Chapter LII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

(Continuation)

 

4:30pm sa Balsa Restaurant

 

Pagbalik ko dito sa kubo umupo ako sa tabi ni Catalina dala dala yung iced coffee na inorder ko dun sa restaurant. Kahit pinayagan niya akong umalis saglit, masasabi ko na hindi maganda yung mood niya at nagtitimpi lang siya sakin.

 

 

Naka focus ako sa pag sipsip sa straw at hindi ako tumitingin dito sa katabi ko. Nakikita ko sa peripheral vision ko na may nakatingin sakin ng masama at nakakaramdam ako ng hindi magandang energy na nanggagaling sa kanan ko. Titipidin ko nalang tong iced coffee para dito nalang ako magffocus hanggang sa umuwi kami.

 

 

Kukunin ko sana yung phone ko pero biglang nagbago yung isip ko nung makita ko na nasa tabi pala mismo ni Catalina yung bag ko. Nahihiya akong ipaabot sakanya dahil masyado siyang seryoso at ayaw kong tumayo para kunin dahil ang awkward namin ngayon dito.

 

 

Hindi ako makatingin sakanya pero ramdam ko na nakatingin lang siya sakin at hindi siya nagsasalita. Hindi manlang ngumingiti at napaka seryoso niya. Dapat ata ako yung magsimula ng conversation para mabasag tong katahimikan kaso pano, nakikita ko na yung mangyayari, susungitan at babarahin niya lang ako.

 

 

 

 

4:45pm

 

Lalong bumuhos yung ulan at magkatabi pa din kami dito sa papag. Ni-minsan talagang hindi na nagsalita si Catalina.

 

 

Mas humarap pa ako sa bukid at pinapanood ko yung mga bundok at halaman sa paligid. "Ang lakas ng ulan." banggit ko sabay sipsip ng mahina sa straw. Hindi siya sumagot, nakahalukipkip ang mga kamay niya habang nakatingin lang sakin. "Titigil pa kaya to, o tuloy tuloy na?" dagdag ko pa. Ang awkward nito, may nakatitig sakin kaya hindi tuloy ako makainom ng maayos. "Buti hindi na masyado kumukulog."

 

 

"Ang sarap talaga tumambay dito." nginitian ko siya kaso nabura din kagad dahil ang sama ng tingin niya sakin.

 

 

"Ang ganda ng mga bundok dito kesa sa San Jorge. Mas malago tsaka mas makakapal kasi yung gubat dito sa probinsya na to eh." pinapakiramdaman ko yung nasa tabi ko, tangina ang awkward talaga kasi parang pinapanood niya lang yung mga kilos ko. Wala siyang reaksyon kahit nagsstart na ako ng conversation.

 

 

"Ang lamig nitong iced coffee." hinawakan ko yun straw at hinalo halo ko kunyari. "Ay natapon pa oh." aabutin ko sana yung bag ko na nasa tabi niya kaso pag lingon ko, nagkatinginan kami ni Catalina. "Baba excuse lang ha kuha ako ng tissue." nung nasakin na yung bag ko, kumuha ako ng tissue bago ako magpatuloy sa paginom ng iced coffee ko.

 

 

 

 

5:00pm

 

Hindi pa din talaga nagsasalita si Catalina Kanina pa ako nag oopen ng kung ano anong topic kaso ayaw naman niyang sumagot at hindi niya ako pinapansin. Para akong nakikipag usap sa hangin. Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganito, nasira yung mood niya dahil may nagawa akong mali at may kasalanan ako sakanya.

 

 

Habang magkatabi kami hindi ko na natiis. Pasimple kong kinuha yung kamay niya at hinalikan ko muna bago ko pinag intertwine. Hindi umiwas si Catalina at naramdaman ko na humawak din siya pabalik.

 

 

"I love you." hinalikan ko ulit yung kamay niya ng isang beses.

 

 

"Ano sa tingin mo ang mangyayari kung ganyan ang ugali mo?" napayuko ako nung marinig ko yung sinabi niya. "Sagutin mo yung tanong ko. Ano sa tingin mo ang mangyayari sayo at sa atin dalawa kung patuloy ka sa ganitong klaseng ugali mo?" hindi ako sumagot at iniinom ko lang yung hawak ko.

 

 

"Hindi mo ba ako naririnig o nagpapatay malisya ka pa din?"

 

 

"Sorry Catalina, susubukan ko na talagang baguhin. Iiwas na din ako sa gul-"    "Tigilan mo na nga yung kakasabi niyan!!" gulat akong napatingin sakanya nung nagtaas siya ng boses. "Wag ka naman magalit." mahinang sabi ko.

 

 

"Hindi na ako magpapadala sa mga ganito mo. Ngayon nagbabaitbaitan ka dahil nahuli kita at nabisto ko yung mga pinaggagawa mo. Wag kang umasta na parang hindi mo kayang gumawa ng kasalanan Minjeong."

 

 

"Hindi naman eh,"

 

 

"Alam mo ba na nakakabahala kung pano ka? Hindi ko na talaga gusto tong nangyayari sayo. Ang lala mo Minjeong."

 

 

"Sorry nadala lang naman kasi ako,"

 

 

"Nadala?!"

 

 

"Hindi ko naman sinadya na,"   "Wag ka nang sumagot!!"

 

 

"Eh tinatanong mo ako eh kaya sumasagot ako. Wag ka naman sumigaw Catalina."

 

 

"Sawang sawa na ako sa mga dahilan mo, paulit ulit nalang nagsasawa na akong marinig yan! Wag kang umarte na napaka bait mo. Alam ko na pinagplanuhan mo mabuti at sinadya mo na itago sakin yun!"

 

 

"Wag ka naman sumigaw."

 

 

"Bakit kailangan mong itago? bakit ka nagsinungaling sakin?!"

 

 

"Catalina wag ka naman gumawa ng eksena dito please. Nakakahiya."

 

 

"Ngayon nahihiya ka, akala ko ba matapang ka?! bakit hindi mo ipakita sakin ngayon kung gano ka katapang?"

 

 

"Wag kang sumigaw. Baka marinig tayo ng mga staff dito, kakilala pa naman namin yung may ari."

 

 

"Pagkatapos nung pagwawala mo sa dagat ngayon nahihiya ka?"

 

 

"Iba naman kasi yun Catalina,"

 

 

"Kung mapapanood mo lang kung pano ka nung gabing yun. Nakakatakot ka Minjeong!! Nakita mo ba yung takot sa muka ni Ryujin? anong klase kang kaibigan, nilagay mo sa peligro yung buhay niya at hindi mo manlang siya inisip. Alam mo ba na hindi lang siya natatakot o naaasiwa dun sa ginawa mo kila Daryah. Mas natakot pa siya sayo! Hindi niya lubos maisip na kaya mong gawin yun."

 

 

Sobrang tumatagos sakin yung mga sinasabi ngayon ni Catalina, hindi ko tuloy alam kung ano pa ang pwede kong sabihin. Pero tama siya, ang laking pagkakamali na nagsinungaling ako sakanya at sumobra yung ginawa ko.

 

 

"Sobrang malala at napaka delikado nitong nangyayari sayo. Nagiging kagaya mo na yung mga vampira na hindi na dapat buhayin. Mga mabababang uri, kayo yung mga salot sa lahi namin." gulat akong napatingin sakanya dahil sa mga binitawan niyang salita. "Salot ako?"

 

 

"Oo yung mga kagaya mo ang nagiging salot sa lahi namin."

 

 

"Sorry talaga Catalina. Alam ko na sumobra ako pero may dahilan naman kasi kung bakit ko ginawa yun. Hindi ko napigilan at nagpadala talaga ako sa galit ko inaamin ko yun. Malaki yung pagkakamali ko, unang una nagsinungaling ako sayo, nag desisyon ako ng hindi kita sinabihan. Babawian ko lang dapat si Daryah kaso hindi ko na-control."

 

 

"Hindi ko na kailangan marinig yan dahil parepareho lang naman lagi ang sagot mo. Ano sa tingin mo ang mangyayari, pagkatapos ng ginawa mo?"

 

 

"Pinagsisisihan ko naman talaga eh. Pero inaamin ko, hindi ko pinagsisisihan nung sumugod ako sa dagat at ginantihan ko siya."

 

 

"Sino ka ba sa tingin mo para magdesisyon ng ganito kabigat Minjeong? baguhan ka palang at madami ka pang kailangan matutunan."

 

 

"Pag sinabi ko kasi sayo alam ko na hindi ka papayag, kaya ako na mismo yung naghiganti sakanya. Isa yun sa pagkakamali ko, nagmarunong ako."

 

 

"Pati yung kaibigan mo hindi mo manlang inisip ang kaligtasan niya. Ikaw hindi ka kagad mamamatay dahil iba na ang lakas ng katawan mo, pero pano naman siya? pano kung nagkaproblema dun sa dagat at hindi kayo nakalaban, iuuwi mo nalang si Ryujin na bangkay na sa magulang niya?"

 

 

Hindi ko mapigilan maging emosyonal nung na-realize ko yung sinabi niya."Sorry talaga." bulong ko.

 

 

"Pinagsabihan na kita dati pa, wag kang magpadalos dalos dahil hindi tao sila Daryah. Hindi tao ang mga kinakalaban mo at katulad ng mga vampira may mga kapangyarihan at kakayahan din sila. Minaliit mo sila yun ang pinaka malaking pagkakamali mo."

 

 

"Hindi ko kasi matanggap yung mga ginawa nila sayo, tsaka kung hindi dahil sakanila baka nailigtas mo pa si Minju."

 

 

"Tingin mo matutuwa si Minju sa kung pano ka ngayon? Nung gabing yun, dumating ako pero huli na. Naitali mo na sila at hawak mo na yung apoy, para kang nabaliw at nawala sa sarili Minjeong. Hindi normal yun. Kapag hindi mo inayos yan problema mo na yan, sinasabi ko sayo, ikaw ang magiging salot ng San Jorge. Kung ano ano na ang nakaaway at pinatay mo, tiktik, serena pano nalang kung mortal na ang kasunod na makaaway mo? papatayin mo din ba siya o iinumin mo yung dugo?! Dyan nagsisimula yan, ikaw ang magiging problema namin. Dahil sa ugali mo, parang pinapatunayan mo kila Imperia na kahit tayo yung itinakda, hindi ka karapat dapat."

 

 

"Patawarin mo ako Catalina." 

 

 

"Binibigyan mo si Imperia ng sapat na dahilan para patayin ka. Kapag nalaman niya tong mga pinaggagawa mo, pwede silang mag desisyon ni Yesenia na patayin tayong dalawa. Kahit anong mangyari, mas pipiliin nilang pangahalagahan yung lahi kesa satin, yan ang tatandaan mo."

 

 

"Pipilitin ko na talagang magbago. Hindi ko na gagawin ulit yun."

 

 

"Manahimik ka na, ilan beses mo nang sinabi yan. Nararamdaman ko ngayon na wala kang pagsisisi. Ano ba ang tingin mo sa sarili mo? kayang kaya mo na kami?! mataas ka at napaka lakas mo na?!"

 

 

Pinunasan ko kagad nung maramdaman ko na nababasa na yung mata ko at tutulo na yung luha ko.

 

 

"Anong masasabi mo? masaya ka ba na nagiging ganito ka? may napatunayan ka ba sa sarili mo tuwing nakakasakit at nakakapatay ka?" Umiling ako at hindi na ako nagsalita pa.

 

 

"Ngayon, kapag namatay ang lahat ng tao sa San Jorge, walang ibang dapat sisihin kung hindi ikaw. Ikaw ang may kasalanan nun."

 

 

*mahinang paghikbi*
 

 

"Makasarili ka at minaliit mo ang kapangyarihan ng mga sirena. Hindi mo manlang naisip ang magiging epekto ng mga desisyon mo. Hindi mo iniisip yung mga mortal na madadamay sa kagagawan mo?!"

 

 

"Gumanti ako para sayo." sagot ko. Hindi ko siya matignan dahil naiiyak na ako.

 

 

"Para sakin pero mas nangingibabaw yung meron kang gustong mapatunayan sa sarili mo. Masaya ka na nasalinan ka dahil mas madami ka nang nagagawa ngayon. Hindi ko inakala na gagamitin mo pala yung kakayahan mo sa kagaguhan. Kabisado na kita Minjeong, kung ano yung nasa loob mo yun din ang nararamdaman ko. Proud na proud ka sa ginawa mo at ang taas ng tingin mo sa sarili mo. Tingin mo ikaw ang nananalo tuwing nakakapatay at nakakasakit ka."

 

 

"Hindi na talaga mauulit."

 

 

"Ikaw ang magiging problema ng lahi namin. Mukang nagkamali nga ata ang tadhana."

 

 

"Anong ibig mong sabihin?"

 

 

"Mali ata yung desisyon ko na binuhay pa kita."

 

 

Natigilan ako sa pag kalikot sa straw at napatingin ako kay Catalina. Seryoso siya at hindi manlang siya nagdalawang isip na sabihin sakin yun.

 

 

Hindi ako makapaniwala sa binitawan niyang salita. Sobrang nasaktan ako at nararamdaman ko din ngayon mismo na may pagsisisi nga talaga siya. Pero pano nga kung tama siya, posible kaya yun, na nagkamali lang sa amin dalawa yung tadhana.

 

 

"Nagsisisi ka na binuhay mo ako." sagot ko. 

 

 

"Wala ka kasing kadala dala Minjeong, napakatigas ng ulo mo at lahat nalang ginagawa mong biro. Anong klase ka? dinamay mo si Ryujin, dinamay mo si Lucila at higit sa lahat nilagay mo sa panganib hindi lang tayo pati pamilya mo kung hindi lahat ng tao sa probinsiya natin."

 

 

Hindi ko na alam kung ano pa yung dapat kong sabihin. Tama si Catalina at may point talaga yung sinasabi niya, hindi ko iniisip yung mga kahihinatnan ng mga ginagawa ko. Basta naisipan ko at gusto ko, yun lang ang importante sa akin. Hindi ko pa din talaga naccontrol lalo kapag napapangunahan na ako ng galit.

 

 

"Baka pwede mo pang bawiin. Habang maaga pa."

 

 

"Ano? lakasan mo dahil hindi kita marinig Minjeong."

 

 

*mahinang pag iyak*

 

 

"Ulitin mo, ulitin mo yung sinabi mo Minjeong!"

 

 

"Dapat pala hindi mo nalang ako binuhay, hindi sana ako nagkaganito. Nananahimik na sana ako ngayon at magkasama na kami ni Minju." 

 

 

"Anong sinabi mo?" lumayo ako sakanya at nagteleport ako sa kabilang dulo nitong kubo.

 

 

"Anong sinabi mo Minjeong?" umiling ako nung sumulpot si Catalina sa harap ko.

 

 

"Ulitin mo yung sinabi mo." narinig ko na nanginginig yung boses niya at nakita ko na nangingilid yung luha niya. "Ulitin mo yung sinabi mo Minjeong!" pagsigaw niya grabe yung kaba ko dahil bigla niya akong binitbit sa leeg at inangat ako sa kinatatayuan ko.

 

 

"Catalina wag. Sorry talaga sa ginawa ko." inaalis ko yung kamay niya na nakasakal sa akin. "Tama na."

 

 

"Kasalanan ko pa ngayon kung bakit nagkaganyan ka?"

 

 

"Yung kamay mo alisin mo."

 

 

"Kasalanan ko pa na binuhay kita?"

 

 

"Tama na."

 

 

"Lumayo ka at wag ka nang magpapakita sa akin Minjeong." pag bagsak ko sa sahig bigla siyang nawala at iniwan ako mag isa. Grabe, ang bilis ng pangyayari, okay na okay pa kami kanina pero biglang bumaliktad. Kakaisip palang namin ng pet names tapos nauwi kami sa ganito.

 

 

Ito ang unang beses na nagaway kami ng ganito katindi. Hindi ko alam kung pano ko maaayos to, pero susubukan ko pa din siyang kausapin.

 

 

 

 

 

1:30pm Sabado

 

Umuwi muna ako sa bahay namin, dito na ako dumiretso pagkagaling ko sa Balsa Restaurant kahapon. Sobrang bigat sa pakiramdam ng nangyaring away samin ni Catalina, hindi ko na siya ma-contact at hindi niya talaga ako kinakausap. Nung nagteleport ako sa mansyon kagabi para titignan ko kung kamusta siya, nagalit siya lalo at pinagtabuyan niya ako. Hahayaan ko muna siya at bibigyan ko ng space. Siguro naman makikipag usap din siya sakin kapag medyo nabawasan na yung tensyon na namamagitan samin dalawa.

 

 

 

Medyo na-late ako ng gising ngayon dahil napuyat ako kagabi. Sabay kami kaninang nag lunch ni ate pero umalis din siya kagad dahil naimbita siya as guest speaker ng isang fiesta sa ibang probinsya. Pupunta dapat ako sa bahay nila Ryujin pero nung tumawag ako nakaalis na daw siya at nagpunta na kila Gisele. Andun silang lahat ngayon at nakatambay sa mansyon, naiinggit tuloy ako kasi summer pa naman tapos hindi ako makapag stay dun kasama sila.

 

 

*dial*

 

*ringing* *ringing* *ringing*

 

 

LYU: hello?

 

KMJ: Layu

 

LYU: o?

 

KMJ: asan ka?

 

LYU:  andito na sa mansyon, kakabalik lang namin ni Gigi bumili kami ng mga ingredients sa grocery sa mall

 

KMJ:  ingredients? para saan, magluluto kayo?

 

LYU:  oo korean barbeque weekend daw ngayon dito sa mansyon eh, pakana ni hon tsaka ni doc yeji

 

KMJ:  ganun

 

LYU:  asan ka ba? dumaan ako dyan kanina natutulog ka pa daw 

 

KMJ:  andito ako sa kwarto ko

 

LYU: punta ka sana dito kaso, sinabihan ako ni Catalina na wag daw kitang aayain. magkaaway kayo noh kaya ka nandyan ngayon?

 

KMJ: oo, ano pa nga ba

 

LYU:  grabe sayang kiminjeong tignan mo!!

 

LYU:  *attached photo*

 

LYU:  ang daming samgyeopsal, galbi tsaka nagdala din si doc yeji ng wagyu pero hindi nga daw wagyu to eh, ay hindi pala wagyu kobe! tsaka ang daming wine

 

KMJ:  kobe? gago ang bastos mo yumao na yun niloloko mo pa

 

LYU: bobo kobe beef kasi! sayang sana andito ka

 

LYU:  *attached photo*

 

LYU:  hahaha nag group photo muna kami bago mag start magluto

 

LYU:  uwian nalang kita ng pagkain para dinner mo mamayang gabi

 

KMJ:  hindi wag na, okay lang ako hindi naman ako nagugutom

 

LYU:  anong gagawin mo ngayon? andyan si sito, pasama ka muna sakanya. wala si Minji pumasok ata, daanan nalang kita mamaya dyan pag uwi ko

 

KMJ:  magbabasa lang ako. sige lang dyan ka muna, hintayin nalang kita mamaya, dito ka nalang kaya matulog?

 

LYU:  sleepover ulit gusto mo??

 

KMJ: hahahahahaha leche, oo pero yung totoong sleepover na

 

LYU:  hahaha yung walang patayan? okay sige

 

KMJ:  layu, anong ginagawa ni catalina? galit pa din ba siya sakin?

 

LYU:  okay naman, muka siyang masaya at nageenjoy ngayon

 

KMJ:  kinamusta ba niya ako o hinanap niya ako sayo?

 

LYU: hindi eh, sinabi lang wag kitang ayain pumunta dito

 

KMJ:  wow ang sweet naman niya naisip niya pa yun

 

LYU:  hahahaha hayaan mo muna, bigyan mo ng time hanggang sa lumamig na yung ulo niya

 

KMJ: oo ganun na nga, si Lucila nasaan, andyan din?

 

LYU:  oo andito siya pati yung dalawang biik naglalakad lakad dito sa bakuran. si lucila yung entertainer nila dito, sabi ni hon kanina pa daw nag ddance and song number kasi may bago siyang mic na bigay ni catalina, hindi ko naman siya nari

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2143 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko