Chapter XXXIX

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

March 2024 One Month After..

 

 

Ryujin's POV

 

 

10:00pm

 

[sobbing] "Kuya paki bilis!!! Matagal pa ba?!"

 

 

"Minjeong please gumising ka!"

 

 

"Layu ano bang nangyari?!"

 

 

[sobbing] "Kumuha lang po ako ng tubig tsaka nag pprepare po ako ng cold compress kasi naiinitan daw siya tsaka masakit yung likod pati sikmura niya. Nung pagbalik ko sa kwarto nakita ko siya na nakasubsob sa kama tapos hindi na gumagalaw. Naipit yung braso niya tsaka nadaganan pa yung phone niya."

 

 

[sobbing] "Diyos ko Minjeong! malapit na tayo!"

 

 

[sobbing] "konti nalang nasa ospital na tayo. Minjeong andito na yung ate mo."

 

 

[sobbing]"Minjeong makinig ka sakin. Wag kang aalis, hindi ka aalis! hindi mo kaming pwedeng iwan!!"

 

 

[sobbing] "Kuya malayo pa ba?!!" hawak ko yung ulo ni Minjeong at inaalalayan ko yung katawan niya habang naka sandal siya sakin. Nung dinikit ko kanina yung tenga ko para pakinggan yung paghinga niya, wala na akong naririnig. Naramdaman ko din na iilan nalang yung pitik ng pulso niya. Naka bukas yung bibig niya ngayon at nakatirik yung isang mata niya. Kahit anong pag tawag ko sa pangalan o pag tapik sa muka niya hindi na siya nag rerespond.

 

 

[sobbing] "Kuya paki bilisan naman please!!"

 

 

"Mayora andito na po tayo."

 

 

"Tulungan niyo kami, kumuha kayo ng stretcher!! kailangan ng stretcher!!!!"

 

 

"Minjeong andito na tayo, andito na tayo sa ospital, wag kang mag alala hindi ka namin papabayaan. Mahal na mahal ka ni ate, Mjnjeong lumaban ka please!"

 

 

"Ryujin!!"

 

 

"Doc Yeji!"

 

 

"Ano nangyari?!"

 

 

"Naabutan ko nalang na nakasubsob siya sa kama, walang malay. Doc Yeji parang awa mo na tulungan mo kami. Hinala po namin naatake siya, matigas din kasi ulo tinigil niya yung pag inom ng mga gamot niya."

 

 

"Oh. Sige. Mayora, sige po, kami na po."

 

 

"Gawin niyo ang lahat. Hindi ko kakayanin mawala ang kapatid ko doc Yeji. Gawin niyo lahat ng makakaya niyo please lang."

 

 

"Opo mayora kami na po ang bahala sakanya."

 

 

"Mayora, dito na po tayo hintayin nalang po natin. Inaasikaso na po siya." nakasunod kami kay Minjeong nung ipinasok na siya sa emergency room. Medyo matao ngayon dito pero madami naman sila na umasikaso kagad sakanya.

 

 

"Ryujin bakit hindi na siya gumagalaw?! nakita ko yung mga kamay niya ang putla na."

 

 

"Ate dito po muna tayo hintayin po natin yung sasabihin ng mga doctor. Si doc Yeji na po ang bahala." inalalayan ko si ate Taeyeon. Pinapanood namin nung inilipat nila si Minjeong sa kama. Madalian nila siyang kinabitan ng kung ano anong mga aparato. Buti nalang din nagkataon na andito ngayon sa ospital sa bayan si doc Yeji. Ito lang ang kaisa isang ospital na pwedeng pagtakbuhan namin kay Minjeong.

 

 

May sumampa sakanya na nurse at nagsimula nang mag CPR. Habang pinapanood ko yung ginagawa nila kay Minjeong, at naririnig ko yung tunog ng heart rate monitor na nag fflatline na, sobrang nadudurog yung puso ko. Parang masamang panaginip yung nangyayari sa amin ngayon.

 

 

[sobbing] Parang awa niyo na iligtas niyo naman yung kapatid ko."

 

 

Hindi magandang senyales to, nakita ko na sobrang putla na ni Minjeong at naka diretso na yung mga paa niya. Kahit nung binuhat namin siya kanina napansin ko na medyo nag iiba yung kulay ng leeg, kamay at medyo nakadilat yung mga mata niya.

 

 

[sobbing] "Ryujin tignan mo yung oxygen niya." 

 

 

[sobbing] "Sshh ate Taeyeon wag po tayong mag isip ng ganyan, ipagdasal po natin siya. Walang imposible. Kaya ni Minjeong yan. Hindi niya pa oras."

 

 

Nung makita ko na nasa ten percent nalang yung oxygen niya mas tumitindi na lalo yung takot na nararamdaman ko. Hindi ko na kakayanin to, nung isang buwan lang nawala yung kaibigan namin na si Minju. Hindi pa kami tapos magluksa para sakanya tapos ngayon andito nanaman kami sa ganitong sitwasyon. Kasunod kagad itong nangyayari kay Minjeong.

 

 

Pinapanood ko kung paano nagpapalit palit yung mga nurses sa pag CPR sakanya. Nilagyan na din siya ng tubo na ipinasok sa bibig niya. Ang dami na nila na nagaasikaso sakanya ngayon.

 

 

Kahit napaka hirap tanggapin, halata at kitang kita ko na hindi na nag rrespond yung katawan ni Minjeong. Hindi ko matatanggap to, hindi ko kakayanin na pag gising ko bukas wala na yung best friend ko.

 

 

"Mayora, magandang gabi po." 

 

 

"Magandang gabi."

 

 

Nilapitan kami nung isa sa mga resident doctors na sumalubong sa amin kanina. Mukang may sasabihin siya kay ate Taeyeon na importante tungkol sa kalagayan ni Minjeong.

 

 

"Mayora, mawalang galang na pero didiretsuhin na po namin kayo, nung dinala po siya dito hindi na po talaga maganda ang lagay niya. Nasa twenty five percent nalang po yung oxygen nung chneck namin siya kanina at sobrang pawala na din po yung pulso niya. Pero susubukan pa din po namin. Sasaksakan pa po ulit namin siya."

 

 

**Malakas na pag iyak**

 

 

Buti nalang nasalo at nahawakan ko si ate Taeyeon nung muntik na siyang mapaupo sa kinatatayuan namin. Grabe yung nangyayari, ang hirap tanggapin at parang hindi ko maabsorb yung sinasabi samin nung doktor.

 

 

[sobbing] "Ate lakasan mo po yung loob mo."

 

 

[sobbing] "Ryujin yung kapatid ko, kausap ko lang siya kanina. Bakit ganito kabilis? hindi ako makapaniwala."

 

 

[sobbing] "Ate Taeyeon, ipagdasal po natin siya hindi pa po huli ang lahat. Kaya pa yan, tumataas pa naman yung sa pulso niya."

 

 

[sobbing] Hindi pwede to, alam mo naman na sila nalang ni Cheche ang meron ako, napaka sakit nito. Hindi ko kaya na mawala si Minjeong. Ang bata niya pa! Hindi pwede."

 

 

Lumapit kami ni ate Taeyeon para silipin kung ano na ang ginagawa nila sakanya. Patuloy lang sila sa pag CPR at may sinaksak din sila na gamot. Napaka liit ng katawan ni Minjeong pero todo na yung pag revive nila sakanya. Awang awa ako sakanya at nanghihina ako sa napapanood ko ngayon. Nayuyugyog yung katawan niya at napapadilat pa yung mga mata niya.

 

 

[sobbing] "Minjeong andito ako! Wag mo naman iwan si ate!! parang awa mo na lumaban ka, wag mo akong iiwan."

 

 

Parang nagkaron ako ng konting pag asa nung biglang nag iba at tumaas ulit yung oxygen at respiratory level niya. Kaso narinig ko na nagsaksak lang pala sila ulit ng Epinephrine. Nabanggit ni doc Yeji na nasa pang apat na sila.

 

 

"Layu hindi pa din talaga siya nag rerespond. Bakit ganun? naka dilat din yung mata niya."

 

 

"Hindi, hindi yan, kaya pa yan. Ginagawa po nila ang lahat. Wag kang mawalan ng pag asa ate Taeyeon. Lumalaban pa po si Minjeong. Kaya pa, ipagdasal lang natin siya."

 

 

Lumapit sa kama si ate Taeyeon at hinahaplos na niya ngayon yung paa ni Minjeong."Mahal na mahal kita. Wag mo naman kaming iwan ng kapatid mo. Kailangan ka namin Minjeong."

 

 

Patuloy kong kinakalma si ate Taeyeon, pinaalis na nila kami malapit sa kama at isinara na nila yung mga kurtina. Ang dami na din nila na nagkakagulo sakanya sa loob. Nung huling kita namin, si doc Yeji na mismo ang nag rerevive sakanya. Siya yung na yung may hawak ng defibrillator at nag ccpr kay Minjeong.

 

 

"Ryujin ano ba tong nangyayari? Bakit si Minjeong? Bakit tayo nagdudusa ng ganito? Nung isang buwan iniwan tayo ni Minju, ganun ganun lang nawala na siya. Tapos ngayon si Minjeong naman? Bakit parang pinaglalaruan tayo ng tadhana?!"

 

 

"Ate Taeyeon wag kang mag isip ng ganyan, wag ka mawalan ng pag asa. Ganun lang talaga ang buhay, hindi natin alam yung mga mangyayari. Maniwala nalang tayo at tanggapin natin na naka plano na ang lahat ng to."

 

 

"Pero bakit kailangan mahirapan ng ganito si Minjeong? Masayang masaya na siya pero bumaliktad bigla ang lahat. Halos gumuho ang mundo niya nung mamatay si Minju, tapos ngayon ito naman. Hindi na siya napahinga, naaawa ako sa kapatid ko. grabe yung mga pinagdaanan niya."

 

 

"Wala pong makakasagot ate. Hindi natin masasabi, hindi natin alam kung ano ang dahilan o kung bakit nangyayari lahat ng to. Pero kailangan din po natin tanggapin."

 

 

"Huy ano yun?" may matining na tunog na nanggaling sa heart rate monitor. Ito yung tunog na nakakakilabot at pinaka iniiwasan kong marinig ngayon gabi.

 

 

"Sandali lang, bakit naglalabasan na sila?!" sigaw ni ate Taeyeon. Ayaw ko mag isip ng hindi maganda, pero alam at kabisado ko kung ano ang ibig sabihin ng tunog na yun.

 

 

Bumukas na yung kurtina at lumabas yung isa sa mga doctor na kasama ni doc Yeji. Seryoso siyang nakatingin at naglalakad papunta sa amin.

 

 

"Mayora, anim na epinephrine na po ang nabigay namin sa kapatid niyo pero hindi pa din po nagbabago ang lagay niya."

 

 

"Anong ibig mong sabihin?"

 

 

"Pasensya na po at hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa, Mayora hindi na po talaga kaya. Bumigay na po ang katawan niya."

 

 

*malakas na atungaw at pag iyak*

 

"Minjeong! Minjeong ano ba naman,"

 

 

[sobbing] "Ate Taeyeon."

 

 

[sobbing] "Layu wala na si Minjeong, ganun ganun na lang, nawala na yung kapatid ko. Minjeong!" tumakbo kami nung makita namin na nagaalisan na yung mga nurse at iniwan na siya dun sa kama.

 

 

[sobbing] "Doc Yeji anong nangyari hindi na ba talaga kaya?!"

 

 

"Mayora, Ryujin. I'm really sorry."

 

 

Nakapanlulumo, nung pumasok kami nakita namin si Minjeong. Yung matalik kong kaibigan na pinaka mamahal ko, nakahiga nalang siya, hindi gumagalaw at wala na talagang buhay.

 

 

Grabe na nga yung sakit na nararamdaman ko, pero mas nadadagdagan pa lalo nung makita ko yung pag iyak ni ate Taeyeon. Nakakadurong ng puso yung bawat atungaw niya. Yakap yakap niya sabay ipinikit na niya yung mga mata ni Minjeong. Tinitignan niya yung kapatid niya. Hinahaplos niya yung mga kamay, niyayakap niya at hinalikan niya din sa pisngi. "Minjeong I love you."

 

 

[sobbing] "Tatandaan mo, kayo ni Cheche ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Mahal kita, maraming salamat na binigyan mo ako ng chance na maging ate mo. Kung naririnig mo ako, wag na wag mong kakalimutan na sobrang mahal kita at proud na proud ako sayo. Salamat sa ilan taon na magksama tayo at pinasaya mo kami. I love you Minjeong, wag ka nang magaalala sa amin. Alam ko naman na magkikita kita pa tayo ulit. Sobrang mammiss kita. Ikamusta mo nalang ako kila mama lalo kay lola. Wag mo kaming kakalimutan ni Cheche."

 

 

Pumwesto ako sa tabi ng stretcher at pinagmamasdan ko siya. Hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan ko siya sa noo, hindi ako makapaniwala sa nasa harap ko. Kahit anong tapik at kahit anong pagtawag namin sakanya, hindi na siya sumasagot. Wala na, wala na yung Minjeong na kung ano ano ang sinasabi at ginagawa. Hindi mag sink in sakin na pumanaw na siya at iniwan na niya kami.

 

 

[sobbing] "Kiminjeong ang aga mo naman, akala ko ba hanggang sa kamatayan sabay tayo? yun yung usapan natin dalawa hindi ba? ang daya mo, akala ko ba kahit kailan hindi tayo maghihiwalay? pero bakit naman iniwan mo ako?"

 

 

[sobbing] "Sobrang sakit nito Kiminjeong, lahat kami mahihirapan tanggapin to. Lalo na yung kakambal mo, hindi ko alam kung pano niya kakayanin."

 

 

[sobbing] "Ilan taon pa akong mabubuhay ng wala ka, bakit mo naman ako iniwan ng ganito kaaga? Kiminjeong pano na? hindi ko kaya na gigising ako tapos hindi na kita makikita, hindi na kita makakausap, hindi na kita makakasama. Ang hirap, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa mga susunod na araw. Ang sakit, sobrang mammiss kita Minjeong!"

 

 

[sobbing] "Kung naririnig mo ako, pangako magkikita at magkakasama pa din tayo. Hindi ko hahayaan na mag isa ka, basta kung nasaan ka man hintayin mo ako dahil pupuntahan kita dyan. Maraming salamat sa lahat ng mga ginawa mo para sa akin kahit nung mga bata pa tayo. Mahal na mahal kita, hanggang sa kabilang buhay ikaw pa din ang best friend ko."

 

 

[sobbing] "Ryujin! tumatawag si Cheche!"

 

 

[sobbing] "Ha? Jusko ate Taeyeon! kailangan ng mag aalalay sakanya. Hindi niya kakayanin to sigurado. Baka kung anong mangyari kay Cheche kapag nabalitaan niya na wala na yung kakambal niya."

 

 

"Eh anong gagawin ko? Kailangan na natin sabihin sakanya dahil baka tumawag pa yun kila Minji."

 

 

"Itanong muna natin kung may kasama ba siya dun sa condo niya. Nag aalala ako, hindi pwedeng mag isa si Cheche kapag sinabi natin sakanya."

 

 

"Kailangan kong makausap yung manager niya o kaya si Vivian."

 

 

**POWER OUT**

 

 

"O, brownout ba? bakit dumilim?!!"

 

 

"Putangina, bakit ngayon pa namatayan ng ilaw?! Yung generator buksan niyo!!"

 

 

"Ospital na nagbbrown out ano ba to?! Hindi pwedeng walang ilaw sa emergency room, alam niyo yan!"

 

 

"Mayora, pano si Minjeong?!" sa sobrang pagaalala ko hinawakan ko yung kamay niya at niyakap ko siya. Napaka dilim at wala kaming makita dito sa loob ng emergency room.

 

 

Kinuha ko yung phone ko at binuksan ko yung flashlight para itatapat ko sakanya. "Kiminjeong andito lang ako."

 

 

"Layu bantayan mo lang si Minjeong. Nag message ako kay Vivian at sumagot na din siya, sinabi ko na kung pwede puntahan niya si Cheche, siya na din daw ang magsasabi na may nangyari sa kapatid namin."

 

 

"Okay po. Bakit ang tagal naman bumalik ng kuryente?!" 

 

 

"Yung ilaw ano ba!! Wala manlang bang kumikilos sainyo?!!" Nagulat ako nung biglang sumigaw ng malakas si ate Taeyeon. Siya yung pinaka kalmadong tao na kilala ko at bihira ko lang siya makita na nagkakaganito.

 

 

"Ano ba yan, yung generator buksan niyo na nga! Bilisan niyo!! Ito nalang ang nalalabing oras para makita at mahawakan ko pa yung kapatid ko!"

 

 

"Ryujin, Mayora. Makikiusap lang po ako kung pwede na dun po muna kayo sa labas." may kasama kami pala kami dito sa loob dahil biglang may nagsalita.

 

 

"Ha? Teka asan ka, sino ka ba?"

 

 

"Si doctora Yeji po, ako na po ang bahala dito. Susubukan ko pa pong irevive si Minjeong. Dun po muna kayo sa labas, Ryujin alalayan mo na si mayora."

 

 

"Ha kaya pa ba doc Yeji?! nakaka sampung minuto nang nung nag flatline siya."

 

 

"Hindi ko po maipapangako pero susubukan ko po. Huling beses na to."

 

 

"Kaya mo ba yan doc, asan na yung mga kasama mo?"

 

 

"Ako na ang bahala, mauubos na ang oras. Papapuntahin ko nalang dito yung mga nurse. Sige na, ako na dito."

 

"Sandali, pero ang dilim paano mo siya makikita?"

 

 

"Ako na ang bahala dito Ryujin!" natakot at napaatras ako nung naramdaman ko na sinakal ako ni doc Yeji. Buti nalang madilim at hindi nakita ni ate Taeyeon yung ginawa niya.

 

 

Naisip ko, magkakalahi nga pala sila nila Gisele kaya hindi problema kahit pa walang ilaw. Malinaw ang paningin ng mga vampira sa dilim.

 

 

"Ate Taeyeon dun daw po muna tayo sa labas sabi ni doc. Masyadong madilim dito kaya dun muna tayo. Hintayin nalang po natin ang sasabihin niya."

 

 

"Sige, doc Yeji nakikiusap ako, tulungan mo kami, subukan mo na iligtas ang kapatid ko. Umaasa pa din ako na baka kaya pa."

 

 

"Susubukan ko po mayora."

 

 

Hinawakan ko yung magkabilang braso ni ate Taeyeon at dahan dahan kaming nagpunta sa kinatatayuan namin kanina. Nakakabwisit na talaga dahil hanggang ngayon wala pa din ilaw, nangangapa tuloy kami habang naglalakad dito sa dilim.

 

 

"Hintayin lang po natin ate, mukang susubukan pa ulit ni doc Yeji."

 

 

"Pero paano niya susubukan kung napaka dilim dito!!"

 

 

"Huy ano yun?!"

 

 

"Narinig mo ba yun Layu?"

 

 

"Oo. Sandali lang ate Taeyeon parang nanggaling dun kay Minjeong." tumakbo ako dun sa kama kung nasaan siya. "Doc Yeji ano nangyayari dyan?!!" pilit kong sinisilip kung ano yung ginagawa niya kay Minjeong sa loob, hindi ko naman makita dahil sobrang dilim pero may kakaibang tunog talaga kanina. Nakarinig ako ng malakas na hingal at hinga ng malalim pero isang beses lang.

 

 

"Doctora!"

 

 

"Sandali lang, sinabi ko na! Manahimik ka Layu kung ayaw mo na ibalibag kita." umalis ako sa takot dahil mukang nagagalit na sakin si doctora Yeji.

 

 

Nagkagulo pa lalo dito sa emergency room nung may dumating na ambulansya. Napaka dilim kaya nagsisigawan na din tuloy yung ibang mga pasyente. Nahihirapan na yung iba lalo siguro yung mga may suot ng oxygen. Ang ingay at ang init na din dito sa loob dahil namatay lahat pati yung aircon.

 

 

"Bakit ngayon pa nangyari to dito. Ano to wala ba kayong generator manlang?? ang tagal ng walang ilaw! Emergency room kaya to!!!" patuloy lang si ate Taeyeon na pinagsasabihan yung mga staff sa emergency room. Hindi namin malaman kung ginagawan ba nila ng paraan dahil parang nakaka kinse minutos na simula nung mawala yung kuryente.

 

 

"Hoy ano ba, kailangan ng kuryente pano niyo maililigtas yung mga pasyente kapag ganito?!!"

 

 

"Asan yung mga generator niyo?!! may pondo itong ospital na to bakit wala kayong magamit na generator?! Dalian niyo!! Maawa kayo sa mga pasyente!! Nahihirapan na sila!!"

 

 

Sinusubukan kong kalmahin si ate Taeyeon. Pero kahit sino naman kasi, katulad nung ibang mga bantay. Nagagalit na sila dahil ilan minuto nang walang ilaw dito sa loob ng emergency room. Ultimo mo yung mga nurse hi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1151 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko