Chapter XL

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Tatlong Linggo Makapilas ang Pagkabuhay ni Kiminjeong

 

 

2:00pm Sa Bahay ni Yesenia

 

 

"Tahan na at wag ka nang umiyak Kiminjeong, araw araw naman kitang dadalawin dito sa bahay ni doctora. Nakapag usap na kami pati nito ni Cheche, sana maintindihan mo na pumayag kami na dito ka muna pansamantala para ma-obserbahan ka niya mabuti. Wala kasing kahit sino ang makakapag paliwanag kung ano nga ba ang nangyari at bigla nalang nawala ang sakit mo sa puso, ultimo mo yung mata mo naging sobrang linaw. Madami tayong katanungan at siyempre gusto ko na maging ligtas ka kaya pumayag ako sa sinabi ni doctora na dito ka muna hangga't hindi pa tayo sigurado. Isa pa, mas malapit itong bahay niya sa ospital, mas magiging panatag kasi ang loob namin ni Cheche kapag alam namin na andito ka."

 

 

"Yeah that's true Minjeong, ang layo ng bahay natin it's more than thirty minutes drive pa going to the hospital. Mas safe kapag dito ka muna. Thank you so much doc Yeji for the offer. That's very kind of you."

 

 

"You are welcome Chantal."

 

 

"At isa pa, sasamahan ka naman dito ni Catalina. Dito daw muna siya tutuloy pansamantala para hindi ka mag isa dito at may magbabantay sayo kapag nasa ospital si doctora. Magpasalamat tayo Minjeong dahil andyan sila para saatin. Maraming salamat sa tulong niyo, doctora, Catalina."

 

 

"Walang anuman po mayora." napatingin ako nung narinig ko na nagsalita yung nakatayo sa tabi ni doc Yeji. Nagbabait baitan pa yung itsura niya habang sumasagot kay ate. Itong si Catalina, humanda talaga to sakin. Pipigain ko siya sa dami ng mga katanungan ko sakanya, dndeny niya pa na siya yung may pakana kung bakit ako biglang nag ibang anyo. Wala naman ibang tuso na kakagat sakin kung hindi siya lang.

 

 

"O sige na, aalis na kami para makapag pahinga na kayo." mas hinigpitan ko ang pagyakap ako kay ate Taeyeon nung nairinig ko na iiwan nila ako dito. 

 

 

[sobbing] "Bakit ayaw niyo akong pauwiin sa atin?"

 

 

"Minjeong listen to me, stop crying please. Lagi ka naman namin dadalawin dito. We are doing this para lang ma-observe ng maayos yung condition mo. Hindi kasi normal yung nangyayari, it's like you have a new personality and a new physique. Nawala lahat ng bara sa puso mo, you don't use your glasses anymore, your senses became too sensitive kaya lahat ng doctors mo nagtataka, hindi naman nila ma-explain satin kung bakit. As your sisters siyempre gusto namin makasigurado na safe ka tsaka hindi na mauulit yung nangyari nung gabing yun. Just let doctora Yeji observe you for a month. Yun lang naman yung gagawin and dba I told you, you are going through a lot of behavioral changes, malalaman natin kung side effects ba yan or what. Kaya sige na, pumayag ka na, you will be fine here tsaka andito naman si Catalina sasamahan ka niya."

 

 

"Eh ang epal niyan Cheche." tinignan ko siya, tangina talagang nag belat pa siya sakin sabay tago sa likod ni doc Yeji.

 

 

"Stop it. Minjeong I swear, wag kayong mag aaway ni Catalina dito. Mahiya kayo kay doctora Yeji this is her house. Wag kang magulo and behave yourself." inaayos kunyari ni Cheche yung buhok ko pero pasimple niya lang naman akong binubulungan at pinagbabawalan. Siya kasi yung nakasaksi nung mga naging away namin ni Catalina nung isang linggo dun sa kwarto ko sa ospital. Nakakairita kasi siya, ayaw niya pang aminin na siya talaga ang may pakana nitong pinaniniwalaan nilang lahat na milagro. Alam ko na siya yung bumuhay sakin pero tinatanggi niya.

 

 

"Okay sige na, aalis na kami Kiminjeong. Tahan na, wag ka nang umiyak. Dadalawin kita dito araw araw bago ako pumasok sa munisipyo." nung tatayo na si ate, niyakap ko siya ng mahigpit. "Susunod ka sa sasabihin ni doctora, wag matigas ang ulo. Pupuntahan ka namin lagi ni Cheche."

 

 

"Okay. Che kailan ka aalis?"

 

 

"Next week pa Minjeong, I will be staying in San Jorge for another week para madalaw kita."

 

 

"Okay."

 

 

"Don't be sad na. Oo nga pala, andito na yung mga pinapadala mo sakin, I found it in your bedroom." pagkaabot niya sakin nung kwintas, sinuot ko kagad, kinuha ko din yung golf club na sobrang importante para sakin. Itong kwintas na to yung binigay sa akin ni Minju nung birthday ko at yung golf club naman, ito yung pinaka una at pinaka huling birthday gift ko sakanya bago siya pumanaw.

 

 

"Aalis na kami. Iwan ka muna namin dito. I love you Kiminjeong." nung tumayo na si ate Taeyeon parang mas nabahala ako. "I love you ate. Pero ate balikan mo ako dito, gusto ko nang umuwi sa atin, nammiss ko na sila Layu pati si Sharpay."

 

 

"Oo makakauwi ka din, kailangan kasi natin gawin to para ma-obserbahan ka. Babalikan kita, basta mag behave ka at makinig kay doctora Yeji para mapabilis na ang pag galing mo."

 

 

"Opo ate."

 

 

"Catalina, una na kami. Maraming salamat sa pagsama sakanya dito, napaka laking tulong nitong ginagawa mo."

 

 

"Walang anuman po mayora. Wag po kayong mag alala dahil babantayan ko mabuti si Minjeong."nagkatinginan kami ni Catalina pagkatapos niyang sabihin yun. Nakakairita talaga siya pag mga ganito, nagbabait baitan. Sigurado pag alis nila ate bbwisitin at aasarin nanaman niya ako.

 

 

"I'll see you after two days Minjeong, pupuntahan ka namin dito ni Layu and nila Minji. Don't worry, isasama ko din si Sharpay."

 

 

"Okay, hihintayin ko kayo."

 

 

"Yeah, just call me if you need anything. Stop crying okay, makakauwi ka din satin."nung niyakap ako ng kakambal ko parang may mga bigla akong naalala at naramdaman. Hindi ko lang malaman kung tungkol saan at kung ano mismo yun dahil parang hindi pamilyar sa akin yung pakiramdam na yun. "Malungkot ka ba Che?"

 

 

"Huh? what?"

 

 

"Che,"hinatak ko siya saglit nung aalis na siya.

 

 

"Yes Minjeong?"

 

 

"Gusto ko sanang dumalaw dun, gusto ko sana siyang makita, kung saan siya naka lagak."

 

 

"Uhm I don't think it's a good idea. Magpagaling ka muna, dadating ka din sa point na pwede mo na siyang dalawin. Sigurado ako na yun din ang gusto ni Minju."

 

 

"Buhay pa siya nung huling kita ko sakanya."

 

 

"Magpagaling ka muna."

 

 

Okay."

 

 

"Doctora Yeji, we'll go ahead." paalam nila ni ate.

 

 

"Ihahatid ko na po kayo. Gusto ko din sana kayong makausap pwede po ba mayora?"

 

 

"Oo naman sige, may mga gusto din kasi akong itanong." pinapanood ko na sabay sabay lumabas sila ate, Cheche pati na din si doctora. Sigurado may pag uusapan pa sila tungkol sa kalagayan ko.

 

 

Naiwan akong nakaupo dito sa sala kasama si Catalina. "Ano nanaman?" iritang sabi ko sakanya. Lumipat siya at umupo na dito sa tabi ko. "Hanggang ngayon ba nagagalit ka pa din sakin?"

 

 

"Talagang may gana ka pang humirit niyan? ginawa mo akong vampira Catalina. Ikaw ang may gawa nito sa akin sigurado ako, ayaw mo lang aminin."

 

 

"Wag kang magbintang at wag kang maging feelingera Minjeong. Hindi kita kinagat."

 

 

"Anong hindi kinagat epal, eh ano to? paano ako naging ganito? yung sinasabi mong dahilan hindi ako naniniwala. Pano nangyari yun, kinagat ako ng lamok kaya ako nakakapag teleport? Sinong niloko mo Catalina?"

 

 

"Sabihin mo sakin, tapatin mo ako. Ayaw mo ba? kung ayaw mo madali lang naman. Akin na sasaksakin ko yan puso mo para mamatay ka na ulit."

 

 

"Tanginang yan, ginawa mo akong vampira ng hindi mo manlang ako hiningan ng consent."

 

 

"Anong consent?!"

 

 

"Hindi mo manlang ako tinanong kung gusto ko ba to. Hindi mo manlang inisip kung gusto ko ba na maging kagaya mo."

 

 

"Paano ka namin hihingan ng consent eh patigas ka na nun, ilan minuto ka nang patay. Pasalamat ka nga na nabuhay ka pa."

 

 

"Ay wow ha. Nabuhay nga ako pero naging ibang uri naman ako. O ngayon pano to? magiging salot na din ako? papatay na din ako ng mga tao? sisipsipin ko yung dugo ng anak ko o kakagatin ko yung mga alaga namin sa farm?!"

 

 

"Salot? ganyan pala ang tingin mo samin?"

 

 

"Hindi. Sorry. Wag na nga tayo mag usap." sumandal ako sa sofa. Napapikit ako sabay buntong hininga dahil hindi ko talaga maintindihan at gulong gulo na yung isip ko sa mga nangyayari sakin. Masyadong mabilis, parang kailan lang nag ddrive kami ni Minju sa Quezon at nakatambay kami habang nag uusap, ngayon ito na. Pinipilit kong intindihin kung anong klaseng sitwasyon ba to at kung bakit parang pinaglaruan kami ng tadhana.

 

 

"Kung ayaw mo maging katulad namin edi sige, halika na sa kusina at papatayin na kita. Tsaka pwede ba tumigil ka na sa kaartehan mo Minjeongie. Ano ang lagi mong sinasabi dati nung mortal ka pa, hindi ba nagmamakaawa ka pa sakin na gawin kitang kauri ko? O ngayon ayan, nangyari na."

 

 

"Bakit mo ako sinalinan at binuhay pa Catalina?"

 

 

"Dahil ako at ikaw ay iisa, tayo ang itinakda Minjeong at wala ka nang magagawa dun. Kagaya ng sinasabi ko dati hindi ko din alam kung bakit ikaw ang natapat sa akin."

 

 

"Pano ako makakasigurado na totoo yan sinasabi mo, baka gawa gawa mo lang yan? mahilig ka pa naman sa ganyan kung ano anong sinasabi mo sakin nung isang linggo ka pa."

 

 

"Patay ka na pero nabuhay ka pa din ng dahil sa dugo ko. Sapat nang pruweba yan."

 

 

"Dugo mo talaga yung naipasok sakin? Ibig sabihin sayo yung dugo na dumadaloy sa akin ngayon?!"

 

 

"Oo ganun na nga."

 

 

"O tignan mo na nadulas ka din!! epal ka ikaw talaga yung kumagat sakin eh!!" binato ko siya nung throw pillow na hawak ko pero bigla siyang nawala at napunta sa kabilang sofa. "Deny ka pa ng deny ikaw din pala talaga. Sabi ko na eh!!! Nagsisinungaling ka pa sakin, sinabi mo pa na binuhay ako ng mga lamok ang epal mo talaga."

 

 

"Ah talaga ba Minjeongie ikwento mo yan sa lamok!"

 

 

"Lamok? o sige ito lamok!" nagteleport ako sa tabi niya at chnchokehold ko yung leeg niya. "Aray ko Minjeongie ano ba!!!" 

 

 

"Epal ka sinungaling!" hindi niya maalis yung mga braso ko na nakapalibot sa leeg niya. Patas na kami ngayon ni Catalina pag dating sa lakas at mga kilos kaya hindi na niya magagawa sakin yung mga pangbabalibag niya dati.
 

 

"Aray ko Minjeongie hindi ako makahinga nababali mo na yung leeg ko."

 

 

"Ah talaga ba? edi ikwento mo din yan sa lamok!" hinawakan ko siya ng mahigpit at kiniliti ko yung tagiliran niya. "Hahahahahahahaha ano ba, umayos ka nga Minjeong."

 

 

"Ayaw ko!"mas kiniliti ko pa siya pero nagulat ako nung biglang lumitaw sa harap namin si doc Yeji na meron dala dala. Tangina ito nanaman kami. Ito yung iniiyakan ko ng ilan araw na.

 

 

"Wag niyong sabihin na pipilitin niyo nanaman ako?"alalang tanong ko habang iniiwasan kong tignan yung hawak niya.

 

 

"Kailangan mo na to Minjeong dahil mamamatay ka kapag nagpatuloy kang iwasan ito."nagtakip ako ng muka at hindi ko na napigilan umiyak. "Ayaw ko talaga niyan."

 

 

Naramdaman ko na lumapit sakin si Catalina at pinasandal niya ako sakanya. "Minjeong, kailangan na. Kapag hindi mo pa ginawa, matutuyot ka hanggang sa maghihina at mamamatay ka."

 

 

[sobbing] "Hindi ko kasi talaga kaya yan Catalina. Alam mo naman na hindi ako kumakain ng kahit anong klase ng karne, isda lang ang kaya kong kainin pati mga gulay."

 

 

"Alam ko naman yun, pero iba na kasi ngayon Minjeong. Hindi ka na katulad ng dati. Yesenia, bakit ba ganito ang nangyayari sakanya? sa lahat lahat ng mga nakita kong nasalinan ngayon lang ako nakatagpo ng ganito, kahit minsan hindi manlang siya nauhaw at natakam kahit pa nasa harap na niya yung dugo ng tao."

 

 

"Nung nabubuhay pa kasi si Minjeong hindi ba't puro gulay lang kinakain niya kaya ayan, amoy palang ng dugo inaayawan na niya at nasusuka siya. Bukod dun, patay na talaga kasi siya Nana, at nabuhay lang siya gamit ang dugo mo. Hindi siya yung tipo ng vampira na sinalinan na tumitibok pa ang puso at pumipitik ang pulso. Matagal na talaga siyang patay kaya hindi ganun kalakas ang lason na dumadaloy sa katawan niya, sa tingin ko hindi din siya katulad nila Sorin at Gisele. Iba siya kumpara sa atin lima."

 

 

"Magbabago pa kaya ito Yesenia, o pag tagal makakasama ito sakanya?"

 

 

"Hindi naman at hindi din siya mapapahamak. Pero hindi pa natin alam kung anong klaseng vampira siya at kung ano yung mga kakayahan na taglay niya." bumaling sakin si doc Yeji. Hawak pa din niya yung dugo at mukang pipilitin nanaman niya akong uminom. "Naiintindihan mo ba ang pinag uusapan namin Minjeong?" tanong niya.

 

 

"Hindi. Ang alam ko lang ginawa akong vampire nitong lola mo at kahit anong mangyari hindi ko iinumin yang dugo na yan!!"

 

 

"Magsisimula ka nang manghina at mamamatay ka kapag hindi ka pa uminom nito. Para mas maintindihan mo, iba ang nangyaring pagsalin namin sayo. Kaya ako pumayag sa kagustuhan ni Nana dahil na-realize ko na totoo nga ang mga sinasabi niya sakin dati pa. Ikaw ang itinakda para sakanya."

 

 

"Teka nalilito ako doc Yeji. Pwede ba sagutin niyo na mga tanong ko lalo ka na Catalina dahil lahat ng mga sinasagot mo sakin puro pangpipilosopo lang. Lalo mong ginugulo yung isip ko."

 

 

"Ano ba ang sinabi mo sakanya Nana?" kitang kita ko kung pano nagkibit balikat si Catalina sa tanong ni doc Yeji."Wala." 

 

 

"Anong wala? Doc Yeji, sinasabi niya sakin na hindi niya daw ako kinagat. Sinabi din niya na lamok yung kumagat sakin dun sa ospital, kaya binuhay daw ako ng mga lamok."

 

 

"Ha? sinabi ko ba yun?" nag mamaang maangan pa talaga siya. "Sinabi niya yun sakin doc Yeji totoo."

 

 

"Oh my god. Nana please, do not confuse her. The first three years will be the hardest for her alam mo naman yun. Where she is right now, you can compare it to being in a state of limbo. Spiritually hindi alam ni Minjeong kung nasaan siya. Tell her everything, wag mo nang itago dahil hindi na kailangan. Andito na tayo, she will understand naman eventually."

 

 

"Panong spiritually? anong limbo?" nakatawag pansin sakin yung mga nabanggit ni doc Yeji. Kay Minji ko lang naririnig to dati kapag knkwentuhan niya kami ni Ryujin tungkol sa mga usapang paranormal.

 

 

"When a normal person dies sometimes they get stuck in an intermediate state. A state that is inbetween heaven or hell. So ikaw, hindi napunta ang kaluluwa mo sa langit at hindi ka din napunta sa impyerno."

 

 

"Purgatoryo?"

 

 

"Others call it that but it is not. Your physique and spirit have died but you didn't crossover because you became just like us, you are living inbetween the natural and the spiritual world. A condemned soul."

 

 

"Ano? ibig sabihin kahit nabuhay ulit ako hindi na ako macconsider na tao?"

 

 

"Yeah because you are a mortal who already died. Dapat naglalakbay na yung kaluluwa mo but you aren't. You are still here with us, you have flesh and you are undead pero hindi ka na tao."

 

 

"Tangina."

 

 

"Minjeong, same sa mga sinasabi ko sayo nung nakaraan. Namatay na yung pagiging mortal mo, yung ngayon, this is the new you. Isa ka na din vampira because the pure blood of Nana Catalina ressurected you. This doesn't happen normally, nabuhay ka ng dugo niya kasi kayong dalawa ang itinakda. Now if you are curious kung bakit ikaw ang naitakda para sakanya, yun ang hindi namin masasagot dahil hindi din namin alam kung bakit ikaw."

 

 

"Teka, nabuhay lang ako kasi dugo yun ni Catalina. So kahit yung dugo mo o kahit kanino sainyo nila Gisele, hindi ako kayang buhayin nun?"

 

 

"Oo ganun na nga, dugo ko lang ang may kakayahan bumuhay sayo. Kuha mo?" nairita ako nung bigla siyang sumingit at ang yabang pa ng pagkakasabi niya. Proud na proud pa siyang sumasagot habang umiinom nung juice na dala ni ate.

 

 

"Iniinom mo yan Zesto sinabi ko na nga na hindi pa malamig."banggit ko.

 

 

"Ang damot mo naman para Zesto lang."

 

 

"Minjeong makinig ka at intindihin mo yung mga sinasabi ko. You and Nana Catalina, happen to be each others' staker. Do you feel a certain connection with her? kahit ayaw niyo, you will be drawn to each other and you won't be able to fight it, kahit na may makilala ka pang ibang mortal or kahit anong nilalang, the two of you will still end up with each other."

 

 

"Kita mo na Minjeongie? kahit ayaw mo, sa akin ka pa din, ako ang nagmamay ari sayo." napakunot yung noo ko dahil may nag sside comment ng literal dito sa tabi ko.

 

 

"Alam ko na kahit nung nabubuhay ka pa, naramdaman mo din yun."dagdag ni doc Yeji.

 

 

"Uhh nung dati, lagi kong sinasabi na parang may koneksyon ako kay Catalina na hindi ko maipaliwanag kung ano. Tinanong ko pa nga dati sayo yun Catalina hindi ba? pero ang sinagot mo sakin wag ko nalang pansinin."

 

 

"Hindi ko lang masabi dati dahil sobrang pati ako naguguluhan. Alam ni Yesenia yun, ito yung isa sa dahilan kung bakit ko pilit na hinahanap yung lola namin. Hindi ko kasi maintindihan. Pano nangyari na ikaw ang nakatakda para sa akin kung mamamatay ka din naman. Kaya ako umalis at hinahanap ko siya para mag paalam sakanya na kailangan kitang buhayin dahil hindi ka pwedeng mamatay. Nakita ko nung una beses palang na nagkausap tayo sa mansyon, alam ko na mamamatay ka sa napaka batang edad."

 

 

"Tangina. Alam mo na dati pa?"

 

 

"Nung gabi na naabutan namin kayo ni Ryujin, yun ang pinaka unang pagkikita natin. Minjeong patawarin mo ako sa mga sasabihin ko. Habang sinasakal kita nun, hindi kita pinatay dahil nakita ko sa mga mata mo na natutuwa ka kasi makakasama mo na yung lola mo. Sumunod nun, nakita ko sa mata mo na hindi na tatagal ang buhay mo. May sakit ka na sa puso kahit nung high school ka palang. Isa pa, patawarin mo ako nung nasabi ko nun na magdurusa ka."

 

 

"Naaalala ko yan, lagi mo sinasabi sakin na magdurusa ako nung mga unang beses na nakakausap kita."

 

 

"Wag ka sanang magagalit sakin pero hindi ko naman alam na si Minju pala ang magiging dahilan ng pagdurusa mo. Pinagsisisihan ko na nasabi ko yun dati Minjeong at patawarin mo ako na hindi ko kayo natulungan." kahit pa sinasabi niya sakin itong mga to, nagtataka talaga ako kasi wala akong maramdaman. Hindi ako nagagalit at hindi din ako nalulungkot.

 

 

"Yung pagdurusa na yun, ano mismo yung nakita mo?"

 

 

"Nakita ko sa mata mo na mamamatay ka ng dahil sa sakit at kalungkutan. May naghihintay sayo na matinding pighati."

 

 

"Bakit hindi mo sinabi sa akin lahat ng yan dati? Bakit hinintay mo pa na umabot sa ganito? nadamay pa si Minju na walang kamalay malay, napaka bait niya. Kung alam ko lang na ganun, sana hindi nalang ako pumasok sa buhay niya. Andito pa sana siya ngayon at hindi siya napahamak."

 

 

"I'm sorry to say this but that is Minju's fate Minjeong. Kahit pa hindi naging kayo, mahirap man tanggapin pero hanggang dun nalang talaga ang buhay niya."

 

 

"Pero bakit hindi mo manlang sinabi sakin Catalina?"

 

 

"Dahil hindi nga kasi pwede Minjeong. Malalaman mo lahat kapag dumating na yung oras na kailangan ka nang basahan ni Imperia."

 

 

"Babasahan ako ni Imperia, ano yun?"

 

 

"Ito ang pinaka importanteng proseso ng pagsalin. Kung sino ang pinaka matanda sa amin, siya lang ang may karapatan na basahan ka ng dasal pati na din yung mga mahahalagang tuntunin ng lahi natin."

 

 

"Putangina si Imperia pa? sandali."

 

 

"This is why we have to convince her, you haven't fully transformed into a vampire yet hangga't wala yung prayer na yun. Kailangan natin siyang pilitin na tanggapin ka, kaya umayos ka lalo pag nagpunta na tayo sa mansyon. Ipakita mo sakanya na deserve mo yung pagsalin at hindi kami nagkamali."

 

 

"Teka. Hindi ba bawal nga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko