Chapter XVIII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

4:00pm sa Disneyland Hong Kong pa din

 

Pagkatapos namin mamasyal at mag picture sa Mystic Point dumiretso na kami dito sa Grizzly Gulch, andito yung sunod namin sasakyan yung Runaway Mine Cars. Ito yung considered na isa sa pinaka malaking roller coasters dito. Mas intense sa sinakyan namin kanina na ride kaya sobrang naeexcite na ako. Nakapila na kami papasok sa loob, hanggang gabi pa open yung mga rides at yung iba pang attractions dito kaya hindi din kami masyadong nagmamadali.

 

 

"Look someone sent me a message, you have to check this out." tinignan ko yung pinapakita niya sa phone niya. "Sino to?"

 

 

"Click on her profile." pinindot at tinignan ko yung sinasabi niyang nag dm sakaniya sa ig. Nung tinignan ko kung sino, yung epal lang pala. "Ano daw sabi ni Vivian, bakit parang ang dami niyang message sayo?"

 

 

"She commented to all my stories na kasama ka. hahahaha"

 

 

"Ano ba yan hahaha parang ang dami naman niya sinabi. Pwedeng pabasa, okay lang?" binigay niya sakin yung phone niya pero binalaan niya ako na wag nalang pansinin yung mga pinagsasabi ni Vivian. Nung binabasa ko na yung mga reaction and messages niya kay Minju, tangina napaka gaga talaga, tsaka nakakahiya yung ibang comments niya. "Minju, wag mo pansinin ha nang aasar lang yan. Parehas sila ni Cheche. Wag mo seseryosohin yung mga jokes nila."

 

 

"Hahaha yeah it's okay don't worry about it. Although some of them are true naman and I agree with what she said."

 

 

"Hahahaha alin dun? nangloloko lang yan." inabot niya sakin at tinuro niya yung message ni Vivian na sinasabi niya. "Nag aagree ka dito?" tinitignan ko yung story na pnost niya na nag comment si Vivian, ito yung picture namin dalawa dun sa pila nung RC ride nung time na pinaglalaruan namin yung portable fan na may mist. "Oo I agree with what she said. Bakit ikaw, you don't?"

 

 

"Hahaha oo naman, nag aagree din ako. Sa lahat ng comments niya dyan lang ako nag agree. Dyan lang siya tumama."

 

 

"Hahahahaha, what really happened to you and Vivs ba? bakit kayo lagi nag aaway?"

 

 

"Mahabang kwento, next time nalang. Hindi naman importante yun."

 

 

"Haha alright Minjeong."

 

 

Bago matapos itong araw na to, tingin ko kailangan ko talagang makausap si Ryujin. Ayaw ko bigyan ng kahulugan yung mga sinasabi at napaguusapan namin ni Minju pero kasi gusto ko makasigurado. Alam ko na parang masyadong mabilis at hindi kapanipaniwala yung nangyayari ngayon pero kasi yung comment na pinakita niya sakin, sinabi dun ni Vivian na 'we look good together' at bagay daw kami. Hindi ko na sana papansinin pero sinabi niya ng walang pagdadalawang isip, sinabi niya sakin na nag aagree siya dun sa comment na yun. Hindi ko na dapat pansinin pa pero hindi ko talaga mapigilan mapaisip. Ayaw ko na maulit yung nangyari sa amin ni Catalina kaya ngayon mas magiging maingat na talaga ako at hindi ako magpapadalos dalos.   

 

 

 

 

4:15pm

 

Nasakto nanaman na may naunang grupo bago sa amin kaya kami yung pinaka una sa susunod na batch ng sasakay. Buti nalang talaga nataon na hindi peak season ngayon kaya hindi na namin kailangan pumila ng sobrang tagal.

 

 

Iniwan ko muna yung bag ko dun sa maliit na locker dito mismo sa ledge kung saan kami sumasakay. Nung makapasok na kami sa barricade, yung upuan sa pinaka likod yung napili ko dahil madami daw drops tong roller coaster na to. Mas ramdam yung bilis tsaka pag bagsak kapag sa unahan o sa likod nakaupo kaya mas gusto ko dito.

 

 

Nagsimula nang umandar at pumasok na kami sa isang tunnel, nung una mabagal lang pero bigla kaming umatras sabay umabante ng mabilis. Nung palabas na kami sa tunnel naramdaman ko na napahawak si Minju at ang higpit ng kapit niya sakin. Hindi ko na siya tinanong, inabot ko na kagad yung kamay niya sabay tinaas ko nung pababa na kami dun sa nakakalulang drop nung roller coaster.

 

 

Sunod sunod na drops at abante ng mabilis. Akala ko tapos na nung tumigil kami, pero biglang umatras tapos, lumipat sa kabilang track sabay abante nanaman ng napaka bilis. Parang tatalsik na yung salamin ko sa kada liko at baba nitong sinasakyan namin.

 

 

Nung nasa labas na kami at papasok na sa isa pang tunnel meron nakatawag pansin sa akin. May nakita akong babae na nanonood at nakatingin samin. Nakatayo siya at naka sandal sa railing na nasa ibabaw mismo nung entrance ng tunnel. Nakasuot siya ng shades at naka pang alis. Yung tindig at itsura niya tangina kamukang kamuka niya si Catalina, lalo yung buhok niya na mahaba at medyo wavy. Gusto ko pa sanang tignan ng isang beses kaso masyadong mabilis yung andar kaya hindi ko siya natitigan masyado. Hindi ko alam kung namalikmata ako o may kamuka lang siya. Hindi tuloy ako mapakali ngayon at hindi ko maenjoy yung natitirang oras ng roller coaster.

 

 

Hanggang sa matapos kami, napapaisip tuloy ako dun sa nakita ko. Imposible na siya yun kasi hindi naman niya alam na pupunta ako dito.

 

 

 

 

 

"Minjeong, how was it nagustuhan mo ba?" tanong sakin ni Minju habang bumababa kami at pupunta na sa locker kung saan ko iniwan yung bag ko. "Oo sobrang nagustuhan ko to, ang bilis pero sobrang saya. Mas okay nga to kaysa dun sa kanina kahit parehas silang intense." lumabas na kami sa exit at dumaan muna sa booth kung saan may nagtitinda ng tubig. Binuksan ko na ulit yung fan at binigay ko sakanya, "Thanks, lapit ka para mahanginan ka." Ang init ngayon kaya nakakailan beses na din kaming bumili ng bottled water. Buti nalang madaming electric fan sa queueing area ng mga rides.

 

 

Pangatlo sa huli na itong pupuntahan namin, gusto niya na masubukan ko na sumakay sa water raft at umakyat dun sa treehouse. Ito na yung last attractions na titignan namin bago kami manood ng parade mamayang gabi.

 

 

 

 

Nung naglalakad kami papunta sa entrance ng water raft ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at pasimple kong hinawakan yung kamay ni Minju. Akala ko aayaw at magagalit siya dahil sa ginawa ko pero nagulat ako na hindi niya ako pinagbawalan. Ramdam ko na humawak din siya pabalik kaya hinigpitan ko at nagpatuloy na kaming maglakad.

 

 

"Minjeong?" tinawag niya ako sabay hatak ng mahina sa kamay ko. "What's this?" seryosong tanong niya sakin nung tumigil kami saglit. Alam ko na masyadong mabilis, pangatlong araw palang na nakakasama ko siya pero ginagawa ko na yung mga ganito. Inaasahan ko na to, na magugulat at magtatanong siya sakin."Sorry, ayaw mo ba?"medyo nag alala ako ng makita ko yung reaksyon niya. Alam ko na sinabi niya sakin na magkaibigan kami pero sinusubukan ko lang naman. Kapag nagalit o umayaw siya, titigilan ko na.

 

 

"Minju?"mahinang tawag ko sakanya. Nakatahimik lang siya at parang naghihintay sa sasabihin ko.

 

 

"It's fine with me Minjeong. Let's get on the raft." naka intertwine yung mga daliri namin at hinigpitan niya pa yung hawak sakin nung naglalakad kami papunta sa pila ng raft.

 

 

"You're getting very bold." bulong niya sakin nung makapasok na kami sa loob."Ayaw mo ba? sorry." nag apologize ako sakanya pero hindi ko pa din binibitawan yung kamay niya."You should stop saying sorry. Kanina ka pa nag ssorry. Sabi ko naman sayo okay lang. But may I ask why you are doing this?" parang natauhan ako. Anong isasagot ko sa tanong na to.

 

 

"Hindi ko alam, gusto ko lang."

 

 

"You have no idea about these things but how come you're able to do this, I admire you for that although nahahalata ko na hesitant ka pa din and it's just normal."hindi ako makasagot at parang natameme ako sa sinabi niya."It's fine, sabi ko naman sayo I'm not the traditional type but..." nagpatuloy na siya, nakatayo lang ako at nakikinig sakanya. "just so you know yung mga ganito, I don't usually do this with people na kakakilala ko lang."

 

 

"Ganun ba, sorry." binitawan ko na yung kamay niya dahil baka magalit siya kapag hindi pa ako tumigil. Ngayon ko napagtanto na pwedeng isipin niya na nag ttake advantage ako sakanya. Ayaw ko naman na maramdaman niya yun at ma-off siya sakin. Baka mawalan pa ako bigla ng bagong kaibigan.

 

 

Napansin ko na naging seryoso yung muka niya, hindi ko nga lang masabi kung naiirita ba siya o hindi niya nagustuhan na hinawakan ko siya."Naiintindihan ko yung sinasabi mo Minju. Sorry talaga."ulit ko sakanya.  

 

 

"I don't think you do. I'm sorry," lagot, mukang nagkamali nga ako at hindi siya okay dun. "I know that you are getting overwhelmed with this kind of things but you have to get used to it Minjeong, if we want to continue this."

 

 

"Continue this? anong this yung tinutukoy mo?" oo lang ako ng oo pero medyo naguguluhan ako sa pinagsasabi niya. Gusto ko sana iexplain niya ng maayos kaso nahihiya ako mag sabi, tsaka naging awkward na kami dahil sa ginawa kong pag holding hands sakanya.

 

 

"This." pinag entwine niya ulit yung kamay namin at pinakita niya sakin. "When you make a move, hindi ka dapat nagugulat tsaka dapat pangatawanan mo."

 

 

Ano ba to, parang kailangan ko ng saklolo ni Ryujin at nung kakambal ko puta wala akong magets sa nangyayari pero alam ko na masyado nanaman akong naatat at nagkamali ako. Pucha parang kailangan ko ata mag search muna sa google ngayon para hindi ako mukang tanga dahil hindi ko talaga malusutan to. Ang kapal ng muka ko na ako pa yung naunang gumawa ng move. Masyado akong nagmatapang at naging komportable sakanya, third day palang na nakakasama ko siya pero nasa ganitong sitwasyon na kagad ako. Parang mali nga ata yun tsaka hindi nanaman ako nag isip, ayan tuloy pangatawanan ko daw, ano ba ang dapat kong gawin tsaka ano yung papangatawanan ko.

 

 

"Minju pasensya ka na, nakakahiya man aminin pero, nasabi ko naman sayo na wala talaga akong idea sa mga kung ano ano. Tsaka ngayon nga lang ako nagkaron ng kaibigan sa labas ng probinsya namin. Isa lang talaga yung kaibigan ko eh. Tsaka first time ko kasi sa mga ganito."

 

 

"Hey it's fine, let's ride this one muna and let's talk while we go upstairs."

 

 

Pumasok kami sa raft na maghahatid samin sa bahay ni Tarzan. Naiisip ko mag sorry sakanya at gusto ko iexplain yung sarili ko, ayaw ko talaga isipin niya na tntake advantage ko yung kabaitan niya, lalo na kilala pa naman siya. Tsaka pwede din na nagkamali ako ng intindi sa mga kilos niya. Baka ganun lang pala siya umasta kasi nasa ibang lugar kami ngayon tsaka nagkataon na ako yung kasama niya.

 

 

 

 

 

Nung nakita ko na magbababaan na yung mga tao dito sa raft, pinilit kong sumingit at inaya ko na si Minju para kami yung unang makababa at makaakyat dun sa treehouse.

 

 

"Pagkatapos nito saan tayo pupunta?" pnpicturan ko yung treehouse habang tumatawid kami dito sa hanging bridge."We will try the Jungle River Cruise, the Disneyland train, we will watch the parade or you can buy the stuff that you need and we will watch the fireworks before we go back to the hotel."

 

 

"Grabe ang bilis ng oras, patapos na yung araw." gusto ko nang itanong sakanya yung pinaguusapan namin kanina kaso nahihiya ako dahil baka isipin niya na taeng tae ako. "Yeah just like that matatapos na yung five days."

 

 

"Anong oras flight niyo bukas?" pagpapatuloy ko."Ours is at one in the afternoon, you will be leaving earlier kasi 11am pala yung flight niyo."

 

 

"Ah okay, mauuna pala kami kesa sainyo. Sana talaga may time machine para pwedeng pigilan yung oras noh."

 

 

"And why would you want that?"

 

 

"Ang bilis ng oras eh, tignan mo uuwi na tayo bukas. Tapos uuwi na ako sa probinsya namin sa susunod na araw."

 

 

"Yeah it's time to go back to normal, that's too bad pero ganun talaga." nakaabot na kami dito sa pinaka taas at sumandal ako sa railing. Nag selfie kami ng isang beses at kinuhaan ko din ng pictures itong bahay ni Tarzan. 

 

 

"Minju," tinawag ko siya habang pinapanood namin yung river sa baba nitong treehouse. Humarap siya sakin at pumwesto dito sa tabi ko. "Kailan kaya kita makikita ulit?"nag aalangang tanong ko sakanya. Hindi ko alam kung saan ako nakakakuha ng lakas ng loob mag tanong ng mga ganito pero kasi, ayaw ko sayangin yung pagkakataon habang magkasama pa kami ngayon. Sinagot niya kagad yung tanong ko. "Hopefully soon." tumingin siya sakin sabay ngumiti. Grabe, ang amo talaga ng muka niya tsaka ang ganda niya grabe napaka swerte ko na nakasama ko siya ng ganito.

 

 

"Whenever you're in Manila, I will make sure to see you. Promise ko yan sayo Minjeong."

 

 

"Totoo yan?"

 

 

"Yes of course, I will find time kahit pa busy ako."

 

 

"Aasahan ko yan ah."

 

 

"Yeah, it's a promise. What are we talking about nga kanina?"

 

 

Putangina ito na. Ipapaalala ko sa sarili ko na wag maging atat at wag mag marunong dahil masakit na nga ang ma-reject ng isang beses, tangina yung double kill pa kaya. Baka hindi ko na kayanin yung monthly rejection. Hindi ako gagawa ng kabobohan ngayon kaya hindi ako aamin. Hindi ako aasa, inuulit ko hindi ako aasa ng kahit ano mula kay Minju. Kung kaibigan lang, ayos lang sakin yun kesa naman sa wala.

 

 

"Minjeong!" parang bigla akong nagising nung tinapik niya yung muka ko. "Sorry, ano yun?" 

 

 

"Tulala ka nanaman. Obviously you are not listening, narinig mo ba yung sinabi ko?"

 

 

"Sinabi mo? sorry. May sinabi ka ba?"

 

 

"Yeah I was just talking about the "this" that you were asking me a while ago before we went up here."

 

 

"Ah hindi ko narinig eh, pasensya ka na."

 

 

"I said I didn't feel uncomfortable when you held my hand because like what I've said. I'm not the traditional type...  and if I am interested with the person I don't waste time. I let them know right away kaya yung kanina, I just let you do it."

 

 

"Minju pero sorry talaga dun. Ayaw ko isipin mo na na-violate kita o nag ttake advantage ako sayo. Wala akong masamang intensyon."

 

 

"I told you it's okay."

 

 

"Thank you na naiintindihan mo at tinatanggap mo yung sorry ko."

 

 

"Of course ,bakit naman hindi. You might also think na ganito ako sa lahat but I am not. I seldom find interest and befriend people. Bihira ako magkagusto, even your sister knows it."

 

 

"Ah. Okay."

 

 

"I'm pretty sure you have a hunch as to where this conversation is heading."

 

 

"Uhm oo, pero ayaw ko pangunahan. Tsaka sobrang hindi ako makapaniwala na nag uusap tayo ng ganito ngayon kasi parang nung kailan lang kakwentuhan kita dun sa roof top bar tapos nahihiya pa ako sayo tapos ngayon.."

 

 

"Do you think na masyadong maaga at masyadong mabilis?"

 

 

"Oo yan mismo yung naiisip ko tsaka, kakasabi mo palang nung isang gabi na magkaibigan na tayo tapos ngayon naman. Puta sorry hindi ko pa din talaga... saan nga ba papunta tong pinaguusapan natin?nalilito na ako eh, sorry."

 

 

"Go out with me Minjeong."

 

 

"Pero nasa labas na tayo Minju."

 

 

"Huh?"

 

 

"Gusto mo pa ba mamasyal bago tayo umuwi? pwede naman pero baka mag taxi nalang tayo pauwi kasi yung train hanggang alas onse lang ata."

 

 

"Hahahaha oh god. I didn't mean it literally. Ibig kong sabihin if you will let me, I want to get to know you, spend more time with you and then from there let's see where it would take us."

 

 

"Spend time tapos kikilalanin natin isa't isa, tayong dalawa?"

 

 

"Yeah, us going out. We can date exclusively."

 

 

"Date?! ako?!"

 

 

"Yeah, why?"

 

 

"Teka, bakit mo naisip yan Minju? Anong meron bakit biglang ganyan eh hindi mo pa naman ako kilala ng matagal tapos tatlong beses palang naman kita nakakasama."

 

 

"Ilan years ba yung kailangan for a person to find interest on someone? gano katagal?"

 

 

"Hindi ko alam eh, sabi ko nga sayo wala akong idea sa ganito. Tsaka.... sorry excuse lang ha. Mukang may tumatawag sakin. Wait lang."

 

 

Agad kong kinuha yung phone ko dahil nag vvibrate ng sunod sunod. Nung tinignan ko, jusko siya nanaman. Talagang napaka baho ng timing lagi nito ni Catalina. Hindi ko na binuksan yung message niya at nagpatuloy na ako sa usapan namin ni Minju.

 

 

 

 

❌Wag Dapat Replyan❌:  ANO BANG MERON AT BAKIT NAPAKA HILIG MONG LUMANDI SA TAAS NG PUNO MINJEONG?!! 

 

❌Wag Dapat Replyan❌:  HUWAG KA MAGING UTO UTO AT TANGA!

 

 

 

 

"Sorry, may nag message lang pero hindi naman importante. Uhm ano na nga ba yung pinaguusapan natin?"

 

 

"About us going out."

 

 

"Hindi ko kasi maintindihan eh, bakit ganun yung gusto mo mangyari tsaka bakit ako?"

 

 

"I don't see why not. I've told you a lot of times, Minjeong you are different from the rest, mabait ka, ang sarap mo kasama, you're respectful, you are generous, you are genuine and you are very kind to your sister and most of all you're very pretty. Yan yung dahilan kung bakit gusto pa kita makilala."

 

 

"Minju wag ka sana ma-ooffend, gusto ko lang malaman. Ano ka ba, alam mo yun?"

 

 

"Dun sa roof top bar hindi mo pa ba na-figure out yan?"

 

 

"Hindi sa ganun, pero malay ko ba kung friendly ka lang talaga."

 

 

"Yes Minjeong, I do swing both ways but I prefer the other one more."

 

 

"Ay. Wow!"

 

 

"Hahahaha bakit ba gulat na gulat ka, hindi ba nakwento sayo ni Che?"

 

 

"Wala eh hindi ko kasi inexpect kasi pag sa tv tsaka alam mo yun, pag nakikita kita kung saan saan hindi ko talaga inakala na ganun."

 

 

"They only picture me as an ally but the real thing is I'm part of it. It totally that they have to put me on a pedestal para good image daw."

 

 

"Ah okay gets ko na. Pero sure ka ba, kasi pwede mo naman ako makilala kahit hindi tayo nag g-go out alam mo yun."

 

 

"Hahaha anong sinasabi mo Minjeong?"

 

 

"Ibig ko sabihin ano, bakit mo gagawin yan sakin. Bakit sakin eh hindi naman ako,"

 

 

"You are not what? tell me. Did I mistake you for something, oh my god Minjeong you are straight?! Sorry."

 

 

"Sshhhh huy ano ba yan, Minju. Napalakas yung pagkasabi mo. Hindi sa ganun."

 

 

"I'm so sorry, akala ko kasi." 

 

 

"Minju teka parehas tayo ng gusto okay. Ang ibig kong sabihihin, hindi tayo magka level, sikat na sikat ka tapos alam mo yun kumpara sayo wala lang ako. Tsaka sigurado madaming mas deserving. Madaming may gusto sayo kasi ang ganda mo tsaka ikaw yan eh."

 

 

"You are nothing compared to me? bakit ano ba meron sakin. Hindi naman important yun. Is this you rejecting me Minjeong?"

 

 

"Ha? Reject? hindi ah, hindi ko gagawin sayo yun. Ang kapal ko naman na ako pa yung mang rreject sayo. Hindi ko maipaliwanag yung gusto kong sabihin kasi,"

 

 

"Hey relax, ang lamig ng kamay mo." hinaplos at hinawakan niya yung dalawang kamay ko. Hindi to nakatulong dahil ngayon naman mas nag doble yung kabog ng dibdib ko.

 

 

"Sorry, kinakabahan ako Minju hindi ako makapaniwala na naguusap tayo ng ganito ngayon. Hindi ko inakala na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon."

 

 

"Just breathe Minjeong relax ka lang we are just talking here. Okay lang sakin kung ayaw mo or kung ano yung magiging decision mo."

 

 

"Teka gusto ko lang malaman bago pa ako mahimatay dito. Minju tayo na ba?"

 

 

"Wait I'm sorry," halatang natigilan siya dahil sa sinabi ko. "What did you say?"

 

 

"Ah kung ano. Kung tayo na ba. Yung alam mo yun, magka relasyon?"

 

 

"You're my girlfriend? Hey not too fast, I'm sorry but that's not what I mean. Going out, ibig sabihin kikilalanin muna natin yung isa't isa. After that kung nag work yung connection natin and we click, dun palang natin malalaman."

 

 

"Ah edi hindi pa tayo?"

 

 

"Hahahahaha hindi pa, masyado ka naman nagmamadali Minjeong."

 

 

"Pero bakit mo ako binibigyan ng chance eh wala ka naman gusto sakin?"

 

 

"I'm sorry, what's that again?"

 

 

"Sabi ko, bakit mo ako binibigyan ng chance eh wala ka naman gusto sakin."

 

 

"Wala akong gusto kanino, sayo?"

 

 

"Oo."

 

 

"Oh my gosh Minjeong you're really different. Ang slow mo but it's okay kasi ang cute mo talaga. Okay ganito nalang I'll make it easier for you to understand. Kaya nga kita gusto makilala pa kasi interesado ako sayo and I like you."

 

 

"Gusto mo ako?!"

 

 

"Oo, that's what I said, uulitin ko pa ba para mas magets mo?"

 

 

Hindi ko na mapigilan mapangiti at ang pinaka gusto ko talagang gawin ngayon ay magsisigaw sa tenga ni Ryujin. Putangina totoo ba to, grabe ang bilis ng mga pangyayari. Pucha. Pag uwi ko yayakapin ko kagad yung kakambal ko at magtthank you ako sakanya dahil sinama niya ako dito sa Hong Kong. Habang buhay kong tatanawin na utang na loob sakanya to.

 

 

"You are spacing out again. Are you okay?" napatango lang ako sakanya at hindi ko na talaga mapigilan ngumiti. "hahaha ang cute mo talaga Minjeong, hindi ka na nagsalita naka smile ka nalang dyan."

 

 

"Hindi ko mapigilan eh." napatakip ako ng muka at napasandal ako sa railing nitong bahay ni Tarzan. Naramdaman ko na inalis ni Minju yung kamay ko na nakatakip sa muka ko at hinawakan na niya ulit. "Ikaw ba, parehas ba tayo or this is just one sided?" halos manlambot yung tuhod ko nung narinig ko yung tanong niya.

 

 

"One sided? pwede ba yun."hindi ako makatingin sakanya ng diretso dahil nahihiya at kinikilig ako.

 

 

"Minjeong ano na, hindi ka na gumalaw. Ano nga?"

 

 

"Alam ko na ang bilis nitong nangyayari ngayon, pero pano yan wala akong alam sa mga ganito?"

 

 

"Andito naman ako and we'll figure it out together. So what now?"

 

 

"Gusto din kita Minju."

 

 

*ringing*

 

*ringing*

 

*ringing*

 

*ringing*

 

*ringing*

 

*ringing*

 

 

"Is that your phone?"

 

 

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa, nakita ko na tumatawag si Catalina. Medyo kinabahan ako na ang dami niyang message at ngayon naman tumatawag na siya. Hindi kaya may nakahuli sakanya dun sa hotel o di kaya naman nakita siya nila Cheche. Kakausapin ko nalang siya para sigurado.

 

 

"Minju excuse lang ha, baka kasi importante to."nagpaalam muna ako dahil kailangan ko malaman kung anong nangyayari sa hotel."Yeah sure, take your time Minjeong."Nagpunta ako sa kabilang dulo ng railing kung saan wala masyadong tao at dnial ko yung number ni Catalina.

 

 

KMJ:   hello bakit ka tumatawag?

 

 

Catalina:   anong oras ka ba uuwi Minjeong? umuwi ka na!!

 

 

KMJ:  ha? bakit? asan ka, may nangyari ba dyan?

 

 

Catalina:   wala pero umuwi ka na, bumalik ka na sa hotel ngayon din!!!

 

 

KMJ:   bakit ka sumisigaw, ano ba nangyayari? sabihin mo sakin

 

 

Catalina:  bumalik ka na sa hotel wag mo nang hintayin na sunduin at kaladkarin kita!

 

 

KMJ:   ha? tanga ka ba? anong kaladkarin pinagsasabi mo

 

 

Catalina:  umalis ka na dyan at wag mo akong galitin!!!

 

 

KMJ:   teka ka nga bakit ba sumisigaw ka? tigilan mo nga ako catalina wala kang karapatan na kontrolin at utusan ako, lumayas ka na dyan kung gusto mo. ang kapal naman ng muka mo na sigawan ako ng ganito

 

 

Catalina:  wag mo akong subukan minjeong!!

 

 

KMJ:   wala akong pakialam sayo bahala ka sa buhay mo. bye!

 

 

 

 

 

"Minju, sorry ah tumawag lang yung sa bahay namin. Pero okay lang. Uhm gusto mo na ba lumipat, ano na ba yung susunod na pupuntahan natin?"

 

 

"We still got the river cruise then the train."

 

 

"Okay sige lipat na tayo." tumango siya sakin at nagsimula na kaming maglakad. "Hey, Minjeong." tumigil siya saglit at tumingin nnaman sakin."Hmm ano yun?"

 

 

"Your hand." hinawakan ko yung kamay niya na nakaabang at sabay na kaming bumababa sa treehouse.

 

 

 

 

 

6:00pm

 

Pagkatapos sa Jungle River Cruise bumili muna ako ng mga sweets na ibibigay ko kay Cheche. Nabili ko na din yung helmet ni Iron Man para kay Sito. Sila Layu tsaka si ate Taeyeon nung isang araw ko pa sila nabilan ng pasalubong kaya okay na.  Wala na akong kailangan pang bilin pa sa souvenir shop kaya sasakay na kami ngayon sa Disneyland train. Nag rent kami kanina ng locker malapit sa entrance at nilagay ko muna dun lahat ng mga pinamili ko. Iniwan din ni Minju yung gamit niya at ako nalang yung nagdala ng bag sa amin dalawa.

 

 

"Medyo dumidilim na are you okay Minjeong, are you not tired?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1150 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2141 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko