Chapter IX

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

10:00am Lunes

 

Nauna si Ryujin dumating sa farm at humabol nalang ako. May pinuntahan pa kasi ako na napaka importante, dinaanan ko kaninang alas otso yung trolley na gagamitin namin at ngayon naman ipapakita ko na sakanya.

 

 

"Binili mo to?" tanong niya sakin habang binubuklat ko yung item na kakakuha ko lang kanina. "Tsaka may kasama pa to, bumili na din ako ng red carpet para madali natin sila mailalabas sa mansyon." binalandra ko sa harap niya yung naka rolyo na carpet. "Sandali lang Kiminjeong, hindi ko kasi maintindihan yung plano mo. Pwede ba pag usapan natin to mamaya dun nalang sa bahay dahil tingin ko kahit saan naririnig at binabantayan na nila tayo eh."

 

 

"Wag ka masyado mag isip ng ganyan, umaga ngayon ang taas ng araw kaya sigurado ako tulog yung mga yun."

 

 

"Kahit na, dun tayo mag usap sa bahay wag dito. Medyo malapit pa naman yung mansyon dito sa farm."

 

 

"O sige na nga, oo nga pala nagpabili din ako kay Cheche, ihahatid na daw dito next week."

 

 

"Ano yung pinabili mo? Malapit na mag Mahal na Araw Kiminjeong, pag nagpumilit yung kapatid mo na matulog sa mansyon anong gagawin mo? ilan araw nalang andito na sila. Baka pati siya madamay sigurado papatayin nila siya."

 

 

"Oo nga pala, nagbabalak sila matulog ni Vivian dun. Tapos bawal na tayong pumunta kasi yun yung banta satin ni Imperia. Kailangan ko maawat si Cheche, pano kaya to. Kailangan ko muna mapaalis yung mga vampira dun bago tayo matulog sa mansyon."

 

 

"Mamaya mo na problemahin yan, mag trabaho muna tayo madami kang kailangan asikasuhin dito lalo sa livestock, napaka dami natin delivery, tsaka madami ka daw dapat pirmahan."

 

 

"Sige una ka na sa opisina, aayusin ko nalang itong mga to tapos sunod ako." tiniklop ko na yung casket trolley at nilagay ko sa likod ng jeep ko. Ito yung mga pinagbibili ko kaninang umaga dun sa kakilala namin na may funeraria. Sinabi ko nalang na kailangan to ni Cheche para props sa pelikula kaya hindi na siya nagtanong at sinigurado ko hindi na din niya babanggitin to kay ate Taeyeon.

 

 

Kasama ito sa balak namin gawin ni Ryujin, maingat kaming nagpplano kung pano kami makakaganti dun sa apat na umapi at gumulpi samin nung isang linggo. Kailangan namin gawin to para ipapamuka ko sakanila lalo kay Imperia na hindi ako natatakot at hindi ako basta basta makakapayag sa gusto nilang mangyari. Sa amin ng kambal ko yung mansyon na yun, kaya dapat sila ang lumayas. Hindi kami ang makikisama sakanila, ipapaintindi ko sakanila na wala silang karapatan sa lupain na yun. Magkamatayan na pero hinding hindi ko isusuko yung huling regalo samin ni lolo.

 

 

"Ma'am Kiminjeong?"

 

 

"Ay ano po yun kuya?"

 

 

"Dalian niyo daw po sabi ni ma'am Ryujin, kanina ka pa daw nila hinihintay."

 

 

"Ah okay, sunod na po ako. Kuya yung mga motor pala paki ayos nalang po mamaya. Susubukan namin."

 

 

 

 

 

 

7:30pm Lunes

 

Andito kami sa hapag kainan nila Ryujin, dito ako nakikikain sakanila dahil ayaw ko ng ulam sa bahay namin. Nagpaluto si ate ng menudo na ang daming atay yun lang ang ulam ngayon gabi at wala manlang gulay. Hindi nga ako kumakain ng karne pinuno pa talaga nila ng atay yung ulam namin. Tuwing maalala ko yung mga pinag gagawa nung mga vampira sa mansyon mas tumindi yung pagka asiwa ko sa laman loob at pagkain ng karne.

 

 

"Tapos ka na?"

 

 

"Oo, salamat sa pagkain Layu paki sabi nalang din kay Madam tita Shin." tumayo na ako sa upuan ko pagkatapos kong pagtabihin yung kutsara at tinidor.

 

 

"Ano uuwi ka na, ang kapal ng muka mo Kiminjeong. Eat and run lang?"

 

 

"Ay nahiya naman ako sayo, hiyang hiya yung pagkalkal mo sa ref namin pagkatapos mo kumain, naghahanap ka pa lagi ng chocolate leche ka. Ilalabas ko lang kasi tong pinagkainan ko teka lang babalik ako."

 

 

Yung bahay nila Ryujin parehas lang din sa bahay namin. Yung disenyo typical na bahay sa probinsya, luma na gawa sa bato at kahoy, dalawang palapag, makintab ang sahig, malalaki ang mga bintana na gawa sa kahoy at capiz, maluwag ang sala, pati ang hapag kainan, may veranda at napaka lawak ng bakuran na puro puno at halaman. Magkatabi lang ang bahay namin pero malalaki kasi ang hatian ng lote dito sa purok namin kaya aakalain mo na medyo malayo. Tuwing nagpupunta ako dito kila Ryujin para maki yosi, nag bibisikleta ako o kaya naman naglalakad nalang para magpababa ng kinain. Ganito ang ginagawa namin araw araw, tapos minsan naman kapag wala kaming pasok kasama namin sila Minji at Sito, nagpupunta kami sa dagat para lumangoy o makipag usap sa mga sirena. 

 

 

"O muka ka nanaman diwata na asal kapre dyan, bakit ba dyan ka naninigarilyo sa taas ng puno ng chico Kiminjeong, bumaba ka nga dito!"

 

 

"Sandali lang naman, uubusin ko lang tong isang stick. Dyan ka muna."

 

 

"Kailan daw dating nung bagong cell phone mo?" umaakyat na din si Ryujin dito sa malaking sanga kung saan ako nakaupo.

 

 

"Hindi ko alam kay Cheche siya na yung bumili para sakin pero hindi na yung pinaka bago yung pinabili ko kasi sayang lang eh, ang sakit sa loob kapag nasira."

 

 

"Alam mo napaka swerte mo talaga sa mga kapatid mo lalo dyan sa kambal mo. Lahat ng gusto mo binibigay nila. Tapos ikaw kung ano anong pinag gagawa mo."

 

 

"Ano ba ginagawa ko, wala naman. Tsaka swerte ka din naman sa mga kapatid mo Layu."

 

 

"Bobo ano pinagsasabi mo? solong anak ako. Pinsan lang ang meron ako tapos ang layo niya pa."

 

 

"Hahaha yung pinsan mo na nagbakasyon dito dati, yung muntik malunod kasi nag dive sa falls ng una muka, ano nga pangalan nun?"

 

 

"Si Yuna, wala bihira na yun umuwi dito, nag simula na kasi mag college sa Chicago. Tinanong mo pa talaga kung ano ginagawa mo, ayan para kang tambucho ang lakas mo manigarilyo. Sinabihan ka na nga nung doctor dahil sa x-ray mo."

 

 

"Ssshh wag mo na banggitin yan, wala yun. Baka nagkamali lang sila ng tingin sa x-ray ko."

 

 

"Bakit hindi mo sabihin sa ate mo na may nakita?"

 

 

"Wala yun, kabag lang yun kaya wag mo pansinin."

 

 

"Tangina kabag eh x-ray yun mismo sa baga mo."

 

 

"Ssshh, kapag inisip ko pa yun baka magkatotoo lang na magkasakit ako. Tara na nga baba na tayo kailangan ko umuwi ng maaga kasi si Sharpay, hindi siya nakakatulog pag hindi kami tabi."

 

 

 

 

Bago kami lumipat sa veranda, umuwi muna ako saglit sa bahay namin at sinundo ko na si Sharpay, buhat ko siya ngayon at kinakamot ko yung tiyan niya habang naguusap kami ni Ryujin. Nagsimula na siyang mag explain kung ano ba yung mga gagawin namin dun sa mansyon. Ito yung pinagpplanuhan namin ng ilan araw na. Nagiisip at gumagawa kami ng stratehiya kung pano namin mababawian yung mga vampira. Lalo na yung dalawa na nanakit samin.

 

 

"Sa Huwebes na natin gawin yan Layu, yan yung pinaka unang ganti natin. Hindi tayo pupunta dun ng naka sasakyan kasi tingin ko sila din yung nagdiskarga ng baterya ng van kaya ayaw umandar."

 

 

"Pano tayo pupunta dun?"

 

 

"Gagamitin nating yung motor dun sa farm. Tag isa tayo, dun tayo sasakay pero dapat yung isa nakapark na malapit sa gate parang getaway vehicle. Pag sinira nila yung isa at least meron pang reserba."

 

 

"Pwede, tama ka. Magandang ideya yan."

 

 

"Ayun lang yung gagawin natin sa Huwebes, puputulin natin yung linya ng kuryente nila?"

 

 

"Oo kasi kahit vampira yung mga yun kailangan nila ng kuryente, pag walang kuryente hindi na nila magagamit yung ref, kapag wala ng ref isa lang ang ibig sabihin. Bulok ang stock ng mga dugo, kaya magutom kayo ngayon mga demonyo."

 

 

"Hahahaha tangina oo nga!" nag apir kami ni Ryujin dahil napaka talino talaga ng plano niya. "Layu, kung tatanggalin natin yung kuryente, idamay na din natin yung tubig kasi tingin ko gumagamit din ng tubig yung mga yun eh. Naliligo tsaka dumudumi sila imposibleng hindi!"

 

 

"Oo malamang yan, may powers lang sila pero kumukulo pa din tiyan nung mga yun. Natatae tsaka naiihi pa din sila hindi naman sila multo eh."

 

 

"Hahahaha tignan ko lang, bahala kayong mag igib ng pang buhos niyo. Hahahaha"

 

 

"Ito yung pinaka safe na plano alam mo kung bakit?" tanong niya sakin. Parang gusto ko na tuloy gawin ng mas maaga yung binabalak namin, talagang atat na atat na kasi ako na magantihan yung apat. 

 

 

Nagpatuloy na akong tanungin siya dahil gusto ko malaman yung dahilan. "Bakit mo nasabi na pinaka ligtas yun?"gusto ko makasigurado ngayon dahil lahat ng ginawa naman nung isang linggo puro palpak. Hindi namin napatunayan na vampira sila kahit pa tinapatan namin ng sinag ng araw yung mismong muka ni Imperia.

 

 

"Umaga natin gagawin, hindi sila makakalabas dahil yun ang oras ng tulog nila at takot sila sa sikat ng araw. Hindi nila malalaman na tayo yung nagputol ng kuryente. Tsaka sinabi mo na kay Imperia na hindi na tayo babalik dun. Naniwala siya sayo kaya nga tayo pinakawalan."

 

 

"Totoo tama. Hindi nila mahuhuli na tayo yung gumawa nun, iisipin nila hindi sila nakapag bayad ng bill kaya naputulan. Pero pano nga sila nagbabayad ng mga ganun? tsaka may linya pa ng telepono. Hindi kaya isa sakanila yung lumalabas para mag asikaso nun?"

 

 

"Malamang si Mang Dante pwedeng kauri din nila o kaya tinatakot nila, alam mo yun ginawa nilang messenger. Pero hindi na importante yan Kiminjeong."

 

 

"Hindi ba nila tayo mahuhuli sa pamamagitan ng pang amoy? mukang malakas mga pang amoy nila lalo si Catalina."

 

 

"Nasa kabaong sila nakahiga, tingin ko naman sealed yun tsaka sa labas lang naman tayo ng mansyon, hindi na tayo papasok."

 

 

"Magpabango kaya tayo ng iba? hiram tayo ng cologne, yung sa tatay ni Sito."

 

 

"Gago edi siya naman yung nasakmal? nananahimik yung matanda tapos bigla siyang nagkaatraso sa vampira. Baka madamay pa si Sito."

 

 

"Ay oo nga, kawawa naman siya hindi pwedeng madamay kahit sino sa mga kasama natin sa bahay pati sa farm."

 

 

"Napansin ko si Imperia lang naman yung nakakabasa ng isip sakanilang apat, madali ng lituhin yun kapag sinugod niya tayo. Kapag tinignan ka niya sa mata mag isip ka ng ibang magagandang bagay para yun ang mabasa niya sa isip mo."

 

 

"Layu alam mo manghang mangha na ako sayo napaka galing mo talaga parehas tayo, napaka talino mo alam mo walang sinabi sayo yung mga vampira. Tingin ko nga kapag nag quiz bee kayo ni Imperia, mananalo ka."

 

 

"Sus ano ka ba, wala lang naman yun. O ano nakuha mo na? lilituhin natin siya, para iisipin niya na hindi talaga tayo yung may sala."

 

 

"Oo sige naintindihan ko na, bakit hindi pa natin gawin bukas yan?"

 

 

"Hindi wag tayo magpadalos dalos, sa Huwebes natin gagawin kasi kailangan pa natin pag aralan yung floor plan nung mansyon. Hanapin natin kung saan yung main switch o yung metro."

 

 

"Oo nga pala, hiniram ko na kay ate Taeyeon yung floor plan ibibigay daw niya sakin mamaya, kukunin ko sa kwarto niya. Nakapag handa na din pala ko nung mga kakailanganin natin para sa proteksyon, nakapag pabili na ako kay manang Carmen kanina sa palengke."

 

 

"Ano yung pinabili mo?"

 

 

"Yung bawag na pabilog yung pwedeng isuot sa leeg na parang kwintas. Tignan ko lang kung masakal pa ulit ako nung Catalina na yun. Subukan niya pa akong hawakan maaadobo yung kamay niya." 

 

 

"Tinignan mo na ba kung ano yung nabiling bawang? baka isang pack lang yan na tag lilimang piso Kiminjeong."

 

 

"Hindi sinabi ko sakanya na kailangan ko yung pabilog. Nabili na niya, andun na yun, baka nasa kusina na."

 

 

"Ayan tama yan mabuti ng handa tayo, totoong mabisa yan nabasa ko malakas ang effect ng bawang sa mga vampira. Natatakot sila dyan, parang kung pano sila natatakot sa sikat ng araw tsaka sa pilak."

 

 

"Takot sila sa pilak?"

 

 

"Oo takot sila sa silver tsaka sa holy water." hindi ko alam to, na pati pala sa silver natatakot yung mga vampira. Tsaka may naalala nga pala ako dun sa ginawa namin."Yun yung pinagtataka ko, tinapatan mo si Imperia nung sinag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1149 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2140 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko