Chapter XXXV

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Three Months Later...

 

 

Second Week of December

 

Biyernes na ngayon, walang schedule si Minju at free day niya pero kailangan niyang umattend ng zoom meeting mamaya para dun sa business venture nila ng best friend niya. Meron siyang apat na araw na libre dahil wrapped up na yung taping nila sa teleserye at sa unang quarter ng taon pa magsisimula yung shooting ng bagong movie niya. Kakagaling lang namin kaninang umaga sa ospital para sa doctor's appointment ko, base sa findings nag iimprove naman ng konti, kaso hindi pa din ako pasado. Napagusapan din namin yung sinasabi ng doktor, may nabanggit siya na isa pang option bukod sa open heart surgery na gagawin sakin.

 

 

"Pook, we will leave later around 5pm. Mag pahinga ka muna ngayon since we won't be doing anything today naman." tumabi sakin si Minju dito sa couch. Nagbabasa lang ako ng libro ngayon at kakatapos lang namin mag lunch.

 

 

"5pm? pero may meeting ako dun sa may ari ng meat plant, mamayang alas tres ng hapon yun."

 

 

"What? so your meeting was moved today, but I thought it's on monday?"

 

 

"Oo, na-move kasi ayaw na patagalin nung may ari pero online lang naman kaya ayos lang, hindi ko na kailangan pumunta sa Pampanga. Hanggang kailan ba tayo matutulog dun sa bahay ng parents mo?"

 

 

"Just tonight because we're gonna go to Tagaytay tomorrow then Sunday ng hapon na tayo uuwi."

 

 

"Ah okay sige. Pero Pumpkin sinong tao sa bahay niyo ngayon, andun mommy mo?"

 

 

"She's in the office right now but of course she'll be there tonight together with dad and my sister."

 

 

"Ha? ibig sabihin andun din mamaya yung ate mo?"

 

 

"Yeah uuwi siya sa house and she will be staying over the weekend with us. Why ba?"

 

 

"Eh kasi."

 

 

"Hahaha, what is it? don't tell me nahihiya ka pa din sakanya?"

 

 

"Eh kasi nga."

 

 

"Hey, it's gonna be fine."

 

 

Si Minju, simula nung nagsama na kami nung September, mas nakikilala na namin ang isa't isa. Ang dami kong na-rrealize ngayon na sa iisang bahay na kami at walang araw na hindi ako thankful sakanya. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa past life ko para bigyan ako ng isa tao na katulad niya. Maintindihin, matalino, maalaga, mapagbigay, masipag, simple, mabait sa mga tao tsaka ma-respeto sa magulang. Grabe masasabi ko na parang nasa kanya na talaga ang lahat at napaka swerte ko dahil nabigyan ako ng chance na maging girlfriend siya.

 

 

Sa Metro Manila pinangak at lumaki si Minju, galing siya sa pamilya ng mga entrepreneur at business owner. Yung dad niya ay may ari ng grocery chains tapos sa aluminum container business naman yung mommy niya. Napaka bait ng family nila, lalo yung parents niya. Ilan beses ko na silang nakakasama dahil madalas iniinvite nila ako sa mga family gatherings nila. Madaming beses na din ako na nakapag overnight sa bahay nila sa Dasma. Hindi ko makakalimutan yung unang beses na nagpunta kami sakanila at ininvite ako para mag dinner, sa sobrang hiya at kaba ko sa parents niya, nagpakilala tuloy ako na best friend at tinanggi ko na magkarelasyon kami. Halos mamatay ako sa hiya dahil alam naman pala nila na ako yung girlfriend ng anak nila. Sobrang mali at ang awkward na nagsinungaling ako nun pero ngayon hindi namin mapigilan matawa kapag napaguusapan namin yun.

 

 

Grateful ako dahil mababait sila at sobrang ayos ng pakikitungo nila sakin. Tanggap nila kung ano yung meron kami ni Minju, never nila ako tinuring na ibang tao at kahit kailan hindi ko naramdaman na na-intimidate ako sakanila, maliban pala sa isang tao. Yung kapatid niya na mas matanda sakanya ng dalawang taon. Sobrang mabait yung ate niya, hindi naman siya snob o nakakatakot, napaka friendly at approachable pa nga niya, tsaka ako lang naman yung may problema kasi hindi talaga ako sanay makihalubilo sa mga ganun klase ng tao. Hirap akong makipag interact kasi nahihiya talaga ako sakanya. Masyadong mahinhin, sophisticated, modest tsaka cultured. Pag nakikita ko siya naalala ko sakanya si Astrid Leong sa The Crazy Rich Asians, parehas sila ng kilos pati yung way ng pananalita, parang feeling ko tuloy dapat laging may sense yung sasabihin ko kapag kaharap namin siya ni Minju.

 

 

"Pook, what's wrong? natulala ka na dyan." 

 

 

"Sorry. Nahihiya pa din kasi talaga ako sa parents mo eh. Six months palang tayo tapos nakatira na ako dito sa place mo, bakit naman kasi ayaw mo akong pagbayarin? sobrang nakakahiya na talaga Minju. Tsaka grabe nahihiya talaga ako sa ate mo."

 

 

"Hahahaha why? it's not that serious, when she throws you questions just answer her, and what the hell do you expect me to do, singilin kita ng rent? you are not here to be my roommate, you're my girlfriend that's why I want you to stay with me."

 

 

"Pero kahit na."

 

 

"Ano pa ba gusto mo, ikaw na nga sa groceries natin and when the chef comes here ikaw pa nga yung nagbabayad. Okay na yun Minjeong, honestly you don't even have to do that."

 

 

"Minju, hindi naman kasi pwedeng ganun, wala akong ambag? hindi ko matagalan. Ayaw ko na binubuhay ako ng ibang tao."

 

 

"Hey, it's not that serious. Kahit nung mag isa ako dito it's the same."

 

 

"Gusto ko kasi hati tayo pero ayaw mo naman pumayag."

 

 

"Hati ba saan Pook? we've been arguing about this for months now. Can you cut it out?"

 

 

"Sa lahat ng utility bills. Sana pumayag ka na."

 

 

"Hindi na, napagusapan na natin to. Ganun din naman, tsaka ikaw na nga sa food and groceries natin. That's enough, okay na yun."

 

 

"Pumpkin sa susunod payagan mo na ako kahit sa kuryente lang. Nakakahiya kasi talaga tsaka ayaw ko na may masabi yung family mo."

 

 

"Wala silang sinasabi I can assure you that. That's how it is in our family, we have our own lives. You really don't have to worry about those things."

 

 

"Okay sige, pero sa susunod ha ako na sa kuryente." nakita ko na nag iba yung expression sa muka niya at mukang maiirita na talaga. "Hahahaha oo na hindi na titigil na ako. Pumpkin dito ka na sakin," hinila ko siya pahiga sa couch bago ko niyakap ng mahigpit. "I love you Minju, thank you kasi ang tiyaga mo talaga sa akin."

 

 

"That's how it's supposed to be, that's what I told you the day you became my girlfriend. I will take care of you."

 

 

"Sobrang na-aappreciate ko lahat. Lalo yung mga pagsama mo sakin sa check up ko. I'm sorry kasi parang nabigyan ka pa tuloy ng burden, sana hindi nalang talaga ako nagkasakit. Kasalanan ko yun."

 

 

"Hey oh my god stop, bakit ganyan sinasabi mo? Pook I told you wag ka ganyan mag isip."

 

 

Hindi ko mapigilan malungkot at madismaya, kapag naiisip ko na imbes na nag eenjoy lang kami sa relationship namin ang dami tuloy namin hindi magawa masyado tsaka nadadamay pa tuloy si Minju dahil sakin. Nagkaron siya ng responsibilidad. "Ilan months palang tayo pero ang dami mo na nagawa para sakin." sumiksik ako sakanya at nagtago ako. Nahihiya talaga ako, lalo ngayon na nakakailan buwan palang yung relationship namin pero nahhassle ko siya dahil kailangan ko bumalik sa doctor. Hindi niya ako iniiwan at pinapabayaan, talagang ginagawa niya lahat para lang hindi ako matakot.

 

 

"Pook stop crying. How many times do I have to tell you, hindi ka dapat nag iisip ng ganyan. Don't ever think that you are a burden to me."

 

 

"Bakit kasi ang tagal nito, bakit hindi pa pwedeng gawin kung ano yung kailangan."

 

 

"Sinabi na nga ng doctor dba inexplain satin nila Cheche, it has something to do dun sa artery na pagkakabitan nung graft vein daw."

 

 

"Pumpkin sorry talaga, hindi ko inexpect to. Nataon pa kung kailan girlfriend na kita. Wag ka mag aalala sinusunod ko naman lahat. Makakabawi din ako sayo kapag gumaling na ako ng tuluyan."

 

 

"Malapit na yan Minjeong, wag ka mainip. You will be fine. Iwasan mo yung mga ganito, emotional stress. Yan yung isa sa bilin ng doctor."

 

 

"Thank you for everything Minju. Seryoso, sobrang thank you."

 

 

"You're welcome Pook, come here nga. You know what I notice nung magkasama na tayo, mas nagiging vocal ka na with how you really feel."

 

 

"Dapat lang naman eh, tsaka sobrang thankful ako sayo kung alam mo lang. Parang feeling ko tuloy wala akong nagagawa para sayo."

 

 

"Wala kang nagagawa para sa akin really? Hahahaha do you want me to take out a list tapos isa isahin ko lahat ng mga ginagawa mo for me? You are the best girlfriend Minjeong, you are very supportive and understanding. Kahit kailan hindi ako nakarinig ng reklamo galing sayo kahit pa nagkukulang ako sa oras."

 

 

"Hahahahaha, anong list? hindi naman dapat problemahin yung time kasi lagi kang bumabawi."

 

 

"Am I failing to remind you, that you are the most generous person I know? The way you take care of me, tsaka yung support na binibigay mo sakin, grabe wala akong masabi."

 

 

"Hahaha sabi ko nga sayo eh, ako nalang yung PA mo pati driver. Konti nalang mag aapply na talaga ako."

 

 

"Hahaha tsaka sobrang responsible mo kahit most of the time makulit ka. You make me happy, I feel more safe and secured nung naging tayo na. Lalo na ngayon na kasama na kita everyday. I love coming home to you Minjeong, I wouldn't have it any other way." nung narinig ko yung sinabi niya, nag dive at sumiksik nanaman ako sakanya dahil hindi ko nanaman mapigilan. "Oh my gosh you are such a cry baby. Tama na nga, you have a meeting and your eyes will be swollen, mahahalata ni Layu na umiyak ka aasarin ka nanaman niya."

 

 

"Hayaan mo lang ako. Eh kasi naman eh ang swerte ko sayo, tapos yung relationship natin sobrang okay. Natatakot ako dahil ang saya saya ko Minju, parang hindi totoo lahat ng nangyayari sakin ngayon."

 

 

"Totoo lahat to, do you want me to start reminding you every single time? It's real, we both deserve this."

 

 

"I love you so much Pumpkin, grabe. I love you." pumatong ako sakanya at hinalikan ko sa lips. Niyayakap ako ni Minju habang hinahaplos niya din yung ulo ko.

 

 

"I love you too, sobra. Stop crying na tsaka mag ready ka na, I will attend the meeting in a few hours na din. We'll leave at five."

 

 

"Magddrive ako?"

 

 

"No, the driver is there."

 

 

"Ano ba yan, pwede ako nalang? para masolo kita, hindi tayo makapag usap pag may driver eh."

 

 

Isa sa favorite namin ginagawa ni Minju ay yung mga late night drives kung saan saan. Minsan ako ang nagmamaneho, pero meron din time na sinisipag siya kaya siya naman yung nagprepresenta mag drive. Mas gusto ko yung kaming dalawa lang para hindi kami pigil at makakapag usap kami ng maayos.

 

 

"Haha okay fine, I will let you drive us tomorrow when we go to Tagaytay."

 

 

"Okay Pumpkin sige, ako na bukas ha walang bawian yan."

 

 

"Yeah promise. Sige na I'll leave you here muna Minjeong, I have a meeting with Hyewon."

 

 

"Wag mo akong iwan, sama nalang ako sayo sa kwarto. Kung nasaan ka, gusto ko andun din ako."

 

 

"Hahahaha what the heck? okay halika na. You are such a cry baby and you are so clingy."

 

 

 

 

 

6:30pm Dasma Village, Makati

 

Andito kami sa rooftop garden ng bahay nila Minju, pinapanood ko yung mga food na pnprepare ng chef pati ng mommy niya. Dito daw kami mag ddinner ngayon gabi at hinihintay nalang namin na dumating yung kapatid niya. May mga family friends din sila na andito ngayon na sasaluhan kami.

 

 

"When did you start becoming a vegetarian Minjeong?" tanong sakin ni tita, yung mom ni Minju. Nakaupo ako dito sa bar stool chair kaharap ng kitchen island kung saan sila nag pprepare nung mga pagkain na lulutuin nila. "Pescatarian po ako tita kaya nakakakain ako ng seafood. Thirteen o fourteen years old po ako nung nagsimula, yun yung time na nag alaga na ako ng pot belly pig. After nun puro gulay tsaka fish nalang yung kinakain ko."

 

 

"Was it hard?"

 

 

"Nung una lang po pero nasanay tsaka nag adjust din ako kagad."

 

 

"I really find it ironic that you own a farm, a livestock, poultry and a piggery to be exact pero hindi ka kumakain ng meat?"

 

 

"Hahaha opo yan po yung reaction na laging nakukuha ko kapag nalalaman na pescatarian ako."

 

 

"How big is your farm again? The entire area."

 

 

"Almost five acres po, tita sabi ko sayo dapat pumunta kayo dun eh para makita niyo po. Ako mismo magttour sainyo. Sigurado makakapag relax kayo dun sa province namin."

 

 

"Don't worry Minjeong, I promise we will pay a visit. Perhaps, early next year pwede din."

 

 

"Tita sa birthday ko sana po makapunta kayo. Kahit hindi na sa mismong araw pero first to third week ng January pwede. Kung hindi po kayo busy ha, lagi po kasi kayong busy tsaka ang dami niyong meeting."

 

 

"Hahaha yes sinabi mo pa. But sure we'll see, it's a promise, we'll visit your province and your farm. Pinapakita sakin ni Minju yung mga photos whenever you go there and I must say the place is so beautiful."

 

 

"Opo, sigurado po ako magugustuhan niyo dun lalo yung mga food."

 

 

"Yes, maybe early next year we can travel and visit. Uhm by the way Minjeong, can I ask about the update of your... Minju mentioned a while ago that you had a schedule this morning?"

 

 

"Uhm kanina po yung regular check up ko, sabi nung doctor kung hindi na makapaghintay for the bypass may isang option pa naman. Yun daw po yung lalagyan ng stent."

 

 

"Oh, angioplasty?"

 

 

"Opo, pero mas preferred po namin yung bypass kasi po kakayanin ko naman daw yun, tsaka bata pa daw po ako."

 

 

"Well that's true, we know a lot of people who underwent open heart surgeries, mas okay yung result nila with bypass as compared to angioplasty. Have you talked to your ate about this?"

 

 

"Opo tita, kanina din po. Parehas kami ng sinasabi mas gusto namin yung bypass kesa yung lalagyan ng stent. Mas delikado daw po kasi yun."

 

 

"It is, pero kaya mo yan Minjeong, bata ka pa kaya maaayos pa yan. Just follow what the doctor asks you to do and number one rule sa ganyan bawal na bawal ang ma-stress. You eat healthy naman kaya walang problema with the food intake."

 

 

"Opo iniiwasan ko nga po yung ma-stress, tsaka sumama yung loob."

 

 

"Remember to always be positive. Wag masyado seryosohin ang mga bagay bagay, just enjoy life. Bata pa kayo."

 

 

"Opo. Thank you po." napatingin ako dun sa ginagawa nung chef. Napansin ko yung pinaglulutuan nila ng mga ihaw, ang laki tsaka ang ganda. Hindi na kailangan ng uling sa griller dahil parang sa stove, iikot mo lang yung knob tapos may apoy na. "Tita? alam ko na may mga chef naman po kayo, pero pwede ba ako tumulong mag ihaw?" nagtanong ako at nagbabakasali na papayag siya.

 

 

"What? Oh no Minjeong, no you don't need to. You are my visitor, mag aamoy usok ka. Stay there, you wait til the dinner is served." sinilip ko yung  Pumpkin ko na nakaupo at nagpphone dun sa lounge chairs. Kausap niya ngayon yung daddy niya. 

 

 

"Haha may damit naman po ako na dala, okay lang po. Wala din naman po akong gagawin dun sa garden, tulungan ko nalang po kayo."

 

 

"Are you sure?"

 

 

"Opo tita, ako na po."

 

 

"Okay if that's what you want. Would you like to help me with this? hold on, I'll ask someone to get you an apron you cannot ruin your shirt."

 

 

"Sige po tita thank you." hinintay ko lang yung isang kasamabahay nila na mag akyat ng apron. Natuwa ako kasi mattry ko mag grill dun sa ihawan nila na malaki. Ang ganda pa naman ng vibe dito sa rooftop, malamig yung hangi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko