Lucila

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

March 31, 2025

 

Apatnapu't tatlong araw na ang nakalipas simula nung nagkausap at umamin ako kay ate tungkol sa nangyari sakin nung gabi na namatay ako sa ospital ng San Jorge. Mahigit isang buwan na ang nakalipas, ibig sabihin mahigit isang buwan ko na din siyang hindi nakikita. Hindi ako pinapansin at kinakausap ng ate ko. Hindi niya matanggap yung pagbabago ng katauhan ko at nagalit talaga siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, sinusubukan ko siyang dalawin sa bahay at sa munisipyo pero ayaw niya akong harapin. Ayaw ko din siyang pilitin dahil alam ko na madami siyang ginagawa para sa nalalapit na eleksyon at sobrang busy na sila sa kampanya. Hahayaan ko nalang muna siya pero hindi ako susuko at umaasa pa din ako na magkakaayos pa din kami. Kahit pa hindi niya ako matanggap, ang hiling ko lang ay mapatawad niya sana ako pati si Catalina.

 

 

 

 

2:00pm Mansión de los Condenar

 

"Ako Minjeon, ako. Ako naman." inabot ko kay Lucila yung chalk na pinang ddrawing ko sa maliit na blackboard. Naglalaro kaming dalawa ng hulaan dito sa loob ng clubhouse. Iddrawing yung muka ng tao tapos kailangan namin hulaan kung sino. Pinapanood ko siya ngayon na abalang gumuguhit habang natatawa tawa pa.

 

 

"Hahahaha parang alam ko na kung sino yan." hirit ko, natatawa ako sakanya dahil para siyang expert na nagddrawing habang nakapamewang pa yung kaliwang kamay. "Panalo na ako kasi alam ko na kagad kung sino yan." pang aasar ko pero tutok na tutok siya at parang walang naririnig."Bawal ang magsasalita kapag hindi pa ako tapos." napatikom ako ng bibig nung pinagsabihan niya ako. Napaka seryoso niya at naninita pa. Nung matapos si Lucila, nagulat ako dahil nag bow siya bigla sa tabi ng blackboard. "Mag bbow pala dapat?"

 

 

"Ito ang sa akin, hulaan mo kung sino ito." lumuhod ako sa tabi niya at tinitignan ko mabuti kung sino yung nasa drawing. "Hmmm. Mahaba ang buhok na medyo wavy." banggit ko habang kinikilatis ko maigi. "Maliit ang muka at may nunal?" bumaling ako sakanya. Tumango siya at nag takip ng bibig kaya inalis ko yung kamay niya. "May chalk yung kamay mo, wag mo ihawak sa muka mo yan." pinalapit ko siya sakin at pinagpag ko yung kamay. Pinwesto ko si Lucila sa harap ko at niyakap ko siya habang nakatingin kami sa blackboard. "Hmmm maliit ang muka at may nunal malapit sa bibig. Sino kaya ito Lucila? sino kaya itong babae na nasa drawing mo?" natatawa siya at ang ganda ng ngiti. Halata na sobrang proud at excited siya sa gawa niya. "Hahaha siyempre alam na alam ko kung sino to!" sigaw ko habang tinititigan ko pa din yung nasa blackboard. "Maganda to eh, maliit muka wavy yung hair tapos may nunal malapit sa labi. Kilalang kilala ko at hindi ako pwedeng magkamali kasi sobrang mahal ko to."

 

 

"Hahaha sino siya Minjeon?!" tanong niya sabay ngisi ng labas yung ngipin.

 

 

"Sobrang close kami dba?"

 

 

"Hindi ko sasabihin. Hulaan mo kung sino."

 

 

"Si Sharpay! Hahahahaha"  "Hahahahahahaha" nung grabe yung tawa at paghagikgik niya, bigla ko siyang kinarga ng pahiga na parang baby. "Mali ang sagot mo, ako ang panalo!" sigaw niya sakin."Hahahahaha ha? hindi ba si Sharpay yun, akala ko si Sharpay."

 

 

"Hahahahaha si Catalina yun. Ako ang panalo."

 

 

"Weh yung Baba ko pala yun? Akala ko si Sharpay kasi kamuka niya eh."

 

 

"Minjeon ikaw naman ang gumuhit at huhulaan ko." nakaluhod ako at pmwesto na sa tapat ng maliit na blackboard. Sigurado ako na mahuhulaan niya kung sino itong sunod na iddrawing ko. Pasimple ko siyang tinignan, ginaya ko yung mga pisngi niya na medyo chubby at yun ang unang una kong iginuhit. Nagtataka siya at natatawa lang habang pinapanood niya ako sa ginagawa ko. Sunod kong nilagay ay yung kulot niyang buhok pati na din yung bangs niya na medyo magulo at minsan nahahati pa sa gitna. "Hahaha sino yan dndrawing mo?" nilingon ko siya at maingat kong hinaplos yung buhok. "Siyempre dapat hulaan mo kung sino, Lucila bawal magsalita kapag hindi pa ako tapos." Kasunod kong drnawing yung damit at yung collar na may ruffles. "Okay tapos na!" tuwang tuwa ako nung nakita ko yung kinalabasan ng drawing ko, kamuka niya dahil nakuha ko yung pisngi at baba niya na medyo malusog pati na din yung kulot niyang buhok. "hahaha nahulaan mo ba kung sino?" ulit ko habang binubuhat ko na siya. "Hmm sino yan?" natuwa ako nung nag iisip pa siya at umaasta na hindi niya alam kung sino. "Gusto mo ba ng clue?" tumango siya sabay sandal ng ulo at yumakap na sakin. "O inaantok ka?" tanong ko. Umupo ako sa kama habang buhat ko siya. "Napagod ka? pero wala ka naman pakiramdam." Kahit pa napaka listo, matalino, maligalig at pilya na bata ni Lucila, may mga oras talaga na lumalabas pa din yung pagka baby niya. Gustong gusto niya kapag binubuhat, niyayakap o cncuddle namin siya. Ito ang madalas na ginagawa sakanya ni Imperia at ni Nana Carmilla kapag hapon para hindi siya bumaba sa gate. Binubuhat nila siya ng parang baby sabay haplos sa buhok hanggang sa makatulog siya.

 

 

Napansin ko na nakapikit siya habang buhat ko."Inaantok ba yung baby kiti-kiti ko?!" inaalog ko siya at kunyari pinapatulog ko na parang sanggol. "Hala nakatulog na oh. Dadalin ko na nga to kay Imperia para mapatulog na ng tuluyan." sinsilip ko yung muka niya, talagang hindi dumidilat kahit pa natatawa na siya. "Okay dun na tayo kila Imperia o kaya ihahatid kita kay Nana Carmilla."

 

 

"Hahahahahahaha gising ako!"

 

 

"Ay gising pala!" natawa siya at umupo na ulit. Tinuro nanaman niya yung blackboard."Alam ko kung sino yan Minjeon."

 

 

"Hahaha okay sino, sino yan nasa drawing ko?"

 

 

"Ako!" 

 

 

"Ay mali ka, si Matilda yan eh!"

 

 

"Hahahahahaha" tawang tawa siya dahil kasabay ng sigaw ko kiniliti ko yung tiyan niya pero hindi ko tinotodo dahil grabe na yung hagikgik niya at parang hindi na makahinga kakatawa. "Ako yan!" sigaw niya habang patuloy pa din sa paghagikgik. "Hahahaha oo ikaw nga. Kamuka mo dba? teka sandali may naisip ako." lumipat siya at pumasan na sa likod ko. Kinuha ko yung cell phone ko dahil may naisipan akong gawin. Matagal na namin hinahangad ni Catalina na magkaron manlang si Lucila ng kahit isang picture. Ilan beses na namin sinusubukan pero wala, talagang hindi siya lumalabas at nagmumukang glare lang ng camera.

 

 

"Ito yung magsisilbi na picture mo itong drawing ko." kinuhaan ko ng ilan beses yung drawing ko. Ilan buwan ko nang sinusubukan na mag picture kami pero hindi talaga siya lumalabas sa camera. Kahit anong gawin namin nakakadismaya lang. "O ito tignan mo."pinakita ko sakanya yung picture ng blackboard. "Wala pa din akong litrato Minjeon." kinalong ko siya at pinapakita ko sakanya yung phone ko. "Oo nga, hayaan mo gagawan natin ng paraan yan. Gusto ko sana na may litrato tayong tatlo nila Catalina."

 

 

"Paano?"

 

 

"Ahh hindi ko pa alam pero parang may naiisip na ako. Susubukan namin ni Catalina kung pwede."

 

 

"Minjeon, pwede ulit natin gawin yung laro dun sa kotse?"

 

 

"Laro sa kotse? ah yung magddrive ng mabilis pababa sa gate?"

 

 

"Opo!"

 

 

"Hahaha oo sige mamaya pag sunset, pero Lucila wag mong gagawin yun ng hindi ako kasama ha. Baka dumausdos at bumangga ka sa gate masisira yung pop car mo."

 

 

"Gusto mo din ba sumakay?"

 

 

"Oo gusto ko pero hindi naman ako kasya sa kotse mo kasi maliit yun, pang bata. Magagalit satin si Imperia kapag nasira."

 

 

"Pwede ka sumakay, hindi ko sasabihin sakanila."

 

 

[static sound]

 

 

[static sound]

 

[static sound]

 

 

Napatingin ako nung mukang may mag raradyo sa walkie talkie ni Lucila."Ssshh si Catalina yan." pinagbawalan ko siya dahil malamang may iuutos nanaman sakin."Minjeon" nag senyas ako kay Lucila na wag siya maingay kaya hininaan niya kagad yung boses niya. "Gusto mo din ba sumakay sa pop car ko?"

 

 

"Sssh teka."

 

 

[static sound] "hello?"

 

 

[static sound]

 

 

"Sshh uutusan niya ako kaya siya nagraradyo. Sige sasakay ako kaso baka masira wala ka nang laruan na kotse. Babantayan nalang kita dun kung gusto mo maglaro."

 

 

"Okay ikaw ang bahala."

 

 

[static sound]

 

 

[static sound]

 

 

[static sound] "Bubu"

 

 

[static sound] "Bubu"

 

 

[static sound] "Bubu alam ko na nandyan ka at naririnig mo ako pero tinitignan mo lang yung walkie talkie. Kakapikit ko lang kaya nakikita kita Minjeong!"

 

 

[static sound] "Kitang kita ko!"

 

 

"Ang ingay niya noh? ang ganda pero war freak."

 

 

[static sound] 

 

 

[static sound] "Ayan nakikita kita hawak mo na pero ayaw mong sumagot!!!"

 

 

Pinigilan ko yung tawa ko nung marinig ko na sumisigaw na si Catalina sa walkie talkie.

 

 

[static sound] "Minjeongie isa!!"

 

 

"Hahahahaha baka magalit siya."

 

 

"Hahaha baka may iuutos nanaman. Halika na nga puntahan na natin siya dun."

 

 

 

 

2:30pm 

 

"Knock knock!" nagteleport kami dito sa hallway at buhat ko pa din si Lucila. "Sshh wag ka malikot kunyari nahimatay ka." pinikit ko yung mga mata niya habang nakahiga siya. "Baba! knock knock!!" sigaw ko pero hindi ako kumakatok sa pinto.

 

 

"Baba Catalina knock knock!"

 

 

"O? Ayan ka na pala." bumukas yung pinto at nakita ko na sumilip siya. "Sasabihin mo dapat who's there?" tinitignan niya yung hawak kong bata na umaarteng natutulog. "Nakatulog siya? ano ba ang ginawa niyo nanaman bakit napagod ng ganito si Lucila. Nagkarera nanaman ba kayo pababa sa gate o lumipad nanaman kayo kung saan saan?"

 

 

"Hinimatay siya." tinitignan ni Catalina yung muka ni Lucila. Ito talagang batang to, hindi mapigilan tumawa lalo kapag mga biruan tsaka sa mga prank kaya palagi kaming nabibisto."Ayan o tignan mo, hindi gumagalaw, nahimatay." Hinawakan ni Catalina yung magkabilang pisngi niya. Kitang kita na nagpipigil siya ng tawa.

 

 

"Oo nga noh, hinimatay nga." parehas kaming nakatingin sakanya ni Catalina habang pinagtutulungan namin siyang buhatin. "Sabi sayo eh, tara na ilagay na natin sa kabaong." nagteleport kami ni Catalina at dinala namin si Lucila sa tapat ng kabaong. Inangat ko kagad yung takip at pinahiga ko siya sa loob. Ang cute niya tignan, patuloy pa din siya sa pag acting at hindi talaga gumagalaw kahit pa hinaplos na ni Catalina yung muka niya."Bubu wala talaga siyang malay, pano to? ano ang gagawin natin kay Lucila?"

 

 

"Edi hihimlay na siya dito." inabot ko yung takip ng ataul para isasara ko na. "Sleep tight! Dyan ka na! Bbye!"

 

 

"Gimme like boom boom boom gimme like boom boom boom! boom boom now!" natulala kami ni Catalina sa impromptu dance number niya. "Ano yun? Hahahahaha" nakatingin pa din kami sakanya. Nakatayo na siya sa loob ng ataul pero sumasayaw sayaw pa din, mukang pilit niyang inaalala yung step na ginawa niya.

 

 

"Happy Aypee Push Minjeon!"

 

 

"Hahahahaha ano daw?"

 

 

"Hahahahaha saan niya kaya nalalaman to? Lucila saan mo nanaman nakuha yan sayaw at kanta mo na yan?"

 

 

"Sa cell phone po ni Nana Imperia."

 

 

"Phone ni Imperia?"

 

 

"Opo! Happy aypee push!" hinawakan ko siya at pinatigil ko kakasayaw.

 

 

"Teka ano? hindi ko gets. Cellphone?"

 

 

"Opo Minjeon napanood ko."

 

 

"Sandali nga nakakanood ka sa cellphone niya?"

 

 

"Opo."

 

 

"Ganun ba, pero Lucila ano yung sinabi ko sayo. Baby ka pa kaya ayaw namin na manood ka ng kung ano anong videos dahil baka gayahin mo."

 

 

"Pero pinapayagan po nila ako para hindi ako lalabas."

 

 

"Nila? sino sila?"

 

 

"Nana Imperia Nana Carmilla."

 

 

"Jusko. Ba, kausapin mo yung ate mo. Wag masyado, baka kasi kung ano mga mapanood niya."

 

 

"Oo sige, ako na ang makikipag usap sakanya. Lucila ayaw namin na gumamit ka ng cell phone, kaya din hindi kita pinapahiram ng phone ko."

 

 

"Nagulat ako sa sayaw mo. Anong kanta nanaman ba yung bagong natutunan mo?"

 

 

"My heart beach bumpbin." napakamot ulo ako sabay tingin kay Catalina. "Baba kausapin mo, sinasabi ko sayo."

 

 

"Happy aypee push. Bow!" pagka yuko niya. Lumapit kagad ako sa kabaong at kinuha ko na siya. "Anong kanta nanaman ba yan? halika na nga. Awat na yung mga sayaw sayaw na ganyan ha, hindi naman ata pang bata yan." 

 

 

"Hahahaha hayaan mo siya, napaka cute nga niya eh. Mahusay ka talagang kumanta at sumayaw Lucila." parang kumislap pa yung mata niya at mukang ginanahan lalo sa komento ni Catalina."Wag masyado manood ng mga videos sa cellphone ha. Seryoso ako. Maglaro ka nalang ng mga laruan mo dito, napaka dami mo naman ibang pwedeng pagkaabalahan."

 

 

"Opo Minjeon."

 

 

"Ang kj mo naman Bubu hayaan mo nga siya sabi."

 

 

"Isa ka pa eh. Baba kausapin mo yung ate mo ha, wag niya ipagamit masyado yung phone niya dito sa batang to."

 

 

"Oo wag ka mag alala, ako na ang bahala makipag usap sakanila. Bubu kaya kita tinatawag, itatanong ko kung anong gusto mo gawin ngayon maghapon? Gusto mo bang pumunta sa mall?"

 

 

"Mall sa Santa Rita? pwede pero nakalimutan kong sabihin sayo. Fiesta bukas sa San Isidro kaya may peryahan dun ngayon. Gusto mo ba dun nalang? para masubukan mo tsaka inaya ko din si Layu kaya sasama sila mamaya."

 

 

"Saan sa San Isidro?"

 

 

"Dun mismo sa plaza. Gusto mo ba?"

 

 

"Minjeon isasama mo po ako?!"

 

 

"Siyempre naman, hindi pwedeng hindi kita isasama perya yun eh, matutuwa ka dun. Pero tanungin mo muna si Catalina kung gusto ba niya na pumunta tayo."

 

 

"Catalina pwede po tayo pumunta?"

 

 

"Hmm oo pwede, pero sa isang kundisyon Lucila."

 

 

"Ano po yun?"

 

 

"Dito ka muna sa akin dahil gusto kitang yakapin. Parang hindi pa kita nayayakap buong araw puro nalang si Imperia at Nana Carmilla ang sinasamahan mo." bigla siyang nawala sa akin at pagkakita ko, nakayakap na sa leeg ni Catalina. Pinapanood ko sila habang knkiss siya ni Catalina sa pisngi at inayos niya din yung buhok nitong bulilit.

 

 

"Habang tumatagal lalo pa siya nagiging cute noh?" banggit ko kay Catalina. Tumabi ako sakanila at nakiyakap din ako. Sinasadya ko na ipitin siya pero parang hindi niya nahahalata. "Aray ko!"

 

 

"Hahahaha sorry sorry."

 

 

"Oo nagiging cute pa lalo itong bata na to, nakakagigil at nakakatuwa. Ang galing niya pa makihalo sa mahjong kaya tuwang tuwa sakanya si Nana Carmilla."

 

 

"Hahaha oo nakita ko din nung nakikihalo siya at nagbibilang pa ng tong."

 

 

"Bu ano pala ang plano mo bukas, isasama mo ba ulit kami sa farm?"

 

 

"Oo, yun yung napag usapan natin kahapon. Hindi pa naman natin ngayon taon gagawin pero, gusto ko na makita mo na kung saan natin pwede itayo yung bahay."

 

 

"Yaaaay sige. Excited na ako Minjeongie!"

 

 

"Pag planuhan natin maigi." kinuha ko yung phone ko para tignan yung oras, medyo maaga pa pala. "Mga alas singko pwede na tayong pumunta sa perya, mag drive nalang tayo Baba wag nang teleport."

 

 

"Sige ako nalang ang magmamaneho sa atin."

 

 

"Ayun hahaha sige. Tinatamad ako eh."

 

 

"Bubu ayain kaya natin sila Nana?"

 

 

"Oo sige pwede, itanong mo kung gusto nila pati si Imperia."

 

 

 

 

7:00pm sa Plaza ng San Isidro

 

Magka holding hands kami ni Catalina habang nag iikot dito sa peryahan. Kaming lima lang ang nagpunta at nagpaiwan sila Nana Carmilla kasama ni Sorin. Araw ng Biyernes kaya ano pa nga ba, may mahjong tournament sila kaya andun din ngayon yung asawa ni mang Dante.

 

 

Naghiwalay kami nila Ryujin at mamaya nalang ulit kami magkikita kita bago umuwi. Iniwan muna namin si Lucila sa mga palaro at pinayagan din namin siya na sumakay sa horror train. Babalikan nalang namin siya mamaya kapag sasakay na kami sa ferris wheel.

 

 

"Akin na, ako na maghahawak niyan." kinuha ko yung iniinom niya na palamig para makain niya ng maayos yung inihaw na mais. Sinabihan ko na wag siyang bumili ng melon na may gatas dahil baka sumakit yung tiyan niya pero makulit talaga itong Baba ko at ayaw magpapigil kaya nagpumilit pa din siya.

 

 

"Bubu." 

 

 

"Hmm?" tinatawag nanaman ako ni Catalina kaya isa lang ang ibig sabihin nito. Meron siyang nakita na gusto niyang subukan. Tatlo lang naman yun, pagkain, rides o laro.

 

 

"Sakay kaya tayo dun." tinignan ko yung tinuturo niya, ito yung viking na madaming tao ang nakapila. "Oo sige, pero ubusin mo muna yan."

 

 

"Bubu."

 

 

"O?"

 

 

"Pasok tayo dun." hinanap ko ulit yung tinuturo niya. "Sige, tara." humawak siya sa braso ko at nagtungo kami sa pinaka dulo kung saan nakapwesto yung horror house. "Sandali hintayin mo nalang ako dito." Pumunta ako sa ticketing booth para bumili ng dalawang ticket.

 

 

"Ubusin mo na." Tinago ko muna sa bulsa ko yung ticket at inabot ko na kay Catalina yung melon na iniinom niya. "Ubusin mo muna hindi ka pwede mag pasok ng inumin sa loob, baka matapon." pinahawak niya sakin yung mais at pinanood ko siya na tinutungga yung melon na nasa plastic cup. "Hahahaha o sige na kainin mo na. Pag sumakit tiyan mo walang sisihan ha."

 

 

"Tapos na." magteteleport dapat siya para itapon yung pinaginuman niya pero mabilis ko siyang napigilan. "Baba ako na dyan."

 

 

"Sorry nawala sa isip ko." inabot ko na ulit yung inihaw na mais at kinuha ko na yung dalawang ticket. "May nanghahabol dito sigurado." pagpasok namin sa pinaka entrance, bumungad samin yung napaka dilim at maliit na kwarto. "Dito ka Baba."madilim kung nasaan kami kaya kulay pula ang tingin namin sa paligid. Mga ilan metro palang, meron na kagad nanggulat samin na nakasuot ng maskara.

 

 

"Tara, diretso lang." Natawa ako nung napalingon ako kay Catalina. Todo kagat pa din siya dun sa mais na hawak niya at napaka unbothered niya kahit pa nagsisigawan at nagtatakutan na yung mga tao dito sa loob. "Saan ba tayo pupunta Minjeongie?" tinitignan ko yung paligid, naririnig ko yung grupo na naunang pumasok samin. "Diretso lang tayo, mukang andun sila." nakahawak ako sa bewang ni Catalina habang naglalakad kami. Napaka liit lang pala ng horror house at kitang kita ko kagad yung mananakot na nagtatago dun sa dulo. "Bubu." narinig ko na tinatawag niya ako. "Ano yun?" tinapat niya sakin yung lips niya habang naglalakad kami. "Kiss?" Hinawakan ko siya sa muka at hinalikan ko ng isang beses. "RAAAAAA!!!" sabay kaming napatigil ni Catalina nung may tumalon sa harap namin at ginulat kami. "Hahaha nagulat ka ba? tara na." Hinawakan ko na ulit siya, hindi namin pinansin yung nanggugulat at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

 

 

Habang naglalakad at naguusap kami ni Catalina, napansin ko na sumusunod at nananakot pa din itong lalaki na naka costume ng halimaw. Kami lang yung sinundan niya at hindi naman niya dapat kami hahabulin dahil nanggugulat lang siya."Tapos na" seryosong sabi ko para tigilan na niya yung kakasigaw sa amin. Akala ko na-gets na niya pero ayaw talaga niyang tumigil. Tumalon ulit siya sa harap namin at ang lapit niya masyado kay Catalina.

 

 

"RAAAAAAWWR!!!" sigaw niya sa gilid ni Catalina kaya nabwisit ako.

 

 

"Titigil ka o gusto mong tuluyan ko nang baliin tong kamay mo?"

 

 

"Sorry, sorry po Kiminjeong." Sa sobrang irita ko binitbit ko siya sa batok at diniin ko yung muka niya sa pader.

 

 

"Ba halika na nga." hinawakan ko yung kamay ni Catalina at naglakad na kami palabas. "Bubu, wag masyadong mainitin ang ulo mo."

 

 

"Ang kulit eh sigaw ng sigaw tapos hahawakan ka pa ata."

 

 

"Hindi ka pwedeng mag ganyan Minjeong. Bukod sa hindi tayo tao, nakakalimutan mo na ba? tumatakbong governor yung ate mo. Magpakabait ka at hindi ka pwedeng gumawa ng mga ganyan."

 

 

"Oo nga pala. Sorry. Pnprotektahan lang namin kita."

 

 

"Umayos ka, wag mong sirain ang pangalan ng ate mo."

 

 

"I'm sorry."

 

 

"Halika na, maglaro nalang tayo para lumamig yan ulo mo." hinatak ako ni Catalina at inaya niya akong pumunta kung nasaan yung mga booth ng palaro.

 

 

"Ayun pala siya. Lucila dito ka!"

 

 

"Bakit po Catalina?" Nakita namin siya na lumilipad at isa isang hinahawakan yung mga nakasabit na stuffed toys. "Hello baby kiti-kiti." bati ko sakanya. Hinuli ko siya at pinaupo ko sa balikat ko. "Anong gusto mo dyan? ituro mo sakin para yun yung kukunin natin."

 

 

"Yun po!"

 

 

"Gusto daw niya yung Panda na malaki." nilabas ko na yung wallet ko at nagbayad ako para sa apat na bola. "Ba gusto mo ba itry? kailangan mo lang mashoot lahat ng to."

 

 

"Haha sige pero ikaw na muna, papanoorin kita."nakatayo sa tabi ko si Catalina at siya na ngayon ang may buhat kay Lucila. "Okay, mauuwi natin yung panda na yan." tinira ko yung bola pero tumalbog ng malakas palabas kaya hindi counted. "Ang lakas masyado Bubu hinaan mo." 

 

 

"Okay!" tinira ko ng mas kontrolado pero tumalbog naman ulit. "Subukan mo pang hinaan." banggit ni Catalina. Mukang may mali sa pagbato ko at kailangan kong ibahin yung anggulo para hindi na tumalbog palabas yung bola. "Baba dalawa nalang eh, wala din hindi na natin makukuha."

 

 

"Subukan mo nalang sa dalawa na natitira tapos maglaro ulit tayo." binato ko ng mahina pero tumalbog pa din palabas kaya hindi nashoot. Sinilip ko yung loob ng barrel, muka naman malalim pero grabe pa din yung pag talbog tuwing ishshoot yung bola kaya parang napaka iposible na manalo dito. "Isa nalang Bubu subukan mong hinaan pa."

 

 

"Okay ito!" huling bola na, sobrang hina na yung pagbato ko p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko