Chapter XXXIV

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Biyernes

 

 

8:00am sa Farm

 

Napaka dami kong ginagawa ngayon umaga dito sa office. Hindi na ako nakakain at hindi na din ako nakapag break dahil may mga importanteng bagay ako na kailangan tapusin bago dumating ang araw ng Linggo. Umabot na sa bente yung ginawa ko simula nung Miyerkules at lima naman ang tnatarget ko na magawa ngayon araw. 

 

 

 

Magkasama kaming pumasok ni Ryujin, gamit namin kanina yung jeep ko pero siya yung nag maneho, hindi ko talaga maiwan yung mga ginagawa ko. Hindi ako pwedeng tumigil dahil meron nalang akong tatlong araw para tapusin lahat ng to.

 

 

"Alam mo simula nung dumating ka dito sa San Jorge puro ganyan na yung inaatupag mo. Para saan ba kasi yan?" hindi ko pinansin si Layu at nagpatuloy lang ako dito sa mga sinusulat ko sa papel. "Ano ba yan nagccompute ka ba?"

 

 

"Hoy! hindi mo ba ako naririnig, nabingi ka na?"

 

 

"Kiminjeong!" nakailag kagad ako nung binato niya ako ng ballpen."O? Ano ba yun?"

 

 

"Napapraning ka na ba? para kang timang pati sa sasakyan nagsusulat ka. Nung kumakain tayo sa bahay niyo nagsusulat ka pa din. Pati tuloy sila mayora nagtataka na sayo. Ano nanaman ba tong trip mo?"

 

 

"May tinatapos nga kasi ako, importante to." nilagay ko na sa envelope yung natapos ko at nagsimula na ulit akong magsulat.

 

 

"Ano ba yan pinagkakaabalahan mo? Kaya lumalabo lalo yang mata mo eh. Parang ilan araw ka nang nagsusulat, hindi ka na namin makausap ng maayos."

 

 

"Busy ako okay?"

 

 

"Gago anong busy? eh wala naman tayo kailangan ireview na mga inventory. Kakatapos lang din natin mag meeting tsaka inspect kanina. Sabihin mo na sakin para saan ba yan ginagawa mo?"

 

 

"Itong mga sinusulat ko na to, kailangan ko kasi matapos bago pa mag September. September 1 na itong darating na Linggo kaya nagmamadali na ako. Alam mo naman yun dba, yung nabanggit sayo ni Gisele."

 

 

"Ah okay, para kay Catalina pala yan mga ginagawa mo?"

 

 

"Oo ganun na nga. Wag mo na ako tanungin kung bakit ko ginagawa to ha. Mang iinis ka nanaman eh, wala akong time sumagot sa mga tanong Ryujin, like I am so ing busy! I'm busy right now Ryujin." buti nakailag nanaman ako nung nakita ko yung lumilipad na lapis. Nakakadalawang bato na siya sakin. "Matamaan tong salamin ko ha! Parang aabot na sa sampu yung nabasag na salamin ko ngayon taon."

 

 

"Hahahahaha leche. Gagi yung pananalita mo nagagaya ka na sa Pumpkin mo."

 

 

"Hahaha joke lang. Pero busy talaga ako, kasi nga ito." tinuro ko sakanya yung mga papel, envelope pati yung pictures na inaayos ko.

 

 

"Sandali. Gets ko na para sakanya yan pero bakit parang ang dami mo naman ata sinusulat? pinagpapasa ka ba ni Catalina ng term paper bago siya umalis?"

 

 

"Hahahaha hindi. Basta surprise ko to para sakanya."

 

 

"Bakit parang ang dami naman kasi masyado. Ano ba yan isang buong libro?"

 

 

"Eh basta. Gusto ko na dalhin niya tong mga to para alam mo yun..."

 

 

"Para may mga bagay na magpapaalala sakanya sayo, ganun ba? kayo mo ginagawa yan?"

 

 

"Wag mo na nga kasi akong tanungin kulit mo eh."

 

 

"Gago ang sweet mo naman, kung sakin mo gagawin yan alam mo sobrang ma-ttouch ako. Tapos itatago ko yan, iingatan ko."

 

 

"Ah talaga ba? O sige papadalan din kita ng sulat kaparehas ng ginagawa ko para kay Minju. Pinapadalan ko siya buwan buwan. Bibigyan din kita hintayin mo nalang na ihatid sa bahay niyo ng kartero."

 

 

"Napaka thoughtful mo na ka-relasyon eh noh. Swerte din talaga si Minju sayo, kahit pano."

 

 

"Kahit pano?! Tangina parang sobrang napilitan ka pa ha. Best friend ba talaga kita? parang labas pa sa ilong yung pagkasabi mo eh."

 

 

"Hahahahahahaha swerte naman talaga sayo si Minju kahit napaka kulit mo. Oo nga pala, handa ka na ba sa pag move-in mo sa condo niya?"

 

 

"Hindi pa nga eh. Sa second week pupunta na ako dun, dun muna ako titira sa bahay niya. Mammiss mo ba ako pag umalis na ako Layu?"

 

 

"Gaga ka ba nagtanong ka pa. Mammiss kita sobra kasi hindi ako sanay na magkahiwalay tayo. Dalian mo na kasi, magpagaling ka na."

 

 

"Ilan buwan lang naman yun, pag nag okay na yung sa check up ko babalik din kagad ako dito. Grabe noh sa buong buhay natin ngayon lang tayo maghihiwalay ng ganito katagal."

 

 

"Oo sinabi mo pa. Wag na natin isipin, ang aga aga ang lungkot ng pinaguusapan natin. Oo nga pala Kiminjeong kinausap na ako ni Gigi at sinasanay na niya ako. Ikaw ba?"

 

 

"Sinasanay ako ni Catalina pero kapag ginagawa namin yun tangina natatawa ako eh, kaya nababasa pa din niya yung isip ko. Tsaka dba hindi naman nakakabasa ng isip sila Gisele, si Imperia lang kaya mag ingat ka. Ryujin siguradong sigurado pupuntahan tayo nun kapag napansin niya na nawawala yung kapatid niya. Yan yung dahilan kung bakit second week ng September pa ako makakapunta sa QC. Sabi ni Catalina patagalin ko daw muna saglit kasi makakahalata si Imperia kapag bigla akong umalis dito sa San Jorge, malalaman niya na may tinatago ako."

 

 

"Kaya nga mag sanay ka na dun sa strategy na tinuturo nila satin para hindi niya mabasa yung isip mo. Si Imperia tsaka si doc Yeji yung nakakatakot, sigurado magagalit silang dalawa."

 

 

"Oo pero buti nalang nga alam ni doc Yeji yung kalagayan ko. Bumait na nga yun eh, nung nabigay na natin sakanya yung mga kulang na dugo hindi na siya nagsusungit."

 

 

"Mabait nga siya tsaka hindi na siya galit satin. Pero bago pa dumating yung Linggo, magsanay ka na. Kailangan mong ibahin yung laman ng isip mo."

 

 

"Oo ginagawa ko naman kaso naddistract ako kay Catalina pag ginagawa namin yun, ang kulit kasi niya eh."

 

 

"Teka bakit parang kinikilig ka? baka ibang pagsasanay nanaman ginagawa niyong dalawa ha."

 

 

"Hoy sira, wag ka nga ganyan Ryujin. Mahiya ka sa Pumpkin ko, wala akong ginagawang masama na masasaktan si Minju. Alam ko mga limitasyon."

 

 

"Pano ka kaya kapag umalis na si Catalina, bakit feeling ko sobrang malulungkot ka?"

 

 

"Hindi ko naman itatanggi, kasi totoo malulungkot ako kapag umalis na siya, nasanay ako na kasama ko siya at nakikita ko siya araw araw. Pero okay lang din, nirerespeto ko yung desisyon niya. Tsaka tama din yung sinabi ni Catalina, mas safe ako kapag andun ako sa QC at magkasama kami ni Minju. Excited na nga ako eh bagong experience to para sakin tsaka ang saya kasi hindi na namin kailangan maghiwalay, kasama ko na siya sa bahay."

 

 

"Mas panatag ako pati siguro si Mayora, na andun ka sa Quezon City habang pinapalakas mo yung puso mo para sa gagawin na surgery."

 

 

"Oo tsaka hindi na ako mapapagod kaka-travel buwan buwan para sa check up. Pero Layu, puntahan mo naman ako dun kasi kahit pa nagttrabaho ako nakakainip eh. Si Minju naman nagsabi sayo dba, na pwede ka din magbakasyon sa condo niya, kaya sige na."

 

 

"Oo sige wag ka mag alala, ayusin lang muna natin yung dito sa farm tapos pupuntahan kita."

 

 

"Hindi na natin problema yung dito sa farm kaya nga immaximize na natin kung anong video communications yung meron eh, tsaka yung mga cameras papadagdagan ko. Mag rereport naman sila satin tsaka matututukan pa din natin araw araw yung mga nangyayari dito."

 

 

"Kinukumbinsi mo pa ako eh, oo na sige pupuntahan kita dun. Sigurado ka na okay lang kay Minju ha."

 

 

"Oo nga siya nga nagsabi tsaka di ba iniinvite niya nga kayo ni Gisele. Isama mo nalang din si Gisele tsaka si Sorin, tapos alis tayo guluhin natin si Vivian sa bahay niya."

 

 

"Hahahaha tangina mo sa QC ka naman magkakalat ngayon?"

 

 

"Sus sige na masaya yun maniwala ka sakin, dalawin natin sila Cheche sa bahay tsaka puntahan natin minsan kapag may taping sila."

 

 

"Nawala lang si Catalina mukang magwawala ka na ah. Para kang nakalaya."

 

 

"Gago, andun mismo yung girlfriend ko siyempre dapat mas maging matino tsaka behave ako. Isa pa, ayaw ko bigyan ng problema si Minju. Hindi ako gagawa ng mga kagaguhan Ryujin. Kilala mo ako."

 

 

"Ayun na nga eh, kilala kita."

 

 

"Hahahaha wow nagsalita ah, parehas lang naman tayo. Kaya nga anino yung tawag satin ni ate dba? May anino ba na magkahiwalay? kaya puntahan mo na ako dun."

 

 

"Ang dami mo naman sinasabi hahaha, oo na sige kakausapin ko si Gigi pupuntahan ka namin dun."

 

 

Tumayo ako para icheck yung photo paper na sinalang ko. "Grabe ang laki naman nito eh 3R size lang kailangan ko." lumapit sakin si Ryujin at pinapanood yung ginagawa ko sa pc. "Ano yan, hahahahahaha. Wag mo sabihin na nag edit ka pa?"

 

 

"Ssssh! Manahimik ka!"

 

 

"Jusko hahahahahahaha ikaw gumawa niyan?"

 

 

"Wag mo akong asarin isa! Para nga kay Catalina to eh."

 

 

"Hahahaha parang gago yung pagka edit puta. Ano ba yan Kiminjeong. Pwede naman na magpicture nalang kayo na kasama yung dalawang biik niyo bakit nag edit ka pa. Parang tanga."

 

 

"Eh gusto ko nga eh, bakit ba."

 

 

"Hahaha effort yan? Kahit pa lagi kayong nagbabangayan talagang napaka importante sayo ni Catalina. Anong tawag sa meron kayo? kasi kakaiba yung relasyon niyo, hindi romantic pero hindi din platonic. Ano ba tawag sa ganyan?"

 

 

"Hindi ko nga alam, mahal ko siya pero hindi katulad nung pagmamahal na meron ako para kay Minju. Iba din sa pagmamahal ko sa mga kapatid ko, sayo, kay Sharpay. Gets mo?"

 

 

"Bobo parang inulit mo lang yung sinabi ko."

 

 

"Meron talaga kaming koneksyon, pero hindi ko alam kung ano yun."

 

 

"Ayan mismo yung pinapaliwanag ko sayo. Magkaklase yung kaluluwa niyo dati Kiminjeong."

 

 

"Tingin mo? tanga pano mangyayari yun eh wala naman kaluluwa mga vampira."

 

 

"Ay sabagay."

 

 

"Tapusin ko na nga muna tong mga to, pupunta pa ako sa mansyon mamaya. Sabay kami magddinner ni Catalina tsaka susunduin ko pa yung anak ko."

 

 

"Hahahaha yung anak mo na nagmamaldita. Ano ba problema nun, parang naging selosa daw sabi nila Gisele kaya natatawa sila sakanya."

 

 

"Hindi pa kasi niya tanggap na andyan na si Matilda. Gusto ko sana isama si Sharpay sa QC kaso baka magkaproblema dun sa condo ni Minju."

 

 

"Hindi pwede yun, walang outdoor. Walang bakuran na pwede niyang takbuhan, walang mud bath tsaka sobrang ingay nun. Masisita lang kayo."

 

 

"Eh pano yun? wala akong choice. Iiwan ko muna talaga si Sharpay kay Imperia? babalikan ko nalang tuwing pupunta kami ni Minju dito sa San Jorge."

 

 

"Mas maaalagaan siya ng maayos sa mansyon kasi bantay sarado sila ni Imperia. Tsaka hindi siya malulungkot dun dahil andun si Matilda, kesa dun sa bahay niyo. Pumapasok pa naman ako dito sa farm tapos nasa eskwelahan si Minji pati si Sito."

 

 

"Dun ko nalang iiwan. Pansin mo ba, medyo bumait si Imperia nung nagkaron ng alagang biik?"

 

 

"Totoo, yan din sinasabi nila Sorin. Masayahin na, laging nakangiti tsaka lumalabas na daw siya sa mansyon kahit may liwanag pa."

 

 

"Kung alam ko lang na pet lang pala katapat sana dati pa natin siya binigyan, hindi dapat tayo nabalibag."

 

 

"Kahit bigyan mo ng dinosaur yun ibabalibag pa din tayo. Kaya magsanay ka na kung ayaw mo na matanggalan ka nanaman ng ngipin. Hindi ka pwedeng masaktan Kiminjeong."

 

 

"Oo, sabi nung doctor hindi daw pwede physical and emotional pain kasi baka bumigay daw tong puso ko."

 

 

"May effect naman yung gamot dba."

 

 

"Oo meron naman. Pero kailangan mag ingat."

 

 

"Basta, dun ka na muna sa QC para sigurado."

 

 

 

 

 

1:00pm

 

Maaga kaming nakauwi at pumunta dito sa Mansión de los Condenar. Magkakasama kami kanina nila Ryujin pero umalis din kagad sila nila Gisele.

 

 

Nagppractice nanaman mag drive si Catalina kaya siya yung nagmamaneho para sa amin. Simula sa bahay papunta sa farm, hanggang dito sa mansyon, hinahayaan ko lang siya.  Gamay na talaga niya yung manual driving. Nakakatuwa dahil ang bilis niyang natuto, yung lisensya nalang ang kulang.

 

 

"Saan natin ilalagay to?" hawak ni Catalina yung isang pool bedding na gawa sa kahoy. Ito yung kinuha ko sa farm na dinala namin pauwi dito sa mansyon. Nagpagawa ako ng wood beddings dahil gagamitin namin para sa swimming pool nila Matilda at Sharpay. Dalawang malalaki yung pinagawa ko sa mga tauhan sa farm para hindi sila mag away.

 

 

Kinuha na ni Catalina yung isa pang bedding. Magaan lang to para sakanya kaya kayang kaya niyang buhatin mag isa. "Dito nalang sa gilid para malilim." turo ko. Pagkalapag niya sa lupa, kinuha ko na yung dalawang layer ng trapal na ilalatag at ikakabit namin gamit yung heavy duty stapler. "Catalina paki hawakan mabuti para wag umangat, ikakabit ko na to." inistapler ko yung mga foam sa paligid ng kahoy at pinatong na din namin yung mga trapal. "Pagkatapos nito okay na?" tanong niya. "Oo, yung kay Matilda nalang." kinuha ni Catalina yung isa pang bedding at ganun ulit yung ginawa namin, binalutan ng foam lahat ng gilid sabay kinabitan ng mga trapal. Inangat muna namin yung isa para isstapler ko din yung ilalim. "Okay na, ito nalang." binuhat ni Catalina yung kay Matilda para makabit ko maigi at hindi tatagas yung tubig.

 

 

"Pano mo natutunan to Minjeongie?" pinapanood ko si Catalina na binubuhat yung mga swimming pool na gawa namin. "Dati pa, nung unang beses na nag alaga ako ng biik. Tsaka dun sa farm, nung sinasama ako ng lolo ko, dun ko natutunan lahat ng yan. Dun din ako nagka interes mag alaga." napatingin kami nung may tumunog sa portico, si Imperia pala galing siya sa loob ng mansyon. Hindi pa din talaga ako sanay na nakikita ko siya dito sa bakuran na iba yung damit at nakasuot ng shades.

 

 

"Ayan ba yung sinasabi niyo na pagliliguan nila?" tanong niya samin ni Catalina. "Oo tag isa nalang sila ng swimming pool para wag mag away. Dito nalang namin ilalagay para malilim." nagpaalam pa ako sakanya kanina at pinayagan niya kami ni Catalina dito sa gagawin namin.

 

 

"Asaan na silang dalawa?"

 

 

"Andun naglalaro." tinuro ni Catalina kay Imperia si Matilda at Sharpay. Pinasok muna namin sila sa magkahiwalay na kulungan na inilagay ko sa ilalim ng malaking puno. "Hindi mo sila kailangan ikulong Kiminjeong."

 

 

"Ha? pero nag aaway kasi kaya nilagay muna namin sila dyan."

 

 

"Hindi kailangan dahil ayaw nila ang makulong. Kahit sino naman, kung ikaw ikukulong kita matutuwa ka ba?" napalunok ako dahil seryoso yung pagka tanong niya sakin. "Hindi." mahinang sagot ko. "Pakawalan mo na sila." nalingat lang ako saglit pero nawala na sa tabi ko si Catalina, pagtingin namin andun na siya sa loob ng kulungan ni Sharpay at binubuksan yung gate.

 

 

"Sharpay!! Aray!" akala ko kung ano yung nangyayari, nakita ko si Sharpay na sumusugod at dinudunggol yung nguso niya sa binti ni Catalina. "Sharpay ano ba! Minjeong inaaway niya ako!!"

 

 

"Hahahahaha Catalina bilis dito ka na!" sinundo ko siya at humarang ako para hindi siya atakihin ni Sharpay. Tawang tawa ako sa itsura ni Catalina. Inatake at tinulak tulak siya ni Sharpay habang buhat niya si Matilda. "Ang epal naman nitong anak mo Minjeongie! Ang kulit!"

 

 

"Hahahaha halika ka na kasi dito, ilapag mo na yan si Matilda maglalakad naman siya mag isa." pinapanood ko siya na niyayakap at hinalikan sa noo si Matilda bago niya pinabayaan maglakad. "Grabe nagseselos siya nakita niya kasi na binuhat mo si Matilda."

 

 

Sinundan ko si Sharpay, bumaba ako at hinawakan ko yung muka niya. "Ikaw sumusobra ka na ha. Mag behave ka." kinakausap ko siya pero tinalikuran ako. "Dito ka lang!" Pinapanood ko siya na naglalakad papunta kay Imperia.

 

 

Bumalik na ako kung nasaan si Catalina. "Sobrang cute niya noh, mahilig siya magpayakap eh." pinapanood namin si Matilda na naglalaro ngayon sa damo.

 

 

"Sobrang cute niya. Maliit siya tapos mataba, tsaka malaki yung tiyan, para siyang stuffed toy."

 

 

Si Matilda ang bagong pot belly pig na alaga ni Imperia at Catalina. Siya yung sinundo namin sa QC bago kami umuwi pabalik dito sa San Jorge. Kung si Sharpay ay maputi, solid black naman ang kulay ni Matilda. Tatlong buwan palang ang edad niya at siya ay may timbang na ten pounds. Mas matanda sakanya si Sharpay, dahil pitong buwan na siya at nineteen pounds naman yung bigat. Di hamak na mas malaki siya kaya kapag nag away sila, laging talsik si Matilda.

 

 

"Kinagat ka ba?" nakahawak sakin si Catalina at tinitignan ko yung legs niya na tinamaan ng nguso ni Sharpay. "Hindi, nanunulak lang siya pero hindi naman niya ako kinakagat."

 

 

"Masakit ba? dito ka na." hinawakan ni Catalina yung kamay ko at pinasandal ko siya sakin habang nakatayo kami. "Nangangawit ka, gusto mo ba umupo?" alalang tanong ko. "Pawis ka na. Balik na tayo sa loob?" Nakita ko na may pawis siya sa pisngi. "Harap ka sakin pupunasan ko lang." pinunasan ko yung leeg pati yung likod ng tenga niya gamit yung kamay ko.

 

 

"Ay sorry." agad ko siyang binitawan at nilayuan nung nakita ko na pinapanood pala kami ni Imperia. Mukang hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya dahil ang sama ng tingin niya samin ngayon. Nawala sa isip ko na kasama nga pala namin siya dito sa labas at nakatayo siya ngayon sa baba ng portico. 

 

 

 "Ano yun?!"narinig nalang namin na naghahabulan nanaman sila at may umiiyak na."O ayan nanaman! Sharpay!!"sinubukan kong tawagin si Sharpay pero patuloy lang siya sa pag habol kay Matilda. "Sharpay ano ba yan! Tigilan mo nga yan!"

 

 

Tumakbo ako para umawat at pinaghiwalay ko silang dalawa. "Ikaw makulit ka talaga, ikaw yung ate pero ikaw pa mismo yung nagsisimula ng gulo?! Halika dito!" kinarga ko siya ng pahiga kaya umiiyak at nagiingay siya ngayon. "Wag ka naman makulit, hindi ka na sumusunod sakin ha." pumipiglas siya at patuloy sa pag iyak.

 

 

"Catalina paki tignan naman si Matilda, baka kumain ng kung ano ano."

 

 

"Dito ka lang, hindi kita ibababa." Kung saan pupunta si Matilda sinusundan niya at aawayin niya. Ayaw niya talaga na may kahati siya sa atensyon, ito yung sinasabi nila Gisele na naging selosa si Sharpay.

 

 

Pinag hiwalay ko sila at naglalaro na mag isa si Matilda. Nilapag ko muna si Sharpay sa tapat ko pero hinaharangan ko siya. "Hahahaha Minjeong tignan mo yung ginagawa niya." pinipilit lumusot ni Sharpay, mukang balak nanaman sumugod kay Matilda. "Catalina lagyan na natin ng tubig yung swimming pool nila para manahimik na siya, nangungulit eh." lumipat si Catalina kung nasaan yung hose na nilagay namin kanina at binuksan na niya yung gripo. Kinuha ko muna si Matilda at binigay ko kay Imperia. Hindi ko alam kung bakit pero ito yung napansin ko, napaka kalmado nitong mga biik lalo kapag si Imperia yung naghahawak sakanila. Parang ang bilis nilang makatulog at hindi sila nag iingay.

 

 

"Akin na nga to, ang cute talaga nitong baby ko na to." binuhat ko si Sharpay, ngayon hindi na siya pumipiglas at mukang alam na niya na maliligo siya."Ikaw ang taray taray mo sa kapatid mo ha. Dito ka na, dali na mag swimming ka na." nilapag ko siya malapit sa swimming pool na ginawa namin pero ayaw niya. "Anong ginagawa niya?" nakita ni Catalina na kinikiskis ni Sharpay yung likod niya sa paa ko. "Gusto niya ng cuddle tsaka nagpapakamot ng tiyan."

 

 

"Minjeongie hintayin mo ako dito."

 

 

"Okay." biglang nawala si Catalina, pag balik niya may dala na siyang mga upuan. "Tambay muna tayo dito sa labas?"

 

 

"Oo panoorin natin sila mag swimming."

 

 

"Yung ate mo?" pag lingon ko kay Imperia may upuan na din pala siya at kalong kalong niya si Matilda. Umupo kami kung nasaan yung swimming pool nila. "Kapag ganun yung ginagawa nila yung parang kinikiskis yung likod, gusto niya ng cuddle tsaka kakamutin mo dapat yung tiyan niya." nakahiga sakin si Sharpay at yakap yakap ko habang nag uusap kami ni Catalina. "Hahaha ano naman yan ginagawa niya?"

 

 

"Nangkkiss, pansin mo madalas mag ganito si Sharpay. Ibig sabihin komportable tsaka masaya siya. Hindi siya tensyonado nakikipaglaro tsaka nagpapakamot lang ng tiyan."

 

 

"Pati si Matilda mahilig mag ganyan sa amin. Tinuturuan sila ni Imperia."

 

 

"Huy hala, hahahaha. Catalina tignan mo." kinakamot ko yung tiyan pero bigla siyang nag play dead."Wow hinimatay. Sharpay napaka arte mo naman. Bakit nag hihimatay himatayan ka na?" tinitignan namin siya, naka diretso yung paa at parang namatay na.

 

 

"Hahahaha nakatulog ba siya?"

 

 

"Nanigas nga eh tignan mo yung legs. Umaarte lang to." kinakamot ko yung tiyan niya pero hindi pa din talaga gumagalaw at hindi siya gumagawa ng kahit anong ingay. Hinawakan ni Catalina yung muka niya. "Minjeongie bakit siya ganito? hahahahaha" nakahiga siya pero nakadilat. Malamang ito yung mga tinuturo sakanya na tricks nila Gisele. Napaka dami na niyang natututunan simula nung natulog siya dito sa mansyon.

 

 

"Nako namatay na tong baby ko na biik, gagawin ko na tong bacon." binaliktad ko siya at kinarga ko ng nakapahiga. "Ito, gagawin ko nang sausage, uumpisahan ko dito sa tiyan."

 

 

"Hahahaha ang cute niya nakadilat pa din." kahit anong kamot ko sa tiyan ayaw pa din niyang gumalaw."Hahahahaha napaka arte niya, bakit siya ganyan?"

 

 

"Aba malay ko, bakit hindi mo itanong dun?" tinuro ko si Imperia. "Nung natutulog na siya dito naging mataray tsaka nag iinarte na tong alaga ko. Ang bait bait pa naman nito dati, ngayon parang nagiging mean girl na. Tsaka gustong gusto niya ng atensyon lalo nung dumating na si Matilda. Ayaw niya pakabog."

 

 

Dalawa na kaming kumakamot sa tiyan niya. Mas tumihaya pa siya sa lap ko pero mukang matutulog na talaga."Catalina." tumayo ako habang buhat ko si Sharpay, inilapit ko yung upuan ko para tumabi sakanya. "Napansin ko lang, bakit kapag si Imperia yung nagbabantay o nag aalaga sakanila parang napapakalma niya? Pero kapag ako o ikaw ang kulit pa din Sharpay tsaka hindi nakikinig."

 

 

"May kakayahan kasi siya na kunin yung loob ng kahit ano klase ng hayup, pati sa mga mortal pwede niyang gawin yun."

 

 

"Kayang kaya niya paamuhin?"

 

 

"Oo. Parang nagkakaintindihan sila."

 

 

"Eh bakit ikaw wala kang ganun?"

 

 

"Gaya ng lagi kong sinasabi sayo, kaming lima magkakaiba."

 

 

"Ibig sabihin kaya niyang paamuhin yung mga hayup pati tao, tapos nakakabasa pa siya ng isip tsaka nakikita niya yung mga mangyayari?"

 

 

"Ganun na nga, sa amin lima siya talaga ang pinaka malakas. May kakayahan siyang pumatay ng hindi mo malalaman na siya pala ang may gawa nun. Pwede ka niyang pahirapan at hindi mo iisipin na siya pala ang may pakana. Pwede niyang gamitin yung mga kahinaan mo, o kaya naman yung mga kinakatakutan mo yun mismo yung ipangpapatay niya sayo."

 

 

"Tangina? grabe nakakatakot naman, jusko. Teka kung kaya niyang pasunurin kahit sino, kunyari kung gusto niya na tumalon ka dyan sa bang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1151 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko