Chapter XIV

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Huwebes Santo sa Bahay Ng Mga Shin

 

11:00am

 

"Ano ba kasing pnproblema mo?!" sigaw sakin ni Ryujin. Nakaupo siya sa bintana ng kwarto niya habang nakaupo naman ako dito sa katapat na puno ng chico. Naguusap kami at madami akong knkwento sakanya na nangyari nung mga nakaraang araw. "Yung problema mo, ano ba kasi yun?!"  

 

 

"Ayun nga, sinabi niya sakin na vampira daw kami nila ate! Ryujin natatakot ako, takot na takot seryoso! Alam mo ba na hindi ako nakatulog ng dalawang gabi dahil dun?"

 

 

"Eh dba sakanya na mismo nanggaling. Nagsabi siya ng isang kasinungalingan at isang katotohanan, umamin din siya sayo na gusto ka niya. Pano kung yun pala yung totoo at hindi yung sinsasabi niya na magkadugo kayo?"

 

 

"Sinabi niya na gusto niya ako pero binawi din niya kagad! Nahihibang daw ako kung iisipin ko na totoo yun. Hinuhuli niya lang ako at nakita niya sa muka ko na naniwala ako. Hindi niya binawi yung magkadugo kami. Sinabi niya pa na dadating daw yung oras na magiibang anyo ako!"

 

 

"Tangina, ginagago ka lang niyang crush mo. Ikaw na nga nagsabi masama ugali niya sayo kaya ganyan mga pinagsasabi niya. Sinabihan ka na vampira ka naniwala ka naman kagad. Tanga tanga ka din eh."

 

 

"Layu yung pagkasabi niya alam ko na hindi siya nagbibiro, seryoso talaga yung muka niya. Natatakot ako pano kung totoo? pano kung mangyari bigla?"

 

 

"Gago wag ka maniwala dun, niloloko ka lang nun."

 

 

Ito yung pnproblema ko ng dalawang gabi na, yung mga pinagsasabi sakin ni Catalina. Nung una akala ko totoong gusto niya ako pero hinuhuli niya lang pala yung magiging reaksyon ko. Okay naman sana yung pag uusap namin kaso nung pag tagal nairita na ako sa lahat ng mga sinabi niya. Nagkaayos naman kami nung hapon ng Martes, kaso talagang sirang sira yung araw ko dahil sakanya. Unang una na dun, ginulo niya yung isip ko nung sinabi niya na magkadugo daw kami at magiging vampira daw ako pag tagal. Pangalawa, sinabi niya sakin na gusto niya ako. Sobrang kinilig ako dahil dun pero hindi naman pala totoo at binawi niya din. Pangatlo, sinabi niya sakin na kahit kailan daw hinding hindi niya ako magugustuhan dahil meron na daw nakatakda para sakanya. Hindi ko nalang pinahalata na sobrang nadismaya at naiinis ako sa nalaman ko. Iniisip ko tuloy na hahayaan ko nalang mawala yung pagka gusto ko sakanya, tutal tanggap ko naman na, wala akong pag asa.

 

 

"Nasabi mo pa na meron na siyang kasintahan hindi ba?" nagpatuloy nang magtanong si Ryujin."Hindi kasintahan pero may nakatakda na daw para sakanya. Malamang makalumang tao din."

 

 

"Binanggit niya ba kung sino?"

 

 

"Hindi niya sinabi kung sino pero sinabi niya na meron daw siyang gusto. Malakas kutob ko na kauri niya yun, hindi ko lang alam kung lalaki. Pero posible na lalaki kasi makaluma sila eh."

 

 

"Nagselos ka ba nung nalaman mo yan?"

 

 

"Selos ba yun? malay ko basta alam ko na nadismaya ako ng sobra. Nakakainis, gustong gusto ko pa naman siya pero may nag mamay ari na sakanya."

 

 

"Wag mo masyadong isipin kasi tingin ko talaga hindi totoo yan."

 

 

"Kiminjeong! Kiminjeong andyan ka ba?!!" hindi ako gumalaw at nagtago ako ng marinig ko yung sigaw ni Sito. Sigurado napag utusan nanaman to ng mga tao dun sa bahay namin para hanapin ako. Hindi ako nag lalagi dun ngayon dahil andun si Vivian. Naiirita ako sakanya at madalas nagkakapikunan lang kami.

 

 

"Kiminjeong kahit magtago ka pa dyan alam ko na ikaw yan, kitang kita ko yung paa mo!"

 

 

"Wala ako dito!"

 

 

"Ano kaya yun, wala ka dyan pero sumasagot ka!"

 

 

"Ano nanaman ba yun?!" 

 

 

"Hahahahaha mainit ang ulo niya Sito wag mo siyang guluhin. Bakit ka pala nandito, tapos ka na ba kumanta sa pasyon?"

 

 

"Oo si Minji na yung kumakanta dun ngayon. Mamaya na ulit ako alas tres bago si Shantel."

 

 

"At sino naman si Shantel Sito?"

 

 

"Yung kakambal nito ni Kiminjeong. Umuwi ka na daw kasi kakain na kayo. Pinapatawag ka na ni Mayora tsaka ng kambal mo."

 

 

"Ano daw yung ulam?"

 

 

"Aba malay ko hindi pa naman ako kumakain. Pinapatawag ka na nila, nakahain na."

 

 

"Oo na bababa na ako. Layu tara sama ka samin dun ka nalang kumain. Pahingi pala muna ng pabango mo ha, maaamoy nanaman ni Cheche na nagyosi ako."

 

 

"Ang kulit mo eh sinabi ko nang tigilan mo na kakayosi, natutusta na yung baga mo dahil dyan. Tara dito sa kwarto, andito yung pabango."

 

 

"Sito una ka na, pupunta nalang kami dun sa bahay." umalis na siya at tumakbo na papunta sa kabilang lote.

 

 

Tumayo na ako at pinipilit kong tumawid dito sa malaking sanga na umaabot na sa bintana ni Ryujin.

 

 

"Bumaba ka ng maayos wag ka dyan dumaan mahuhulog ka pa sa ginagawa mo eh!" babala niya sakin. Pinapanood ni Ryujin yung pagtawid na gagawin ko."Wag ka maingay baka mabati mo ko."

 

 

"Hay jusko. Hinihintay ka na nila dun bilisan mo na."

 

 

"Teka lang pupunta na ako dyan, kaya ko to." ito yung sinusubukan kong gawin tuwing may liwanag pa at nakatambay ako dito sa puno ng chico, pinipilit kong makatawid sa sanga para makapasok sa bintana ng kwarto ni Ryujin. "Kiminjeong ang kulit mo talaga, pag nabali yan sanga ng chico sinasabi ko na sayo, ipapakabit ko sayo yan!" hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako. Konti nalang, parang nasa kalahating dipa nalang ang pagitan namin ng bintana niya. "Wag kang maingay, kailangan ko mag concentrate maigi para magawa ko na to."

 

 

"Tangina Kiminjeong pustahan tayo mahuhulog ka! Mababali yan sanga."

 

 

"Sssshhhh isang hakbang nalang, ito na malapit na ako dyan!" inistretch ko yun kanang braso ko at pilit kong inaabot yung bintana. Isang maliit na galaw nalang at makakapasok na ako sa kwarto niya. Konting usog tapos kapit ng maigi, ito na.

 

 

"Kiminjeong nagugutom na daw sila ate Vivian!!!!"

 

 

"Ay!"

 

 

"Hala ka!! Ayan na!! humawak ka gago!! Ang tigas kasi ng ulo mo!"

 

 

"Tulungan mo ako Layu, ang taas nito!!!"

 

 

"Sito tawagin mo si Manong dali!!! Dalian mo hindi ko siya kaya mahuhulog na si Kiminjeong, ang bigat niya!!!" nakabitin ako dito sa labas ng bintana ni Ryujin nakakapit ako at hawak niya yung likod ng tshirt ko. Buti nakatalon at nakakapit pa ako, nagulat ako ng biglang may sumigaw kaya dumulas yung paa ko.

 

 

"Humawak ka teka ang bigat mo, iangat mo yung katawan mo!!! wag ka magpabigat!" 

 

 

"Ito na si papa! Papa ayun po sila, itapat mo po dun yung hadgan!"

 

 

"Dios ko po Kiminjeong, pano ka napunta dyan? Teka sandali. Kumapit ka, ilalagay ko itong hagdan tapos tumapak ka! Kumapit ka mabuti wag kang bibitaw!!"

 

 

Hinihintay ko na maisandal sa tabi ko yung hagdan na dala ng tatay ni Sito. "Layu dudulas na yung kamay ko ang sakit!!"

 

 

"Humawak ka muna teka lang. Oy yung salamin nahulog! Teka aalalayan kita, ayan na yung hagdan tumapak ka!"

 

 

"Nasakin na yung salamin mo!" sigaw ni Sito. Nakatapak na ako sa hagdan at inalalayan ako ni Ryujin papasok sa kwarto niya.

 

 

"Walang hiya kung ano ano kasi ginagawa umagang umaga. Napaka kulit mo talaga minsan Kiminjeong tignan mo yung sugat mo, mag totocino yan." sinilip ko yung mahabang galos sa magkabilang braso ko malapit sa siko. "Layu ang hapdi." duguan nanaman akong uuwi sa amin, malamang mag sesermon nanaman nito si ate Taeyeon.

 

 

"Layu asan na yung pabango mo? pahingi ako."

 

 

"Jusko inuna mo pa yung pabango muntik ka na ngang mahulog galing second floor. O ito, punasan mo yan braso mo dumudugo na. Kung ano ano talaga ginagawa mo, ang tigas ng ulo mo."

 

 

"Parehas lang tayo." insiprayan ko din siya nung pabango niya bago ko ibalik sakanya. "Tsaka sinubukan ko lang naman eh. Asan na ba yung salamin ko wala akong makita."

 

 

"Punta na tayo dun sa bahay niyo. Alam mo ba yung kasabihan, kapag Biyernes Santo matagal daw maghilom ang sugat. Kaya baka hindi kagad gumaling yan, aabutin ng isang buwan."

 

 

"Hindi totoo yan, gagaling din to kagad kasi hindi naman ako diabetic. Punta na tayo sa kabila, grabe ngayon ko nararamdaman yung hapdi. Sigurado magpapasa to."

 

 

"Ikaw may gusto niyan ang galing mo eh. Ano ba yun, tinitignan mo kung vampira ka? sinusubukan mo kung kaya mo din lumipad parang sila Imperia? hahahaha o ayan nakayod tuloy yung balat mo."

 

 

 

 

 

3:00pm

 

Kanina pa kami paikot ikot sa simbahan, sa plaza at saka sa palengke. Hiniram kasi ni Ryujin yung pedicab sa tatay ni Sito. Ito yung pedicab na walang bubong at malaki, pang isang buong pamilya to kaya nagkasya kaming anim. Si Ryujin ang nagddrive, magkatabi sila Cheche sa upuan, kami ni Minji ang nakaupo dito sa unahan habang nakatayo naman sa likod si Sito. Gusto daw kasi nilang mag ikot ikot kaya dito kami nagpunta. Umalis kami sa bahay dahil napaka daming tao ngayon dun sa bakuran namin, naghahanda sila para dun sa pasyon performance ni Vivian at dun sa caridad para bukas.

 

 

"Tambay muna tayo dito hindi naman na mainit. Gusto niyo ba ng softdrinks o ng gulaman?" tinigil ni Ryujin yung pedicab dito sa plaza, tapat ng simbahan. Nagsibabaan kami at kanya kanyang upo malapit sa balon at fountain. "Layu bibili ka?" tanong ko sakanya."Oo libre ko na kayo, ano gusto niyo Che, Vivian, Minji?"

 

 

"Kahit ano nalang Layu. Thank you."

 

 

"Soda nalang yung sakin, thanks Layu." sunod sunod silang nagpasalamat sakanya. "Layu ako gusto ko ng ihaw! Bagay yung ihaw na panulak sa softdrinks." may special request pa talaga tong batang kasama namin kaya natawa kaming lahat sakanya. "Ikaw kaya itulak ko? halika na sumama ka sakin Sito ililibre kita. Hintayin niyo kami dyan, babalik kami."

 

 

"Ano yan pinaguusapan niyo Che?" umupo ako sa gitna nila, narinig ko na may pinagkkwentuhan sila tungkol sa Mahal na Araw.

 

 

"Yung kanina, did you hear that Minjeong yung about sa church kapag holy week. Minji ikwento mo sakanya."

 

 

"Yung knkwento kanina. Nung bata daw sila mama kapag Sabado de Gloria may naririnig daw sila sa loob ng simbahan kapag alas dose ng gabi."

 

 

"Ano naririnig nila?"

 

 

"Parang may mga tao sa loob na nagsisimba pero mga kaluluwang ligaw daw yun na nanghihingi ng bendisyon."

 

 

"Totoo kaya yun?" ngayon ko lang narinig itong kwento na to. Gusto ko sana sabihin na hindi ako naniniwala pero pagkatapos nung mga naranasan namin sa mansyon. Lahat ng kwento ay hindi imposible.

 

 

"It's just a story. Minjeong do you remember? ate even mentioned that there are vampires here, tignan mo wala naman kahit isa. Probably hindi din totoo yun. But who knows."

 

 

"Why don't we try it and prove it ourselves?"napatingin kaming lahat kay Vivian. "What's that Vivs?"

 

 

"Yung knkwento ni Minji, subukan natin. Let's drop by the church on Saturday midnight. So we can find out if it's true."

 

 

"Oh I would love that. What you say Minjeong?"

 

 

"Hahaha sige, Minji sama ka ha! punta tayo dyan Sabado ng gabi. Saan ba natin papakinggan papasok pa tayo sa loob, edi trespassing?"

 

 

"Sabi ni mama nakikinig lang sa pinto yung matatanda, pinapakinggan nila kung may mga tao sa loob."

 

 

"Ah ganun lang akala ko naman papasok tayo. Tara sige punta tayo! Baka naman matakot at umatras ka Vivian."

 

 

"I'm not a cow Kiminjeong, I'm scared of nothing."

 

 

"Talaga lang ha!"

 

 

"Hey what is Sito eating, ano yung hawak niya?" nilingon ko si Sito at Ryujin na naglalakad pabalik dito kung nasaan kami. Nakita ko na may hawak siyang ihaw na mukang, "Sito bituka ba yan?" tinitignan ko yung dalawang stick na parang may bituka ng manok."Oo inihaw na bituka at ito naman bituka ng baboy. Gusto niyo? Ate Vivian kumakain ka po ba nito?"

 

 

"No Sito I'm sorry. Okay lang pero baka magka indigestion ako eh."

 

 

"Ito na yung mga inumin niyo! O ito, kayo na bahala." nagsikuhaan na kami nung mga softdrinks na nasa plastic at may straw. "Gusto mo ba niyan Che?" tanong ko sakanya dahil halata na parang na-ccurious siya sa kinakain ni Sito kaya kanina niya pa tinitignan."Sige I wanna try it, punta tayo dun it's my treat."

 

 

"Manlilibre si ate Cheche!" sigaw ni Sito sabay sakay sa likod ng pedicab. Ako na yung nag ddrive ngayon dahil lahat sila may hawak na inumin. Lilipat kami dun sa ihawan at gusto daw nilang kumain. "Sito humawak ka mabuti! Umupo ka dyan sa likod, babagalan ko nalang." ilang metro lang naman yung layo ng pupuntahan namin kaya ako na yung magpapaandar nitong pedicab.

 

 

Kaya pala pinapatulak ni Ryujin kanina kay Sito yung likod dahil napaka bigat namin lahat. "Minjeong you need help?" tanong sakin ni Cheche, "hindi na malapit lang naman ayan na nakikita ko na yung ihawan."

 

 

Walang tao dito sa plaza kaya ayos lang na mamasyal silang dalawa. Hindi kami pwedeng pumunta sa bayan dahil madalas pinagkakaguluhan sila, yun din ang dahilan kung bakit hindi kami masyadong umaalis dito sa purok namin. Bigla biglang naglalabasan yung mga fans nila kahit saan kami pumunta.

 

 

 

 

Mukang naka quota na sa kita yung nagiihaw sa dami ng binibili nila Ryujin at Cheche, kaming dalawa lang ni Vivian yung hindi kumakain dahil ayaw ko ng karne, lalo na ng laman loob. Kahit pa sabihin na hindi malansa at naluluto naman mabuti, hindi ko talaga kayang kainin.

 

 

"Talaga ba, seryoso kayo? papasok tayo sa simbahan ng gabi?" nung nasabi ko kay Ryujin yung gagawin namin sa Sabado hindi na siya makapaghintay at kanina pa paulit ulit na nagtatanong. Gustong gusto niya yung mga ganito, mga aakyat o papasok sa lugar na bawal.

 

 

"Makikinig lang tayo dyan sa pinto. Alas dose daw ng gabi yun, titignan natin kung totoo yung mga kwento ng matatanda."

 

 

"Eh pano kapag wala tayong narinig?"

 

 

"Edi uwian na. Bakit, may iba ka pa bang gustong gawin?" kabisado ko yung ngiti ni Ryujin, yung mga ganitong galaw niya malamang gusto nanaman niyang umakyat dun sa kampana.

 

 

"Minjeong ano ba talaga nangyari dyan sa arms mo, sabi sakin ni ate ilan beses ka na nagpapa x-ray this month. Lagi ka daw natutumba sa bike. Sinabi ko na dba wag kang magbbike ng gabi and don't ride a motorcycle. Malabo yung mata mo, hindi ka pwede mag ganun. Just drive a car or magpahatid ka sa driver. Ayaw ko na nagmomotor ka."

 

 

"Hindi naman kami nag momotor tsaka last week pa yung sa bike."

 

 

Simula nung dumating sila dito, ilan beses na niya akong pinagsabihan tungkol sa pagbbike ko. Akala niya nakuha ko yung mga sugat ko dahil dun, yun kasi ang sinabi kong dahilan kay ate nung nakita niya na ang dami kong sugat.

 

 

"Ano pa sinabi sa check-up mo?" napatingin ako kay Ryujin nung magtanong sakin si Cheche. "Wala, pinagpapahinga lang ako nung doctor."

 

 

"Sundin mo yung sinabi ng doctor tsaka mag iingat ka. Guys tapos na ba kayo, pwede ba maglakad nalang tayo pauwi sa bahay para bumaba yung kinain natin?"

 

 

"Magandang idea yan ang dami kong nakain. Kiminjeong ikaw na yung mag ddrive nito?"tanong ni Ryujin.

 

 

"Wait I wanna try it. Minjeong let me, ako nalang magddrive niyan." nag presenta si Vivian na mag drive nitong pedicab. "Sigurado ka marunong ka?" hindi na siya sumagot at nakipag unahan pa sumakay. "Okay, ikaw na. Sino pa sasakay sainyo?" tinanong ko yung apat na kakatapos lang kumain ng ihaw. "Sito ikaw?" nakita ko na umiling siya at sumama na kila Minji. Parang balak ata nila maglakad lahat. "Ako nalang sasakay dito, ayusin mo patakbo mo Vivian." umupo ako sa pedicab at nag simula na din siyang mag, nauuna naman maglakad yung apat.

 

 

"Hoy saan ka pupunta, bakit lumiko ka?" nagulat ako nang bigla siyang kumanan sa isang kalye. "Dito nalang para short cut," pinili niyang daanan yung papunta sa dagat at mapipilitan din kaming dumaan sa gilid ng simbahan. "Wala masyadong tao dyan Vivian."

 

 

"Edi mas okay." nagpatuloy lang siya magpedal. Mahigit kalahating kilometro ang layo ng bahay namin mula sa plaza. Andito kami ngayon sa short cut, wala masyadong nakatira dito, puro mga malalaking lote na may matataas na bakod at malalagong puno lang ang makikita mo.

 

 

"Oh my god Minjeong. Let's go back, let's go back I'm serious." tumigil siya bigla at sinusubukan lumiko ulit. "We have to go back."

 

 

"Ha? bakit?" 

 

 

"May mga nagaabang saakin na fans."

 

 

"Mga fans mo? Asaan?" inalis ko yung salamin ko at pinunasan ko muna ng maigi para makita ko yung tinuturo niya. "Ayan yung three girls, wag ka magpahalata." tinignan ko yung sinasabi niya, totoo nga na may mga nakaabang at nanonood samin.

 

 

"I think they are waiting for us. Gusto ko naman sila batiin, but not now because I'm on vacation. I need privacy. Tsaka hindi ako nakaayos." tinigil niya yung pedicab kaya bumaba ako at tinignan ko mabuti yung sinasabi niya. Nung makita ko na yung mga nakatayo sa gilid ng kalsada, biglang nagtaasan yung balahibo ko at bumilis yung tibok ng puso ko. "Hala."

 

 

Hindi maganda to at kailangan na namin makaalis kagad. "Vivian ako nalang magmamaneho nitong pedicab, balik na tayo kung nasaan sila Cheche. Umupo ka na bilisan mo." nagmadali ako nang makita ko kung sino yung mga nakatayo sa gilid ng kalsada.

 

 

"Ikaw na mag drive nito Minjeong." buti nalang hindi na siya nagtanong at sinunod niya kagad yung sinabi ko."Tara na sumakay ka na dalian mo. Baka lumapit at magpapicture pa sila sayo. Bilis bilis."

 

 

Yung tinuro ni Vivian na akala niya mga fans. Malayo palang kitang kita ko na kung sino sila. Yung itim na damit at mga tindig nila, kahit ganun kalayo, sigurado ako na silang tatlo yun. Nakatayo sila sa ilalim ng puno at mukang inaabangan kami. Gamit na nila yung mga shades kaya nakakalabas na sila ng mansyon kahit may liwanag pa.

 

 

"Hey are you okay, bakit parang pinagpapawisan ka?"

 

 

"Okay lang ako, kumapit ka maigi uuwi na tayo."

 

 

 

 

8:00pm

 

Alam ko na meron pasyon ngayon sa bakuran namin pero hindi ko naman inakala na magkakaron pala ng pa-showcase ngayon gabi si Vivian. Pabasa to para sa Mahal na Araw pero pucha naglabasan yung mga fans niya. Para silang mga bubuyog na biglang nakawala sa lungga. Habang kumakanta at nagbabasa siya ng dasal naiiyak yung mga Vivinatics. Tawa kami ng tawa ni Ryujin dahil may dala pa talaga silang tarpaulin na may picture niya. Yung pasyon pang Semana Santa nauwi sa mini concert na may pa-meet and greet pa. Iritang irita ako dahil napuno ng tao itong bakuran namin. Hinayaan nalang ni ate dahil ito ay dasal para sa mga taga dito sa purok namin. Dasal yung pinunta pero lahat sila nagrerecord yung cell phone. Sa halip na makinig at mag nilay-nilay, vnvideo nila yung libreng performance. Si Sito yung isa sa mga nangunguna, andun siya ngayon sa pinaka baba ng stage. Nakita ko siya kanina na todo fanboy nung nagsimula nang kumanta si Vivian. Sila Cheche, Layu at Minji andun sa veranda kasama nila ate pati sila manang Carmen, nakikinig silang lahat sa iba't-ibang rendition ni Vivian.

 

 

Wala akong mapwestuhan at naiingayan ako sa kwarto ko kaya andito ako ngayon sa taas ng puno ng mangga. Kailangan kong umakyat dito para makapag yosi ako at walang makahuli sakin. Mas pipiliin ko nalang umupo dito dahil tahimik at makakapag basa pa ako sa cell phone ko. Mag mmessage din naman sakin sila Ryujin kapag malapit na matapos.

 

 

 

 

8:30pm

 

Tuloy pa din ang pasyon o mini concert ni Vivian. Hindi ko alam kung bakit nila siya hinahayaan na gawin R'n'B yung pabasa. Iniiba iba niya yung tono nung kanta at talagang bigay todo pa siya. Tuwing magsisimula siya ng bagong talata nagsisigawan at nagpapalakpakan pa yung mga fans niya. Kung makikita lang yung ganap dito sa bakuran namin, aakalain mo talaga na may fiesta.

 

 

Habang nagbabasa ako, napansin ko na parang lumalamig at lumalakas yung simoy ng hangin. Nung sinilip ko yung langit, madami naman bituin at bilog yung buwan, kaya imposible na uulan ngayon gabi. Madalas kasi kapag mainit tapos lumamig ng gabi, kasunod nun ay malakas na buhos ng ulan.

 

 

Hindi ko pinansin at nagpatuloy nalang ako sa binabasa ko, meron nalang natitirang apat na pahina na balak kong tapusin bago ako bumaba.

 

 

 

 

9:00pm

 

"Wala ka talagang pakialam sa nangyayari sa paligid mo, kaya ka ba nandito?"

 

 

"Kiminjeong!"

 

 

"Oy gago!" muntik mahulog yung cell phone ko nung biglang may tumawag sakin. "Layu ikaw ba yan?!" sinisilip ko kung meron tao sa baba pero parang wala naman.

 

 

"Bakit ka mag isa?"

 

 

"Bakit hindi ka nakikisali sa kanila, bakit ka nandito?"palapit ng palapit yung nagsasalita at parang iniikutan ako kaya umiilag ako.

 

 

"Catalina?"

 

 

"Ako nga!"

 

 

"Anong ginagawa niyo dito?!" pag tingin ko may mga kasama na pala ako dito sa taas ng puno. "Ang daming tao, bakit nandito kayo?"

 

 

"Bakit kayo nandito Gisele?"

 

 

"Gusto ko dalawin si Ryujin." bigla siyang lumipat sa mas mataas na sanga. "Gisele umalis na kayo, ang daming tao baka makita nila kayo."

 

 

"Hindi kayo pwede dito. Umuwi na kayo." parang wala silang naririnig at nakatingin lang sila sa mga tao sa baba."Ano ba gingawa niyo dito Catalina? baka naman manggugulo o may papatayin kayo? wag kayong gumawa ng ganyan mapapahamak lang kayo."

 

 

"Nagpunta kami dito para makinig sa pabasa, masama ba?"

 

 

"Tumigil ka nga hindi ka naman Katoliko."

 

 

"Catalina iiwan na muna kita dito. Mauuna na ako." lalo akong kinabahan nung nagpaalam si Gisele. "Saan ka pupunta?!" nagaalalang tanong ko sakanya. "Aalis ako, mamaya ko nalang babalikan si Ryujin. Ayaw ko dito, napaka ingay at naririndi yung tenga ko sa mga pinaggagawa niyo."

 

 

"Sige sasabihin ko din sakanya na nagpunta ka. Wag kang mananakit o magpapakita sa tao Gisele. Bumalik ka nalang sa mansyon!" hindi na siya sumagot at bigla nalang nawala na parang bula. Tinignan ko yung nakaupo dito sa tabi ko, seryoso siyang nanonood at nakikinig sa pabasa ni Vivian. Alam ko na nang gagago lang to dahil nakapikit pa talaga siya at parang sinasapuso yung bawat dasal na kinakanta.

 

 

"Andito ka nanaman, umuwi ka na." 

 

 

"Gusto ko makinig ng pabasa at magdasal. Bawal ba?"

 

 

"Anong bawal ba. Akala niyo ba hindi ko kayo nakita kanina? nasa labas kayong tatlo. Dba kayo yun, yung nakatayo sa kalsada kaninang hapon. Mag isip naman kayo Catalina, kakaiba yung itsura niyo kaya agaw pansin sa mga tao. Kapag may nangyari dito sa bayan namin kayo yung unang unang pagbibintangan."

 

 

"Natutuwa ako malaman na may malasakit ka pala sa amin Kiminjeong."

 

 

"Ayaw ko lang ng gulo at ayaw ko na may masaktan, yun yung pinaka iniiwasan ko."

 

 

"Sandali nga ano ba yun, ang ingay naman." pag tingin ko sa baba, may mga askal na nakatingala dito sa puno. Tahol sila ng tahol at umaalulong pa. Sinubukan kong bugawin pero nag ingay pa lalo sila. "Catalina parang nararamdaman ata nila na andito ka."

 

 

"Sandali lang, babalik ako." kasabay ng pag alis niya, nawala na din yung mga askal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh 20 streak #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh 20 streak #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh 20 streak #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh 20 streak #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1143 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2133 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko