Reunion

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

November 2 Araw Ng Mga Patay 

 

 

Sa Huwebes pa ang balik namin sa farm. Pinili ko na wag nalang munang papasukin yung ibang tauhan namin para makadalaw sila sa mga mahal nila sa buhay na namayapa na. Kahapon lang yung araw na holiday kaya may iilan ilan din na pumasok na.

 

 

Ang tagal namin nag usap ni Ryujin kahapon at katulad ng dati, siya nanaman ang nakaisip ng solusyon sa mga pnproblema ko ngayon. Malaki talaga ang pasasalamat ko na andyan si Layu, hindi ko talaga alam kung ano ang mangyayari kapag wala siya sa buhay ko. Sinabi niya sakin na wag ko nalang daw papatulan ang galit ng Nana Carmilla nila, mahirap daw kasi kapag lalong tumindi ang away sa pagitan namin at baka madamay pa ang mga kapatid ko.

 

 

Hanggang ngayon hindi pa din nakakabalik sa mansyon sila Gisele. Sobrang naawa ako kay doc Yeji nung pinuntahan namin siya ni Catalina kagabi sa bahay niya. Nag usap kaming tatlo, sinabi ko na wag siyang mawalan ng pag asa dahil hindi naman kami papayag na maparusahan siya ng dahil lang sa pag buhay nila sakin. Sobrang nagguilty ako tuwing maaalala ko yung reaksyon niya nung nakita niya si Catalina. Napaluhod pa siya kakaiyak dahil alam niya yung posibleng kahinatnan namin ngayon na nagbalik ang lola nila. Inaamin ko, kagagawan ko lahat ng to. Kung hindi sana ako nagmatapang at hinayaan ko nalang sila Daryah, naging tahimik sana ang buhay namin.

 

 

Sa ngayon, maayos pa naman ang lagay namin dito sa mansyon, tahimik at hindi kami nagkakagulo pero kahit ganun, stand by lang ako at binabantayan ko ang bawat kilos ng lola nila. Gusto ko lang makasigurado na hindi niya kami sasaktan. Mag uusap usap daw kami kapag naging maayos na ang lagay niya at kapag nakabalik na dito sila doc Yeji. Sinabihan sila ni Imperia na hindi nila kailangan magmadali, umuwi nalang sila dito kapag handa na silang humarap. Sa totoo lang, ngayon ko na-aappreciate kung pano si Imperia, nakakataba ng puso yung concern niya sa amin lahat. Masasabi ko na kahit pa masungit siya, mabait talaga siya at grabe yung effort niya para lang maging kampante kami. Pinaparamdam niya na siya ang bahala sa amin kaya hindi kami dapat matakot.

 

 

 

5:30am Mansión de los Condenar

 

Sinadya ko na gumising ng ganito kaaaga para matapos yung paglilinis sa bakuran at maalis na yung mga kalat na naiwan nung halloween party. Aalis din kami ni Catalina mamaya, dadalaw kami sa mauseleo ng pamilya ko at ibabalik ko yung mga bungo na hiniram namin sa Funeraria Yolo. Iniwan ko muna si Catalina na natutulog sa taas at andun din si Lucila, pinasok ko muna yung kama para may space siya kung saan siya pwedeng matulog o maglaro.

 

 

**BLAG**

 

 

Nagmadali akong tumakbo pabalik sa mansyon nung may marinig akong malakas na kalabog. Nung makapasok ako sa hallway naabutan ko yung lola nila na nakaupo sa pinaka huling baitang ng hagdan. "Ano po nangyari?" kahit wala akong balak kausapin siya hindi ko napigilan magtanong dahil mukang nadulas ata siya. Hindi na ako nagdalawang isip, nilapitan ko kagad at tinulungan kong bumangon kahit pa alam kong lalaitin nanaman niya yung buong pagkatao ko.

 

 

"Saan po kayo pupunta?" tanong ko habang akay akay ko siya. "Wag mo akong hawakan." tinulak niya yung kamay ko. Pagalit ang pagkakasabi niya kaya binitawan ko. Napansin ko na hindi maganda ang lagay niya at mukang nanghihina pa din kahit pa nakainom na siya ng dugo kahapon.

 

 

Pinapanood ko siya na iika-ikang naglalakad patungo sa kusina. Hinayaan ko nalang siya at baka magalit pa lalo kapag nakialam ako.

 

 

Pasimple kong tinitignan ang ginagawa niya. Andun siya ngayon sa kusina, palingon lingon at parang may hinahanap.

 

 

Kahit pa ang sungit ng lola nila at naiirita ako sakanya medyo naaawa pa din ako dahil halata na nahihirapan siya. Ito yung isa sa mga kahinaan ko, lumaki ako sa aruga ng lola, kaya natural na ang pagiging maka-lola ko kahit pa sa ibang tao. Mabilis maantig ang puso ko pagdating sa mga ganito.

 

 

Nung tinitignan ko siya, hindi ko na talaga natiis. Sumunod ako sa kusina para tulungan siya. Paikot ikot na kasi siya sa kusina at mukang hindi niya alam ang gagawin niya.

 

 

Dahan dahan akong tumayo sa likod at kinausap ko. "Alam ko po na magagalit kayo pag nagtanong nanaman ako. Pero ano po ang kailangan niyo para ako ang maghahanap?" bigla siyang tumigil sa kinatatayuan niya at tinitigan ako ng masama. Napaatras ako nung nagkatinginan kami, hindi ko maiwasan mailang dahil napaka talim ng mata niya. Ang lalim at parang nag aapoy sa galit.

 

 

Hindi ko nalang siya papatulan kaya hindi ko na iintindihin. Kumaway ako sa harap niya nung ilan minuto na siyang nakatitig at mukang binabasa nanaman ang laman ng isip ko.

 

 

"Nana." kumaway ulit ako hanggang sa kumurap na siya. "May kailangan po kayo?"tanong ko.

 

 

"Nauuhaw ako. Ano ba itong gripo na ito?" tinuro niya yung water dispenser. "Gusto niyo po ng tubig? sige po ako na."

 

 

"Hindi mo ako mapagtatangkaan lasunin, nalalaman ko lahat ng binabalak mo."

 

 

"Alam ko po yun, kaya napaka imposible po na lalasunin ko kayo. Upo nalang po kayo dun, ikukuha ko kayo ng tubig." tinuro ko yung hapag kainan. Nagtungo siya at hindi naman na umangal. Kumuha ako ng baso at pinuno ko ng tubig, katamtaman lang yung kinuha ko, hindi malamig at hindi din mainit.

 

 

"Ito na po." nilapag ko sa harap niya yung baso, inamoy amoy niya pero ininom din. Napansin ko na maayos na yung itsura ng kamay niya, hindi na mukang kalansay at nagkaron na ng laman. Nakita ko din na naputulan na yung mahahaba niyang kuko. Inayusan siya ni Imperia pati ni Catalina kagabi at sa susunod nalang daw nila gugupitan yung buhok niya kapag nakabalik na dito si doc Yeji.

 

 

"Ano pa ang ginagawa mo. Pinapanood mo ako habang umiinom?! Umalis ka!" sigaw niya sakin."Sorry. Sige po."

 

 

"Bakit ka ba nandito at bakit tanging ikaw lang ang gising?"

 

 

"Ah may ginagawa po kasi ako sa labas tapos narinig ko na may kumalabog, kaya pumasok ako dito."

 

 

"May ginagawa, ginagawa ng ganito kaaga? Nakakapanibago, bakit sa gabi na natutulog ang mga apo ko at pag dating ng umaga gising na gising sila?"

 

 

"Ito na po kasi yung nakasanayan nila."

 

 

"Kung pano mamuhay ang mortal yun na ang naging normal nila? Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi sana mangyayari ito kung hindi ko sila pinabayaan. Ikaw, bakit hindi ka natutulog ngayon at ano ang ginagawa mo sa oras ng pagbuka ng liwayway? May masama ka bang binabalak sa mga natutulog na mortal?"

 

 

"Huh ano po? tsaka ano po yung liwayway?"

 

 

"Oh dios mio que, vampira tonto! Bakit ka gising ng ganitong oras kung sanay kayo na natutulog ng gabi?"

 

 

"Ah eh kasi po ano. Kasi pag pumapasok ako sa opisina, mga ganitong oras ako naghahanda, kaya maaga po talaga akong nagigising."

 

 

"Opisina?!!" nagulat ako sa pag taas ng boses niya at nakasimangot nanaman siya. Wala naman mali sa sinabi ko pero bakit kaya siya nagagalit. "Opo." mahinang sagot ko.

 

 

"Isa kang mababang uri ng vampira at nagpupunta pa sa opisina?" 

 

 

"Opo, pumapasok po ako, kasi farming po yung trabaho ko."

 

 

"Anong salita yan binanggit mo, ano ang ginagawa mo dun?"

 

 

"Nagpapalaki tsaka nag aalaga po kami ng baka, inahin baboy mga biik tsaka may manukan din po kami. Madami dami."

 

 

"Sinasabi mo sa akin na nagtatrabaho ka, at sa oras kung kailan gising ang mga mortal? Hindi ko maintindihan, hindi ba't parang ipinangangalandakan mo sa lahat ang lahi ng vampira? Pano nagagawa ng isang vampira ang makisalamuha, at nabanggit mo na puro hayop ang mga nasa trabaho mo?"

 

 

"May mga tao naman po, may mga tauhan kami. Pero nag aalaga po kami ng mga hayop tapos binibenta namin. Nagsusupply na din po kami sa Manila."

 

 

"Hindi ko maintindihan itong mga sinasabi mo. Ngayon lang ako nakakita ng vampira na nag aalaga ng hayop. Kung normal ka na vampira, matagal ka nang nagpakasasa sa dugo ng mga yan." nung narinig ko yung sinabi niya bigla kong naalala si Matilda at si Sharpay. Buti nalang sa kwarto ni Imperia natutulog si Matilda at nasa amin naman si Sharpay.

 

 

"Vampira. Wag mo akong paghinalaan dahil hindi ko pagtatangkaan kagatin ang mga alaga niyo. Nakita ko kung gano kamahal ni Imperia ang alaga niyang baboy. Alam ko din na ikaw ang nagbigay nun sakanya."

 

 

"Wala naman po akong sinabi."

 

 

 "Kakaiba ka sa lahat. Nasalinan ka ni Catalina pero hindi ka naging puro. Mas nananaig pa din ang pagiging mortal mo."

 

 

"Ganun po ba yun? edi half breed ako?"

 

 

"Ano ang ibig mong sabihin?"

 

 

"Wala po."

 

 

"Bakit mo binigyan si Imperia ng alagaing baboy? Para saan, binigyan mo ba siya nun para mabago mo ang paniniwala at pagkatao niya?"medyo na-weirdohan ako na parang ang lalim ng pinanggagalingan ng sinasabi ng lola nila.

 

 

"Vampira, kinakausap kita." paguulit niya, malakas ang boses niya kaya parang biglang nagising ang diwa ko."Natuwa po kasi siya kay Sharpay yung anak ko at gusto din mag alaga ni Imperia kaya binigyan ko siya ng biik." sinasagot ko nalang yung mga tanong niya dahil baka sakalin nanaman ako at wala akong balak makipag gulpihan ngayon umaga.

 

 

"Tama ba ang rinig ko, anak mo? wag mong sabihin na sinalinan ka pa din nila kahit may anak ka. Ipinagbabawal yan. Pero bakit hindi ko nababasa sa kapalaran mo na meron ka palang anak."

 

 

"Ah hindi po, anak lang yung tawag ko kay Sharpay. Pero yun po yung alaga kong baboy na natutulog ngayon sa taas. Makikita niyo po siya mamaya kasi nagwwalking siya dyan sa bakuran."

 

 

"Bakit napaka gulo mong kausap?"

 

 

"Sorry po." napatingin kami sa hallway nung biglang may tumunog. Nagteleport kagad ako para tignan kung gising na ba si Catalina. "Baba ikaw yan?" Nung makarating ako sa pasukan, wala naman tao sa portico. "Ah parang alam ko na." naglakad ako papunta sa sala para hanapin si Lucila. Malamang nakababa na siya galing sa kwarto namin dahil pinatulog siya kagabi ni Catalina.

 

 

"Psst andito ako."

 

 

"Aha! Hahaha sabi ko na ikaw yan eh." nakita ko siya na nakaupo sa likod ng sofa at nagtatago. Lumapit ako sakanya pero binuksan ko muna yung isang bintana. Madilim dito sa loob ng mansyon dahil nakasarado lahat ng bintana. Hindi pa kaya ng lola nila na makakita ng liwanag at humahapdi ang mata niya.

 

 

"Bakit mo kausap yung salbahe?" bulong niya sakin. Halata sa boses ni Lucila na natatakot siya. Nakahalukipkip ang mga braso niya habang nasa tabi niya yung armas na water gun. "Kinakausap mo yung salbahe, baka patayin ka niya. Tulog nanaman si Catalina."

 

 

"Lucila halika at bubuhatin kita." aya ko sakanya. Inabot ko yung mga kamay ko pero ayaw niyang tumayo. "Halika na sabi." pilit ko sakanya.

 

 

"Bakit siya nakikipag usap sayo, sinaktan ka ba niya?"

 

 

"Hindi, wala naman siyang sinasabi o ginagawa na masama, kalmado siya ngayon. Nakikipag usap lang tungkol sa mga ginagawa natin dito."

 

 

"Wag ka magtiwala Minjeon."

 

 

"Oo alam ko yun, handa naman ako tska may mga tinago ako na bawang sa mga sulok ng mansyon. Halika sumama ka sakin para ipapakilala kita ng maayos."

 

 

"Pero sasaktan niya ako at itatapon sa impyerno."

 

 

"Tingin mo ba papayag ako na gawin niya yun sayo? Kakalabanin ko lahat ng mananakit sayo Lucila. Andito ako kaya wag ka matakot. Halika na." binuhat ko siya at niyakap ko. Sinama ko siya pabalik sa hapag kainan kung saan nakaupo yung lola. Kailangan na masanay ni Lucila na may bago nang nakatira dito. Hindi pwede na palagi nalang siyang matatakot dahil hindi siya magiging komportable.

 

 

Inusog ko yung katapat na upuan at umupo ako habang buhat ko si Lucila. "Aba nandito na pala ang kakampi mong paslit." komento niya habang umaayos ako ng upo. 

 

 

"At bakit nagtatago yan, hindi ba't napaka tapang mo? Kaluluwang paslit humarap ka kapag kinakausap kita!"

 

 

"Lucila?" sinilip ko yung muka niya na nakasiksik nanaman. "Huy hindi kita makita, baka mabura yung muka mo kakatago mo dyan." inangat ko siya na konti at inusog ko palayo sakin. Natawa ako kasi nakapikit nanaman pala siya at natatakot. "Huy hahaha, tulog ka ba? napaka cute mo talaga." inayos ko yung buhok niya at niyakap ko ng mahigpit.

 

 

"Paslit bakit ngayon takot na takot ka sa akin? hindi ba't matapang ka, kapareho nitong vampira na ito? Humarap ka at ipakita mo ang iyong muka."

 

 

"Nana nakikiusap po ako, sana po wag niyo naman idadamay tong bata." mas yumakap at humawak sa akin si Lucila. "Si Lucila po yung alaga namin nila Catalina pati ni Imperia. Wala naman po siyang ginagawa, naglalaro lang to dito sa mansyon."

 

 

"Huy wag!" Nagulat ako nung biglang nawala yung lola at lumipat bigla sa tabi namin. "Ano po yun? wag niyo po siyang gagalawin." Mas niyakap ko si Lucila at pasimple kong inilayo sakanya. Nakatayo siya sa kaliwa ko at nakatitig ngayon samin kaya sobrang nakaka kaba.

 

 

"Hindi ka manlang pala umabot ng tatlong taong gulang." 

 

 

"Si Lucila po ba ang tinutukoy niyo?" tanong ko, dahil bigla siyang nagbabanggit ng kung ano ano kaya nagtataka ako.

 

 

"Lucila Prado Suarez. Nasa komersiyo at emprendedor ang iyong ama. Kilala ang Hacienda La Noria ng San Isidro. Madaming palayan, mga mais, tubo at napakaraming bigasan, dun ka pinanganak at dun kayo nakatira. Pagkatapos ng tag ulan, tinamaan kayo ng sakit, naunang masawi ang tauhan ng mga magulang mo hanggang sa nahawa na din ang iyong papá. Siya ang nagdala ng peste sa inyong pamilya hanggang sa nahawaan na ang iyong ina. Ilan araw kang nagsusuka at namimilipit sa sakit pero walang nakatulong sainyo dahil ultimo ang mga doctor ay hindi alam kung pano lalabanan ang nangyayaring epidemia. Hanggang sa tumaas ng tumaas ang lagnat mo at nagumpisa ka nang magkombulsyon. Magkakasunod na oras kayo nalagutan ng hininga at walang nagawa ang magulang mo."

 

 

"Shh wag kang matakot." naramdaman ko na lalong humigpit yung kapit sakin ni Lucila. Tinignan ko yung nakatayo sa tabi namin, nakatingin pa din siya na parang pinagmamasdan yung bata na kalong kalong ko.

 

 

"May mga kayamanan kayong naiwan. Kung sino sino na ang namahala sa negosyo ng iyong papá kaya ang mga nakikinabang ngayon ay ang mga kinaapo-apohan. Matuturing na mga malalayong kamag anak. Malapit ka sa iyong magulang. Kahit pa may pagka makulit at malikot ka, ikaw ay naghatid ng saya sakanila kaya mahal na mahal ka nila."

 

 

"Grabe." yun nalang ang naging reaksyon ko sa mga kwento na binabanggit niya. Nakakamangha, nalaman niya yung buhay ni Lucila ng hindi manlang niya tinitignan sa mata.

 

 

"Bakit ayaw mong magtungo sa dapat mong puntahan Lucila? hindi mo ba nakita ang liwanag o sadyang iniwasan mo?" habang nagtatanong siya, bigla niyang hinaplos yung buhok ng bata. Kahit maingat yung paghawak niya, hindi ko pa din maiwasan kabahan dahil baka bigla niyang sakalin o ibalibag.

 

 

"Lucila? ayos ka lang?" bulong ko sakanya. Nakita ko yung isang mata niya na sumisilip. "Okay ka lang ba?" Tumango siya sabay pikit at nagtago na ulit.

 

 

"Tinatanong ka ng lola, gusto mo bang sumagot?" tumango ulit siya kahit pa nakasubsob at nagtatago sakin. "Wag ka matakot, tinatanong ka lang ni Nana." mas niyakap ko pa siya at kinukumbinsi ko na hindi dapat siya matakot.

 

 

"Ayaw ko pa pong umalis kasi masaya ako dito." kahit pa mahina yung sagot niya, umayos na siya ng upo at nakatingin na samin.

 

 

"Napaka bata mo pa, nakikita ko na wala kang kahit anong kasalanan nung nabubuhay ka pa. Wala kang ibang lugar na pupuntahan kung hindi sa langit. Natatakot ka ba kaya nandito ka pa din?"

 

 

"Gusto ko po dito. Nagagawa ko lahat at madami pong laruan." sagot ni Lucila. Unti unti na siyang nagiging kampante at nakikipag usap na.

 

 

"Lubos lubusin mo ang oras, dahil kapag tinawag ka na ulit. Alam mo naman siguro yun, hindi ka pwedeng tumakas at tumanggi."

 

 

"Opo."

 

 

Nakakapanibago itong nasasaksihan ko, parang maganda ata yung gising ng lola nila kaya mabait siya ngayon kay Lucila. Hindi siya nagagalit at malumanay na yung pakikipag usap niya sa bata.

 

 

"Hindi ka dapat matakot sa akin. Pagpasensyahan mo na ako kung hindi maganda ang unang pagkikita natin." hinaplos niya ulit yung buhok sabay hinawakan niya sa muka. "Napaka ganda at matalinong bata."

 

 

"Ops anong sasabihin mo?" paalala ko. "Salamat po Nana Carmilla." ngumiti sakanya si Lucila na sinuklian din naman niya. Habang malapit siya sa amin, napansin ko na pati yung muka niya nagiiba na at nagkakaron na ng laman. Nawala na yung mga lapnos at hindi na din siya mukang zombie. Naalala ko, hindi ganito yung itsura niya nung madaling araw na nag pang abot kami.

 

 

"Ito ba ang paborito mong damit kaya ito ang lagi mong suot?" ngayon naman hinawakan niya yung manggas ng damit ni Lucila. "Ito po yung sa libingan ko."

 

 

"Aba maganda. Maganda ang disenyo at bagay sayo. Pati itong kwintas at sapatos na tinernohan pa ng puting medyas."

 

 

"Bagay po sa akin itong damit?!" nararamdaman ko na tumatayo na siya at ginaganahan na talagang makipag usap sa lola nila Catalina. "Oo, bagay sa iyo."

 

 

"Minjeon ibaba mo na ako." 

 

 

"Ay sorry naman." binaba ko siya at pinatayo ko na sa tabi ko. Inayos niya kagad yung dress niya at umikot pa para ipakita ng buo sa lola nila Catalina yung dress na suot niya.

 

 

Jusko ito na siya, mukang nag wwarm up na. Ito talagang batang to nasabihan lang ng maganda nagtiwala na kagad. Nakalimutan niya ata na magkakampi kami at kaaway namin yung lola. Kakaiba din talaga ang loyalty ni Lucila.

 

 

"Oo napaka ganda ng damit mo at bagay na bagay sayo. Nakakatuwang makita." bumaba pa siya at hinawakan nanaman yung pisngi ni Lucila.

 

 

Habang tinitignan ko yung interaksyon nilang dalawa, isa lang ang pumasok sa isip ko. Tangina sigurado mas magiging triple yung kulit at pagka maldita nitong batang to, lalo na ngayon na parang magkakaron pa ata siya ng bagong Nana na magiging paborito nanaman siya.

 

 

"Minjeon dapat ko palang ipakita kay Nana Carmilla ang mga kapa ko." banggit niya sakin at proud na proud pa.

 

 

"Ah oo sige, next time na. Magpapahinga pa ata si Nana. Wag mo siyang guluhin."

 

 

"Sa susunod Nana Carmilla ipapakita ko sainyo ang mga kapa na bumabagay dito sa damit ko. Gusto niyo po ba sumama sa akin sa clubhouse?"

 

 

"Sige Lucila, hihintayin ko at gusto kong makita lahat. Clubhouse, ano ang clubhouse?"

 

 

"Lucila, hindi pa sanay si Nana sa liwanag kaya hindi pa siya makakalabas pag umaga, sa gabi lang."

 

 

"Ganun po ba."

 

 

"Minjeong, anong nangyayari dito?!" lumitaw si Catalina sa tabi ko na sobrang nag aalala. "Anong nangyayari?! bakit nandito kayo. Wag mong sabihin na nagsakitan nanaman kayo?!!"

 

 

"Okay lang kami. Good morning Baba." bati ko sakanya bago ko niyakap at hinalikan sa labi. Hinawakan ako ni Catalina sa leeg at humalik pa ulit ng isang beses. "Good morning."

 

 

"Catalina! pareho kayong babae pero bakit humahalik kayo sa labi ng isa't isa? Hindi tama ito. Bakit hindi ka tumatanggi at hinahayaan mo lang siya na gawin sayo yan?! Hindi niyo manlang inisip na may bata na nakakakita sainyo?!"

 

 

"Ay nawala sa isip ko. Baba ikaw na bahala." bulong ko kay Catalina bago ako nagtago sa likod niya.

 

 

"Nana patawad po, nakalimutan po namin. Ah wag po kayo mag alala, pag uusapan natin lahat bukas pagkauwi dito ni Yesenia. Ipapaliwanag ko po kung sino si Minjeong at kung pano siya napasok sa buhay ko. Nabanggit ko naman po sainyo kahapon pa na siya na ang magiging asawa ko."

 

 

"Apo hindi kaya't nahihibang ka na? Paulit ulit niyong sinasabi na siya ang itinakda ng tadhana, pero bakit babae at hindi lalaki? Imposible."

 

 

"Hindi ko din po alam pero sigurado po ako, kahit nung hindi pa siya nasasalinan, may koneksyon kaming dalawa na mahirap ipaliwanag. Nana, mahal na mahal ko si Minjeong at mahal niya din ako kaya hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na ano. Sana po galangin niyo din ang desisyon ko. Walang saysay ang buhay kapag hindi kami magkasama." napahilamos ako ng muka at tinikom ko nalang yung bibig ko dahil hindi ko mapigilan mapangiti. Tangina, kinikilig ako dahil dun sa sinabi ni Catalina. Pinaglalaban niya ako ng harap harapan sa lola niya, gusto ko na tuloy iuntog yung muka ko sa sobrang kilig.

 

 

"Hindi ka ba ginayuma nitong mababang uri na ito?" natigilan ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Sa amin dalawa, talagang lagi ako yung pinagbibintangan na nang gayuma, kahit minsan hindi ko pa narinig yung ganitong komento pagdating kay Catalina.

 

 

"Nana Carmilla, sa totoo lang yung apo niyo po yung unang nagka crush sakin. Matagal niya akong hinabol habol at ayaw niya akong tantanan. Hindi talaga siya tumigil kaya ayun pinagbigyan ko, minahal ko na din siya." bigla akong hinampas ni Catalina sa likod at tumawa siya. "Bubu ang aga aga ang kapal ng muka mo, kung ano ano nanaman sinasabi mo."

 

 

"O bakit hindi totoo?"

 

 

"Ako yung nauna? hindi tayo sabay, sigurado ka Minjeong?"

 

 

"Ano nanaman ba itong pinagsasabi niyo, kanina pa ako nalilito sa mga salita na ginagamit mo."

 

 

"Wala po, biro lang."

 

 

"Bu kailangan na natin mag handa, dadalaw pa tayo sa sementeryo. Nana, kung may kailangan po kayo, sabihan niyo lang kami o si Imperia, andyan po siya sa kwarto niya."

 

 

"Catalina gusto kong makasama si Yesenia. Gusto ko nang makita si Gisele at Sorin."

 

 

"Opo, nagsabi po si Yesenia na pupunta siya dito."

 

 

 

 

3:00pm 

 

Kakahiwalay lang namin nila ate, hindi din kami nagtagal sa sementeryo dahil medyo mainit ang panahon ngayon. Dinala ko lang yung mga bulaklak na binili ko para sa magulang ko at yung mga paborito ni lola. Nagpa misa si ate Taeyeon para sakanila pero hindi ako pwedeng pumasok sa simbahan kaya nagdahilan nalang ako kung bakit hindi ako makakasama.

 

 

Naka park kami ngayon sa tapat ng Funeraria Yolo, ngayon ko palang isasauli yung tatlong bungo na hiniram namin kay Yuqi. Punyemas na bungo yan, hindi ko alam kung anong pinag gagawa nila Vivian, kalahating araw ko atang nililinisan at kinikiskis gamit yung Ariel na sabon panlaba. Hindi ko mabura yung mga mantsa ng lipstick pati na din yung mga tulo ng kandila. Nilagyan ko nalang ng bleach kaya medyo namuti tuloy.

 

 

*knock knock knock* "Ate may barya ka?!" biniro ko si Catalina at kinatok ko ng malakas yung bintana sa side niya. "Hello." bati ko sakanya.

 

 

"Hahahaha nanggulat ka nanaman!" sigaw niya sabay palo nung umuupo na ako sa driver's seat."Hahahaha ang cute mo kasi, tutok na tutok ka dyan sa phone mo."hinawakan ko siya at medyo kinurot ko yung pisngi. "Anong ginagawa mo?"

 

 

"Naibalik mo na?"

 

 

"Wala si Yuqi kaya binigay ko nalang sa tauhan nila. Saan tayo?"

 

 

"Kailangan natin bilin yung inuutos ni Imperia. Yung mga candy at kandila para kay Lucila. Susunduin din natin si Yesenia, dun siya matutulog satin ngayon gabi."

 

 

"Pumayag na siya?"

 

 

"Oo pero sa isang kondisyon, susunduin natin siya sa bahay niya."

 

 

"Mas okay na yun, para naman wag matakot si doc Yeji. Hindi ako sanay na nakikita

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko