Chapter VI

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Martes 6:30am

 

Papunta na kami ngayon sa farm, nagising ako sa tawag na ang dami daw baboy, baka at manok ang namatay. Narinig daw nila kaninang alas singko na parang may umiiyak at naghihingalo na mga baboy at baka. Kailan lang na-inspeksyon naman sila mabuti kaya tiwala kami na hindi sila mapepeste kahit pa napaka init ng panahon ngayon. Naghanda kami maigi kaya hindi ko akalain na bigla magkakaroon ng ganito. 

 

 

"Layu una ka na dun, ippark ko lang to susunod ako kagad." hinatid ko muna si Ryujin malapit sa piggery at madalian akong pumarada sa tapat ng office, hindi na ako pumasok sa loob at sumunod na kagad ako sakanila. Sinundo ako ng isa sa mga tauhan namin at sumakay na ako sa buggy.

 

 

"Ano daw nangyari?" tanong ko kay Ryujin. Ang dami nila dito na nakatayo sa loob ng kulungan at inaalis na nila yung mga baboy na namatay. "Kiminjeong ang dami. Bakit biglaan naman to,ang ayos naman nila kahapon."

 

 

"Sige teka lang, kausapin natin sila manong." lumapit samin yung pinaka katiwala namin dito sa piggery. "Ano po nangyari, ilan lahat yung namatay?"

 

 

"Anim po lahat lahat dito sa babuyan ma'am, pero dito lang yung satin, meron din daw dun sa bakahan. Hindi ko lang sigurado kung ilan livestock yung nawala."

 

 

"Pano po nangyari na ganun kadami bigla yung namatay, eh last week lang nung huling nag inspeksyon tayo dito, tsaka tinignan pa nga natin yung mga inahin ayos naman. Wala nga may sakit, tsaka nahihiwalay naman natin kagad. Pano nagkaroon ng peste?"

 

 

"Ayun po yung pinagtataka ko, kasi kahapon nandito ako magdamag. Binabantayan ko yung kinakabit nila na mga bagong chicken wire at screen, wala naman may sakit sa mga alaga natin. Ngayon biglang namatay, anim kagad. Isa dun inahin na buntis. Sobrang sayang yun ma'am."

 

 

"Jusko, yung inahin pa talaga. Pwede po ba, mag iwan ng dalawa dun sa mga nmatay. Yung inahin, tsaka isa pa. Gusto ko sana ma-check ng beterinaryo mabuti kung anong peste yung tumama sakanila."

 

 

"Sige po ma'am, papapuntahin ko na po siya dito. Ililipat ko po muna yung mga natira, kailangan mag linis mabuti dito mahirap na baka magkahawaan pa."

 

 

"Sige po, ngayon na po kagad. Unahin niyo na linisin yung kulungan kung saan may namatay. Mag dis-infect na po kagad kayo."

 

 

"Opo ma'am, yung sa poultry din po natin nagka problema."

 

 

"Pati dun?! ilan yung nawala dun?"

 

 

"Walo po."

 

 

"Ano?! edi isang hilera yun?!"

 

 

"Opo ma'am, kaya sobrang nagtataka kami bakit sabay sabay."

 

 

"Grabe, Layu pano nangyari to. Magkakahiwalay ng farm tapos lahat namatayan? manong teka lang sigurado ka okay dito kahapon hindi nagkasakit itong anim na baboy?"

 

 

"Sigurado po ako kasi ako pa mismo nagrasyon ng pagkain nung tanghali. Kasama ko pa yung dalawang tao ko. Ang bilis namatay, ni hindi manlang nanghina."

 

 

"Sino nakarinig kanina? Gusto ko makita yung mga CCTV dito. Tingin ko may nakapasok na ibang hayop."

 

 

"Yung tauhan ko po nung mag aangkat sila ng mga feeds, narinig nila na umiiyak yung mga alaga natin dito. Nagulat sila dahil yung iyak nila ay parang kinakatay."

 

 

"Kinakatay? kung ganun hindi peste yun baka nga may nakapasok nanaman sa mga harang tsaka sa net natin? wala kayo nakitang ibang hayop na umatake sakanila? Wala kayong naabutan?"

 

 

"Wala po ma'am kasi ang ayos ng mga screen natin, naka doble pa pati nga mga insekto bihira makapasok dito."

 

 

"Eh pano nangyari yun, sinilip niyo na ba, may mga malalaking sugat ba sila?"

 

 

"Yung tatlo po sakanila may lumabas na dugo sa bibig tsaka sa ilong, mukang sariwa pa nung nakita namin."

 

 

"Hindi ganyan yung epekto ng peste sa baboy, paki sabihan yung beterinaryo natin dito na tignan niya maigi. Hihintayin ko yung report niya, kahit itawag niya nalang samin. Pupunta lang po kami dun sa livestock, kailangan na din namin makita yun."

 

 

 

 

Inisa isa namin puntahan yung mga kulungan, ngayon lang nangyari to na nagkasabasabay tamaan ng peste yung tatlong klase ng hayop na inaalagaan namin. Ang daming namatay na manok, at nabawasan kami ng apat na baka. Lahat sila wala naman sugat, tsaka nung mga nakaraan araw wala naman nag report sakin na nagkasakit sila, kaya nakakabigla yung nangyari ngayon tapos isang bagsakan pa.

 

 

"Layu, hintayin natin yung report ng beterinaryo, tsaka tama lang na linisin na nila lahat ngayon yung kulungan na may mga namatay, madami pa naman tayong libreng kulungan, kahit dun sa kabila pwede. Siguraduhin lang na may tubig dun. Ilipat muna nila lalo yung mga manok, ang bilis kumalat nun, sigurado magkakahawaan yan."

 

 

"Sige, nasabihan ko na din sila. Tuloy pa ba tayo bukas papunta sa Maynila para bumili ng phone mo?"

 

 

"Oo pero magbook nalang tayo ng flight, balikan nalang. Kung meron flight ng gabi o kaya umaga nung susunod na araw, yun na kagad yung kunin natin."

 

 

"Hahahaha talagang hindi na makapag hintay yung pagbili mo ng cell phone, bakit ang atat mo?"

 

 

"Ang epal mo, bakit ba. Nabububog na kaya ako dito, napaka labo na." nung pinakita ko sakanya yung phone ko sakto naman na may nahulog na basag na piraso nung screen. "Hahaha ang laspag naman ng phone mo ano ba pinaggagawa mo dyan?"

 

 

"Nahulog ko nga nung naka tambay ako dun sa puno ng chico sa bahay niyo. Buti nga gumagana pa, natatawagan ko pa si ate."

 

 

"Alam mo hindi ko pa naman nabura, pwede mo naman hiramin yung phone ko kung gusto mo titigan ulit yung picture nung crush mo na bangkay eh!" sisipain ko dapat siya pero mabilis siyang nakailag at nakatakbo. "Ang gago mo ha, hindi ko nga crush yun tigilan mo nga ako! Kadiri ka!"

 

 

"Masama yan Kiminjeong necrophilia! Wag mong gustuhin ang bangkay!"

 

 

"Tangina mo isa pa!!! Iba yung necrophilia sira! Konetakdo sa ual yun, kadiri ka! Sige Ryujin isa pa talaga, isusunod kita dun sa mga baboy!"

 

 

"Hahahahahahahahaha hindi na! pero teka bakit ka namumula?!"

 

 

"Tangina!!!" naghahabulan kami dito sa labas ng kulungan ng mga manok, malamang nagtataka na yung mga tauhan namin sa kung ano yung nangyayari. "Tama na ang aga aga pagpapawisan na ako!"

 

 

"Leche ka ikaw kaya dyan, akala mo hindi ko nakita kinikilig ka dun sa nakahiga dun sa kabaong na may dragon!"

 

 

"Hoy gago ang kapal mo! Wala akong gusto dun!"

 

 

"Tangina basta sa Sabado, magsisimula na tayo para maalis na sila dun sa bahay, leche ka eh tutuksuhin mo nalang ako sa patay pa!"

 

 

"Hindi na natin ichcheck kung vampira yung mga yun?"

 

 

"Ikaw na bahala tumingin sa Biyernes bahala ka sa buhay mo. Pag isa dun sa mga yun vampira, ipapain talaga kita!"

 

 

"Sige basta kay Gisele ha?!"

 

 

"O tignan mo na! Leche ka ikaw talaga yung na-aattract sa patay tapos ako yung tinuturo mo! Napaka gago mo talaga."

 

 

"Kiminjeong alalahin mo."

 

 

"Ano?"

 

 

"Wag mong gustuhin ang bangkay, dahil unrequited love yun pag nagkataon!!!" hinabol ko siya dahil kailangan kong mapompyang ang ulo niya dahil sa mga pinagsasabi niya. "Hahahahahahahahaha awat na!!!! ang aga aga pagod na ko!!!"

 

 

"Gago!! ang ingay mo tungkol dun eh naririnig tayo ng mga tao dito!!!"

 

 

 

 

 

 

 

Miyerkules 7:00am, Airport 

 

Mabuti nalang nakapag book kagad kami ng flight kahapon, mas gusto pa sana namin na mas maaga pero wala ng bakante. Ubos na din yung flight schedule para mamayang hapon kaya bukas ng umaga nalang kami uuwi. Dapat magbbiyahe kami ng naka kotse at sasakay sa Roro, kaso aabutin kami ng mahigit sampung oras sa pag drive palang, nakakapagod yun at hindi namin kakayanin. Nakapag desisyon kami na mag eroplano nalang para masulit yung oras.

 

 

Nung nalaman ni Cheche na luluwas kami pa-Maynila ni Ryujin, tinawagan niya ako at inimbita kami na dun nalang matulog sa condo niya, gusto ko din makita yung kambal ko kaya pumayag kagad ako. Nagpahanda pa siya para saamin, kaya pagkatapos namin bilin yung mga kailangan pupuntahan na namin si Cheche.

 

 

"Pila na tayo, ayos lang ba sayo Kiminjeong na hindi tayo magkatabi?" binasa ko yung boarding pass niya. "Oo isa't kalahating oras lang naman yan." Si Ryujin ang nag book para samin kaya ganito yung pwesto na nakuha, magkatapat kami ng row pero hindi kami magkatabi. Parehas na window seat kasi yung pinili niya kaya dun siya uupo sa kabilang bintana, ayos lang kasi hindi naman ganun katagal yung biyahe.

 

 

"Ayan na pala, tara na."

 

 

 

 

 

 

Nakaupo na kami at nasuot ko na yung seat belt ko. Pinapanood ko si Layu sa kabila, inaayos niya yung earphones niya at mukang matutulog na. Napaayos ako ng pwesto ng biglang may dumating at naglagay ng carry-on bag sa taas, tapat nitong upuan ko. Mukang may katabi ata ako ngayon, pati si Layu nung sinilip ko meron ng nakaupo sa tabi niya.

 

 

Babae na medyo matangkad, singkit yung mata at maganda yung muka ang makakatabi ko. Ngumiti muna siya sakin bago siya umupo dito sa kanan ko. "Hi." bati niya sakin. Anong isasagot ko sa hi, bakit ang feeling close naman nito, may patakaran ba sa airline na to na kailangan mo mag hi sa makakatabi mo sa upuan. Magtulogtulugan nalang kaya ako para hindi ko na kailanganin sumagot. Kaso parang gago naman kung kakasabi niya lang ng hi tapos bigla nalang akong pipikit, para akong nahimatay at magmumuka akong tanga. Pero sino kaya ito, ngayon ko lang siya nakita, malamang hindi siya taga samin. Ay tangina, hindi pa pala ako nakakasagot sa hi niya. "Hi din." sumilip na ako sa bintana pagkatapos kong bumati sakanya.

 

 

"Excuse me, miss?" ang kulit naman nito, nag hi na nga ako eh sagad na yung pagiging extrovert ko kaya tama na. "Miss?" kinakalabit naman niya ngayon yung braso. "Ano po yun?" nag-aalangang tanong ko sakanya. "Mag ttake-off na kasi tayo, naupuan mo yung seat belt ko." napatingin ako sa inuupuan ko, ito pala yung matigas na nararamdaman ko sa bandang likod ko. "Sorry hindi ko napansin," inalis ko yung sakin tumayo ako sa upuan at inabot ko na sakanya yung seat belt niya. "Sorry ito na." 

 

 

"It's okay, salamat." kinabit ko na yung seat belt ko at umayos na ulit ako ng upo. Sana naman wag na akong kausapin nitong katabi ko dahil parang napapagod yung utak ko at naddrain ako. Ayaw ko ng ganito, small talk sa hindi kakilala. Sobrang iniiwasan ko yung mga ganito dahil sobrang nakakapagod.

 

 

Sakto umaandar na tong erolpano at mag ttake-off na kami, pipilitin ko nalang matulog para hindi ako pagod mamaya.

 

 

"Ikaw pala si Minjeong Kim." nung pag pikit ko nagsalita nanaman itong katabi ko, ngayon binabanggit na niya yung pangalan ko. "Sorry ano yun? Pano mo nalaman pangalan ko?" tinuro niya yung boarding pass na inipit ko sa lalagyan sa harap ko. "Ah okay, oo yun nga ang pangalan ko. Minjeong Kim. Pag binanggit mo yan kasama yung apelido, hindi pwede maiwan yun."

 

 

"Hmm, okay. Taga saan ka Minjeong Kim? ang ganda ng salamin mo bagay sayo."

 

 

"Thank you. Ah sa San Jorge, dun kami nakatira. Ikaw, taga dito ka din ba?"

 

 

"Sa Manila ako nakatira, pero madalas akong pumupunta dito. Tumutulong kami sa mga malalayong barrio."

 

 

"Umaabot ka sa mga barrio? Sa San Jorge nakapunta ka na ba?"

 

 

"Yan San Jorge, ilan beses na din kami nakarating dyan sa purok na yan, nag house to house pa kami minsan."

 

 

"Ah ayos pala, ang saya naman nun na kung saan saan ka nakakarating. Teka nagtatrabaho ka ba sa Census?"

 

 

"Census? haha hindi, uhm nagpupunta ako dito most of the time for medical mission and charity."

 

 

"Ah wow, dentista ka ba? Pwede ko ba makuha number mo para pag nakapunta ka ulit sa probinsya namin. Kasi alam mo yung kaisa-isang dentista dun samin matanda na sobra, lolo na siya. Kaya nung nagpa pasta ako nung isang taon mali yung ngipin ko na nabuksan at na-pastahan niya. Lumaki pa tuloy yung problema, inulit niya pa, nagbayad tuloy ako ng doble. Gusto mo ba makita, pwede ko siguro ipakita sayo mamaya dun sa cr."

 

 

"Hahaha oh my, no. No I'm not a..  It's too early for a TMI but uhm, sorry Minjeong Kim pero hindi ako dentista. I'm a doctor of Internal Medicine."

 

 

"Hala sorry, kalimutan mo na, kalimutan mo na nakwentuhan kita tungkol sa ngipin kong butas. Ano pala pangalan mo ma'am?"

 

 

"Yeji, ako si Yeji Hwang. Nice to meet you." inabot niya yung kamay niya kaya tinanggap ko at nakipag kamay ako sakanya. "Nice to meet you din Yeji. Ah doctor pala, doctor of Internal Medicine Yeji."

 

 

"Alam mo gustong gusto ko dito sa probinsya niyo, mababait ang mga tao at ang ganda ng mga lugar lalo yung beach grabe. Gustong gusto ko talaga na nagpupunta dito."

 

 

"Doctor of Internal Medicine Yeji gano ka ba kadalas pumupunta dun samin?"

 

 

"Yeji nalang hindi mo kailangan buoin yung doctor Minjeong Kim.

 

 

"Ah okay doc Yeji nalang. Lagi ka ba nagagawi dun sa purok ng San Jorge?"

 

 

"Sa San Jorge hindi masyado, pero mas matagal pa ako nag sstay sa probinsya niyo kaysa sa Manila. Parang dun na nga ako nakatira, dun ako sa bayan. Dun sa bahay malapit sa simbahan. Kasi malapit din dun yung hospital kung saan ako pumapasok."

 

 

"Malapit lang kami sa bayan wala pang thirty minutes. Pag gusto mo mamasyal o kaya naiinip ka pwede ka namin samahan, para makita mo din yung ibang magagandang lugar dun. Nakapunta ka na ba sa dagat na kita yung bundok na may mansyon?"

 

 

"Hindi, hindi ako pamilyar dun sa lugar eh."

 

 

"Sige sa susunod baka pwede ka pumasyal dun sa purok namin. Maganda na makita mo tsaka, ipapakilala din kita sa ate ko."

 

 

"Sure I would love that, salamat Minjeong Kim. Sandali lang ha, wag kang gumalaw. May titignan lang ako." nagulat ako sa ginawa niya at parang nailang ako. Kitang kita ko na huminga siya ng malalim, pinikit niya yung mga mata niya sabay itinusok yung dalawang daliri niya dito sa leeg ko. Parang pinapakiramdaman niya ata yung pulso ko. "Ahh doc Yeji, para saan po ito?" pinapanood ko siya, gusto ko ng tabigin yung kamay niya na nakahawak sa leeg ko. Mas dinidiin niya pa kaya medyo nakakaasiwa. Ano ba tong ginagawa niya. "Napaka ganda ng daloy ng dugo mo Minjeong Kim." inalis na niya yung kamay niya at nginitian niya ako.

 

 

"Para saan yun ginawa mo doc?"

 

 

"Tinignan ko lang ang pulso mo."

 

 

"Sabi mo maganda yung daloy ng dugo ko, nalalaman niyo pala yun sa ganun?"

 

 

"Oo, alam ko kagad dahil nararamdaman at naririnig ko ng malinaw."

 

 

"So hindi ako highblood noh? Doc tingin mo ba low blood ako? kasi ilan araw na akong napupuyat eh. Kasi alam mo, hindi maganda yung mga panaginip ko kaya madalas naaalimpungatan ako. Buti na nga lang tumigil na kasi may binigay sakin si Manang Carmen na pangontra daw. Buti nalang din effective."

 

 

"Pangontra?"

 

 

"Oo nilagay niya dun sa bintana ko, ang galing nga kasi effective. Tumigil na yung masasamang panaginip ko, pero doctor ka kaya sigurado hindi ka naman maniniwala sa mga ganun. Doc Yeji, low blood ba ako?"

 

 

"Maganda ang daloy ng dugo sa mga ugat mo, bawat bulwak galing sa puso mo rinig n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1149 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2140 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko