Chapter II

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Kiminjeong

 

 

March 2023 

 

Konti nalang, konting konti nalang, nakikita ko na, ayan na. Ayaw ko muna makisalamuha sa mga tao ngayong araw na to, gusto ko lang tumanga, mag basa, tumingin sa langit at lumanghap ng sariwang hangin. Bahala na muna kayo dyan, wag niyo akong guguluhin at mag tatago nalang ako dito sa taas ng puno ng chico.

 

 

"Kiminjeong! Kiminjeong! bumaba ka na daw dyan sabi ni Mayora!" malakas na sigaw ni Sito, ang batang pakalat kalat na anak ng katiwala nila Layu. Eight years old palang siya pero kung umasta akala mo padre de pamilya na. "Wala ako dito Sito! umalis ka na, hindi ako to! Aray!!" may naghagis ng maliit na bato galing sa baba, tinamaan ako sa likod ng ulo kaya napakapit ako. "Aray!" binato ko din ng tsinelas ko kung sino man yung nangbabato sakin. "Sige na umalis ka na, wala ako dito!" nagpatuloy na ako sa pag akyat. Dun ko balak humiga sa pinaka makapal na sanga, banda sa itaas para hindi nila ako makita. Ayaw ko makipag usap ngayon sa kahit sino dahil tinatamad ako, tinatamad akong mag trabaho, tinatamad akong maglakad, tinatamad akong dumilat at tinatamad akong huminga.

 

 

"Kiminjeong pag hindi ka pa daw bumaba si Mayora na mismo yung aakyat dyan!" ulit na sigaw niya. "Wala ako dito Sito sabihin mo sakanya!"

 

 

Konti nalang at makaka abot na ako sa pinaka taas at pwede na akong humiga. "Kiminjeong!!!" bumalik nanaman ang makulit na si Sito. "Isa nalang daw pupunta na dito si Mayora para sunduin ka!"

 

 

Tanghaling tapat tawag naman ng tawag to si ate. Ano ba yan, matutulog nga dapat ako pero may pa-meeting de avance nanaman siya, nakakainis talaga. "Oo na ito na sabihin mo bababa na ako!" hindi ako gumalaw at sinisilip ko kung may nag aabang pa ba sakin sa ilalim ng puno. Mukang wala naman na siya at tumakbo na papunta sa kabilang lote. Ligtas na ako, bahala kayo dyan at hihiga nalang ako dito buong maghapon, magkita nalang tayo mamayang alas sais ng gabi. "Kiminjeong! dadating na daw si Shantel kaya dalian mo na!!!" ano daw, sino daw yung dadating. "Sino daw Sito?!" sumilip ulit ako sa ilalim nitong puno, sakto naman na napatingala siya. "Si Shantel yung kambal mo andyan na daw sa kabilang purok parating na!" Yung kakambal ko umuwi ng marso, bakit kaya. "Ah Chantal kasi yun. Bakit daw siya pupunta dito?!" nakakapagtaka naman. Umuuwi lang si Che kapag may importanteng okasyon o pag pinapatawag kami ni ate. Sige, bukas nalang ako tatambay dito, uuwi na ako dahil baka may importanteng ipapagawa samin kaya ako pinapatawag.

 

 

"Sito!!! saluhin mo nga tong libro ko!" pinangsalo niya yung sando niya pero paling at nahulog naman sa gilid niya yung libro. "Ano ba yan, ang labo kasi ng mata mo eh!! Nagagalit na si Mayora umuwi ka na daw." naka paa nalang ako kaya mas madali akong makakababa dito sa puno. Bigla akong na-excite umuwi dahil ngayon ko nalang ulit makikita yung kambal ko.

 

 

"Asan na si Layu?" tanong ko dito sa bata na kasama ko, "Nung bago ako umakyat magkasama pa kami, bakit ngayon bigla siyang nawala?" sinusubukan kong hanapin si Layu, kausap ko lang siya kanina bago ako umakyat akala ko pa naman susunod siya sakin. "Layu! Layu uuwi muna ako tawag ako ni ate!" kinuha ko na yung bisikleta ko na nasa gilid ng poso. "Layu, asan ka ba?!" hindi pa din siya sumasagot at hindi nagpapakita samin. Malamang nag babasa o nanonood nanaman to ng kung ano ano. "Kiminjeong andito ako sa bubong!" napatingala kami ni Sito, hinahanap namin kung saan nanggagaling yung boses. Nakita ko si Layu nakatayo dun sa pinaka tuktok ng bubong ng bahay nila. "Ano ginagawa mo dyan?! baka mahulog ka!" nakita ko na may kinakalikot siya sa antenna at may hawak din siyang binocular."Sinisilip ko yung dagat! Oy may paparating na kotse!" nako ito na nga ba ang sinasabi ko, maabutan pa ako nito sa daan. "Alis na ako Layu, kita nalang tayo mamaya tatawagan kita sa telepono!" sumakay na ako sa bisikleta at mabilis akong lumabas sa gate nila. Kailangan ko maunahan si Cheche dahil baka kung ano nanaman yung mga isumbong sakanya ni ate, mag memeryenda nanaman ako ng sermon galing sakanilang dalawa.

 

 

*BEEP BEEP BEEEEEP* *BEEEEEEEP BEEEEEEEEEEP BEEEEEEEEEEEP* 

 

 

Kinailangan kong tumigil nung may sasakyan na sunod sunod ang busina na nakabuntot sa likod ko, pag lingon ko nakita ko yung plate number CK 0101. Itinabi ko muna sa gilid ng daan yung bisikleta at hinihintay ko na may dumungaw sa bintana. "At saan ka nanaman nanggaling Kiminjeong?" bumaba ang babaeng na naka shades at nakasuot ng leather jacket kahit pa napakainit dahil summer ngayon sa Pilipinas. "Iwan mo na yung bike mo dyan, get in the car." malapit lang yung bahay namin dito pero ayaw ko naman iwan sa kalsada itong bisikleta ko dahil baka manakaw. Tatanggihan ko nalang yung alok niya. "Mag bibisikleta nalang ako Che kasi baka mawala to eh, wala ng nabibiling ganito. Sige na, susunod nalang ako dun sa bahay hinihintay ka na ni ate." lumapit siya sakin, tinapik niya yung muka ko at inayos niya yung buhok ko. "I miss you Minjeong, lumapit ka dito. How are you?" hinalikan niya ako sa noo at niyakap niya ako. "Minjeong Kim pangalan ko." paalala ko sakanya. Hinawakan niya yung kamay ko at bigla niyang inalis yung salamin na suot ko. Malamang tinitignan niya yung nilagay kong scotch tape. "Sabi ko na nga ba, nabali nanaman, binilhan kita ng mga bagong eye glasses mo, I got you three frames. Based on your taste, kunin mo nalang mamaya dun sa kwarto." tumango ako bago nagpasalamat sakanya. "Umuwi ka na, mag ingat ka." pumasok na din siya sa kotse at sinara niya yung bintana. "Sige magkita tayo sa bahay, sigurado napagod ka sa biyahe." paalam ko sakanya. Nagsimula na din akong mag pedal nung umandar na yung sasakyan niya at sinusundan ko lang sila.

 

 

 

 

 

 

Alas sais kinse na ng gabi, nakaupo si ate sa kabisera, nakapatong ang dalawang kamay niya sa mesa at tinitignan kaming dalawa. Seryoso ang muka niya kaya wala samin ang nauunang magsalita. Hindi ko na mapigilan kaya sinipa ko ng mahina ang paa ni Cheche. Napatingin siya sakin kaya tinanong ko na siya. "Anong meron?" tumingin siya kay ate sabay nagkibit balikat. "Kumain na tayo, pero bago yan, Kiminjeong ikaw na ang manguna sa dasal." napatingin ako kay Che, kita ko na mang aasar nanaman siya. Tatlo kami dito sa mesa pero ako pa talaga yun naatasan mag dasal."Kiminjeong tumatakbo ang oras dalian mo na." pumikit na ako, nilagay ko ang kanan kamay ko sa aking dibdib at nagsimula na akong mag dasal. "In the name of the father, and of the son and of the holy spirit amen. Bless us oh jesus christ, since you redeemed us so dearly and delivered us from evil amen. As you give us a share in this food, may you also give us a share in eternal life. May this food restore our strength and energy, plus food for thoughts. May these spoon and fork deliver us from hunger, restore our sinful spirits, give us new vision, new warmth to cold restless people and may we be refreshed with water and softdrinks, may we give praise and glory to you who gives us all these blessings. Bless this rice, karekare, nilaga and pork chop pati na din yung isang litrong coke and grant that all who eat it may be strong in body and grow in your love. Blessed are you, Lord our God, for ever and ever." 

 

 

"Am-"

 

 

"Eternal restaurant unto the soul of lolo and lola oh lord and let perpetual light shine upon them and may they rest in peace amen. Lord Jesus, we are your brothers and sisters, and we gather here in your name. In your love, give us your blessing, and bless this food for us. Help us to grow in your love and work with you to build up the kingdom of God."

 

 

"Pffhahahaha she really said restaurant. Hahahaha"

 

 

"Cheche, wag mong pagtawanan ang kapatid mo!" napadilat ako ng marinig ko ang galit na boses ni ate. "Kiminjeong ano bang dasal yan napaka haba naman eh. Nagiging tutong na yung kanin, nagsesebo na yung nilaga." pumikit na ulit ako at nagpatuloy."Through Jesus Christ our lord, please response." pagtatapos ko. Dumilat ako saglit at sinilip ko yung dalawang kasama ko sa lamesa, hindi kami magsisimulang kumain kung hindi sila sumasagot sa dasal ko. "Amen. Kumain kayo mabuti at may pag uusapan pa tayong importante." nag senyas ako kay manang Carmen bago ko hinatak yung upuan dito sa kaliwa ko. Ayaw ko na nakatayo ang matanda at nakatingin lang samin habang kami ay kumakain."Kain po kayo." imbita ko sakanya. Umupo siya sa tabi ko at inabot ko kagad sakanya yung kanin. Si manang Carmen ang mayordoma dito sa bahay, siya ang taga pamahala at ang nag aalaga saamin ni ate. "Sumabay na po kayo samin manang."aya sakanya ni ate. "Salamat Mayora." nahihiyang sagot niya. 

 

 

"At ano ang ulam? at ano yang ulam? at ano ang ulam?" naudlot ang pagsubo ko ng may marinig kaming kumakanta mula sa terasa. "Umupo ka na Layu, kasama mo ba si Sito? Umupo na kayo at sumabay na kayo samin." pinapanood ko siya, hindi siya umupo at naglalakad lang siya papasok sa bahay namin. Walang hiya dumiretso na siya sa kusina at nagbukas nanaman ng ref. Malamang naghahanap nanaman ng RC Cola at Sprite to si Ryujin. RC Cola ang paborito niya na madalas niyang hinahalo sa Sprite. Ayaw niya ng Coke dahil gawa daw ito sa muriatic acid.

 

 

"Magandang gabi po mayora, kuha na di po ako ng plato ha."paalam ni Sito, ang dakilang sidekick ngayon ni Layu at tapat na loyalista ni ate. "Hello Cheche, kamusta na? Napanood ko yung bagong movie mo, ang galing mo dun ha." ngumiti si Cheche at inabutan niya si Layu ng ulam. "How did you even see the movie eh hindi pa nga nilalabas yung trailer? Nanguuto ka nanaman Layu, kumain ka nalang." sagot sakanya ni Che,  "Ay hindi pa ba, eh ano yung napanood ko?" halatang nang babarbero nanaman itong kaibigan ko kaya natatawa kami ni ate sakanya. Napatingin siya sakin at sinipa niya yung paa ko sa ilalim ng mesa. "Kiminjeong bago ba yan salamin mo?" hinawakan ko yung salamin ko ng magtanong si Ryujin. Tumango ako sakanya, hindi ako makapagsalita dahil puno ng pagkain yung bibig ko. "Bakit bago na yan suot mo, mas lumabo ba mata mo?" kumukuha pa din ng pagkain si Layu habang tinutulungan naman ni manang si Sito. "Che paki abot na nga din yun. Thank you." lumapit yung isang anak ni manang Carmen na may dalang pitsel ng tubig. Tumayo ako kagad para kunin ito sakanya. "Minji ako na sige na umupo ka na din dito, mas masaya kapag madami tayong magkakasabay kumain." kumuha na din siya ng plato at tumabi na sa mama niya. Si Minji yung pinaka batang anak ni manang, siya yung lagi namin kasama kapag pupunta kami sa bukid at dun sa babuyan. Parang batang kapatid na ang turing namin sakanya ni ate at malaki din ang naitutulong niya dito sa bahay namin. Sabi ni Layu, may kakayahan daw magtawag ng mermaids ni Minji, kaya yun ang ginagawa namin tuwing nagpupunta kami sa dagat. Sinusubukan namin makipag usap at magtawag. Napaka maalam din niya, lahat ng tanong namin sakanya nasasagot niya. Siya na ata ang pinaka matalinong bata na nakilala ko, siyempre maliban sakin.

 

 

 

 

 

 

Masyadong nagiging seryoso ang usapan dito sa hapag kainan kaya minabuti muna ni Layu na iwan kaming tatlong magkakapatid. "What do you mean? He gave us like a real mansion ate? A mansion in a cliff that he transferred to our names?!" pang ilang beses ng nagtanong ng ganito si Cheche kaya naririndi na kami ni ate. Ganito ang reaksyon niya dahil kakatapos lang basahin samin yung last will and testament na iniwan daw ni lolo bago siya mamatay. May mga nabigay ng pamana samin dati, pero hindi namin inakala na may mamanahin pa pala kami ni Cheche na kaming dalawa lang ang magkahati. Kami daw ay niregaluhan ni lolo ng isang mansyon, hindi pa namin alam kung saan dahil kanina pa napaka oa ng reaksyon nitong kambal ko, hindi tuloy matapos tapos ni ate Taeyeon yung sasabihin niya.

 

 

"Chantal, umupo ka nga muna ang gulo mo eh, pumirmi ka muna dyan. Makinig kayong mabuti dito sa sasabihin ko. Ayaw niyo kasi akong patapusin eh."

 

 

"Fine." pinapanood namin siya ni ate, ang tagal niyang bumalik sa upuan dahil nagpapahid pa muna siya ng lipbalm. Ako mismo, parang hindi din ako naniniwala sa nakasulat sa last will, mansyon sa tuktok ng cliff na matatanaw mo ang dagat, yun lang ang naintindihan ko sa sinabi niya kanina.

 

 

"Nakalagay dito, bilin ni lolo na kapag lumagpas na kayo ng twenty one years old, ililipat na sa pangalan niyo itong titulo ng mansyon. Ops sandali," inangat niya ang kamay niya at pinipigilan kaming magsalita. "Patapusin niyo ako at kailangan niyong pakinggan ang sasabihin ko." napakamot ulo ako dahil ang tagal matapos nitong usapan namin, gusto ko ng umalis dahil may gagawin pa kami ni Layu. "Yung mansyon, ilan kilometro lang ang layo dito sa bahay natin, kilalang kilala dito sa bayan ang lugar na yun dahil kinakatakutan at iniiwasan. Kahit kailan hindi pa tayo nakapunta dun dahil hindi pwedeng basta basta dumaan dun, lalo na yung mga bata. Alam niyo naman na siguro kung ano yung tinutukoy ko, Kiminjeong ito yung numero unong pinagbabawal sayo ni lola, pero matigas ang ulo mo kaya sigurado akong napadpad ka na dun." ang labo ng mga pinagsasabi ni ate at paligoy ligoy. Mansyon sa tuktok ng bundok na nakaharap sa dagat, kinakatakutan at iniiwasan, iisa lang naman yung lugar na nabansagan ng ganun dito. "Ate, parang alam ko na kung ano yung sinasabi mo, kung parehas nga tayo ng naiisip, hindi pa ako nakapunta dun dahil nga nagagalit si lola." inabot ko yung titulo na nasa harap niya at sinubukan kong basahin. "Simula ngayon kayo na ang may ari nung mansyon, nasasainyo na kung ibebenta niyo ba o gusto niyong gamitin dahil sayang naman. Ang ganda ng location nun, isa pa maganda din yung ancestral house, konting renovate lang ang kailangan pero pwede pang magamit yun." ang labo, kinakatakutan at iniiwasan pero parang gusto pa ni ate na tumira kami dun. "Ate pwede ba na sabihin mo muna samin kung bakit natatakot yung mga tao dun?" 

 

 

"Kwento kwento lang ito ng mga matatanda dito, lahat daw ng pumapasok at lumalapit dun, minamalas, nawawala o namamatay. Madaming tao na yung sumubok mag trespass kaso hindi na nakauwi at nahahanap, pati yung mga police ayaw mag search dun sa lugar na yun, natatakot."

 

 

"May proof ba yan ate o gawagawa lang ng mga chismosa dito? Alam mo naman yung mga ganyang kwento. Basta nagsimula sa, sinabi ng mga matatanda blah blah blah sigurado ako hindi totoo yan." hindi nila ako agad makukumbinsi na malas nga yung mansyon, lalo na kung hindi ko pa mismo nakikita at nasusubukan pumasok dun. Hindi ako naniniwala sa mga ganyan dahil kathang isip lang yan.

 

 

Napansin ko na tumingin muna si ate kila manang Carmen at sinilip din niya sila Layu na nakatambay sa terasa. Nag senyas siya at pinapalapit niya kami ni Cheche. "Kiminjeong sinasabi ko na sayo wag kang magsalita ng ganyan, dahil seryoso to at hindi ito basta basta kwento lang. Kayong dalawa na ni Cheche ang may ari nun, ngayon tatanungin ko kayo gusto niyo ba na makita or puntahan yung ipinamana sainyo ni lolo o gusto niyo maghanap na kagad tayo ng buyer?" parang ang panget naman ata kung hindi manlang namin makikita sa personal yung regalo samin ni lolo.

 

 

"Che ano sa tingin mo?" bumaling ako sa katabi ko dahil parang bi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1150 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2141 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko