Surpresa

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

April 10, 2025

 

Para sa akin masasabi ko na hindi talaga naging maganda ang pagsalubong ko sa buwan ng April. Hanggang ngayon hindi pa din kami nagkakaayos ng ate ko at hindi niya pa ulit ako kinausap. Nung nakaraan linggo, nag message ako sakanya para magpaalam dun sa balak namin gawin ni Catalina sa farm, tinawagan ko siya ng ilan beses sa cell phone niya pati na din sa telepono mismo dun sa opisina niya pero wala, ayaw niya talaga akong kausapin at alam ko na galit pa din siya. Pero sa totoo lang, kahit nasa ganitong sitwasyon kami ngayon, malaki pa din ang pasasalamat ko kay ate dahil hindi niya kami pinahuli at hindi napahamak yung pamilya ni Catalina. Gusto ko siya makausap dahil magpapaalam sana ako sakanya dun sa bahay bakasyunan na itatayo namin sa isang lote dun sa farm. Plano namin ni Catalina magkaroon ng rest house na pwede namin pa-rentahan at siya ang mamamahala dun. Kahit pa ako ang nagmamay ari ng farm, ayaw ko naman na basta basta nalang mag desisyon ng walang pasabi sa mga kapatid ko, lalo na kay ate Taeyeon.

 

 

Itong mga nakaraan araw puro yun ang inaatupag namin ni Catalina. Ang pagpplano sa vacation villa na kaming dalawa ang mag mamay-ari. Inaasikaso ko din pala yung sa paparating na birthday niya, pinaghahandaan ko yun maigi para sa Baba ko. Four hundred twenty two years old na siya at ngayon niya lang mararanasan to kaya gusto ko na maging espesyal at maging memorable sakanya yung first ever birthday party niya. Nagagalak ako dahil sa tinagal tagal niyang nabubuhay, sa wakas ma-eexperience na niya to ng kasama ako.

 

 

 

 

9:00am Lunes sa Mansiòn De los Condenar

 

"Bu okay na, kumpleto na yung gamit dito sa bag. Andito na din yung wallet tsaka phone mo."

 

 

"Ah okay thank you. Mag seat belt ka na Baba at ikaw naman." tinignan ko yung nakaupo sa back seat. Posturang postura pa siya habang naka dungaw sa labas at nakasuot nanaman nung paborito niyang kapa. "Halika dito hindi ka dyan uupo." tinatawag ko siya at inaaya kong lumipat pero sinimangutan lang ako. "Halika na, dito ka sakin ikakalong kita habang nagmamaneho ako."

 

 

"Ano ba yan Minjeon naman eh. Ito nga yung paborito kong pwesto eh!"

 

 

"Dali na, dito ka. O kaya umupo ka dito kay Catalina dahil baka kung ano ano nanaman ang maisipan mong gawin dyan at mawala ka nanaman."

 

 

"Hahaha sige na Lucila sundin mo na ang gusto ni Minjeongie halika na dito sa unahan. Ikakandong kita." pinapanood ko siya na nagpapabuhat kay Catalina hanggang sa nakaupo na siya sa unahan at niyakap na siya. "Bakit ayaw mo ako umupo dun?" tanong niya sakin, napansin ko na nakasimangot at naka pout siya. Mukang magmamaktol nanaman to si Lucila hanggang makarating kami sa mall.

 

 

"Sorry baby kiti-kiti pero kasama to sa mga bagong rules namin na kailangan mong sundin. Ayan, prank prank ka pang nalalaman ha. O ngayon, tiisin mo ang pagiging clingy namin lahat sayo."

 

 

"Hindi ko na nga uulitin."

 

 

"Oo, hindi mo na talaga kami mapagttripan sa susunod. Hindi ka din aalis, habang buhay ka na dito, kasama namin. Ayos ka na ng upo, wag nang malikot." hinaplos ko yung buhok niya at kinurot ko ng mahina yung pisngi bago ko siya hinalikan sa bumbunan.

 

 

"Gusto ko po magmaneho." lumingon siya kay Catalina sabay ngiti. Yung mga ganitong galawan alam ko na kagad ang kasunod, mauuto niya kami at hindi namin siya matitiis.

 

 

Tinuro ako ni Catalina habang natatawa siya. "Paalam ka sakanya kasi siya ang driver natin ngayon. Bubu gusto daw niya mag drive."

 

 

"At bakit?"

 

 

"Sige na po Minjeon please?" nakikiusap at nagpapaawa siya kahit napaka tuso ng facial expression niya.

 

 

"Okay sige na nga halika dito, ipapahawak ko sayo yung manibela para dalawa tayong magddrive."

 

 

"Yehey thank you po." natawa kami ni Catalina nung niyakap at kniss ako sa pisngi ni Lucila bago siya pumwesto dito sakin. Mag mamaneho daw siya kaya andito siya ngayon kalong kalong ko.

 

 

"Hahaha may pa-kiss kiss pang nalalaman ah, inuuto mo nanaman ako."

 

 

"Gusto ko lang po masubukan mag drive ng totoong sasakyan."

 

 

"Hahaha okay sige, basta hindi mo to gagawin ng hindi kami kasama ha? baka mawala ka nanaman tapos mataranta kaming lahat. Lagot ka, pinaiyak mo si Imperia."

 

 

"Sorry po. Nangako po ako na hindi ko na uulitin."

 

 

"Dapat lang, dahil hindi namin kakayanin kapag nawala ka. Okay behave Lucila, galingan mo maghawak nitong manibela."

 

 

"Opo Minjeon!" pinaandar ko na yung sasakyan at nag drive na kami pababa sa gate ng Mansión de los Condenar.

 

 

Grabe yung kaba at takot namin dala nitong batang to, dahil sakanya nagdesisyon pa tuloy si Imperia na ipaputol ng permanente yung internet connection namin sa mansyon at gusto na niyang itapon yung cell phone niya. Buti nalang nakumbinsi namin siya na wag nang ituloy at nangako kami sakanya na kahit kailan hindi na mauulit yung nangyari. Babantayan namin ng maigi si Lucila at magsasanib pwersa kaming mga vampira para lang hindi siya makanood ng kung ano anong videos sa Youtube at Tiktok. Jusko, ito talagang bata na to, kung para sakanya joke yung nangyari, sa amin hindi dahil halos ma-trauma na kami nung bigla siyang nawala.

 

 

Flashback to April Fools Day...

 

April 1, 2025

 

Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o parang narinig ko talaga na tumutunog yung walkie talkie ni Lucila kaya naalimpungatan ako. "Asan na yun," Kinapa ko yung phone ko para tignan yung oras. Nakita ko na ala una palang ng umaga kaya ang himbing pa ng tulog ni Catalina at sobrang inaantok pa ako. Unti unti kong binuksan yung takip ng kabaong. Tuluyan na akong babangon dahil naiihi din ako at kailangan ko mag cr. Sinilip ko si Catalina, mukang napaka lalim ng tulog niya habang natatabunan ng mga unan. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa pinaka dulong cr.

 

 

Habang nasa banyo ako, chncheck ko din yung phone ko dahil baka may message si doc Yeji pati sila Layu tungkol kay Lucila, binasa ko isa isa pero ganun pa din, wala silang balita at bukas nalang daw namin ipagpapatuloy ang paghahanap.

 

 

 

 

Nung matapos ako, naghugas ako ng kamay at tinignan ko yung muka ko sa salamin. Kitang kita na namumugto yung mata ko gawa nung pag iyak ko kanina bago ako nakatulog. Ang sama ng loob ko at nalulungkot talaga ako dahil hindi ko alam kung nasaan si Lucila. Ayaw kong isipin na nangyari na at iniwan na niya kami. Umaasa ako sa sinasabi ni Catalina na pwede pa namin siyang mahanap dahil susubukan pa ulit namin sa mga katabing probinsya. Sana talaga hindi pa siya lumisan at makita pa ulit namin.

 

 

 

 

Sinigurado kong patayin yung ilaw sa cr at nagtungo na ako sa hallway. Nung nakatapat na ako sa pinto namin, ayun nanaman. Narinig ko nanaman yung tunog ng static na parang nanggagaling sa walkie talkie. Andun yung isang pares sa kwarto namin kaya mabilis akong nagteleport para tignan kagad.

 

 

[static sound] **press** "Hello?"

 

 

[static sound] **press** "Lucila? Lucila ikaw ba yan?" hindi ko na hinintay kung may sasagot, ang ginawa ko nag teleport kagad ako papunta sa tree house para silipin kung nakabalik na ba siya. "Andito ka na ba?" walang kahit anong ingay dahil ako lang ang tao dito. "Lucila?" Inikot at tinignan ko yung mga railing sa labas, wala talaga siya.

 

 

"Lucila naririnig mo ba ako?" wala pa din sumasagot at nagpapakita sakin kaya nagteleport na ako pabalik sa kwarto namin.

 

 

Hawak ko pa din yung walkie talkie at siniksik ko sa gilid ko. Humiga na ako sa loob ng ataul at yumakap na ulit ako kay Catalina. Tinignan ko yung muka niya, natatakpan siya ng buhok niya kaya inayos ko muna bago ko siya hinalikan sa labi. Binuklat ko din yung kumot namin bago ako bumalik sa pagtulog.

 

 

 

 

1:45am

 

 

[static sound] 

 

 

[static sound] 

 

 

[static sound] 

 

 

[static sound] "Psst" napadilat ako nung tumunog nanaman yung walkie talkie. Hindi ko na ginising si Catalina, bumangon kagad ako at nagteleport papunta sa hallway.

 

 

[static sound] **press** "Hello Lucila? Lucila ikaw ba yan? Sumagot ka naman please."

 

 

[static sound] **press** "Lucila. Kung ikaw yan magparamdam ka naman kahit isang beses lang. Sabihin mo sa akin kung ligtas ka ba o kung nasaan ka na. Sobrang nag aalala ako sayo, feeling ko mababaliw na ako. Sobrang nalulungkot ako na wala ka na."

 

 

[static sound] 

 

 

[static sound] 

 

 

Nung narinig ko nanaman na parang may magraradyo, itinapat ko na kagad sa tenga ko.

 

 

[static sound]  **press** "Ipaalam mo lang sa amin kung nasaan ka at kung ligtas ka, lahat kami sobrang nag aalala na. May nananakit ba sayo?"

 

 

[static sound]  **press** "Hello, sumagot ka naman."

 

 

Ang tagal kong nakatitig at hawak yung walkie talkie pero wala talaga akong nakukuhang kahit isang sagot sa kabilang linya.

 

 

[static sound]  **press** "Ipaalam mo lang sakin na safe ka."

 

 

[static sound] 

 

 

[static sound] 

 

 

Nung mahigit sampung minuto na akong nakatayo sa hallway at nagaabang na baka meron makikipag usap sakin, naisipan ko nalang pumasok sa kwarto dahil parang malabo din naman na makakausap pa namin siya.

 

 

[static sound] 

 

 

[static sound] 

 

 

[static sound]  "Awoooooooo"    "" nabitawan ko yung walkie talkie dahil sa gulat ko.

 

 

[static sound]  **press** "Sino to?! sino ka?" 

 

 

[static sound]

 

 

[static sound]  "Hulaan moooooo"

 

 

Mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto namin at ginising ko si Catalina. Kinakatok ko ng malakas yung takip ng kabaong dahil gusto ko na marinig niya yung nagsasalita. "Baba! Gising bilis." inalis ko yung mga unan at niyugyog ko yung balikat niya. "Catalina." nung nakita ko na pupungas pungas siya, tinulungan ko siyang bumangon at pinaupo ko. "Dalian mo."

 

 

"O bakit? ano ba yun?"

 

 

"Ba! may kumakausap sakin na kaluluwa, andito ngayon sa walkie talkie. Sigurado ako may kinalaman to sa pagkawala ni Lucila."

 

 

"Ha asaan? anong sinabi sayo?"

 

 

"Ayan andito kanina, may sinasabi siya pero hindi ko maintindihan kasi sobrang hina. Parang bumubulong kaya hindi ko marinig." inabot ko kay Catalina yung walkie talkie at dalawa na kaming nag aabang ngayon. Nag senyas ako sakanya na magsalita siya.

 

 

"Sigurado ka ba Minjeong?"

 

 

"Oo meron nagsalita ngayon ngayon lang."

 

 

[static sound] **press** "Sino ka? May tao ba dyan sa kabilang linya?" magkatabi kami dito sa loob ng kabaong. Kinakabahan ako dahil wala akong idea kung sino yung nagraradyo. "Sige Baba"sinabi ko sakanya na ituloy lang niya ang pakikipagusap at hihintayin lang namin hanggang sa may makuha na kaming sagot. Tingin ko may kinalaman itong kaluluwa. Posible na alam niya kung nasaan si Lucila o masasabi niya samin kung ano talaga ang nangyari.

 

 

[static sound] **press** "Makipag usap ka sa amin, hindi ka naman namin sasaktan kaya wag kang matakot. Magpakilala ka." nag senyas ako sakanya na ipagpatuloy niya lang yung pakikipag usap.

 

 

[static sound] **press** "Gusto namin malaman kung nakita mo ba yung baby namin, Lucila ang pangalan niya. Ang tagal na namin siyang hinahanap dahil isang araw na siyang nawawala. Kung may alam ka o nakita mo siya, parang awa mo na tulungan mo kami o sabihin mo sa amin kung ano ang kalagayan niya."

 

 

[static sound]  "Hindi ko siya kilala." nagkatinginan kami ni Catalina nung may nagsalita. Para akong nabubuhayan dahil tama nga, may espiritu na nakikipag usap sa amin ngayon. Umaasa ako na matutulungan niya kami.

 

 

"ito, sige lang." May gusto akong itanong kaya inabot na sakin ni Catalina yung walkie talkie. Umayos ako ng upo at tinapat ko na. **press** "Kahit hindi mo siya kilala baka naman nakita mo siya. Si Lucila, yung alaga namin bale ganito yung itsura niya. Medyo maliit kasi baby pa. Kulot yung buhok niya na may bangs, naka kwintas, naka bestida ng puti na may ruffles sa kwelyo, naka sapatos at may medyas. Medyo malikot siya, medyo pilosopo pero sobrang bait at magaling magsalita."

 

 

[static sound]  "Maganda ba siya?" napatingin ako kay Catalina. "Huh, nagtatanong kung maganda?" nagtaka ako dahil parang wala naman saysay yung tanong. "Sige lang Bubu, sagutin mo lang."

 

 

[static sound] **press** "Maganda? oo maganda tsaka sobrang cute nun. Maamo yung muka niya, kulot yung buhok na medyo maiksi at mukang kerubin. Nakita mo ba?"

 

 

[static sound] "Hindi ko siya alam, hindi ko kilala."

 

 

[static sound] **press** "Sure ka? baka naman may napansin ka na bata na ganun ang ayos. Nasaan ka ba?"

 

 

"Hindi pwede sabihin awooooooo-uh uff-ou uff ughff ay!" nagkatinginan ulit kami ni Catalina nung nasamid at naguubo yung kausap naming espiritu. Hindi ako pwedeng magkamali, nung nasamid siya at naputol yung salita parang narinig ko na boses bata. "Ba, pansin mo, ako lang ba o parang pamilyar?"

 

 

[static sound] "Awoooooooooo mumu" napatingin ulit siya sakin nung may umaalulong nanaman sa walkie talkie.

 

 

"Halata nga sa boses na bata pa to."

 

 

"Ikaw nga ang makipag usap baka naman may nangloloko lang satin." inabot ko na ulit kay Catalina yung walkie talkie.

 

 

[static sound] **press** "Tatanungin ulit kita ng maayos ha, sana sagutin mo kami at makipag usap ka samin. Sino ka at ano ang iyong pangalan?" mahinahon ang salita ni Catalina para hindi matakot yung kausap namin. Nagbabakasakali kami na matutulungan niya kami sa paghahanap kay Lucila.

 

 

[static sound] **press** "Inuulit ko, gusto lang namin malaman ang pangalan mo." mas dumikit pa ako kay Catalina para marinig namin mabuti yung mga sasabihin niya.

 

 

[static sound] "Ang pangalan ko ay Chicret hindi pwedeng sabihin!" kunot noo akong tumingin ulit kay Catalina. "Secret daw." kinalabit ko siya at bumulong ako. "Parang siya to." tumango at sumang ayon siya sakin.

 

 

"Oo kaboses niya. Nahalata ko din."

 

 

[static sound] **press** "Ah ganun, so sinisikreto mo na samin yung pangalan mo?"

 

 

[static sound] "Opo"

 

 

[static sound] **press** "Okay sige. Ilan taon ka na ba?"

 

 

[static sound] "tatlo." 

 

 

[static sound] **press** "Ano ang kinamatay mo?"

 

 

[static sound] "sakit"

 

 

[static sound] **press** "Saan ka nakatira?"

 

 

[static sound] "Sa mansyon namin."

 

 

[static sound] **press** "Ano ang paborito mong gawin kapag nasa mansyon ka?"

 

 

[static sound] "Maglaro."

 

 

[static sound] **press** "Ano ang pinaka gusto mong kwarto sa mansyon?"

 

 

[static sound] "sa Clubhouse, ay."

 

 

"Bubu siya nga."

 

 

[static sound] **press** "Seryoso ako at wag mo na kaming pahirapan pa. Nasaan ka ngayon Lucila? Sabihin mo sa amin dahil sobrang nag aalala na kami. Nasaan ka, pupuntahan kita!"

 

 

[static sound] "Ano po yun? hindi ko po naintindihan." napa-facepalm ako ng di oras dahil hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, boses na niya talaga to. "Hindi po ako to Minjeon!" Nakita ko kung pano napahilamos ng muka si Catalina pagkatapos niyang marining na tinawag yung pangalan ko.

 

 

"Baba itataya ko yung sampung daliri ko, pati mga daliri ko sa paa. Siya mismo tong nakikipag usap satin. Siyang siya yan."

 

 

"Jusko Minjeongie, nasaan lupalop kaya itong batang to? itanong mo na nga at puntahan na natin siya."

 

 

"Medyo iba lang sa boses pero siya pa din talaga."

 

 

"Oo at halata na sinasadya niya, nilalakihan niya yung boses niya kaya kanina pa siya nauubo. Ano ba ang pinaggagawa nitong bata na to. Ito talaga si Lucila. Ubod ng pilya at kulit."

 

 

[static sound] "Minjeon totoo po. Hindi naman ako si Lucila." nung unti unti ko nang nabibisto kung sino itong kausap namin. Hindi ko na din mapigilan ngumiti. Grabe yung tuwa na nararamdaman ko ngayon dahil nalaman ko na hindi niya kami iniwan.

 

 

[static sound] "Ibang multo po ako!"

 

 

[static sound] **press** "Talaga ba?"

 

 

[static sound] "Opo awoooooooo!" natawa ako nung narinig ko nanaman yung fake alulong sa walkie talkie, nagpapanggap pa siya na ibang multo. Nananakot at iniiba niya yung boses niya kahit kabisado namin yung salita niya na medyo na-bubulol bulol .

 

 

[static sound] "Natatakot ka na sakin? awoooooooo! Mumuuuuu"

 

 

"Hahahaha Bu itanong mo na nga kung nasaan siya para sunduin na natin, anong oras na."

 

 

"Hahaha. Siya talaga to."

 

 

[static sound] "Ibang multo ako Minjeon. Raaaaaaar raaaaaar awoooooooo!"

 

 

"Jusko, ano bang pinagtuturo mo sa bata na to? Ano ba yan ginagawa niya? ano nanaman kaya ang naisipan niya, nasaan siya ngayon? Baka naman ikaw nagturo sakanya ng mga ganito Minjeong."

 

 

"Ha? bakit ako sinisisi mo eh hindi ko din alam kung nasaan siya. Pero grabe, andito na ulit siya." ramdam ko na nagiging emosyonal nanaman ako nung napapatunayan na namin na si Lucila nga talaga yung nasa kabilang linya.

 

 

[static sound] **press** "Nasaan ka ngayon?"

 

 

[static sound] "Hulaan mo"

 

 

[static sound] **press** "Lucila, halika na. Bumalik ka na dito sa kwarto, gusto ka na namin yakapin. Pumunta ka na dito at matutulog na tayo." aya sakanya ni Catalina.

 

 

[static sound] "Okay po Catalina!"

 

 

"Saan kaya siya nanggaling?!"

 

 

"Hindi ko alam Bubu, katulad mo gulong gulo din yung isip ko ngayon at parang nasa panaginip tayo."

 

 

**knock knock knock**

 

 

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nung may kumakatok na sa pinto namin. Grabe sana nga siya na to. Hindi ko talaga kakayanin kung mawawala na si Lucila at hindi pa ako handa na iiwan na niya kami.

 

 

**knock knock**

 

 

"Halika, sabay natin siyang salubungin." bumaba ako galing sa ataul at inalalayan ko si Catalina. Magkahawak kami habang naglalakad papunta sa pinto.

 

 

**knock knock knock**

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1151 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko