung pang aasar ko nun pero hinampas niya ako sa puno ng balete at hinagis niya ako pababa sa bangin. Napagalitan pa tuloy kami ni Nana Carmilla at nag away kami ni Catalina, ako na nga yung binalibag at muntik mabalian ng leeg pero ako pa talaga yung sinisisi nila na nagsimula daw ng gulo. Napaka akward pagkatapos nun pero nagkaayos din namin kami kagad at nagkapatawaran kami ni Imperia.

 

 

 

 

December 3, 2026

 

9:30am Wynn Hotel, Las Vegas

 

Nakasilip ako sa bintana at tinitignan yung view habang hinihintay ko na matapos mag ayos si Catalina. Gustong gusto ko kung nasaan kami ngayon. Nung makarating kami dito kagabi, akala ko namali kami ng napuntahan. Ilan beses ko pa siyang tinanong pero ito palang hotel na to yung isa sa mga surpresa niya para sa akin. Hindi ko talaga inexpect na sa ganito kagandang hotel kami matutulog. Ang laki ng kwarto na may sala at kitang kita yung napaka gandang view ng Las Vegas. Tutuloy kami dito ng tatlong gabi bago kami mag travel at lumipat dun sa snow cabin na nirentahan niya. Hindi ko alam kung ano ang mga gagawin namin basta sumusunod lang ako kay Catalina dahil matagal na daw niyang napagplanuhan to.

 

 

"Bu." tumayo si Catalina sa likod ko at niyakap ako. "Ready? alis na tayo?"

 

 

"Sandali lang. Five minutes." Gulat akong napatingin sakanya nung maramdaman ko kung saan humawak yung mga kamay niya. Ito yung kagabi ko pa napapansin sakanya, hindi ko alam kung bakit pero parang ang lakas ng ual drive ng Baba ko simula nung dumating kami dito. Tulad kagabi, naalimpungatan ako kaya bumangon ako saglit para silipin si Lucila na nanonood ng cartoons sa sala. Pagbalik ko sa higaan, niyakap ko si Catalina at hinalikan ko sa labi. Nung nagising siya at nagkatinginan kami, ang bilis ng mga sumunod na nangyari at para lang akong nanaginip. Sa isang iglap ang dami ata naming ginawa at hindi kagad kami bumalik sa pagtulog. Nagising din ako kanina na magkayakap kami at wala nang suot na kahit ano.

 

 

"Punta na tayo sa restaurant?" yakap ko siya at hinahayaan ko na halikan ako sa leeg habang gumagalaw yung kamay niya sa loob ng shirt ko. "Ayos ka lang, kaya mo icontrol yung jetlag? bakit pala masyado kang nag iinit ngayon? Nakakain ka ba ng aphrodisiac?" natawa siya at pinalo ako ng mahina sa braso. Dahan dahan ko siyang kinabig sa leeg at nagsimula kaming maghalikan. "I love you, excited na ako na makasal tayo." seryosong sabi ko. Parang hindi pa din totoo na ilan oras nalang at makakasal na kami ni Catalina.

 

 

"Sa wakas magiging asawa na kita Minjeong."

 

 

"Hindi na nga ako makapaghintay. Saan pala tayo pupunta ngayon?"

 

 

"May kailangan tayo daanan na papeles, pagkatapos nun pwede na tayong mamasyal at bibili tayo ng damit na isusuot para bukas."

 

 

"Oo nga pala yung damit. May idea ka na ba kung ano yung gusto mo?"

 

 

"Meron na pero tignan nalang natin mamaya, baka kasi hindi mo magustuhan yung itsura ng napili ko para sayo. Bubu ikaw ba ang mag ddrive o ako na?" habang magkausap kami ni Catalina bigla ko naalala yung susi ng kotse na na-shoot ko sa drawer kagabi. "Teka lang." Nagtungo ako malapit sa kama at hinanap ko yung susi. Nag renta kami ng sasakyan na gagamitin namin hanggang sa araw na makauwi na kami. SUV yung gamit namin dahil mahaba haba daw yung road trip namin sa mga susunod na araw.

 

 

"Ako na ngayon. Salitan nalang tayo sa susunod. Mukang malayo yung pupuntahan natin eh. Hindi ba pwedeng iteleport?"

 

 

"Hindi. Ayos na yun, magmaneho nalang tayo."  

 

 

"Anong lugar nga yun?"

 

 

"Grand Teton, Wyoming."

 

 

Hindi ito yung unang beses na nakapunta ako sa America dahil sinasama ako dati nila lolo at lola nung bata pa ako. Alam ko yung ibang states dahil pamilyar kaya nagtaka ako dun sa isang state na pupuntahan namin. Hindi pangkaraniwan na puntahan ng mga turista yun at matutulog daw kami dun ng ilan araw. Nung tinanong ko siya kung bakit yun ang napili niya, sinabi niya lang sakin na maganda daw dun kaya sigurado na magugustuhan ko. Nabanggit niya din sakin na kailangan kong ihanda ang sarili ko. Hindi na ako nagtanong pa kasi alam ko naman na basta kapag si Catalina ang kasama ko madaming surpresa at sigurado na mag eenjoy kaming dalawa.

 

 

 

"Halika na Bubu, kumain na muna tayo sa baba, may free breakfast itong stay natin dito."

 

 

"Okay sige. Si Lucila sunduin nalang natin pagkatapos kumain? Chneck ko siya kanina sa baba, jusko nagsabi nanaman na gusto na daw niyang tumira dito at ayaw na niyang umuwi sa San Jorge."

 

 

"Hahahahaha kamuka daw nung cartoons na pinapanood niya yung garden dito sa hotel. Kumakanta kanta pa habang nakahiga at palipad lipad kanina. Pansin mo ba lahat ng puntahan nating lugar na bago sakanya madalas ganyan ang sinasabi niya. Ayaw na niya sa San Jorge."

 

 

"Hahahaha oo tapos pag katagalan na-hhomesick at hinahanap yung bangin at dagat ng San Jorge."

 

 

"Nakakatuwa talaga yung bata na yun."

 

 

"Halika na, kain na tayo sa resto puntahan na din natin siya."

 

 

"Okay." hinatak ko siya at pinasan ko sa likod ko. "Bubu hindi." lumayo siya sakin kaya nagtataka ako."Bakit?"

 

 

"Ano ka ba. Minjeong wala tayo sa San Jorge, ang usapan natin walang gagamit ng kapangyarihan kung ayaw mo na mahuli tayo ng mga tao."

 

 

"Ay puta oo nga. Pasensya na, nakalimutan ko nanaman." natauhan ako at buti nalang pinaalala niya sakin. Ito na kasi yung mga nakasanayan namin na kilos sa bahay kaya parang reflex nalang sakin to.

 

 

"Tara, elevator na." hinawakan ko na yung kamay niya at inaya ko nang lumabas.

 

 

 

 

11:15am

 

Andito ako sa backseat at inaamo ko yung baby kiti-kiti namin na kakatapos lang umiyak dahil napagalitan ko. "Sorry na. Ayaw mo kasing sumunod eh." yakap yakap ko siya habang hinahaplos ko yung likod dahil medyo humihikbi pa din. "I'm sorry Lucila." kniss ko siya sa noo at niyakap ko lalo. "Sorry na, hindi na ako galit."

 

 

"Lucila, tahan na. Hindi na siya galit sayo." inabot siya ni Catalina at hinawakan din niya yung kamay. Humihikbi pa din siya habang buhat ko at nakahiga yung ulo sa balikat ko. 

 

 

"Diba pinaliwanag ko naman sayo kung bakit kita napagalitan? ayaw namin na maiwan ka dun dahil baka mawala ka at hindi ka na namin makita pa ulit. Napaka layo nitong lugar na to sa San Jorge, nasa ibang bansa tayo. Ano nalang gagawin namin kapag bigla kang naligaw, ang laki laki nito hindi ka namin mahahanap."

 

 

"Naglalaro lang ako pero nagalit ka. Hindi naman ako lalayo."napuputol putol pa din yung salita niya dahil patuloy pa din siya sa paghikbi. Pinaupo ko siya, iniharap ko sakin pero pumikit siya at nagtatago sa dibdib ko. "Tahan na, baka makatulog ka kakaiyak maganda pa naman yung mga papasyalan natin." mas sumubsob pa siya at ayaw talagang magpakita. "Pinaliwanag ko na nga sayo kung bakit ako nagalit. Tahan na, hindi na ako galit sayo. Tama na ang pag iyak baka mapagod ka. Aalis pa naman tayo, magshshopping yung mama Catalina mo, papasok tayo sa mall, tapos ano ba ang meron sa mall? Ang alam ko madaming tindahan ng laruan dun." sabay namin siyang tinignan ni Catalina, hinihintay namin yung reaksyon niya dahil narinig namin na bigla siyang tumigil sa paghikbi nung marinig niya yung salitang laruan. "Diba noh Baba, may mga tindahan ng laruan sa pupuntahan natin mamaya." natawa si Catalina nung biglang pasimpleng umangat yung ulo ni Lucila at sinilip kami. Bumangon na siya at umayos sa pagkakaupo. "Sorry na kung nagtaas ako ng boses kanina at nasigawan kita." Inayos ko yung buhok niya at pinupunasan ko yung pisngi. "Tahan na, wag ka nang umiyak. Basta wag mo nang uulitin yung ginawa mo kanina okay?"

 

 

"Opo Minjeon." pinaupo ko siya sa back seat at kinabitan ko pa ng seat belt kahit pa wala naman epekto sakanya yung mga ganito. "I love you Lucila." inayos ko yung damit niya bago ako bumaba ng sasakyan at lumipat sa driver's seat.

 

 

"Pupunta tayo sa mga laruan?"

 

 

"Oo, hindi tayo uuwi sa San Jorge ng wala kang bagong laruan tsaka damit."

 

 

 

11:50am

 

"Kanan Bubu,"

 

 

"Ha? dito? bawal naman."

 

 

"Ano ba yan sinabi ko ikanan mo sa pangalawang kanto, dun sa kanina. Hindi dito."

 

 

"Ay sorry. Nakakalito magkamuka eh." lumagpas ako kaya hahanap pa kami ng isa pang kalye pabalik dun sa The Strip na pupuntahan namin. Nanggaling na kami sa Marriage License Bureau at nakuha na namin yung documents na dadalin namin bukas sa Little Chapel. Bukas na yung kasal namin ni Catalina kaya sobrang nagagalak ako. Ngayon pupunta kami sa mga boutique at maghahanap ng damit na isusuot.

 

 

"Ang lapit lang pala nung pinuntahan natin noh, twelve minutes?" pinakita ko sakanya yung monitor sa dashboard. Tumango si Catalina at tinuro kung saan basement parking ako papasok. "Malapit lang yung hotel natin dito, maglakad lang tayo dito hanggang sa makakita tayo ng damit."

 

 

"Dress ba gusto mo?"

 

 

"Oo. Ikakasal tayo, parehas vampira kaya kung ano yung palagi natin sinusuot tuwing may dasal, ganun din bukas."

 

 

"Ha?" napalingon ako sakanya habang pumaparada kami dito sa basement. "Seryoso ka? kasal natin tapos kulay itim yung suot?"

 

 

"Oo kasi ganun talaga sa lahi natin, susunod tayo sa nakasanayan."

 

 

"Jusko, kasal tapos pormahang hogwarts? Baba naman."

 

 

"Wag mo na kontrahin kasi ganun talaga. Sundin nalang natin mabilis lang naman yun."

 

 

"O sige na nga, itim pero pwede ba humanap tayo ng dress na maayos naman yung design. Hindi yung muka tayong sugo ni Dracula."

 

 

"Hahaha wag mo sabing banggitin yan pangalan na yan. Sinabihan ka na ni Nana Carmilla, lagi mo kasing ginagawang biro kapag tayo nasundan Minjeong ikaw ang may kasalanan."

 

 

"Edi sumunod siya, baliin ko pa yung leeg nun eh."

 

 

"Hahaha nagtatapang tapangan ka nanaman tapos tatawagin mo din naman ako."

 

 

"Ganun talaga, partners for life nga eh. San tayo?"

 

 

Nung nakapag park na kami tinignan ko yung bata na nakaupo sa backseat. Seryoso siya at wala sa mood dahil nagtatampo pa din sakin. Napagalitan ko siya dahil pinahirapan niya ako nung tinatawag ko na siya sa garden ng Wynn hotel. Paalis na kami pero talagang lumipad lipad pa siya palayo sa amin at pinahirapan niya kami ni Catalina. Bukod sa hindi kami makapag teleport o lumipad para habulin siya, hindi din namin pwedeng isigaw yung pangalan niya dahil mawweirdohan samin yung mga tao. Talagang nahumaling si Lucila dun sa garden ng hotel kung saan kami naka book kaya ayaw tuloy niyang umalis. Nung pasimple ko siyang hinuli, napagalitan ko siya kaya umiyak tuloy kanina.

 

 

"Bu," tinawag ako ni Catalina at tinuro sakin yung bata na hawak niya. Nakahalukipkip nanaman ang mga kamay habang nakasimangot at nakapout. Napaka cute talaga ni Lucila kapag nag gaganito siya, muka siyang kerubin na nalugi o inagawan ng candy.

 

 

Inayos ko yung beanie na suot niya at tinapik ko ng mahina yung pisngi. "Tingin ko naman may mga toy store dito o kaya indoor garden, pwede muna natin siyang iwan dun tapos balikan nalang natin." hinaplos ko yung buhok ni Lucila pero naka seryoso pa din siya at hindi manlang ako tinitignan."Wag ka nang magalit." hindi siya sumagot at nagiwas lang ng tingin.

 

 

"Madami din pala mga boutique dito." pinakita sakin ni Catalina yung phone niya, binasa ko yung mga list ng shops dito sa hotel kung nasaan kami."Unahin natin hanapin yung damit." aya ko sakanya.

 

 

Nung makarating na kami sa lobby, mas na-excite pa ako dahil ang ganda at ang daming mga naka display sa gitna. Madami din tao na tumitingin dun sa parang art exhibit. 

 

 

"Bubu."

 

 

"Yes?"

 

 

"Mag picture tayo."

 

 

"Ah sige." dumikit ako sakanilang dalawa at nag selfie kami. "Sana makita ka na sa picture." kinuha ko kay Catalina si Lucila, yumakap na siya sa leeg ko at nagtago na. Wala pa din talaga siya sa mood kahit pa kanina pa namin siya inaamo.

 

 

"Ba akin na, picturan din kita." kinuha ko kay Catalina yung phone at kinuhaan ko siya dito sa gitna ng lobby ng Bellagio. Sinigurado ko na makita yung design ng kisame na sobrang ganda.

 

 

"Hanap pa tayo ng ibang spot gusto mo?" tanong ko habang namamasyal kami dit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2143 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko