Chapter XXIX

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Bakasyon sa San Jorge Day 2

 

 

12:30pm Linggo

 

 

Andito kami sa kwarto ko, tinutulungan ako ni Ryujin sa ngipin ko na umuuga at pinapakagat sakin ni Minju yung bulak. Unti unti na din tumitigil yung pagdurugo nung nagmumog ako ng malamig na tubig at nung nilagyan namin ng ice pack.

 

 

"Buti hindi ka napahamak. Saan lugar ka mismo nabangga? wala pa naman dentista ngayon kahit sa bayan." hawak hawak ni Ryujin yung muka ko at tinitignan niya yung pumutok sa labi ko.

 

 

"Malapit sa mansyon, may tumawid."

 

 

Sobrang sakit ng kaliwang muka ko na tumama kanina, namamaga at may sugat kaya hirap akong magsalita ngayon. Ito yung dahilan kung bakit nagkagulo dito sa bahay namin. Nagulat sila nung umuwi ako na putok ang labi at dumudugo yung bibig ko.

 

 

"Kahapon bukol tapos ngayon naman ito, namamaga at may pasa yan muka mo. Bakit napaka lapitin mo bigla ng aksidente?"

 

 

"Hindi ko naman alam na mangyayari to." itinapat ni Ryujin yung tenga niya para maintindihan niya ako. Parang kinakain ko yung salita ko ngayon dahil may kagat kagat akong mga bulak para tumigil yung dugo.

 

 

"Grabe naman tong nangyari. Minju, hindi ka ba niya kasama nun?" bumaling si Ryujin kay Minju na nakaupo sa tabi ng kama ko at naglalagay ng yelo sa ice pack."I was still in bed that time kaya I was so shocked nung nakita namin siya. Nagpaalam siya sakin and she left before 6am to pick up Sharpay. Nagulat ako na bumalik siya dito na dumudugo yung bibig and bali yung eye glasses niya. Even her shirt has blood. Then ayan, two of her teeth are missing."

 

 

"Jusko mukang magiging three kasi ito oh, umuuga na itong isa sa baba. Nahihilo ka ba yung ulo mo hindi ba tumama?" nag senyas nalang ako sakanya at sinabi ko na hindi. "Dapat yung isang kotse nalang yung ginamit mo para may airbag, walang airbag yung jeep mo na yun kasi vintage."

 

 

"I always tell you na mag seat belt ka lagi Minjeong even if you're using your jeep."

 

 

"Okay Pumpkin, hindi na mauulit."ang dami kong pangaral na natanggap ngayon umaga, mula kay Minju, ate Taeyeon at kay Cheche dahil sa nangyari. Nagpromise ako sakanila na mas mag iingat na ako sa susunod.

 

 

Hinawakan ulit ni Ryujin yung muka ko at pinagmamasdan niya. "Masakit ba?" tumango ako habang nakasandal ako dito sa headboard. "Pumpkin," tawag ko kay Minju. Naramdaman ko na parang tumigil na talaga yung pagdurugo ng gums ko."Yeah?" tinuro ko sakanya yung mga bulak na kagat kagat ko. "Sorry." kinuha niya yung maliit na batya na pinaglagyan kanina ng yelo. Tinapat niya sakin bago ko hatakin yung bulak na galing sa bibig ko. Pag tanggal ko may dugo pa din pero hindi kasing dami nung kaninang umaga. "Pumpkin sorry."

 

 

"Hey don't be sorry. It's okay. Wait lang Pook, I'm gonna bring this out. Titignan ko din yung ginagawa nila Che downstairs. Apply some ice pack para mabawasan yung pagka swollen." lumabas ng kwarto si Minju para itapon yung mga bulak na puro dugo.

 

 

Lumipat kagad si Ryujin dito sa tabi ko at nakatingin siya sakin ngayon ng mukang may pag-aalinlangan.

 

 

"Hoy. Alam mo, hindi ako naniniwala na nabangga ka."

 

 

"Layu"

 

 

"Ano yung totoo sabihin mo sakin. Wag kang mag alala, satin dalawa lang to." pinalapit ko siya sakin dahil hindi pwedeng may makarinig ng paguusapan namin. "Hinaan mo yung boses mo baka may pumasok. Ibubulong ko nalang."

 

 

"Oo sige."

 

 

"Layu, simula ngayon ayaw ko na ng kahit anong gulo. Ayaw ko na ng kahit anong problema, mananahimik nalang ako. Hindi ko na talaga guguluhin si Imperia tsaka si Catalina. Ayaw ko na din pumunta dun sa mansyon."

 

 

"Si Imperia? anong nangyari, siya ba may gawa nito? Ano ba nangyari sayo, umamin ka alam ko na hindi ka talaga nabangga. Walang dugo yung manibela nung sinilip ko kanina."

 

 

"Kasalanan ko din naman bakit nangyari to."

 

 

"May ginawa ka nanaman ba kaya nagalit yung magkapatid?" Pinausog ko siya palapit sakin para maintindihan niya mabuti yung mga sasabihin ko. "Sinubukan ko lang naman kunin si Sharpay kaninang umaga. Hindi nila nagustuhan na pumunta ako, mali ng akala si Imperia nung nag uusap kami ni Catalina, narinig niya siguro yung mga kalabog kaya lumabas siya. Andun kami sa kwarto sa taas kasi hinahanap ko nga si Sharpay, ang bilis ng pangyayari sinakal at hinagis niya ako kaya tumama yung muka ko dun sa poste ng kama."

 

 

"Tangina Kiminjeong? grabe buti hindi ka namatay. Tignan mo yung itsura mo, may pasa ka sa bibig, ang laki na umaabot na sa pisngi mo. Muka kang kinuyog. Anong sabi ni mayora tsaka ni Cheche nung nakita nila yan?"

 

 

"Pinagalitan ako. Nagalit si ate kasi nga yun yung sinabi ko na dahilan, nabangga ako kanina. Hindi nanaman daw ako nag ingat tsaka hindi ko daw pinapangahalagahan yung buhay ko."

 

 

"Kung titignan mo yung itsura mo ngayon ang sama ng lagay mo. Nabungi ka pa tuloy bakit ka ba kasi nagpunta dun ng walang pasabi? dapat tinawagan mo ako para sinamahan kita."

 

 

"Hindi kasi ako nakatulog kakaisip kay Sharpay, kaya naisipan ko na itakas siya. Kaya nagsabi ako kay Minju tsaka kay ate kanina na pupunta ako sa mansyon. Yun lang naman ipinunta ko dun kukunin ko yung anak ko. Nabanggit ko pa nga yun kay Sorin kahapon."

 

 

"Bukas na bukas magpa check up ka. Wag ka nang pupunta ulit dun ng wala kang kasama. Si Sharpay asan na, nakuha mo ba?"

 

 

"Ni hindi ko manlang siya nakita, ayaw nilang ibigay sakin yung anak ko. Ayaw na ilabas ni Catalina, ewan ko kung bakit niya ginagawa yun."

 

 

"Ano ba yan, bakit biglang ganito yung nangyayari sainyo? tangina para kayo yung mga mag asawa na naghiwalay tapos naglalaban sa custody ng anak. Pinagkaiba lang, biik yung pinag aagawan niyo."

 

 

"Layu anak ko yun, malamang dapat lang na kunin ko, wala silang karapatan na itago siya sakin. Ewan ko kung bakit biglang ayaw na nilang ibalik sakin si Sharpay. Pati si Imperia nakikialam na, dun siya lalong nagalit nung sinabi ko na kukunin ko na."

 

 

"Idaan mo kaya to sa korte? dun niyo isettle."

 

 

"Parang tanga naman Ryujin."

 

 

"Ito yung tanong ko pala Kiminjeong, magkagalit ba kayo ni Catalina, bakit hindi kayo nagkikibuan kahapon?" sumandal muna ako sa headboard dahil kumikirot nanaman tong muka ko. "Anong nangyari?" ulit na tanong niya. "Sigurado ako, nag away nanaman kayo noh. Kaya din ba hindi niya kayo pinapansin ni Minju?" tumango ako sakanya at hindi na nagsalita pa.

 

 

"Sino may kasalanan ngayon, si Catalina o ikaw? alam mo kayong dalawa salitan lang kayo ng mga pinaggagawa."

 

 

"Ako. May nagawa akong malaking kasalanan kay Catalina. Inamin ko na lahat sakanya kaninang umaga Ryujin at damay ka."

 

 

"O bakit pati ako?"

 

 

"Yung tungkol sa secret nila, inamin ko na, na kinuhaan ko ng video yung sa basement."

 

 

"Tangina mo, anong sabi niya? edi pati ako lagot?"

 

 

"Hindi wala ka naman kasalanan dahil ako lang yung tanga. Pinagkatiwalaan niya ako pero hindi ko tinupad yung pangako ko sakanya. Tsaka sobrang foul yung ginawa ko, hindi ko manlang inisip na para ko siyang trinaydor."

 

 

"Sabi sayo eh ang gago mo din kasi talaga. Anong sabi ni Catalina?"

 

 

"Ayun edi na-combo ako umagang umaga. Almusal ko sigaw, sakal tsaka balibag complete meal parang go, glow, grow."

 

 

"Hahahaha tangina"

 

 

"Pero mas mild yung balibag sakin ni Catalina kumpara sa ginawa ni Imperia, ang sakit nung kanya grabe. Umiyak nga ako nung tumama yung muka ko. Lalo nung nakita ko sa sahig yung ngipin ko."

 

 

"Anong ginawa ni Catalina nung sinaktan ka ni Imperia?"

 

 

"Nagalit siya tsaka tinulungan niya ako pero tumakbo na kagad ako palabas ng mansyon. Ayaw ko ma-ospital lalo na andito pa naman si Minju tsaka si Cheche."

 

 

"Jusko Kiminjeong, nasa ganitong sitwasyon ka nanaman."

 

 

"Delete mo na lahat Layu, dnelete ko na lahat ng kopya dun sa pc ko. Wala naman akong tinatago sa phone ko, kaya walang kailangan burahin dun."

 

 

"Hay tangina. Oo nadelete ko naman kagad. Alam mo na ngang mamamatay ka dahil dyan talagang nirecord mo pa. Ang kulit mo din eh. Bakit pala bigla mo naisip umamin?"

 

 

"Kahit saan mo tignan sobrang hindi tama, sinira ko yung tiwala niya sakin. Nagkamali ako sakanya at hindi lang yun nagtatapos dun, dahil may kasunod pa."

 

 

"Anong kasunod? may ginawa ka pa? gago ang lala mo na. Ano ba nangyayari sayo Kiminjeong?"

 

 

"Hindi ko nga alam eh. Tangina mas gusto ko pa yung dati nung wala pa akong karanasan sa mga relasyon o sa mga gusto gusto na ganyan. Mas tahimik yung buhay." nag senyas siya sakin na wag akong maingay. Mas lumapit pa sakin si Ryujin at mukang may ibubulong sa tenga ko. "Ano yan?"

 

 

"May sasabihin ako sayo at walang pwedeng makarinig nito. Wala naman sanang problema kung isang tao lang yung gusto mo. Isa lang kasi dapat Kiminjeong, hindi pwedeng dalawa."

 

 

"Gago Ryujin. Hindi ganun yun, sira to. Nagkataon lang talaga na, ewan ko importante siya sakin pero hanggang dun lang yun kasi hindi pwede. Gets mo ba?"

 

 

"Hindi, hindi ko gets. Ano ba kasing ginawa mo sakanya?"

 

 

"May nagawa akong mali nung bigla siyang sumunod sa condo ni Minju. Pinagtabuyan at binastos ko siya ng sobra. Ang unfair ng naging trato ko sakanya."

 

 

"Grabe ka naman sakanya, eh mabait naman sayo si Catalina kahit ubod ng kulit. Alam mo kapag nagagalit ka hindi mo pa din pinagiisipan yung mga ginagawa tsaka sinasabi mo."

 

 

"Totoo at gusto ko na din mabago yun. Pero seryoso ang kapal ng muka ko kung pano ko trinato si Catalina."

 

 

"Kaya pala ang sungit niya sayo kahapon, ngayon ko nalang ulit siyang nakitang ganun."

 

 

"Hindi na niya ako mapapatawad at hindi na daw niya ako kailangan. Naiintindihan ko yung pinanggagalingan niya, tsaka deserve ko to."

 

 

"At least nagkausap na kayo tsaka inamin mo na. Sayang lang yung pagkakaibigan niyo kasi nag eenjoy naman kayo kapag magkasama kayo."

 

 

"Ang unfair sa part niya at ang selfish ko." Sumang ayon ako sa sinasabi ni Ryujin dahil totoo naman. Ito yung nangyayari samin ngayon ni Catalina dahil sa kagagawan ko.

 

 

"Baka mas okay na to para hindi na kami magkasakitan, tsaka paulit ulit nalang yung nangyayari samin, ewan ko ba. Meron talaga kaming koneksyon na hindi ko maipaliwanag. Nung nabanggit ko sakanya yun, sabi niya wag ko nalang daw pansinin."

 

 

"Pano kapag nagkita ulit kayo, hindi na talaga kayo maguusap?"

 

 

"Wag nalang muna. Hahayaan ko na siya, tsaka ayaw ko nang mabalibag jusko ang sakit na nga ng muka ko.  Simula ngayon ayaw ko nang makialam."

 

 

"May mga ngipin ka pa naman na natira sa kanan, ipabasag mo na din."

 

 

"Hahaha. Tangina mo."

 

 

"Pero pano yan andyan na sila sa baba. Di ba ininvite sila ni mayora kahapon kasi may handaan. Andyan na yung tatlo dumating na din si Jeno. Tsaka may isa pa pala na kasama sila Gisele, magugulat ka kung sino."

 

 

"Sino?"

 

 

"Doc Yeji."

 

 

"Jusko, bakit pati siya nandito?? Hoy may utang pa tayo sakanya."

 

 

"Magkakilala sila ni mayora di ba, baka inimbita siya?" tumayo ako para sumilip sa bintana, ang dami na palang tao na nagkakainan. "Teka pano to?" tinuro ko yung bibig ko.

 

 

"Anong pano?"

 

 

"Ang daming bisita sa baba, andito yung mga kapartido ni ate tapos bababa ako na ganito itsura ko? Layu dalawang ngipin ko yung nabungi, kitang kita kapag ngumingiti ako!"

 

 

"Eh anong gusto mong gawin ko, hiramin ko yung pustiso ni Manang Carmen para ipasuot ko sayo?!"

 

 

"Ayaw ko na makita nila akong ganito, ang sagwa."

 

 

"Ayos lang naman kung ayaw mong bumaba, dyan ka nalang kumain sa kusina, o dito ka nalang kaya sa kwarto mo?"

 

 

"Pero ano naman gagawin ko dito, kawawa naman si Minju kung makukulong lang kami dito sa kwarto. Sige na nga bababa nalang ako kahit sandali."

 

 

"Wag ka nalang ngumiti, pakita nga." ngumiti ako sakanya nung hinawakan niya yung baba ko. "Panget ba tignan Layu?" tanong ko. Kilalang kilala ko to si Ryujin, kahit paghinga niya kabisado ko na kaya alam ko na nagpipigil siya ng tawa. Narinig ko na napalunok siya sabay kagat sa labi."Tangina Layu sige."

 

 

"Gago Kiminjeong, muka kang batang paslit na nabungi. Hindi ko mapigilan matawa hahahahahaha. Aray gago ka!" sinuntok ko siya sa tagiliran kaya napaaray siya. "Pinagtatawanan mo pa ako, ang epal mo naman." *mahinang paghikbi*

 

 

"Huy wag kang umiyak, niloloko lang kita."

 

 

*mahinang paghikbi*

 

 

"Okay lang yan nadadala mo naman, ang cute mo nga eh. Tama na wag ka na umiyak."

 

 

"Nakakainis ka, ang sagwa na nga ng itsura ko."

 

 

"Pero ang tibay ng katawan mo grabe, ilan balibag, sakal tsaka hagis na yung napapala mo kila Catalina pero buhay ka pa din."

 

 

"Baka masamang damo ako. Pero Layu alam mo ba kanina nung pasakay ako sa sasakyan may naramdaman ako dito banda sa gitna ng dibdib ko," napatigil ako nung narinig ko na may naglalakad papunta dito sa kwarto. Bumukas yung pinto at sumilip si Minju. "Ate Taeyeon is calling us na. Andun na din sila Che and sila Gigi, baba na daw tayo." 

 

 

"Ah okay Pumpkin. Tara Layu mamaya nalang ulit."

 

 

 

 

 

2:00pm

 

Nakaupo kaming lahat dito sa sala habang kumakain nalang ng dessert yung iba at umiinom ng alak. Ako naman naghihintay kay doctora Yeji na kasalukuyang naghuhugas ng kamay sa banyo. Tama nga yung sinabi ni Ryujin, si ate Taeyeon ang mismong nag invite kay doctora nung araw na nagkita sila sa bayan. Nasabi na din niya kay ate na mag kamag anak sila ni Catalina.

 

 

Magkakaron kami ng instant check up dito sa bahay namin at mismong si doctora ang nagpresenta na tignan itong muka ko. Tumanggi ako nung una dahil nakakahiya sakanya pero silang dalawa ni Catalina ang pumilit sakin at kinausap nila si ate kaya pumayag na din ako.

 

 

Tumayo na ako nang makabalik na sa sala si doctora. "Minjeong saan tayo pwedeng pumwesto?" tinignan ko yung sala, lahat ng parte ng bahay namin ngayon ay may mga bisita. "Sa kwarto ko nalang doc Yeji, ano pang kailangan mo?"

 

 

"May gamit na ako but I need a basin, water and alcohol."

 

 

"Ah sige papakuha nalang ako. Dun nalang tayo sa kwarto, okay lang ba kung isama ko yung friend ko?"

 

 

"Sure."

 

 

"Minju, dun nalang daw sa kwarto ako iccheck ni doctora. Sama ka."

 

 

"Nana do you wanna come with us?" nagulat ako nung inaya ni doctora si Catalina. Hinihintay namin yung sagot niya, nagpapalit palit siya ng tingin samin sabay tumayo na din sa sofa. "Sige Yese-, Yeji." nagpaalam siya kay Jeno bago siya sumunod samin.

 

 

Ang awkward kasi iniiwasan ko nga si Catalina kanina pa, tapos ngayon naman kasama namin siya na naglalakad papasok sa kwarto ko.

 

 

 

 

2:30pm

 

Ang dami nilang nanonood ngayon sa ginagawa ni doctora. Andito na din sa loob ng kwarto ko si ate Taeyeon at si Cheche. Hindi ko makalimutan yung nasaksihan ko kanina. Napapaisip ako dun sa reaksyon ni Catalina nung inabot niya kay Minju yung bote ng isopropyl alcohol. Kitang kita ko kung pano siya nagulat at mukang nabahala nung nagkatinginan sila at nahawakan niya ng hindi sadya yung kamay ni Minju.

 

 

Naninibago din ako dahil bigla nalang nagiba ang ihip ng hangin. Malamig ang ulo ni Catalina at ngayon naman ay nag uusap silang dalawa. Hindi na niya sinusungitan si Minju tsaka mahinahon na ang tono ng pananalita niya. Gusto ko sana alamin sakanya kung ano ba yung nakita niya kanina at ganun nalang ang naging reaksyon niya. Pero nahihiya akong magtanong kaya papalampasin ko nalang siguro to. 

 

 

"There's a cut inside your mouth, yung madaming dugo kanina it's from the extracted teeth. May natira pang isa na gumagalaw dito sa baba. Konti nalang matatanggal na to kasi hindi na siya nakakabit. Would you like me to do it now?"

 

 

"Ha? bubunutin mo?"

 

 

"Hindi ko bubunutin Minjeong kasi kanina pa siya nabunot. I'm just gonna move it a little bit para tuluyan nang matanggal. Bibilisan ko, you won't even feel it."

 

 

"Bubunutan mo ako ng walang anestisya?"

 

 

"Hindi mo na kailangan nun kasi tanggal na yung ngipin."

 

 

"Hala. Sige pero, pwede bang.. ate." tinawag ko yung ate ko at inabot ko yung kamay niya. Nagpunta si ate Taeyeon sa tabi ko at hinawakan niya ako. "I'm sorry doctora. Kaya mo yan Kiminjeong, andito ako. Pumikit ka nalang. Wag kang umiyak, ngipin lang yan."

 

 

"Hahahahaha what the fudge" napasimangot ako nung narinig ko na pinagtatawanan ako ni Cheche. "I'm sorry. I'm sorry Minjeong."

 

 

"Chantal, wag mong asarin ngayon ang kapatid mo." hawak ni ate yung ulo ko at nakayakap ako sakanya.

 

 

"Minjeong tilt your head and open your mouth. Wait I need someone to hold the light steady. Uhh please?" tinawag ni doctora si Minju. "Okay po, I'll do it." pinasandal ni doc Yeji yung ulo ko kay Minju nung nakatayo na siya sa tabi ko.

 

 

"Pook it's okay, mabilis lang yan." Pinupunasan ni Minju yung luha ko habang hawak niya yung flashlight. Alam ko na nakakahiya na nakikita niya akong ganito ngayon pero ayaw kong itago sakanya yung mga kahinaan ko.

 

 

"Dalawa na kami ni Minju dito sa tabi mo, wag ka nang umiyak." hawak ni ate yung kamay ko at hinahaplos naman ni Minju yung ulo ko. Nung nagsimula nang gumalaw si doc Yeji, napansin ko na lumayo si Catalina. Sigurado naaamoy niya yung dugo kaya umiiwas siya.

 

 

"Close your eyes, huminga ka ng malalim. Okay, hingang malalim." 

 

 

"Aw" 

 

 

"Done."

 

 

*mahinang paghikbi*

 

 

Sobrang sama ng loob ko nung nakita ko na natanggalan nanaman ako ng ngipin. Isa sa taas at dalawa na magkatabi sa baba. Kapag ngingiti ako, hindi maitatago dahil medyo nasa kaliwang unahan kaya kitang kita. Umaasa ako na maaayos pa to nung dentist na pupuntahan namin sa Manila. Gusto ko nang magawa to sa lalong madaling panahon dahil nakakalungkot at ang sagwa talaga.

 

 

"Gargle." uminom ako ng tubig sa baso at dinura ko dun sa batya na pinakuha ni doc Yeji. "Lilinisin ko lang yung cut sa loob, para hindi ma-infect."

 

 

"Doctora hindi ba kailangan tahiin? nagulat kasi kami na ayaw tumigil ng dugo kanina."

 

 

"Hindi na po mayora, it's just a small cut, hindi din malalim. You need to have it checked by a dentist Minjeong, baka kasi may natamaan with the strong impact."

 

 

"Oh my gosh, you look beaten so bad. Mag iingat ka kasi, yung gums po niya doctora meron din po bang cut?" tanong ni Cheche. Siya yung kanina pa sobrang nag aalala sakin. Natakot at umiyak pa siya nung unang beses niya akong makita. "Her gums are swollen but there's no cut. Lagyan mo ng ice and bibigyan kita ng reseta para sa pain killers and antibiotics. Isasama ko na din yung iinumin mong gamot pag nagdugo ulit."

 

 

"Okay doc Yeji thank you."

 

 

"Ngayon ba masakit pa din?"

 

 

"Kumikirot pero kaya ko naman tiisin. Mahirap lang kumain."

 

 

"But you have to eat Minjeong, sa right side ka nalang ngumuya and you can do it slowly. Make sure to eat before you take the medicine."

 

 

"Okay."

 

 

"Doctora Yeji ang laking tulong mo buti andito ka, salamat talaga. Minjeong mag iingat ka na, tignan mo kung wala si doctora pano ka? hihintayin pa natin hanggang bukas? ayaw ko nang maulit to."

 

 

"Opo ate."

 

 

"Doctora, pwede ba kitang makausap dun nalang tayo sa office ko."

 

 

"Okay po mayora." tumayo na ako sa kama at tumungo kung nasaan si Minju. "Uhm Mayora, okay lang po ba if kakausapin ko si Minjeong ng kami lang?"

 

 

"Oo sige," tinawag ni ate sila Cheche pati si Catalina. "Pumpkin hintayin mo nalang ako sa sala." paalam ko kay Minju. "Okay."

 

 

"Nana please stay here." kinabahan ako nung pinaiwan ni doc Yeji si Catalina dito sa loob ng kwarto. Hindi pa nga gumagaling yung muka ko pero mukang may part two nanaman.

 

 

Nangako ako sa sarili ko na simula ngayon hindi na ako gagawa ng gulo at hindi ko na sila gagalitin. Nadala na ako sa nangyari sakin kaninang umaga at ayaw ko na ulit malagay sa ganitong posisyon.

 

 

"Doc Yeji, anong gagawin natin?" kahit pa nag aalangan ako hindi ko na napigilan magtanong. Alam ko na galit pa din si Catalina kaya sobrang kabado ako ngayon. Ayaw ko ng gulo, lalo na andito pa naman kami sa bahay namin at madaming tao. 

 

 

"Minjeong, hindi pa tayo tapos sa check up mo. Alam ko yung nangyari kaninang umaga dun sa mansyon, hindi sinasadya ni nana Imperia na tumama ang muka mo, patawarin mo sana siya. Ako na mismo ang humihingi ng dispensa."

 

 

Jusko, putok yung bibig ko at tatlong ngipin yung natanggal pero hindi pa daw yun sadya ng lola niya. Pano pa kaya kung sadya, baka buong muka ko na yung natanggal.

 

 

"Pwede bang idescribe mo yung naramdaman mo."

 

 

"Naramdaman ko?" napatingin ako kay Catalina na nakaupo sa paanan ng kama ko. "Minjeong, sabihin mo na sakanya." 

 

 

"Catalina kung tungkol to dun sa nakita mo kanina, wala lang naman yun. Baka tumama lang kaya sumakit."

 

 

"Hindi ka pwedeng masinungaling. Nakita kita sa tabi ng sasakyan mo, nahihirapan ka. Sabihin mo na."

 

 

"Minje

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1150 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2141 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko