Chapter VII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

TW: blood and cadaver

 

8:30am Biyernes sa Mansion De los Condenar

 

Alas siyete palang ng umaga ng magsimula mag hukay yung mga nakuha namin na taga ibang probinsya. Yun lang ang gagawin nila ngayon maghukay ng medyo malalim at kami na ang bahala sa iba. Sinabi ko nalang na meron ibang grupo na magpapatuloy gumawa ng fish pond bukas kaya hindi na nila kailangan pang magtagal dito. Mabuti nalang hindi na sila nagtanong pa, wala din silang alam tungkol dito sa Mansion De los Condenar kaya hindi sila umatras at natakot. Sa totoo lang, kahit may mga hindi magandang nagyari nung mga nakaraan araw, hindi pa din ako makukumbinsi na may kinalaman yun sa sinasabi nila na malas itong mansyon. Alam ko na nasunog at nailibing na namin yung kahon kaya imposible na yun ang nag dulot ng masasamang panaginip ko pati na din yung nangyaring peste sa farm.

 

 

Nakuha na namin kahapon yung report tungkol sa mga namatay na hayop. Nang dahil dun sa nangyari, mas kailangan namin makasigurado kung ligtas nga ba tumira dito sa mansyon. Umabot sa bente yung nasayang na alaga namin, iisa ang nakita nung beterinaryo na dahilan, lahat sila na-drain at naubusan ng dugo. Sigurado may umatake at sumipsip sa dugo nila. Pero sobrang nakakapagtaka na wala manlang sugat na nakita sa katawan at wala talaga silang sakit. Dahil dun mapipilitan tuloy akong mag lagay ng mga cctv sa mga kulungan.

 

 

 

 

 

Andito din ngayon yung anak ko na napakaganda, si Sharpay. Pinagawan ko siya kanina ng pansamantalang kulungan malapit sa balon, nilagyan ko din ng muddy bath sa loob para mapreskuhan siya. Masyado kasing mainit dun sa bakuran namin kaya isinama ko nalang siya dito sa mansyon.

 

 

Kanina pa kami nakaupo ni Ryujin dito sa torre ng tangke ng tubig, naguusap kami tungkol sa trabaho sa farm at kung ano ano pa. Parang limang palapag yung taas nitong torre pero kitang kita kasi yung magandang view ng dagat kaya dito na kami madalas tumatambay.

 

 

"Ano ba talaga nagustuhan mo dyan Kiminjeong? kadiri yung lasa ang baho pa ng usok. Nasasayang lang pera mo dyan, tapos yung lungs mo nasisira. Kailan ka ba titigil?" dahil sa dami ng sinabi ni Ryujin parang nahiya tuloy akong sindihan itong stick ng sigarilyo na hawak ko. "Oo na, tama na. Hindi ko na nga sisindihan to."

 

 

"Ang lakas mo kasi manigarilyo, sa totoo lang nakakatakot. Ilan taon ka na din nag gaganyan, kung ako sayo itigil mo na yan."

 

 

"Oo alam ko, mangyayari din yun. Layu, takot ka ba mamatay?"

 

 

"Hmm ayos lang, hindi ako takot mamatay pero takot ako na hindi ko magawa yung mga gusto ko sa buhay."

 

 

"Ano bang gusto mo, hindi mo pa ba nakukuha?"

 

 

"Yun nga yung problema eh, hindi ko alam kung ano yung gusto ko kaya hindi ko masabi kung nakuha ko na ba. Hahaha" natawa din ako sa sinabi niya. Medyo malabo pero naiintindihan ko kasi wala naman kaming pinagkaiba. "Hahahaha sana madali lang malaman kung ano yung gusto mo noh. Bakit kaya ganun, yung iba katulad nila Cheche si Vivian, parang sobrang kuntento na sila sa buhay nila. Tsaka masasabi ko na masaya talaga sila."

 

 

"Iba iba naman kasi yan kada tao, tsaka pano ka naman nakasigurado na kuntento sila?"

 

 

"Parang nasakanila na kasi lahat, kilala sila tapos sobrang daming tao yung humahanga sakanila, alam mo yun."

 

 

"Ikaw ba, ano ba kasi yung gusto mo sa buhay Kiminjeong?"

 

 

"Malay ko, kung sa trabaho lang, masasabi ko na masaya ako sa ginagawa ko. Pero minsan parang napapaisip ako kung ano kaya pakiramdam na meron kang ano, alam mo yun. Yung ano."

 

 

"Anong ano nanaman ba yan? pag ganyan ka ibig sabihin nahihiya ka nanaman magsabi."

 

 

"Ano kaya pakiramdam nung meron din tao na nagkakagusto sayo."

 

 

"Boyfriend ba yung tinutukoy mo?"

 

 

"Ha? parang hindi ko kasi talaga type yung boyfriend Layu ano ba yan. Tignan mo nga oh," pinakita ko sakanya na tumaas yung balahibo ko dahil sa tanong niya. "Umamin ka nga sakin. Ilan taon na tayong magkasama Kiminjeong. Sagutin mo tong tanong ko."

 

 

"Sige, pero sumagot ka din kapag tinanong kita. Tsaka pwede ba, isang stick nalang?" pinakita ko yung yosi na kanina ko pa hawak. Gustong gusto ko na kasi sindihan to pero nag sermon nanaman siya tungkol sa paninigarilyo. "O sige, pero dun mo ibuga sa kanan mo, tsaka tama na muna yan parang nakakalahating kaha ka na yata simula nung dumating tayo dito."

 

 

"Sus wala pa sa kalahati, grabe ka naman. Tsaka ang taas taas kung nasan tayo hahanginin din naman yung usok. O ano na yung tanong mo?"pagpapatuloy ko. Seryoso yung muka niya kaya sigurado malalim nanaman na topic to."Naisip ko lang, ang dami ng lalaki ang sumubok lumigaw sayo pero kahit isa wala ka manlang sinagot tapos lahat sila hanggang kaibigan lang yung pinangako mo. Pero hindi mo din naman sila pinapansin pagkatapos. Tatanungin kita at wag kang mahihiya sakin, kasi kahit ano naman pipiliin mo tanggap pa din kita."

 

 

"Sige ano ba yun?" kahit hindi na siya magsalita, alam na alam ko na kung saan papunta itong usapan na to. "Itanong mo na wag ka na mag alangan Ryujin, sasagutin ko naman."

 

 

"Babae ba yung gusto mo?"

 

 

"Wala naman tayo tinatago sa isa't isa. Kahit hindi pa ako nagkakagusto, alam ko sa sarili ko at medyo nakakasiguro na ako. Oo, tingin ko sa babae ako magkakagusto. Kapag may nakilala ako na matino, hindi imposible."

 

 

"Kailan mo naramdaman yan?"

 

 

"Hindi ko alam, wag mo na itanong yan."

 

 

"Nung lunes lang ba?" nakita ko na nagpipigil siya ng tawa, tangina hihirit nanaman to tungkol dun sa bangkay na may nunal. "Kung itulak kaya kita dito para hindi ka na mahirapan bumaba?" hinawakan ko yung leeg niya at akmang ihuhulog ko siya dito sa torre. "Hahahahahahaha wala naman akong sinasabi leche ka masyado kang pahalata eh."

 

 

"Ang epal mo, mali naman kasi talaga yung hinala mo, tinitignan ko lang yung picture niya pero walang malisya yun."

 

 

"Hahahaha oo na. Sana may makilala ka na noh, para maranasan mo din yun. Alam mo masaya talaga kahit hindi ko pa nasubukan pumasok sa relasyon. Yun lang pakiramdam na may gusto kang tao, gusto mo siyang makita araw araw, sobrang gaganahan ka kasi may inspirasyon ka."

 

 

"Ewan ko ba, wala pa talaga akong nakikita na pwede."

 

 

"Kahit ba minsan wala pa, alam mo yun, yung parang naging interesado ka sakanya at gusto mo siyang makilala o maging kaibigan."

 

 

"Hmm meron isang tao pero hindi yun gusto na parang pag hanga eh, parang na-curious lang ako kung sino siya."

 

 

"Sino yan, yung parrot ni Vivian na nagmumura?"

 

 

"Tangina naman Layu ano ba, kung hindi hayop bangkay yung tinutukso mo sakin."

 

 

"Hahahahaha eh sino nga kasi, ang bagal mo magkwento tignan mo upos nalang yan sa sigarilyo mo."

 

 

"Yung kasama ni Che dun sa isang pelikula niya, kaibigan din niya yun si Minju."

 

 

"Hmmm, aba may taste. Gusto mo siya maging kaibigan?"

 

 

"Ha? hindi. Muka lang siyang okay kasi mabait tsaka hindi maarte. Lahat kinakausap niya. Kung pano yung pakitang tao na inaarte nung salot na Vivian, tingin ko yun talaga si Minju eh pero walang halong pagpapanggap." 

 

 

"Hahahahahaha gago nabanggit mo nanaman si DaVivs tangina grabe yung nangyari nung Miyerkules dun sa condo ni Cheche. Loko loko ka kasi eh, pero hindi naman siya napilay dba? natakot ako baka idemanda niya tayo. Nasaktan ba talaga siya? parang hindi kasi ganun yung reaksyon ng taong napilayan."

 

 

"Hahahahaha tangina nag inarte nanaman yun, wag ka maniwala dun. Nag volunteer pa siya na humiga sa stretcher, 'I just wanna relive the experience' o ayan tuloy."

 

 

"Natakot ako nung nakita ko na nasa sahig siya. Tatawag na dapat kami ni Cheche ng ambulansya nun."

 

 

"Hahahahaha eh malay ko ba na hindi pala naka lock yung sa likod ng stretcher kaya biglang bumuka. Tangina nagulat din ako nung wala na pala tayong binubuhat. Nahulog pala si gaga sa lapag hahahahahahaha."

 

 

"Hahahaha ang sakit sa tiyan nun pero gago namilipit siya sa sakit kitang kita ko."

 

 

"Jusko naniwala ka nanaman Ryujin, hawak niya yung braso niya eh hindi naman yun yung tumama. Kung makaarte akala mo nahulog galing third floor. Nag ganun lang yun para mapagalitan ako ni Cheche pero hindi talaga siya nasaktan. Para naman hindi ka pa sanay dyan kay Vivian."

 

 

"Pero ang sakit talaga sa tiyan nun grabe hahaha, para kayong gago dalawa eh, isang oras ata kayo nagsasagutan nung gabing yun."

 

 

"Ang kulit niya kasi masyadong pabida,ayan tuloy nahulog."

 

 

"Tama na sa pag iba ng usapan, Minju Kim pala ha. Gago pangalan niyo palang bagay na eh!! Ilan beses mo na ba siya nakita sa personal? Alam mo ang daming commercial tsaka palabas nun. Mag gawa ka kasi ng instagram account mo para pwede mo makita yung page niya, pwede ka din mag comment."

 

 

"Aksaya lang sa oras yan. Dalawang beses ko palang siya nakita, dba nakilala mo din yun?"

 

 

"Oo nung dinalaw natin dati si Cheche, maganda nga siya tsaka parang napaka bait pa. Kaibiganin mo nalang kaya yun?"

 

 

"Ayaw ko nga, ang epal naman ng dating ko. Baka sabihin niya pa feeling close ako."

 

 

"Bahala ka nga, wala naman masama eh. Pero sabagay taga Manila siya, magkalayo kayo long distance relationship hindi mag wwork yan."

 

 

"Para kang tanga Layu anong long distance na pinagsasabi mo. Teka, ngayon naman ikaw na yung tatanungin ko kaya makinig ka mabuti at sagutin mo to."

 

 

"Sasagutin ko kahit gano pa kahirap yan."

 

 

"Okay. Layu ano ang mas gusto mo, lalaking may pulso o babaeng malamig?!" yumakap ako dito sa bakal na harang nung bigla niya akong sinubukang itulak. "Hoy gago pag nahulog ako dito!!! Tangina Layu joke lang!! hahahahaha aray!" hinawakan niya yung likod ng tshirt ko at pinipilit niya akong ihulog."Ikaw leche ka ha, narinig pa ni Minji kahapon na tinutukso mo ako sa bangkay napaka gago mo talaga! Nagtanong pa tuloy siya sakin kung tumambay daw ba tayo sa sementeryo!"

 

 

"Hahahahaha sorry na hindi na, binibiro lang naman kita. Tangina pag nahulog ako dito mapipisak ako, ang taas taas nito!!! Awat na! Walang mag aalaga kay Sharpay kapag naaksidente ako, hindi pa siya handang maulila!"

 

 

"Hahahaha leche ka isa pa talaga! Tigilan mo na pang aasar mo sakin." binitawan na niya yung tshirt ko at sumandal na ulit ako dito sa tangke. "Anong oras na ba?" kinuha ko yung phone ko sa bulsa, "9:15 na" umupo na ako ng maayos at sumandal dito sa tangke ng tubig. "Ano na, sagutin mo na yung tanong ko." paalala ko sakanya. Mukang kailangan kong ibahin yung tanong dahil baka tuluyan na niya akong ihulog dito. "Girl o boy, ano ang gusto mo Layu?"

 

 

"Pareho pero, 80/20. Higit yung sa babae, ata? wala pa kasi akong nakikilala na malalim. Pero nagkagusto na ako, sinabi ko na sayo yun."

 

 

"Tangina 80/20 nahiya ka pa hindi mo pa binuo."

 

 

"Tingin mo ba, alam ni Mayora o ng kambal mo na nagkakagusto ka sa babae?"

 

 

"Malay ko, ako nga hindi ko talaga alam eh, ngayon ko nalang napapatunayan. Kaya malabo na may alam sila, si Che tinanong na ako tungkol dyan pero hindi naman ako nag oo kasi nung mga oras na yun hindi ko pa naman, ah basta wag nalang natin pag usapan yan."

 

 

"So nung Lunes mo nga lang talaga nalaman dahil dun sa bangkay na may nunal." ang hina ng boses niya hindi ko masyado narinig yung sinasabi niya. "Ano yun, yung sinabi mo?" sinubukan kong ipaulit. "Wala, may balak ka bang sabihin kay Che o sa ate mo na ganyan yung gusto mo?"

 

 

"Baka, pwede ko din sabihin sakanila pag tagal, o kaya naman pag alam mo na. Kapag meron dumating."

 

 

"Yung doctora na katabi mo nung isang araw, hindi mo ba type yun? ang ayos niya tsaka ang ganda. Muka pang matalino."

 

 

"Maganda siya noh? pero hindi eh. Wala akong tiwala sakanya, yung mga kilos tsaka yung mga tanong niya sakin, na-weirdohan talaga ako. Ayaw ko din ng masyadong feeling close, hindi nga niya ako kilala pero lahat nalang pati tungkol sayo tinanong na niya."

 

 

"Nakaka turn off din kapag masyadong feeling close kahit gano pa kaganda o gwapo yan."

 

 

"Layu, ano pala gagawin natin mamaya. Grabe yung mga dala mong gamit iba iba. Saan mo nalaman yun, umamin ka nga ittorture mo ba sila?"

 

 

"Hindi naman torture yung gagawin ko, titignan lang natin kung mag rreact yung katawan."

 

 

"Basta yung hindi naman sila mababastos ha kasi malamang yung kaluluwa nila pakalat kalat lang dito. Baka sundan pa tayo sa bahay nun pag nakita nila yung ginagawa mo sakanila."  

 

 

"Makikita mo mamaya, mamamangha ka."

 

 

"Anong gagawin natin kapag napatunayan mo na vampira sila? Gago dapat ipagkalat natin kasi masasama sa history yun. Masasama tayo!"

 

 

"Ay puta oo nga!!!! Gago ang galing mo buti naisip mo yan! Pwede natin sila unahan na. Tapos ikakalat natin sa buong Pilipinas na nakahuli tayo ng vampire, tayong dalawa!"

 

 

"Panong unahan?"

 

 

"Kahit isa lang sakanila magreact yung katawan at mapatunayan natin na vampira, papatayin na kagad natin sila."

 

 

"Ha?! teka pati si Catalina papatayin mo?!"

 

 

"Oo kasi sigurado ganun din siya."

 

 

"Gago bakit naman?"

 

 

"Ay tanga eh anong gusto mo, tayo yung mapatay nila? kailangan natin silang unahan ganun talaga."

 

 

"Grabe parang hindi ko kayang gawin yun!"

 

 

"Eh ano, papakagat ka? Ibibigay mo sakanila yung mansyon mo?"

 

 

"Hay nako ewan ko, naguguluhan ako. Mali naman siguro yung hinala natin kasi 2023 na eh, imposible pa din na may mga ganyan sa mundo. Tsaka puro kwento lang kasi na naipasa pasa yung mga ganyan, hanggang sa kumalat at pinaniwalaan na."

 

 

"Totoo, kaya din malakas yung loob ko na gawin yun sakanilang apat mamaya kasi siguradong sigurado ako. Itataya ko pa itong sampung daliri ko Kiminjeong, maniwala ka sakin. Hindi vampira yan mga yan, normal na patay na maganda yung pagkaka embalsamo kaya naging ganyan. Hindi ko na sinabi na wax kasi, hindi naman sila matigas tsaka walang aircon dun sa kwarto. Well preserved corpse lang yan."

 

 

"Hahaha oo malamang yan. Pero sa totoo lang excited na ako mapanood yung mga gagawin mo. Tangina walang makakalabas sa ibang tao ha, dapat tayo lang ang may alam nito. Sikreto natin dalawa yun hanggang sa hukay."

 

 

"Speaking of hukay, hindi pa ba sila tapos o konti nalang?"

 

 

"Hindi ko alam hindi naman kita yung pinaghuhukayan nila dito. Tara baba na tayo tignan natin, mukang tapos na din mag spa si Sharpay."

 

 

"Hoy saan pala tayo kakain, nagbaon ka ba? baka abutin nanaman tayo ng hanggang hapon dito eh."

 

 

"Oo nag baon ako, madami yung hinanda ni Manang Carmen, dinamay ka niya siyempre. Baba na tayo." tumayo na kami at nagpunta na sa hagdan."Buti nalang. Kumapit ka mabuti ha, wag kang titingin sa baba kasi baka mahulog yan salamin mo."

 

 

"Oo, mag iingat ako. Tara na papaliguan ko pa si Sharpay hindi ko pwede iuwi yun ng puro putik. Magagalit nanaman si ate."

 

 

 

 

 

2:00pm

 

Nakakain na kami ni Layu ng pananghalian at nabanlawan ko na din si Sharpay. Bago pa umabot ng alas dose kanina natapos na yung mga naghuhukay sa labas at nailagay na namin dun yung mga plywood na gagamitin namin para sa libing.

 

 

Pumasok kami dito sa kwarto kung saan nakalagak yung mga patay dahil sisimulan na namin alamin kung normal na tao ba sila o vampira. Sa Linggo balak na namin mag linis at maglagay ng mga gamit dito sa mansyon. Unti unti na din namin susubukan matulog dito para masanay na kami.

 

 

"Kunin mo to, tapos ilabas mo na lahat ng gamit." inabot sakin ni Ryujin yung malaking bag na dala niya. Andito na din sa loob ng kwarto yung stretcher pati yung apat na body bag. "Ano tong mga to," isa isa ko ng nilalabas yung mga gamit at pinatong ko dito sa lababo. "May surgical mask dyan pati gloves, kumuha ka tapos isuot mo na. Dalian na natin kasi alas dos na, kailangan natin mahabol yung sinag ng araw. Isuot mo na yan bilis." hindi na ako nagtanong pa, kumuha ako nung mask pati ng gloves at ginaya ko yung ginagawa niya.

 

 

"Ano ba gagawin natin, teka nga ang init. Itatali ko muna yung buhok ko."

 

 

"Ang iksi na nga ng buhok mo naiinitan ka pa?"

 

 

"Oo ang init kaya dito. Sandali lang." inalis ko yung salamin ko pati na din yung mask dahil gusto ko mag tali ng buhok. Nakabukas na lahat ng mga bintana dito sa kwarto na to kaya hindi na ganun kalamig katulad nung umpisa. "Ano tapos ka na ba? isuot mo na yan dali na. Sunod ka na dito." pagkatapos ko magtali at ayusin yung gloves ko, nagpunta na din ako kung nasaan si Ryujin.

 

 

Nakatayo kami dito sa tapat ng kabaong na may nakasulat na Gisele. "Tag dalawa tayo ng titignan Kiminjeong at ipapapaala ko lang sayo wag kang matakot. Kung may mag react o magising bigla sakanila tumakbo kagad tayo dyan sa bintana para may liwanag. Gayahin mo yung gagawin ko, tara buksan na natin to."

 

 

"Hindi nila kaya sa liwanag?"pinagtulungan namin itulak yung takip ng kabaong nung Gisele. Nung nakabukas na, sinilip kagad namin kung may nag iba ba sa itsura niya, nakakapagtaka kasi walang nag bago, hindi manlang siya namutla, nangitim o nangamoy.

 

 

Nagpatuloy na si Ryujin. "Takot sila sa liwanag at masusunog sila sa sinag ng araw. Ito yung unang unang gagawin natin. Ayusin mo muna yan mask mo bago ka humawak."

 

 

"Hahawakan nanaman?!" hindi na siya sumagot at nagulat ako sa ginawa niya kaya tinabig ko ng malakas yung kamay niya. "Anong gagawin mo?!" nakita ko na hahawakan na niya yung bibig nung bangkay kaya pinigilan ko siya. "Titignan nga natin yung ngipin nila, silang apat iisa isahin natin para makita natin kung may pangil."

 

 

"Tangina, baka naman ang baho na niyan jusko ibubuka mo pa talaga yung bibig?!"

 

 

"Ganun na nga, kaya nga tayo nakasuot ng mga ganito eh, sige na panoorin mo yung gagawin ko dahil ganito din yung gagawin mo sa iba."

 

 

"Gagayahin ko yan?!"nag aalangan ako sa mga pinag gagawa ni Ryujin ngayon, hindi ako natatakot pero naasiwa ako. "Siyempre tanga, ichcheck nga natin eh dali na. Para kampante ka kapag tumira ka dito, mapapatunayan mo pa kay Mayora na hindi talaga totoo yung mga chismis tungkol dito sa mansyon." napakamot ulo nalang ako. Bahala na kung ano mangyari, basta dapat mapatunayan namin na normal sila para mailibing na namin sila bukas at makatira na ako dito.

 

 

"Handa ka na ba? wag kang matakot. Wala naman ibang gagawin sisilipin lang natin yung mga ngipin. Akin na pala yung flashlight." nung inabot ko sakanya yung maliit na flashlight napaatras ako ng dahil nanaman sa ginawa niya. Bigla niyang binuksan yung talukap nung patay sabay tinapatan niya ng ilaw. "Kiminjeong tignan mo, halika dito." hawak niya yung kaliwang talukap at iniilawan niya na parang wala lang. "Oo na nakita ko na, isara mo na nga yan Ryujin jusko naman!"

 

 

"Hahahahaha nandidiri ka noh?! Tanga wala pa nga to eh. Ayan yung una sa proseso, tapos ito yung kasunod." nilapat niya yung kaliwang kamay niya sa bandang ilong nung patay, at nakahawak naman yung kanang kamay niya sa pagitan ng bibig at baba. "Tignan mo mabuti at pansinin mo yung ngipin niya." sobrang kinikilabutan ako sa ginagawa ni Ryujin, ngayon naman binuksan niya ng pagka laki laki yung bibig at pinapakita niya sakin yung mga ngipin. "O tignan mo, normal na ngipin ang meron siya at walang kahit isang pangil. Vampira ka ba? Sagot! Ay hindi po, hindi po ako vampira." binubukas sara niya yung bibig nung patay at ginagalaw galaw niya na kunyari nagsasalita. "Hindi po ako vampira masarap lang po ang tulog ko, pwede paki sara itong kabaong?" iniiba niya pa talaga yung boses niya habang tuloy lang siya sa ginagawa niya kaya natatawa na ako. "Hahaha Layu tigilan mo na yan! hahahahahaha napaka gago mo talaga."

 

 

"Okay pasado, hindi siya vampira. O ikaw naman pili ka, tag dalawa tayo eh, sino gusto mong tignan dito? Ay dapat pala hindi ko na tinanong kasi alam ko naman kung sino sakanila yung gusto mo."

 

 

"Sige ayan ka nanaman sa pang aasar mo sakin. Dalian na natin para matapos na." 

 

 

Lumipat kami sa kabaong sa dulo, yung kay Catalina. Inalis namin yung takip at pumwesto na kagad ako sa tabi niya. "Kaya mo na ba to mag isa Kiminjeong? pupunta na ako dun sa kabila, pagkatapos mo dyan icheck mo na din yung si Impierna. Gayahin mo lang yung ginawa ko kanina, ito yung flashlight." kinuha ko yung inabot niya sakin at iniwan na niya ako dito mag isa. Nagpunta siya sa kabilang dulo, yung patay na mukang ibang lahi.

 

 

Hindi ko namalayan na ang tagal ko na palang nakatitig kay Catalina, nakalimutan ko din na kailangan ko nga palang tignan yung mga mata at bibig niya.

 

 

Maingat kong hinawakan yung kanang talukap ng mata niya para buksan. Ramdam ko na medyo nanginginig yung kamay ko at hindi ko mapigilan. Nung nabuksan ko na at tinapatan ko ng ilaw wala naman nag iba sa mata niya. "Layu okay na to!"sigaw ko sakanya."Yung pangil meron ba?" ayaw ko na sana tignan to pero malamang mag kokomento nanaman to si Ryujin kapag hindi ko ginawa.

 

 

Dahan dahan kong hinawakan yung magkabilang pisngi ni Catalina. Grabe napaka ganda niya talaga, sobrang sayang na ang aga niya namatay. "Titignan ko lang yung ngipin mo, sisilipin ko lang pero pagkatapos nito hindi na kita guguluhin." bumulong ako sakanya, gusto ko pa din magpaalam kahit pa wala na siyang buhay. Unti unti kong hinila pataas yung labi niya at hinila ko naman yung nasa baba. Grabe pati yung ngipin niya ang puti tsaka ang ganda. Tinignan ko mabuti lahat pero wala naman ako nakitang pangil. Bakit kaya ganito yung kundisyon ng mga katawan nila, hindi manlang sila nabulok. Malamig lang pero hindi matigas kaya ang daling galawin.

 

 

"Layu wala talaga siyang pangil, isara n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1148 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2138 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko