Chapter XXIV

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

1:00pm Miyerkules

 

Hindi ko mapigilan mapaisip gawa nung nabanggit ni doctora Yeji, nagmadali akong bumalik dito sa mall dahil gustong gusto ko na iklaro kay Catalina kung meron ba siyang kinalaman dun sa brownout na nangyari nung Sabado. Nangako siya sakin na hindi niya ako guguluhin, kaya naiirita ako na siya pa din pala ang may pakana at nag utos nun kay doctora.

 

 

 

 

Madali akong naglalakad dito sa mall, nabili ko na yung para kay ate Taeyeon at ngayon pabalik na ako sa salon kung nasaan si Catalina. Gusto kong alamin kung bakit hindi niya magawang tumupad sa usapan. Ayaw niya akong tantanan. Nanggagalaiti ako sakanya ngayon at humanda talaga siya sakin kapag nakita ko na siya.

 

KMJ: dito na ko

 

KMJ:  andito na ako sa tapat lumabas ka na, dalian mo wag mo akong paghintayin!

 

KMJ:  catalina wag mo akong inisin bilisan mo!!!

 

Catalina💀: okay minjeong 😊

 

 

Habang naghihintay ako kay Catalina sinusubukan kong tawagan si Ryujin. Kailangan ko siyang makausap tungkol dun sa apat na litro ng dugo na kokolektahin namin mula sa funeraria nila Yuqi. Nabanggit niya din sakin na meron daw problema dun sa proseso ng pag drain ng dugo sa katawan ng tao at posible daw na malagot kami kay doctora Yeji.

 

 

"Minjeong" lumingon ako nung may kumalabit at may tumawag sa pangalan ko."O, ano po yun?"

 

 

"Tapos na ako, pwede na tayong kumain. Nagugutom ka na ba?" tinitigan ko kung sino tong nakatayo sa tabi ko. Tinanggal at pinunasan ko pa yung prescription glasses ko dahil napagkamalan ata ako."Aalis na ba tayo?" Para akong tanga na minumukaan tong kausap ko, natigil lang ako nung makita ko yung nunal malapit sa bibig niya. "Catalina?" pinagmamasdan ko siya maigi at hinihintay ko na sumagot. "hello Minjeong." nilapag ko yung hawak ko na regalo at hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya. "Ikaw ba yan? Sinong may gawa nito sayo?"nagaalalang tanong ko. Maingat kong pinihit pakaliwa at kanan yung ulo niya. Gusto kong tignan mabuti kung siya nga ba talaga to o nagpapanggap lang. "Anong nangyari sayo?"pinihit ko ulit pakanan at pakaliwa yung ulo pero binitawan ko kagad nung sumisimangot na siya.

 

 

"Ano ba Minjeong, bakit ganyan ang reaksyon mo?" nilagay ko ulit yung kamay ko sa magkabilang pisngi niya at pinagmamasdan ko siya mabuti. "Pakita nga." medyo lumayo ako at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Bakit ba, kinakabahan tuloy ako. Masagwa ba?"

 

 

"Catalina."

 

 

"Ano nga?"

 

 

"Catalina ang ganda mo. Bagay na bagay sayo yung gupit mo. Ang cute mo may bangs ka pa talaga, pakita nga ulit." inayos ko yung buhok at hinahawakan ko ng dahan dahan yung ulo niya. "Hindi ba panget Minjeong?"

 

 

"Anong panget, sobrang ganda mo kaya. Bagay na bagay sayo yung bangs mo. Tsaka ang ganda ng kulay ng buhok mo. Anong kulay yan?" tinitignan ko siya at hinahawakan ko yung buhok niya. Napansin ko din na nag iba, nabawasan yung haba at naging wavy kaya bumagay sa muka niya. "Brown, nagustuhan mo ba Minjeong?" ang laki ng ngiti niya habang hinihintay niya akong sumagot. "Oo kasi bagay talaga sayo, ikaw nagustuhan mo ba yung buhok mo?"

 

 

"Oo gusto ko."

 

 

"Ang cute mo talaga. Grabe ibang iba na yung itsura mo kumpara dati, muka ka nang normal na tao. Walang maghihinala na vampira ka lalo pag hindi mo suot yung shades mo."

 

 

"Ssshh Minjeong baka naman may makarinig sayo."

 

 

"Sorry oo nga pala ang daming tao, halika umalis na tayo dito. Saan mo pa gusto pumunta bago tayo umuwi?"

 

 

"Yung inuutos ng ate mo?" pinakita ko sakanya yung paper bag na naglalaman ng malaking box ng regalo. "Ito na. Ikaw gusto mo ba bumili ng damit o baka may kailangan ka?"

 

 

"Hindi na kasi kakabigay lang ni Yesenia ng mga damit sa amin nung nakaraan. Bibili lang ako ng mapa tapos kumain na tayo Minjeong, ililibre kita."

 

 

"Oo nga pala, sige akyat tayo dun sa taas hanapin na natin yung mapa mo."

 

 

 

 

 

Nakabili na kami ng world map dito sa National Book Store, naghahanap siya ng mas malaki pero iisa at standard size lang naman yung binibenta dito. Bumili na siya ng isa pati na din ng compass pero susubukan nalang din namin mag order online ng mas detalyadong mapa na gusto niya. Tinanong ko siya kung saan niya gagamitin, ang sinabi niya lang sakin para daw sa bearing. Sinabi ko nalang na pwede ko siyang tulungan kung may gusto siyang malaman o puntahan na lugar dito sa Pilipinas.

 

 

Bago kami umalis sa book store bumili din ako ng envelope at papel dahil may naisip akong gawin pag uwi ko mamaya."Minjeong ikaw, baka meron ka gustong bilin para sa sarili mo. Sabihin mo sakin at ako na ang magbabayad. Dapat sinabay mo na sakin yan, para saan ba yung mga papel?"

 

 

"Okay na mura lang naman to. Wala may isusulat ako mamaya, susubukan ko lang."

 

 

"Sandali, hindi ba siya si Minju?"

 

 

"Asan?"

 

 

"Ayun tumingin ka sa kanan." sinundan ko kung nasaan yung sinasabi niya, natuwa ako nang mahanap ko na yung tinuturo ni Catalina. Andito kami malapit sa sinehan kaya nadaanan namin yung movie poster ng girlfriend ko. "Pelikula niya ba yan?" tanong niya sakin nung naglalakad na kami papunta sa sinehan."Oo. Catalina pwede mo ba akong picturan para issend ko sakanya?"inabot ko yung phone ko bago ako tumabi sa poster."Paki ayos ha. Siguraduhin mo na kita yu-"

 

 

"Tapos na." ngingiti palang ako pero pinindot na pala niya. Kinuha ko sakanya yung phone para tignan yung picture, okay na sana kaso medyo malabo yung muka ko dahil nagsasalita ako."Pwede isa pa?"pakiusap ko."Nakuhaan ko na Minjeong tama na. Nagugutom na ako."

 

 

"Para isang kuha lang eh."

 

 

"Siya yung bida? bagong pelikula ba yan?" binabasa namin yung mga detalye ng movie. "Oo coming soon palang, ipapalabas daw to sa susunod na buwan bago yung fiesta satin." Habang binabasa ko yung mga pangalan, may napansin ako sa poster. Nasabi na sakin ni Minju to pero hindi pa kasi lumalabas yung trailer ng pelikula kaya hindi ko alam na romance pala yung kwento. Mukang tungkol sa magka relasyon na naudlot dahil namatay yung babae. Parang naalibadbaran tuloy ako nung nakita ko yung muka nung lalaking kapartner niya. Magkaholding hands tapos magkayakap pa talaga sila, ano ba yan. Pero hindi, hindi dapat ako mag isip ng ganito kasi ito yung napag usapan namin. Sinigurado niya sakin na ang trabaho ay trabaho lang, walang kinalaman sa personal na buhay.

 

 

"Sobrang sikat pala talaga ng kasintahan mo."

 

 

"Oo."

 

 

"Minjeong?" kinalabit ako ni Catalina. Hindi ko namalayan na ang tagal ko na palang nakatitig sa poster ni Minju. "Hindi mo na inalis yung tingin mo dyan, gusto mo ba panoorin yan pelikula niya?"tanong sakin ni Catalina."Alam mo tama ka, parang okay nga ata na sanayin ko yung sarili ko sa panonood ng mga pelikula ni Minju."

 

 

"Nasubukan mo na bang manood nung mga nauna?"

 

 

"Kahit minsan hindi pa, pati nga si Cheche bihira ko mapanood yung movies niya. Lalo yung kay Vivian. Catalina samahan mo nga ako, panoorin natin tong movie na to kapag showing na."

 

 

"Oo, sasamahan kita."

 

 

"Gusto ko din mapanood yung ibang movies tsaka teleserye niya. Sa commercial ko lang kasi talaga nakikita si Minju nung mga panahon na hindi ko pa siya kilala. Oo tama kailangan ko yun. Yun yung gagawin ko sa Sabado, sisimulan kong panoorin para masanay ako."

 

 

"Masanay saan?" halata na hindi niya nakukuha yung sinasabi ko."Basta." pagtatapos ko. Tinanggal niya yung shades ko, umilag pa ako pero bigla niyang hinawakan yung muka ko. "Catalina sandali ano ba." ang higpit ng hawak niya sakin habang pilit niyang tinitignan ang mga mata ko. "Hahahaha sabi na nga ba. Alam ko na kung bakit mo gustong manood ng mga pelikula niya."

 

 

"Ang epal mo! Ano ba nakita mo?" hindi siya tumitigil at tumatawa pa din mag isa. Ayaw ko sanang sabihin sakanya yung iniisip ko pero mukang nahuli niya ako."Parte yan ng relasyon, normal lang na mag selos ka." parang nairita ako lalo dahil sa sinabi niya."Hindi naman ako nagseselos." tanggi ko. Naglakad ako at iniwan ko siya na nakatayo malapit sa sinehan. Naramdaman ko na inakbayan niya ako at sinabayan akong maglakad papunta sa escalator. "Wag kang magselos dahil trabaho lang yun. Artista siya Minjeong, tapat sayo si Minju."

 

 

"Wow nagsalita, sayo pa talaga nanggaling yung wag mag selos ha." naalala ko galit nga pala ako kay Catalina. Kakausapin ko dapat siya kanina pa, kaso nakalimutan ko kasi ang cute talaga niya sa bagong hair style niya. Nagmuka siyang mabait ng sampung beses dahil sa bangs at wavy niyang buhok. "May nalaman ako tungkol sayo, humanda ka sakin." pagbabanta ko. Natatawa siya at hindi ako sineseryoso."wag kang magsinungaling sakin mamaya."

 

 

"Anong nalaman mo?"naka akbay pa din siya sakin habang pababa na kami sa third floor."Basta halika na. Saan mo ba gusto kumain?" tinuro niya yung restaurant sa kaliwa pagbaba ng escalator. "Gusto mo dyan, sigurado ka?"sinisilip ko yung restaurant na pinipili niya, ito yung nadaanan namin kanina na puno at madaming kumakain."Pwede bang dyan nalang tayo, gusto ko lang subukan."

 

 

"Hindi pa ako gutom pero sige, mukang hindi naman na ganun kahaba yung pila."

 

 

 

 

 

2:30pm

 

Ang sinabi sakin ni Catalina ililibre niya ako kapag kumain kami, hindi ko naman alam na magiging tga luto lang pala ako dahil dito niya napili, sa Korean buffet restaurant na wala naman ako masyadong makain kasi puro karne yung nasa menu.

 

 

Sasabihin ko na dapat sakanya yung kinakagalit ko kaso hindi ko naman maumpisahan dahil sunod sunod yung hatid dito sa lamesa namin ng samgyeopsal na pinag oorder niya.

 

 

"Ito na kumain ka na. Ikaw ang pikon mo binibiro lang naman kita." inabot ko sakanya yung kimchi tsaka yung isa pang sawsawan. Kanina pa siya nakasimangot dahil pinagtatawanan ko siya nung takot na takot siya sa bawang. "Minjeong." nahuli ko nananaman siya na nakatitig sa kabilang lamesa. "Tama na, kumain ka lang dyan." hindi siya humaharap sakin at nakapako pa din ang tingin dun sa mga kumakain katapat namin. "Umusog ka Catalina, dyan nalang ako sa tabi mo." lumipat kagad ako ng pwesto at hinarangan ko siya.

 

 

"Umayos ka ng upo sinabi ko na sayo wag mo silang tignan, isa." Pinalipat ko na siya sa dulo katabi ng pader dahil kailangan kong takpan itong mga katapat namin. Kanina niya pa hindi mapigilan tignan yung isang pamilya sa kabilang table na may tatlong batang maliliit. "Ang bango nila, sobrang natatakam ako." bulong niya sabay subo ng kanin. "Huy ano yan inuulam mo sila sa isip mo? Kadiri ka naman. Mag hunos dili ka nga, ilan beses ko nang sinabi sayo mapapahamak tayo sa ginagawa mo. Tiisin mo, wag mo silang pansinin." nakita ko na hindi mapakali yung mga daliri niya at pilit pa din niyang sinisilip yung mga bata sa katabing table kahit pa hinaharangan ko na siya. "Humawak ka sakin wag mo silang pansinin, kumain ka lang dyan." kinuha ko yung kamay niya at hinawakan ko. "Relax ka lang masanay ka na sa ganito. Kumain ka lang, malapit na to." habang kumakain siya nagpatuloy na ako sa niluluto ko.

 

 

"Mama uuwi na po ba tayo?" sabay kaming napatingin sa batang lalaki na sumandal pa talaga sa upuan kaharap namin. Narinig ko kung pano suminghot ng malakas si Catalina at biglang huminga ng malalim. Pasimple ko siyang binabantayan, ramdam ko yung higpit ng hawak niya sa kamay ko at mukang lalabas na yung mga pangil niya. "Catalina parang awa mo na, wag mong gawin yan dito." hinahaplos ko na yung likod niya at sinusubukan ko siyang kalmahin. "Tumingin ka sakin." hinarap ko sakin yung muka niya at kinakausap ko para lang mabaling sa iba yung atensyon niya.

 

 

"Paalisin mo siya Minjeong." hininaan ko muna yung apoy sa pork belly na niluluto ko at sinubukan kong tawagin yung bata na nakatayo sa harap namin. "Yung anak niyo po, paki kuha nalang kasi baka matalsikan siya nitong niluluto namin." Ayaw akong pansinin nung bata kaya yung magulang nalang yung kinausap ko. Nag sorry yung tatay bago niya pabalikin sa table nila yung anak niya. "Ayan okay na, wag ka nang tumingin, mukang aalis na sila."

 

 

Kinuha ko na yung mga nalutong karne at nilagay ko sa harap niya. "Hindi ka kumakain ng gulay. Ilagay mo dyan sa dahon, pahiran mo nito. " napalitan na yung mga dahon na nadikitan ng bawang kaya pwede na niyang kainin. Tinignan ko siya habang nilalagay ko pa yung ibang ulam sa plato niya. Mukang nagiging kalmado na si Catalina dahil nagugustuhan niya yung pagkain.

 

 

"Masarap ba?"

 

 

"Oo. Hindi ka naman kumakain Minjeong, puro nalang ako." kumuha ulit ako ng mga karne at tuloy lang ako sa pagluluto. "Kumakain ako, ayan may inorder naman ako na ulam. Kumain ka lang dyan, wag mo akong intindihin."

 

 

"Okay salamat."

 

 

 

 

Pagkatapos ng isa't kalahating oras...

 

 

 

 

Malulugi na tong buffet at nagaamoy usok na yung buong pagkatao ko kakaluto ng samgyeopsal pero hanggang ngayon hindi pa din tapos kumain si Catalina. 

 

 

"Luto na to, gusto mo pa ba ng kanin. Oorder pa ako?"tanong ko pagkatapos kong ilagay sa harap niya yung mga nalutong galbi. Tumango siya kaya tinawag ko na yung waiter at nag order pa ako ng isang cup ng rice. "Ano pa gusto mo, gulay?" umiling siya sabay may tinuro na pagkain sa menu. "Itong yukgaejang, ito nanaman tapos magkakanin ka pa?" hindi siya sumagot at nagpout lang dahil puno pa yung bibig niya ng pagkain. "Okay last na to ha baka tumabla na yung tiyan mo. Tignan mo, bago matapos tong araw na to magffile na sila ng bankruptcy kaka-order mo. Last na yan ha, nagmumuka ka nang kimchi na may bangs." tinawag ko ulit yung waiter at nag order ako nung yukgaejang soup na gusto niya, sinigurado ko na alisin nila yung bawang dahil sasama yung pakiramdam ni Catalina. "Huminga ka naman, inom ka nito." binuksan ko yung isang mineral water at inabot ko sakanya. "Salamat Minjeong." natawa ako dahil parang ngayon ko nalang ulit narinig yung boses niya. "Nakakairita, sagabal."narinig ko na parang may binubulong siya pero ang hina kaya pinaulit ko. "Bakit, ano yun?" napansin ko na parang naiinis siya at hinahawi niya ng paulit ulit yung bangs niya. "Ayos ka lang?"

 

 

"Oo. Bakit ako nalang yung kumakain, ayaw mo na ba? Kaya nga dito tayo nagpunta para mabusog ka Minjeong."

 

 

"Ngayon ka na nga lang nanglibre pero dito mo pa ako inaya sa restaurant na puro karne. Ano kaya yun, pero ayos lang Catalina kasi nabusog ako dun sa inorder ko. Salamat."

 

 

"Natuwa ka ba?"

 

 

"Oo naman. Nilibre mo ako eh."

 

 

"Sabi ko naman sayo ako magbabayad lahat, kahit anong gusto mong bilin dito sa mall na to babayaran ko para sayo." medyo nawweirdohan ako sa inaasta ni Catalina, kanina niya pa ako pinpilit na bumili ng gusto ko at siya daw ang magbabayad. "May naisip ka na ba?"

 

 

"Wala. Wala akong kailangan, tsaka nakakahiya naman sayo. Hindi mo dapat gawin yan, sapat na tong nilibre mo ako dito."

 

 

"Napaka dami kong utang sayo Minjeong kulang na kulang pa to."

 

 

"Pano ka naman magkakautang sakin?"

 

 

"Bago ko sabihin mangako ka na hindi ka magagalit sakin. Natatakot ako na baka bigla mo nalang akong hindi pansinin."

 

 

"Ito ba yung sinabi mo sakin kanina sa kotse?"

 

 

"Oo pero wag ka sana magalit." nangako ako sakanya na hindi ako magagalit kahit ano pa yung malalaman ko. Habang kumakain siya, lumipat ako sa upuan katapat ng kanya dahil gusto ko na magkaharap kami pag nag uusap. "Sabihin mo na sakin Catalina. Makikinig ako."

 

 

"Sige, may tiwala ako sayo. Minjeong naalala mo nung unang pagkikita natin. Nasaktan kita at nabasag pa yung cell phone mo."

 

 

"Ah yun ba? ang tagal na nun."

 

 

"Alam ko na umiyak ka at sumama ang loob mo. Kaya kung pwede, pabayaan mo sana ako na bayaran yun?"

 

 

"Yan yung sikreto na sasabihin mo sakin? babayaran mo yung basag na cell phone ko?"

 

 

"Gusto ko sanang bayaran dahil ako ang may gawa nun."

 

 

"Hindi na Catalina okay na yun. Binilan naman ako ni Cheche ng bago kaya wag mo nang problemahin."

 

 

"Pumayag ka na. Kasama nitong sunod na sasabihin ko sayo, gusto kong bayaran yung cell phone mo. Makinig ka sana sa akin at inaamin ko na mali yung ginawa namin." parang kinakabahan ako dito sa mga sinasabi ni Catalina, nakakausap ko siya madalas pero bihira yung ganito kaseryoso. "Tungkol saan ba?"

 

 

"Naalala mo yung nangyari sa farm niyo, namatayan kayo ng baka, manok at mga alagang baboy?" napahawak ako sa batok ko nung unti unti ko nang narrealize kung saan papunta tong usapan namin. "Oo alam na alam ko dahil grabe yung dinulot na sakit ng ulo sakin niyan. Ituloy mo lang yung kwento mo."

 

 

"Ilan linggo bago ang Mahal na Araw, alas dose ng gabi. Lunes nangyari. Sumugod at pumasok kaming tatlo sa farm niyo at.."

 

 

"Wag mo sabihin na kayo ang may gawa nun? otsentang hayup ang namatay samin nun Catalina."

 

 

"Minjeong kaya ako umaamin ngayon kasi gusto kong bayaran lahat ng yun. Kasalanan ko, wag ka sanang magalit kila Gisele, dinamay ko lang sila."

 

 

"Bakit mo naman ginawa yun? yun yung nagpasakit sa ulo ko ng ilang linggo, ang laki ng lugi namin at nadamay pa yung mga delivery sa palengke. Kaya pala ubos yung dugo nung mga alaga namin tapos hindi m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh 20 streak #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh 20 streak #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh 20 streak #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh 20 streak #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1142 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2133 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko