Chapter XVI

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

May 2023

 

 

Martes 1:00pm sa Farm

 

Isang buwan na ang nakalipas simula nung nagbakasyon kami sa Mansión de los Condenar, ano nga ba ang nagbago, wala naman masyado pero alam ko sa sarili ko na okay na ako at hindi na ako masyadong dismayado sa nangyari sa amin ni Catalina. Isang buwan ko na din siyang hindi nakakausap at pinipili ko nalang na wag makibalita sakanya kahit pa madalas namin nakakasama si Gisele. Nagmmessage at tumatawag siya sakin minsan para mangamusta pero hindi ko na talaga siya pinapansin. Kilala ko ang sarili ko, isang ngiti at isang hawak niya lang sa kamay ko alam ko na bibigay din kagad ako kaya hindi. Kahit anong mangyari hindi ako maghahabol at magpapaka tanga. Gusto ko na siya kalimutan at hahayaan ko nalang na mawala yung pagkagusto ko sakanya.

 

 

"Hoy!!" bigla akong natauhan nung pumalakpak sa tapat ng muka ko si Ryujin. "Ano yun?"

 

 

"Madalas kang natutulala, yung sinabi mo sakin na ikkwento mo ano ba nangyari sayo nung Biyernes?"

 

 

"May bagong problema tayo, akala ko naman ayos na at matatahimik na yung buhay natin. Pero may gumugulo sa isip ko ngayon."

 

 

"O sige kalma ka lang, alam mo muka ka nanaman puyat. Kahit naka salamin ka kita na ang itim ng paligid ng mata mo. Umiiyak ka pa ba dahil kay Catalina?"

 

 

"Gago! bakit naman ako iiyak dahil dun?"

 

 

"O bakit hindi ba? Ang kapal mo, pati nga si Gisele cncomfort ka nung unang linggo na iyak ka ng iyak. Nakakahiya ka kaya, wag ka na nga magka crush pucha. Tinanggihan ka lang pero kung maka ngawa ka akala mo naman nag divorce kayo."

 

 

"Manahimik ka na nga, bakit ba. Siya nga yung una ko eh, kaya hindi ko basta basta matanggap, pero ngayon okay na ako, wala na akong pake! Tsaka alam ko naman yun eh, na wala talagang magkakagusto sakin, kaya ayoko na! Hindi na ako susubok sa mga ganyan."

 

 

"O sige sabi mo eh. Ikwento mo na nga ano ba nangyari?"

 

 

"Ito maiksi nalang dahil pagod yung utak ko ngayon, tsaka inaantok ako. Si doc Yeji bumalik na at mukang maghihiganti siya sa atin dalawa. Dinalaw niya si ate sa munisipyo nung Biyernes, nagpakilala siya at sinugod niya ako sa kwarto ko nung Linggo ng gabi. Layu makinig ka, sisingilin daw niya tao dahil sa ginawa natin sakanya. Alam mo mas nakakatakot siya kasi kalahating mortal siya. Mas mahirap patayin tsaka mas malakas siya dun sa mga lola niya. Sanay siya na mamuhay ng parang satin kaya alam niya kung ano yung dapat gawin."

 

 

"Sabi ko na eh, inaasahan ko na yan na babawian niya tayo. Humingi kaya tayo ng tulong kay Gisele tsaka kay Sorin baka pwede nilang kalmahin si doctora."

 

 

"Hindi pwede, hindi alam nung dalawa na sinaktan natin si doc Yeji, pag nalaman nila sigurado aabot kay Imperia. Alam mo ba na pinagtakpan lang tayo ni ano, nung isang vampira dun, kung sino man yun."

 

 

"Yung first love mo na ni-reject ka."

 

 

"Ulol! o basta yun yung bagong problema, ang sinabi ko kay doc Yeji sige papayag ako sa kung anong gusto niya mangyari. May ipapagawa daw siya sa atin, kapag hindi tayo sumunod isusumbong daw niya kay Imperia lahat ng mga ginawa natin, sinalo lang daw tayo nung isang vampira dun kaya hindi niya nalaman. Pero hindi ako natatakot dahil dun."

 

 

"Eh saan?"

 

 

"Gago pinagbantaan niya ako na isusumbong daw niya ako kay ate Taeyeon. Sasabihin daw niya na nagpapatira ako ng mga vampira dun sa mansyon! tangina dba? Nag magandang loob na nga ako kaya pinabayaan ko nalang sila na tumira dun. Tapos ngayon naman yun pa yung gagamitin niya laban sakin. Jusko, akala ko talaga matatahimik na yung buhay natin hindi pa din pala."

 

 

"Ang komplikado nga, Kiminjeong pano yun? ibang usapan to dahil dinadamay nanaman si Mayora. Ano daw ba kailangan ni doctora Yeji satin?"

 

 

"Sabi ko nga, nangako ako na pag uusapan nalang natin pagkabalik ko galing sa Hong Kong, makikipag kita tayo sakanya para matapos na."

 

 

"Pumayag naman ba siya?"

 

 

"Oo pero siyempre may kasamang pananakot tsaka pananakal. Mas malakas siya seryoso ako. Iba yung kakayahan niya, tingin ko may tinatago siya eh."

 

 

"Baka naman kukuhaan tayo ng dugo niyan ha, tangina naman."

 

 

"Yun nga naisip ko eh, baka gagawin tayong exclusive human Red Cross nila tangina. Blood donation galing sa katawan natin. Isang buong taon na supply para may mainom sila. Jusko Ryujin ayaw kong matuyo!"

 

 

"Ano ba yan hindi na natapos to. Grabe ang malas nga ng mansyon niyo. Nagulo buhay natin."

 

 

"Ulol? nagulo buhay natin pero ang saya saya mo, tignan mo nga oh napaka fresh at blooming mo. Hindi ako magugulat kung kayo na ni Gisele. Kayo na ba?"

 

 

"Hindi, close lang kami pero gusto ko siya at gusto niya din ako. Gusto ko na nga sabihin sa magulang ko eh."

 

 

"Naisip mo ba na dalawang beses mo kailangan mag out? una yung sa preference mo pangalawa, kailangan mo mag out na pumapatol ka sa vampira. Yan pa yung pinaka una mong relasyon."

 

 

"Ay bakit parang may naririnig ako na ang bitter? parang galing dito banda oh. Dito banda sa lalamunan mo."tinapik ko yung kamay niya nung tinuro niya yung leeg ko."Hahahahaha ang epal mo ha. Pano mo naman nasabi na parehas kayo ng nararamdaman ni Gisele?"

 

 

"Sinabi ko tapos sinabi niya na gusto din niya ako, ganun lang kasimple."

 

 

"Sus kabag lang yan. Eh bakit hindi pa maging kayo kung ganun?"

 

 

"Hindi kasi minamadali yung mga ganyan bagay, nangyayari nalang yun bigla. Kinikilala muna namin mabuti yung isa't isa, tapos pag dumating na yung oras, edi yun na."

 

 

"Ang dami mo naman ek ek dun din naman pupunta yan."

 

 

"Mahirap kasing mag aminan basta basta tapos alam mo yun, baka ma-reject. Parang ang panget kaya sa pakiramdam nun."

 

 

"Nagsabi ka pa talaga ng alam mo yun? nagtanong ka pa talaga ha, sakin pa? Alam mo Ryujin hindi totoo yung mga ganyan, maghihiwalay din kayo tapos masasaktan ka lang."

 

 

"Hoy gago! wag ka nga magsalita ng ganyan. Hindi lang naging okay yung first experience mo pero wag mo naman lahatin tsaka wag mo kami idamay. Sinabi ko naman sayo madami ka pa makikilala, kaya wag ka mawalan ng pag asa."

 

 

"Wala na akong pag asa at hindi ko na kailangan yung mga ganyan. Sige na mauuna na ako umuwi, mag iimpake pa ako. Okay ka na ba dito?"

 

 

"Ako na bahala dito. Dun ka sa condo ni Cheche matutulog?"

 

 

"Oo kasi sa Huwebes yung flight namin. Medyo na-eexcite na nga ako eh. Gusto ko din mamasyal, pero yun nga lang hindi niya ako masasamahan kasi busy siya. Baka yung assistant nalang niya yung makakasama ko, o kaya ako nalang mag isa."

 

 

"Pasalubong ko ha!"

 

 

"Siyempre naman! bibilan kita ng tikoy pati siomai na iba ibang size tsaka flavor. Anong size ba gusto mo?"

 

 

"Wag naman yun, para ka naman tanga eh."

 

 

"Oo na sige na ako na bahala."

 

 

 

 

Huwebes sa Hong Kong

 

1:20pm

 

Alas onse na ng umaga nung dumating kami dito sa hotel kung saan kami tutuloy ng ilan araw. Malapit din dito yung venue kung saan gagawin yung awards night bukas na kasali si Cheche. Ngayon tsaka sa huling araw namin dito niya lang ako masasamahan mamasyal dahil magiging sobrang busy siya. May mga iba't ibang events at interview na kailangan siyang umattend.

 

 

"Minjeong let's go ready na ako. Ate Wendy is joining us, kilala mo naman siya dba ilan beses mo na din nakasama."

 

 

"Oo naman."

 

 

"Hi Kiminjeong! How are you? you are so pretty." niyakap niya ako at binati ko din siya. "Okay lang ako ate Wendy, ikaw kamusta ka na?"

 

 

"Well I am very good thank you for asking. I'm glad that you're here to accompany your twin sister."

 

 

"Opo, importante kasi sakanya to, lalo yung award daw bukas kaya sinamahan ko siya."

 

 

"I hope you enjoy your stay, well if you need anything or you wanna go somewhere we can have someone to join you."

 

 

"Okay lang ako ate Wendy, wag po kayo mag aalala sakin. Ako na po bahala."

 

 

"That's good, let's go we need to attend a luncheon. Che just a heads up, everyone will be there you cannot be late."

 

 

Si ate Wendy yung manager ni Cheche, nung nagsisimula palang siyang mag artista silang dalawa na talaga yung magkasama. Siya yung nagpplano, namimili ng mga projects, brand deals, magazine, interview at nag aalalaga kay Cheche. Para siyang nakakatandang kapatid niya at alam niya lahat lahat ng nangyayari sakanya. Malapit din siya sa pamilya namin, pinagkakatiwalaan siya ni ate Taeyeon dahil mabait siya, strikto, matiyaga at sobrang tapat.

 

 

 

 

 

8:00pm

 

Nagtitingin lang ako ng mga pictures dito sa phone ni Cheche mula dun sa luncheon na pinuntahan namin kanina. Akala ko lunch na kakain lang kami tapos aalis na, hindi ko naman inakala na event pala yun na sobrang bihis na bihis at nakaayos lahat nung mga dumalo. Kaya pala pinag bihis nila ako kanina tsaka inayusan ako nung make up team na kasama niya.

 

 

"Hey anong kinakalikot mo dyan sa phone ko Minjeong?"

 

 

"Yung pictures kanina. Airdrop ko ha."

 

 

"Yeah of course, feel free." lumipat ako sa upuan katapat ng kama niya, may mga pipiliin lang akong picture na gusto ko. Humingi ako ng kopya dahil ipapakita ko kay Ryujin. "Che okay na, pasok na ako dun sa kwarto ko ha." ibinalik ko na sakanya yung phone at kinuha ko na din yung sakin na naka charge dun sa office table sa dulo nitong kwarto."Matutulog ka na, bakit ang aga naman ayaw mo manood ng series dito?"

 

 

"Oo, kaya nga nakasuot na ako nito. Ready na akong matulog."

 

 

"You are so adorable you always bring your robe anywhere you go."

 

 

"Hindi kasi ako makatulog ng hindi suot to. Sige na Che matutulog na ako, good night!"

 

 

"Bakit ka ba nagmamadali Minjeong, eight palang naman ng gabi. Are you not feeling hungry?"

 

 

"Kumain na tayo kanina kaya busog pa ako."

 

 

"Okay, if you are hungry mag order ka nalang ng from the room service. Kahit anong food in their menu pwede. Good night Minjeong."

 

 

"Good night matulog ka na din." nagmadali akong tumakbo papasok sa kwarto ko. Apat na kwarto yung meron dito sa hotel suite. Kasama namin sila ate Wendy, yung PA ni Cheche pati yung road manager niya. Magiging busy madalas dito dahil kailangan nilang mag ayos para sa mga event kaya binigyan nila ako ng solong kwarto.

 

 

KMJ:  Layu!

 

 

LYU:  oy! kamusta? madami ka na ba napuntahan dyan?

 

 

KMJ:   wala pa masyado, pero kanina pagkatapos namin mag lunch may pinuntahan kami na parang tourist spot, tapos may malaking mall dito sa baba nitong hotel.

 

 

LYU:  ayan tama yan, mag enjoy at mamasyal ka

 

 

KMJ:   may ipapakita pala ako sayo kaya ako nag message

 

 

KMJ:   *attached photo*

 

 

KMJ:   *attached photo*

 

 

KMJ:   *attached photo*

 

 

LYU:   ay wow puta!!! sandali dba yan yung artista na maganda tsaka madaming commercial??

 

 

KMJ:  oo!!! katapat ko kanina dun sa table nung nagllunch kami tangina hindi tuloy ako nakakain ng maayos

 

 

LYU:  hahahahahahaha bakit may picture kayong tatlo nila Cheche?

 

 

KMJ:  eh kaibigan niya din kasi yan tapos yun, nagkayayaan mag picture nasabit tuloy ako

 

 

LYU:  kinausap mo ba?

 

 

KMJ:   hindi masyado hindi ko nga siya matignan eh. pero nung pinakilala kami ulit kanina, nakipag shake hands siya

 

 

LYU:   ayieeeeeeeeeeeee ayan na!!!

 

 

KMJ:  gago! hindi ko nga kayang kausapin yan, namamatay ako sa hiya. Tsaka ayaw ko ng mga ganyan

 

 

LYU:  para ka naman tanga ang advanced mo mag isip masyado. susubukan mo lang naman kausapin ng wala lang. Kausapin mo siya kapag nakita mo ulit bukas!

 

 

KMJ:  ayoko nahihiya ako sobra!!! ano naman sasabihin ko sakanya?

 

 

LYU:  edi kahit ano mag simula ka ng magandang topic, alam mo yun, yung mga topic naman na interesting hindi yung maiinip siya

 

 

KMJ:  si sharpay? o ikwento ko kaya yung knwento ni yuqi na nag eembalsamo sila minsan ng buhay na bangkay?

 

 

LYU:  tangina naman kiminjeong ano ka ba naman!!

 

 

KMJ:  eh pano nga?

 

 

LYU:  maghanap ka, kunyari ano icompliment mo siya sabihin mo maganda yung buhok niya, maganda yung kulay maganda yung damit, basta mga ganun pero wag mo naman lahatin ha baka isa isahin mo yung parte ng katawan niya baka pati yung tenga sabihin mo maganda

 

 

KMJ:   hahahahaha bahala na nga hindi ko naman kailangan makipag usap

 

 

LYU:   wala naman mawawala, pero umayos ka naman baka kwentuhan mo siya ng kung ano ano. parang awa mo na, wag mo ikkwento na ni-reject ka ng vampira mawweirdohan sayo yan, iisipin niya may saltik ka

 

 

KMJ:  hindi ko nalang kakausapin sus, poproblemahin ko pa yan. mag eenjoy nalang ako dito, natuwa lang naman ako na kasama namin siya sa picture

 

 

LYU:  crush mo ba?

 

 

KMJ:  gago hindi noh! hindi ko pa alam

 

 

LYU:  o tignan mo na. ano na itsura niya ngayon? maganda ba?

 

 

KMJ:  sobra!!!!! jusko layu kung alam mo lang, sobrang ganda puta akala mo kumikinang ganun, tapos ang hinhin tsaka ang shala niya kumilos lalo pag nagsalita

 

 

LYU:  kung papapiliin ka, yan o si catalina?

 

 

KMJ:  ang gago mo dyan ka na nga

 

 

LYU:  hahahaha joke lang!!! sige na kausapin mo kapag nakita mo pero alam mo yun, chill ka lang wag yung para kang natatae. oo nga pala kiminjeong may kailangan kang makita

 

 

LYU:   *attached photo*

 

 

KMJ:  o bakit nandyan yan?!

 

 

LYU:  sumama kay gisele, naiinip daw kasi wala siya mapuntahan, andito siya ngayon. nagbabasa nung libro na bigay mo daw. tinatanong ka niya kanina sabi ko umalis ka na

 

 

KMJ:  sinabi mo ba kung nasaan ako? wag mo sabihin 

 

 

LYU:  hindi ko sinabi siyempre

 

 

KMJ:  wag mo na nga pansinin yan layu, nakikitambay sila dyan sa kwarto mo eh ang laki laki nung mansyon

 

 

LYU:  edi binalibag naman ako nito kung papalayasin ko, uuwi na din silang dalawa mamaya 

 

 

KMJ:  layu may tanong pala ako, pano ba gumawa ng instagram?

 

 

LYU:  mag sign up ka gamitin mo email mo, madali lang yun. mag sstalk ka?

 

 

KMJ:  sira! naisip ko lang, para makita ko yung mga pictures na pnpost ni cheche

 

 

LYU:  ah ulol pictures ni cheche pa nga. sige na gumawa ka na ng account para isend mo sakin kapag may nakita ka tungkol dyan sa crush mo

 

 

KMJ:   ang epal mo!!! sige na nga good night na

 

 

LYU:  baka malagyan ka nanaman ng chikinini ha mag ingat ka!

 

 

KMJ:  o sige magiingat ako pero yung pasalubong mo kathang isip nalang leche ka

 

 

LYU:  hoy joke lang!! ito naman hindi mabiro. o sige na good night!

 

 

 

 

Biyernes sa Hong Kong

 

5:30pm

 

Ngayon yung International Film Awards na dadaluhan ng kakambal ko, may matatanggap daw siya na major award para dun sa independent film na ginawa nila nung isang taon.Ang gulo sa loob ng hotel room namin, sabay sabay gumagalaw yung mga tao tapos lahat sila nagmamadali kaya bumaba na ako dito sa lobby.

 

 

Kanina pa ako nakabihis at nakaayos, may mga naka ready ng damit kaya hindi na ako namroblema sa isusuot ko. Dress yung pinasuot nila sakin at inayusan din ako. Nakakainis lang nung nagpilitan pa kaming magkapatid dahil gusto nila tanggalin yung salamin ko at pinagamit nila ako ng contact lens. Ang tagal namin nagtatalo pero pumayag nalang ako dahil nakakahiya dun sa team niya. Gusto ko na matapos itong gabi na to dahil hindi ako sanay sa mga ganitong klaseng okasyon at lalo na parang hindi kumpleto yung pagkatao ko kapag hindi nakasuot sakin yung salamin ko.

 

 

 

 

Nakatutok ako dito sa nilalaro ko sa phone ko nang biglang may dumating na isang grupo. Sila yung mga kabatian nila ate Wendy kahapon nung lunch kaya muka silang pamilyar.

 

 

"Dito ka muna, wala pa yung driver." rinig kong sabi nung isa sakanila. Umusog ako nang may sunod sunod na dumadaan dito sa harap ko. Ang laki laki ng lobby pero talagang dito pa nila napili mag ingay at mag kumpulan kung saan ako nakaupo. "We still have time, you are not late. Look at me, can I see your make up?" pasimple kong sinilip kung sino tong pinagkakaguluhan nila sa harap ko. Malamang celebrity to dahil ang dami niyang alalay na nakapaligid sakanya. "Go, have a seat. Tatawagin ka nalang namin kapag nasa labas na." pinapanood ko sila habang tumatabi at binibigyan daan kung sino man yun.

 

 

"Hi, do you mind if I sit here?" tanong sakin nung babae na naka gown at ayos na ayos. "Do you mind?"

 

 

Teka sandali, parang namumukaan ko to. Ay puta siya to, yung kaibigan ni Cheche na knkwento ko kagabi kay Ryujin. Tangina, ano isasagot ko.

 

 

"Ahh, uhm sige upo ka." umusog ako sa kabilang dulo nitong sofa, inayos ko yung damit ko at umayos din ako ng upo. Bago siya umupo nagpasalamat siya sakin at nginitian ko nalang siya.

 

 

Ano ba nangyayari sakin, kanina naman hindi mainit dito pero ngayon naramdaman ko na nagpapawis bigla yung kamay ko at parang nacconscious ako. Ang awkward, parang feeling ko tuloy konting galaw ko lang mapapatingin siya dito sa gawi ko. Puta, sana naman wag niya akong kausapin lalo na ngayon na kaming dalawa lang yung nakaupo dito. Tangina ang awkward naman nito, gagawin ko ba yung sinabi ni Ryujin, kakausapin ko ba. Sasabihin ko ba na ang ganda ng damit niya, eh kaso hindi ko nga siya matignan. Feeling ko masusuka ako sa kaba kapag nagkatinginan kami. Pero wala naman masama kung sasabihin ko lang na bagay sakanya yung gown niya, tsaka hindi naman feeling close yung dating ko nun kasi nakadalawang beses naman na kami napakilala sa isa't isa. Pero hindi ba parang ang epal ko nun, ako pa talaga yung mauuna, o dapat ba na ako talaga yung mauna kasi celebrity siya tapos pangkaraniwang tao lang ako. Tsaka kaibigan siya ni Cheche kaya malamang ayos lang yun, hindi naman nakakahiya kung kakausapin ko siya. Tangina sige na nga oo na. Ayaw ko sayangin yung pagkakataon, sasabihin ko na sakanya na ang ganda ng damit niya bagay sakanya pati yung make up niya. Good luck nalang sakin.

 

 

"Hi Minju,"    "Minju let's go the driver is here! Wait let me assist you. You might trip on your gown."

 

 

"Just right in time. Okay, thank you so much." nakita ko na inabot na nung kasama niya yung kamay niya at inalalayan siyang tumayo. Malamang hindi niya narinig yung sinabi ko dahil ang hina ata ng boses ko at nagkataon pa na bumalik na yung babae na nag aassist sakanya, manager niya siguro yun. Lima sila na magkakasama, ito nga siguro yung mga staff niya. Hindi niya ako narinig kaya hindi ko tuloy nasabi yung gusto kong sabihin, sayang.

 

 

❌Wag Dapat Replyan❌: Minjeong, kamusta ka na?

 

 

❌Wag Dapat Replyan❌: Sana nasa mabuting kalagayan ka, kahit nasaan lupalop ka man ng mundo hangad ko lang na maging masaya ka

 

 

❌Wag Dapat Replyan❌:  Saan ka ba nagpunta Minjeong? nasabi sakin ng kaibigan mo na umalis ka na daw at kailan man hindi ka na babalik

 

 

❌Wag Dapat Replyan❌:  Gusto ko lang malaman mo na naiisip kita

 

 

Tangina, ito nanaman yung mga message ni Catalina na sunod sunod. Bahala siya, okay na ako at nasasanay na ako na hindi siya kinakausap. Sigurado kung ano ano nanaman pinagsasabi ni Ryujin at naniwala naman siya kaya siya nag mmessage ng mga ganito.

 

 

"Minjeong, are you ready? The car is there." tumayo na ako at sumunod na kila Cheche. "Look at you." Hinawakan niya yung buhok at pisngi ko."You are so pretty, we have to take a lot of pictures later and I'm gonna have to show it to ate."

 

 

"Gawan mo nga ako ng instagram."

 

 

"Wow, you are into that na? Sure, sige mamaya when we get back here in the hotel. Halika na, we can't be late." humawak na ako sakanya at sabay kaming lumabas sa lobby. "I'll also help you choose your first photo."

 

 

"Oo sige, basta mamaya ah."

 

 

 

 

 

8:20pm Hong Kong Cultural Centre

 

Andito kami sa isang malaking concert hall, natawag na kanina si Cheche at natanggap na din niya yung award niya for best actress in an independent film. Yung seating arrangement dito sa loob, ako yung nakaupo sa kanan niya, katabi ko si ate Wendy at nasa kaliwa ni Cheche yung kaibigan niya na si Minju. Sobrang saya ko kasi may hindi ako inaasahan na naganap kanina. Nung tumayo si Cheche para kunin yung award, tinawag ako ni Minju at nag sorry siya sakin dahil hindi daw niya ako namukaan dun sa hotel lobby. Nasanay daw kasi siya na suot ko yung salamin ko kaya hindi niya ako nakilala. Sa sobrang tuwa ko para tuloy akong nabingi at hindi ko narinig yung thank you speech ni Cheche. Sabi ni ate Wendy binanggit daw niya ako, si ate Taeyeon, si Vivian tsaka si Ryujin. Ivivideo ko dapat yun pero nawala sa isip ko kasi masyado akong na-distract. Hihingi nalang ako ng kopya para ipapakita ko pagbalik dun sa bahay namin.

 

 

"Che," kinalabit ko siya ng pasimple. "Saan tayo pupunta pagkatapos nito?" nagtanong ako sakanya dahil nararamdaman ko na medyo nagugutom na ako. "We'll have dinner, party and then after that babalik na tayo sa hotel. Are you starting to get bored?"

 

 

"Medyo pero ayos lang naman, matagal pa ba to?"

 

 

"Malapit na matapos. Nagugutom ka na ba?"

 

 

"Konti. Congrats pala sa award mo, ang galing mo talaga."

 

 

"Thank you, but did you pay attention to my speech?"

 

 

"Oo naman." tinapik ni Cheche yung muka ko at sumandal na ako sa upuan ko. "Che, you and your twin are so close, I find it really adorable." hindi ako nag react nung nagsalita yung nakaupo sa tabi niya. Ayaw ko maging feeling close kaya hahayaan ko nalang na si Cheche yung sumagot sa komento ni Minju.

 

 

"Yes we are super close. She's my favorite person and Minjeong will forever be my baby sister."

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Hera_Jung
0 points #1
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko
Jaeeeeee_
166 streak #2
Nami miss ko si lucilla 🥺
Eybrelros 253 streak #3
Late na ako sa Halloween pero gusto ko pa din batiin ng Happy Halloween yung batang kyut na naka kapa at makulit dito namimiss na talaga kita Lucila🥹 trick or treat 🎃
Kannakobayashi09 #4
Chapter 70: Hi author miss you
luh_KEY #5
Chapter 18: Kaibigang inutil jusq 😭 Nakaka-awa lang na medyo ang violent nung reaction niya nung nagkaroon sila ng confrontation sa locker.
luh_KEY #6
Chapter 17: Ang funny nung last eh. "Hindi" 😭😭😭 HAHAHAHAHAHAHHA atay kang bata ka.
Eybrelros 253 streak #7
Chapter 70: Hindi ko alam pero bigla kong namiss si baby kitikiti 🥹
Yves-27 #8
finally natapos ko na, otor ang ganda 😭😭😭 70 chapters pero bitin pa din! sana magkaroon ng kasunod! kahit mga shenanigans lang nila sa mansyon. mahirap ilet go itong story na to ang saya saya lang. naging parte na sila ng gabi ko. sana may kasunod pa 🥲
iluvjiminjeong
#9
Chapter 70: Tapos ko naaaa! wow what a journey! it's a rollercoaster ride of emotions! ganda ng concept ng story huhu now i wanna read more stories with the same concept as this. thank youuu!
iluvjiminjeong
#10
Chapter 61: omg huhuhu