Chapter LIII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

1:30pm sa QC 

 

Nagllunch kami dito sa condo kasama si Cheche. Mamayang gabi pa yung schedule niya kaya makakasama pa namin siya buong maghapon. Okay naman yung flight namin, nakarating kami dito sa condo mga bandang 11am dahil may dinaanan pa kami na restaurant para mag take out ng ibang pagkain na inuwi namin dito sa condo. Hindi ko pa sigurado kung gano kami katagal mag sstay dito ni Catalina, pero uuwi lang kami kapag natapos na namin yung misyon. Hindi kami aalis dito hanggang hindi umaamin at sumusuko yung pumatay kay Minju.

 

 

Sa Sabado ng tanghali ang dating nila Imperia, dun sila tutuloy sa bahay ni doc Yeji sa Taguig. Hindi pa nasasabi ni Catalina yung mismong gagawin pero ieexplain nalang daw sakin kapag nagkita kita na kami. Wala pa talaga kaming plano sa mga susunod na araw bukod dun sa music festival na sobrang excited ako dahil mapapanood ko ng live si Carly Rae Jepsen, first time ko din na makaka-attend sa ganun kaya ngayon palang parang hindi na ako mapakali.

 

 

Wala kaming ibang lakad sa linggo na to pero kung gusto mamasyal ni Catalina, yun nalang ang gagawin namin. May mga kailangan lang akong bilin para kay ate Taeyeon tsaka kay Ryujin, hindi ko pwedeng kalimutan itong mga to dahil malalagot ako. Tinanong ko si Catalina kung ano yung mga kailangan niya sa mall para habang nandito kami. Nagaalangan pa siyang sabihin sakin pero gusto daw niya na magtingin kami ng kotse. Hindi na ako kumontra dahil yun naman talaga ang plano namin, maghahanap kami ng sasakyan na magagamit niya at iuuwi namin sa San Jorge. Pumayag kagad ako sa gusto niya dahil kung saan magiging masaya yung Baba ko, susuportahan ko siya.

 

 

"So pano Minjeong, how are we gonna tell ate? tanong sakin ni Cheche, naguusap kaming tatlo nila Catalina habang nanananghalian. "Kailangan pa ba natin sabihin? parang ayaw ko na kasi hindi naman siya nakakahalata."

 

 

"Well that's true, all of you look normal naman and sorry to say this but none of you look scary at all. Gumanda nga lalo yung skin mo Minjeong and you became prettier nung naging bloodsucker ka."

 

 

"Ano ba naman yan Cheche ginawa mo naman akong lamok."

 

 

"Hahahaha pero totoo nga. Hiyang ka sa pagiging vampire. Can you convert me also para ganyan din skin ko, same sainyo ni Catalina?  That way I can get rid of my derma sponsors na. Hindi na ako mahhassle pumunta sa clinic nila."

 

 

"Hahahaha hindi mo naman problema yung ganyan, jusko ang ganda ganda mo nga. Ang ganda ng balat lalo yung ngipin mo."

 

 

"Speaking of dentist, bumalik ka naman sa dentist mo Minjeong, remember when they put those veneers kasi dba nabasag yan ngipin mo last year? magpa check ka nga. Magpa check ka sa dentist bago ka umuwi."

 

 

"Oo. Sige dadaan nalang ako sa dentist mo bago kami umuwi sa San Jorge."

 

 

"Yung doctor mo dito, hindi ka manlang ba magpapakita sakanya?"

 

 

"Hindi na kailangan. Mammiss ko lang si Minju at maaalala ko yung dati kapag dumalaw pa ako sa clinic nun."

 

 

"I understand. So saan kayo pupunta ngayon, Catalina is there anything you want to do while you are here? Minjeong, ilabas mo naman si Catalina, why not take her out on a date?"

 

 

"Si Minjeongie na yung bahala Cheche. Salamat pala na pumayag ka na tumuloy ako dito."

 

 

"Oo naman, you can stay here anytime. Minjeong, ilabas mo siya para mapuntahan niya lahat, or maybe the both of you want to shop. Bilin niyo na lahat ng mga kailangan niyo, yung pinapabili ni ate ha don't forget."

 

 

"Lagi naman kami lumalabas pero sige, gagawa kami ng itinerary para sa buong stay namin dito. Tsaka titingin daw siya ng kotse."

 

 

"Yeah I heard you got your driver's license Catalina. Congrats."

 

 

"Thank you. Balak ko sana na dito nalang kami bibili ng sasakyan."

 

 

"Yes mas madaming choices dito and when you get one, pwede naman kayong sumakay sa roro para maiuwi niyo sa San Jorge. It's not gonna be a problem, madali nalang ayusin yan sa bank I know someone who can help you."

 

 

"Tama, yan nga yung plano namin. Pwede kaming mag roro pauwi. Excited ka na?" inakbayan ko si Catalina na nakaupo ngayon sa tabi ko."Oo." sagot niya bago siya humawak sa kamay ko.

 

 

"What car ba yung gusto mo? SUV? Sedan?"

 

 

"Che alam mo ba sanay siya sa manual driving, kaya nakaka bilib siya kasi bihira na yan ngayon."

 

 

"That's amazing. Ako puro automatic lang eh and I don't even drive anymore."

 

 

"Magaling kasi magturo yung Bubu ko, sobrang matiyaga siya sa akin kaya nasanay na ako kagad magmaneho."

 

 

"I'm sorry, your what?" natatawang tanong ni Cheche. Sigurado ako na hihiritan nanaman ako nito.

 

 

"Hahahaha Bubu, yun yung tawagan namin. Ako yung Bubu niya siya yung Baba ko."

 

 

"Eww. Oh my god Minjeong for sure ikaw nanaman nakaisip niyan noh?"

 

 

"Hahahahaha sira! si Catalina, kaming dalawa."

 

 

"Oh no I apologize."

 

 

"Hahahaha okay lang Cheche." sagot ni Catalina.

 

 

"Bukas pa kami aalis, dito nalang muna kami  sa condo mo ngayon ha. Che habang andito ako, anong food pala gusto mo para ako yung magluluto? para naman makakain ka ng home cooked meals."

 

 

"Talaga? yaaay sige. Yung mga favorite natin na ulam Minjeong yun yung lutuin mo."

 

 

"Oo ba sige. Mag ggrocery nalang kami ni Catalina. Sa Sabado yung music festival dba, saan lugar ba yun?"

 

 

"It's in Alabang, gabi pa naman tayo pupunta dun so pwede pa kayo umalis sa morning."

 

 

"Sino mga kasama natin?"

 

 

"Circle of friends namin ni Vivian."

 

 

"Mga artista din?"

 

 

"Yeah basically, and models."

 

 

"Edi madaming maganda?!" nagulat ako na sumama yung muka niya na parang naaasiwa sa sinabi ko. Hindi ko din napansin na may katabi pala ako na mukang handa nang manakal."Nagtanong lang ako."paglilinaw ko. Hinawakan ko sa likod si Catalina at hinahaplos ko siya. "Random question yun Baba. Relax." nginitian ko siya pero seryoso yung muka niya.

 

 

"Random question really? it's not like an out of reflex thingy??"

 

 

"Hindi noh! Wag ka makulit Cheche." humarap na ako kay Catalina at inakbayan ko siya. "In general yung ibig kong sabihin kasi sigurado nakaayos yung mga pupunta dun. Wag mo akong tignan ng ganyan please." pagkumbinsi ko kay Catalina na naka pormal na ngayon at hindi manlang ngumingiti.

 

 

"Minjeong mahiya ka kasi, katabi mo pa naman si Catalina tapos ganyan mga sinasabi mo."

 

 

"Baba, dba okay lang sayo yung mga ganyan comments tsaka usapan?" ang sama pa din ng tingin niya kahit pa magkaholding hands kami sa ilalim ng mesa. "Sabi ko nga hindi eh. Sorry. Kalimutan mo na nga yung tanong ko Cheche."

 

 

"Hahahaha it's good that you instantly folded. Hindi na kailangan magsalita ni Catalina, mabait ka naman pala Minjeong."

 

 

"Oo naman noh, hindi na namin kailangan yung mga ganyan. Dba noh?"hinatak ko na siya at niyakap ko. Ngumiti na din si Catalina at niyakap ako pabalik. "Hindi ko na kailangan ng kahit ano, sobrang kumpleto na."

 

 

"Haha oo, pero kailangan mo pa din magpakabait Bubu kung ayaw mo na masundan yung away natin."

 

 

"Do you always fight?"napatingin ako kay Cheche."Fight kami?"

 

 

"Mabilis mapikon si Catalina eh, nag aaway kami minsan pero petty fights lang. Hindi naman malala tsaka naaayos kagad."

 

 

"That's good. Sobrang unusual kasi yung relationship niyo. Minjeong like what I always tell you. Be responsible and respect each other. Grabe, kayo na yung magsasama forever kaya habaan mo yung pasensya mo Catalina okay, medyo makulit pa naman tong kapatid ko."

 

 

"Nasasanay na ako sakanya. Wag ka mag alala Cheche magiging maayos yung relasyon namin at aalagaan ko mabuti si Minjeong, hindi ko siya papabayaan."

 

 

"I'm counting on the both of you. Wag kayo magaaway lagi, Minjeong I'm serious, kasi makulit ka talaga eh and parang nananadya ka minsan. Don't be at each other's throat all the time, and minsan kailangan din ng space."

 

 

"Oo nga promise yan. Tsaka nagiging matured na ako. Thank you sa advice Che."

 

 

"Sige, we'll see. Malalaman ko naman yan kay Catalina."

 

 

 

 

3:00pm

 

Hinatid ko si Lucila sa playground sa baba. Nakakatuwa dahil ang dali na niyang alagaan at nakikinig talaga siya samin. Kapag sinabi ko na wag siyang aalis sa isang lugar, dun lang talaga siya hanggang sa matapos siya sa paglalaro niya. Hahayaan ko siyang maglaro ngayon sa playground hanggang gusto niya dahil yun yung reward kapalit ng pagiging behave niya kanina pa.

 

 

Nakatambay kami ni Catalina dito sa kwarto ko at gumagawa kami ng itinerary para sa mga susunod na araw. Nagkaayos na kami at napagusapan na din namin yung away nung nakaraan. Humingi siya ng tawad sakin at ganun din ako sakanya. Pinangako ko kay Catalina na hindi ko na talaga uulitin yun at iiwas na ako sa gulo.

 

 

"Bubu,"

 

 

"Hmm?"

 

 

"Asan ka ba?"

 

 

"Andito sa loob ng tshirt mo, hindi mo ba ako nararamdaman?"

 

 

"Haha ano ba ginagawa mo dyan?"

 

 

"Tinitignan ko lang kung may lalabas na milk."

 

 

"Hahaha kahit anong gawin mo walang lalabas na milk dyan. Halika muna dito, hindi ko makita yung muka mo."

 

 

"Last na," hinalikan ko yung dibdib niya bago ko inayos yung bra at inilabas ko yung ulo ko sa tshirt niya."Ang sarap mo talaga." nagkiss kami ni Catalina at humiga na ako sa ibabaw niya.

 

 

"Malayo ba dito yung Manila?" tanong niya sakin nung umaayos ako ng higa."Malapit lang yun dito sa QC."

 

 

"Bubu alam mo ba, parang ilan daan taon na nung huling beses kaming nakapunta ni Imperia sa Manila. Hindi ko na nga maalala kung bakit kami nagpunta dun."

 

 

"Talaga? ibig sabihin nakapunta ka na dun sa city ng Manila? yung Manila mismo ha hindi yung Metro Manila."

 

 

"Oo pero dati pa yun. Wala pa masyadong bahay at puro mga kalesa lang ang naaalala ko. Hindi katulad ngayon na napaka dami nang building tsaka mga sasakyan."

 

 

"Grabe ganun katagal? ang galing. Teka nung mga time na yun ano na itsura mo?"

 

 

"Ganito na din pero siyempre naaayon sa panahon yung ayos namin."

 

 

"May dndate ka nung time na yun?"

 

 

"Hindi ko na maalala sobrang tagal na nun."

 

 

"E dba may mga naging ka-relasyon ka pero ito yung pinaka seryoso mo sabi mo?"

 

 

"Oo kasi wala naman dun sa mga panahon na yun yung tao na itinakda para sa akin. Ikaw lang yun Minjeong."

 

 

"Awww. So hindi nag iiba itsura mo, eh pano yun kapag may nakakahalata na yung mga nakakasalamuha niyo, edi sobrang delikado?"

 

 

"Oo kaya nga dun kami naninirahan sa mansyon. Malayo sa tao."

 

 

"Eh pano tayo, kunyari after fifty years edi ganito pa din itsura natin?"

 

 

"Oo, kaya kailangan natin umalis pag tagal dahil makakahalata na yung mga tga San Jorge na hindi ka tumatanda."

 

 

"Oo nabanggit din sakin yan ni doc Yeji. Dadating daw yung time na mag iibang identity na ako kapag tumanda na yung family ko tsaka yung mga tao na ka-edad ko."

 

 

"Oo ganun talaga yun Bubu, parte yan."

 

 

"Nakakalungkot lang isipin noh, pano pag mga fifty years from now, edi matanda na yung mga kapatid ko nun tapos sila manang Carmen asan na kaya sila nun? tapos si Ryujin."

 

 

"Ganun talaga ang buhay ng mga vampira. Wag mo na munang isipin yan matagal pa naman."

 

 

"Gusto mo ba pumunta tayo sa Manila para makita mo ulit?" halata sa muka ni Catalina yung pagka excited at ang ganda ng ngiti niya."Oo sana."

 

 

"Sige, pwede natin gawin yan bukas. Anong gusto mo, mag commute tayo o drive?"

 

 

"Parang mas maganda ata pumunta ng Manila na magccommute, gusto ko masubukan sumakay ng jeep."

 

 

"Haha gusto mo mag jeep? alam mo na-try na namin ni Layu. Masaya, tsaka parang mas madaming napupuntahan. Sige mag jeep tayo bukas. Alis nalang tayo ng maaga."

 

 

"Oo sige."

 

 

"Try din natin pati mga pedicab? isama natin si Lucila ha."

 

 

"Oo kasama talaga siya para madami siyang mapuntahan na lugar."

 

 

"Grabe Baba, natutuwa talaga ako na madami akong nagagawa kasama ka."

 

 

"Ako din, ikaw lang ang gusto kong makasama sa mga ganito."

 

 

"Maswerte ako ikaw yung napunta sakin." banggit ko. Umangat ako at tinignan ko si Catalina. Niyayakap niya ako ngayon habang nakahiga ako sa ibabaw niya. "Halika dito." hinawakan niya yung muka ko at nakatanggap ako ng halik sa labi.

 

 

"Hanap ka na ng mga gusto mong puntahan o yung mga gusto mong subukan na food dun."

 

 

"Okay. Thank you Bubu."

 

 

"Bakit ka nag tthank you?"

 

 

"Eh kasi game ka sa kahit ano, hindi ka din pala reklamo."

 

 

"Kung ano yung gusto mo yun yung gagawin natin."

 

 

 

 

 

8:00am Martes

 

"Baba ano okay ka na?"

 

 

"Oo okay na ako. Alis na tayo."

 

 

May mga lugar sa Manila na pupuntahan namin ngayon, ito daw yung mga gustong makita ni Catalina. Intramuros, Binondo tsaka Manila Bay. Parang okay nga kasi yung mga pinapakita niya sakin kahapon. Mukang napaka exciting at buhay na buhay yung mga lugar na yun. Uunahin namin puntahan yung Intramuros, pangalawa yung Binondo tapos sa Manilay Bay na kami pupunta kapag hapon.

 

 

"Lucila halika bubuhatin kita para hindi ka lumipad kung saan saan." pagkalabas namin ng condo maglalakad lang kami konti para sumakay ng jeep. Tatlong sakay kami hanggang sa makaabot kami sa intamuros.

 

 

Pagkatapos ng ilan metrong lakad nakarating na din kami dito sa waiting shed na sakayan ng mga jeep. Napansin ko na meron din mga bus na parang mas maluwag kumpara sa jeep na punuan.  

 

 

"Baba, sakay nalang kaya tayo ng bus para mas mabilis?"

 

 

"Akala ko magjjeep tayo?"

 

 

"Mas mabilis kasi tayo makakarating sa Intramuros pag bus tapos train. Ito yung binasa natin kagabi dba? Bus to Balintawak tapos sakay ng train, bababa tayo sa Central Station."

 

 

"Okay sige Minjeongie."

 

 

"Okay sayo bus? ikaw Lucila gusto mo ba subukan sumakay ng bus?"

 

 

"Nakakalipad ka naman Minjeon bakit sasakay pa tayo dyan?"

 

 

"Hahaha ang kj mo naman. Gusto nga ma-try ni Catalina mag commute eh. Ayan na may parating na halika na, sunod ka nalang sakin Baba." hawak ko yung kamay ni Catalina at buhat ko si Lucila, hinihintay namin tumigil yung bus na pinara ko. "Okay halika na." pinauna kong umakyat si Catalina at sumunod naman kami sakanya.

 

 

"Dito nalang tayo."umupo kami sa kanan, bandang unahan, tinapat ko kagad yung aircon samin dahil medyo mainit ngayon. Mas okay na yung ganito kesa sa umuulan dahil napaka hirap mag commute kapag ganun.

 

 

"Bubu saan tayo bababa?"

 

 

"Dun sa Lrt na Balintawak station. Magbayad na tayo. Asan na ba yung konduktor?"

 

 

"Ano yun?"

 

 

"Yung tga singil ng bayad yung nasa pinto kanina,o ayan na pala." sakto tumapat na samin yung konduktor na may hawak na mga ticket.

 

 

"Saan kayo?"

 

 

"Sa Edsa po. Balintawak station, magkano po?"tanong ko. Hindi ko pinapahalata na may buhat akong bata kaya nakaalalay sakin si Catalina.

 

 

"25.50 lang."

 

 

"25.50 kaming tatlo na po yun o isa isa?" pasimple akong tinapik ni Catalina.

 

 

"Kaming dalawa po yun 25.50?"pag uulit ko.

 

 

"25.50 isa po."

 

 

"Okay." Kinuha ko yung wallet ko dun sa bag na dala namin. Pag check ko, ito yung problema nakalimutan ko palang magpabarya." kinalabit ko kagad si Catalina para itatanong ko kung may isang daan siya. "May dala ka bang cash na mas mababa sa 1k?"

 

 

"Ha? nako hindi ako naka dala ng pera, yung card ko lang yung nadala ko. Mag wwithdraw palang sana ako."

 

 

"Ganun ba sige, sandali lang check ko muna." tinignan ko mabuti at baka may nakaipit na smaller bills sa wallet ko. "Wala talaga,puro isang libo lang to."

 

 

"Ako nalang bahala Bubu. Kuya, tumatanggap po ba kayo ng card?" sabay pa kaming nagulat nung konduktor sa tanong ni Catalina.

 

 

"Hahaha ano po? ay hindi po ma'am barya lang tayo dito."

 

 

"Hahahaha teka Baba, okay na hayaan mo na ito nalang. May panukli po ba kayo sa 1k?"

 

 

"Mababaryahan po yan pero pahintay nalang ng sukli."

 

 

"Okay sige ito nalang po." inabot ko na yung bayad namin, buti nalang mababaryahan na yung pera ko. Nawala sa isip ko na kailangan nga pala ng barya kapag nag ccommute.

 

 

"Hintayin nalang daw natin yung sukli." hinawakan ni Catalina yung kamay ko at  sumandal siya sakin. 

 

 

"Ang traffic." komento ko.

 

 

"Minjeon pwede po ako lumipat dun sa likod?"

 

 

"Ha? hindi dito ka lang malapit na din tayo bumaba eh."

 

 

"Pwede ba ako tumayo dun?" tinuro ni Lucila yung pwesto ng konduktor. "Haha sige pero wag ka lalayo ha dun ka lang. Gayahin mo yung konduktor." pinanood namin siya ni Catalina na parang bula na naglaho bigla, nakita namin siya na nakatayo nalang sa unahan at nakahawak na din sa bakal.

 

 

"Pano kung may third eye yung ibang pasahero nakikita kaya siya?" tanong ko habang pinapanood namin yung bata. "Pwede, o baka nararamdaman nila siya. Tignan mo yung ginagawa niya Minjeong." Sinilip ko si Lucila, nakatayo siya malapit sa pinto at nakikitawag din ng pasahero."Hahaha grabe ang cute." pinapanood namin siya ni Catalina, nakahawak siya sa bakal habang kumakaway sa mga tao sa labas. "Baba tingin mo, dadating ba yung time na iiwan na tayo ni Lucila? kailangan pa ba niyang tumawid?"

 

 

"Depende sakanya, pero ang alam ko para mapayapa siya kailangan niyang umalis sa mundo na to. Bakit mo natanong?"

 

 

"Wala lang para kasing nakakalungkot kapag dumating na yung time na aalis na siya. Medyo na-attach na tayo eh. Pero parang hindi ata maganda to."

 

 

"Kapag dumating na yung oras na yun kailangan natin tanggapin. Hayaan natin siyang tumawid sa pupuntahan niya. Bata siyang namatay. Sa langit ang punta ni Lucila."

 

 

"Good luck kay San Pedro."

 

 

"Pero parang ayaw niya pa at masaya siya dito."

 

 

"Oo tignan mo naman. Mukang wala pa talagang balak tumawid hahaha." bumalik na si Lucila dito sakin nung umandar na yung bus. Kumandong siya kay Catalina at ngayon naman nakasilip na sa bintana. "Dito ka lang kasi baka maiwan ka."

 

 

"Minjeon."

 

 

"Hmm ano yun?"

 

 

"Ang daming tao dito maingay, magulo. Mas gusto ko sa San Jorge."

 

 

"O akala ko ba dun mo na gusto tumira sa condo ni Cheche bakit nagbago?"

 

 

"Walang bangin at dagat dito, ayaw ko na."

 

 

"Hahaha ciudad kasi to Lucila, wag ka mag alala hindi ka naman aalis sa San Jorge. Kung nasaan kami ni Minjeong, dun ka lang din."

 

 

"Totoo po Catalina, hindi niyo ako iiwan?"

 

 

"Bakit ka naman namin iiwan? dun lang tayo sa mansyon. Lagi tayong magkakasama." natuwa ako nung biglang yumakap si Lucila kay Catalina. "Pano ka iiwan eh parang na-attach na sayo lahat kami lalo si Imperia. Ikaw tsaka yung mga biik yung pinaka favorite niya."

 

 

"Gusto ko na si Imperia, napaka bait niya sakin."

 

 

"Kasi mabait ka din at nakikinig ka na samin kaya ganun, tsaka nakakatuwa ka para kaming may baby alive doll."

 

 

"Hahaha. Salamat Minjeon." ngayon naman yumakap siya sakin kaya binuhat ko na. "Baba, try kaya natin na mag iba naman ng damit si Lucila? parang napaka uncomfortable nito eh. Bihis na bihis siya lagi tsaka ang kapal ng tela nito."

 

 

"Iba kasi yung damit na suot nila sa mga bagay na nahahawakan nila Minjeong. Kahit pa gusto mo hindi na talaga mapapalitan yung damit niya. Nahahawakan at nakikita lang natin siya dahil hindi naman tayo mortal pero energy nalang siya."

 

 

"Energy? kaya pala parang kiti kiti!" tinusok ko ng mahina yung leeg niya sabay niyakap ko ng mahigpit. "Bubu wag masyadong maingay baka makahalata yung mga pasahero isipin pa nila nagsasalita ka mag isa. Nakakalimutan mo hindi nila siya nakikita."

 

 

"Ay oo nga pala."

 

 

 

 

 

10:45am Batala Bar Intramuros

 

Pagkatapos namin mamasyal sa Intramuros tumigil muna kami sa Batala Bar para bumili ng iced coffee at gusto din kumain ni Catalina ng ice cream. Pupunta pa kami mamaya sa isang museum at sasakay ng kalesa bago pumunta sa Binondo.

 

 

"Baba hindi pala tayo pwede dito noh, puro simbahan eh."

 

 

"Hahaha oo nga, pero okay lang yun magpunta nalang tayo sa museum tsaka gusto ko talaga sumakay ng kalesa."

 

 

"Haha okay sige." binuksan ko yung mineral water at inabot ko kay Catalina. "Bubu si Lucila baka tumalon." pinuntahan ko yung bata na nakatayo sa railing ng balcony dito sa second floor.

 

 

"Gusto mo ba ng ice cream pero hahawakan mo lang. Gusto mo ibili kita?"alok ko sakanya.

 

 

"Hindi po Minjeon, hindi naman ako kumakain. Alam mo ba parang ganito yung itsura sa bahay namin."

 

 

"Ah ganito? oo kasi bahay na bato to, ganito nga yung mga bahay ng Spanish dati. Bakit nammiss mo ba?"

 

 

"Hindi po. Hindi ko na maalala lahat pero parang ganito yun."

 

 

"Nalulungkot ka ba? dito ka nga baka mahulog ka dyan."

 

 

"Hindi ako nalulungkot."

 

 

"Wag ka mag alala madami pa tayo papasyalan, tapos kapag may nakita tayo na mga toys ibibili kita mamaya. Kahit anong gusto mo."

 

 

"Talaga Minjeon?!"

 

 

"Oo naman promise yan, malakas ka sakin eh. Gusto mo ba dito ka lang sa labas? wag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2143 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko