Last Chapter

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

(continuation) 

 

October 30 

 

10:15pm Kim's Residence

 

"Ngayon pa talaga natapat yung brownout kung kailan maalinsangan." banggit ko sa sarili ko habang isa isa kong binubuksan yung mga nakatagong lata dito sa kusina.

 

 

"Minjeong asaan na yung pamaypay?!" sigaw sakin ni Cheche na nakahiga ngayon sa papag. Nung namatay yung kuryente mas dumoble pa yung pagiging demanding nung mga nakatambay sa labas. "Matagal pa ba?!" sigaw nanaman niya. "Tsk teka nga sabi!"

 

 

"It's hot!!"

 

 

"Hay ang kulit mo naman talaga Chaewon! Sandali nga lang andito pa ako sa kusina naghahanap ako ng katol! Wag kayo maingay baka magalit si ate!"nakayuko ako dito sa ilalim ng stove, kailangan ko kumuha ng katol, posporo at yung bote na pagsisindihan ko. "Saan ba nakatago yun. Kung kailan kailangan dun ang hirap hanapin." medyo naiirita na ako dahil kanina pa ako naghahagilap dito pero parang pinagttripan ata ako ng katol. Kailangan na namin magsindi at baka magka dengue pa kami sa dami ng lamok dun sa ilalim ng puno ng manga. "Huy! Haha ano ba!"ramdam ko na may malamig na kamay na humawak sa batok ko. "Hahaha Baba naman nanggugulat pa, dun ka nalang ako na bahala dito. O gusto mo ba akong tulungan? sige kuha ka nalang ng mga unan sa kwarto ko, ako na maghahanap ng pamaypay." tumayo ako para lingunin siya pero pagtingin ko ako lang pala mag isa ang nasa kusina at nakalabas na si Catalina. "Haha ang dami ko pang sinabi."

 

 

Nung makuha ko na yung box ng katol at posporo lumabas ako sa dirty kitchen para maghanap ng bote. Nakakuha ako ng dalawang isang litro na babasagin at itinabi ko muna saglit dahil may kailangan akong gawin na very challenging. Ito yung isa sa pinaka mahirap na pagsubok sa buhay ng tao, ang paghiwalay ng punyemas na katol nang hindi mapuputol o mababali. "Okay, concentrate."

 

 

"Minjeong asan ka na?!" napakamot ulo ako nung may sumigaw nanaman. Pero hindi ako magagalit kasi boses yun ni Catalina. "Andito pa, para naman hindi mo ako nakita! Teka lang Baba sindihan ko lang to!!" nang makakuha ako ng isa, sinuksok ko kagad sa rim ng bote at sinindihan ko na gamit yung posporo. Ito yung isa sa mga hindi magawa nung mga vampira na kasama ko sa mansyon. Ito lang ata yung kakayahan ko na naiiba sakanila, hindi ako takot sa apoy at kayang kaya ko pang hawakan at ihipan. Ipinwesto ko agad yung isa pang bote sabay suksok ng katol sa butas.

 

 

"Delivery!! Here's the katol that you ordered ma'am."

 

 

"It took you forever. Thank you but where's the fan?" nilapag ko yung isa sa ilalim ng papag kung saan nakahiga yung kakambal ko at yung kaibigan niya na ubod ng pagka reklamadora. "Ba, ingat ka baka matabig mo to." nilagay ko naman yung isa pang bote sa gitna kung saan nakaupo sila Catalina at sila Layu.

 

 

"Huy Minji okay ka lang? mukang masikip ata dyan sa pwesto mo ah." nakasandal yung upuan niya sa mismong puno ng manga, komportable sana siya pero medyo nakaabante yung upo niya dahil may nakasiksik sa likod. Nakabalik na pala yung alaga naming bulilit na nakiki share pa ngayon sa upuan ni Minji. 

 

 

"Oo Kiminjeong ayos lang ako dito." naintindihan niya yung punto ko at natawa siya sabay lingon kay Lucila. "Baba." tinawag ko si Catalina. Pinapanood na din pala niya si Lucila pero hindi niya matawag dahil kasama namin sila Cheche.

 

 

"Mukang sobrang busy ha, wala ka na bang kilala?" parinig ko kay Lucila na nag aayos ng medyas habang hawak yung espada niya. "Baba hindi na ata tayo kilala oh."

 

 

"What are you talking about Kiminjeong?" tanong ni Vivian. Bigla kong naalala na kailangan ko pa pala kumuha ng unan at pamaypay sa taas. "Wala binibiro ko lang si Catalina. Minji!" ngumuso ako at tinuro ko yung bata na nakasiksik sa tabi niya. Pasimple niyang kinalabit si Lucila kaya tumingin na sakin. Naglaho siya bigla at sumulpot nalang na nakahawak na sa kamay ko. "Kuha lang ako ng unan sa taas." paalam ko sakanila. Nung naglalakad na kami sa veranda at siguradong wala nang tao na makakakita samin, binuhat ko na si Lucila. "Saan ka nanaman galing ha?"habang buhat ko siya, may napansin ako sa ulo niya. "Huy. Jusko, bakit amoy bawang ka?"

 

 

"Ano po Minjeon?"

 

 

"Wala parang may naamoy ako na bawang sa ulo mo. Saan ka ba kasi galing, hindi ba sinabi ko na dito ka lang sa bakuran? tsaka bakit parang may pinagkakaabalahan ka. Ano ba ang ginagawa mo eh gabing gabi na?"

 

 

"Andito po ako sa loob ng bahay niyo. Nagbabantay po ako."

 

 

"Anong bantay? kailan ka pa naglaro ng bantay bantay na ganyan. Security guard ka kunyari?"

 

 

"Gusto ko po bantayan ikaw, sila Minji at si Mayora."

 

 

"Hahaha mayora? pati si ate sinama mo na sa laro mo? hahahaha. Ah gets ko na ginagaya mo yung body guards niya noh?"

 

 

"Opo." kumapit na siya sa leeg ko habang buhat ko siya."Kaya pala may espada ka pa. Hintayin mo ako dito ha, kunin ko lang yung mga unan. Wag ka nang lumayo, lalo na brownout ngayon." pinaupo ko siya sa may bintana ng kwarto ko. "Wag tatalon Lucila, dyan ka lang."

 

 

"Opo Minjeon."

 

 

*knock knock knock* "Hey. Minjeong!"

 

 

"Huh? O? ." pinulot ko kagad yung mga unan sa lapag. Nagulat ako nasa pinto pala ng kwarto ko si Cheche. Naka bukas yung ilaw sa phone niya at mukang kanina pa siya nandito. "Ano yun? may kailangan ka ba?" 

 

 

"Minjeong, may kausap ka ba?"

 

 

"Ha? oo."

 

 

"Sino?"

 

 

"Ito sa telepono. May tumawag."

 

 

"Don't lie. The phone is there across your bedroom and hawak ni Catalina yung phone mo."

 

 

"Sarili ko."

 

 

"Don't deny. Narinig kita, you were laughing at parang may kasama ka dito." pasimple kong tinawag si Lucila at pinatayo ko na sa likod ko. "What are you doing? I mean. I understand what happened. I know what you are at tanggap ko yun but, ano nanaman yung nakita ko Minjeong."

 

 

"May kausap ako,"

 

 

"Sino nga? wala naman tao dito."

 

 

"Sarili ko nga. Sabi ko, hi Minjeong kakayanin mo tong brownout."

 

 

"Don't be stupid. Narinig ko lahat, parang may kausap ka when all of us are there outside naman pati si Catalina."

 

 

"May kasama ako andito din siya sa kwarto, pero mahirap ipaliwanag kaya wag mo nang alamin."

 

 

"You just said na may kasama ka and you expect me not to question you?"

 

 

"Eh kasi.. Bukod sa hindi mo maiintindihan, baka matakot ka pa, kaya wag na."

 

 

"Sino nga, may tinatago ka ba? sabihin mo sakin para naman hindi ako nagugulat na nagsasalita ka na mag isa dito. Naiintindihan ko naman na may mga changes ka na pinagdadaanan, pero mahirap kasi like what if ibang tao yung makakita sayo?"

 

 

"Oo gets ko. Sige ah, ito. May bata akong kasama andito siya sa tabi ko." Hinaplos ko yung ulo ni Lucila. "What? anong bata, saan?"

 

 

"Ito nga. Okay iiksian ko nalang yung paliwanag ko ha. Halika upo ka muna dito." ni-lock ko yung pinto at pinaupo ko siya sa kama. Sobrang dilim dito sa kwarto ko kaya inilapag ni Cheche yung phone niya na nakailaw sa gitna namin. "Ganito kasi yun. Yung mga vampira may kakayahan na makakita, makahawak at makisalamuha sa mga kaluluwa. Hindi nga lang kaluluwa kasi kahit mga ibang elemento katulad ng engkanto nakikita at nakakausap namin. Alam ko na mahirap paniwalaan tong sinasabi ko pero totoo yun. Kapag naging vampira ka, bukas na kagad yung third eye mo tsaka makaka encounter ka ng hindi pangkaraniwan."

 

 

"Okay. Uhm I remember doc Yeji mentioned it to me na hindi lang physical aspects yung mga nagbabago sa tao when they get converted into vampires."

 

 

"Tama. Yung narinig mo na kinakausap ko kanina, ito siya." tinuro ko yung bata na nakatayo sa harap namin. Nakikinig siya at halatang nagtataka sa pinaguusapan namin. "Lucila ang pangalan niya, batang kaluluwa na nakatira sa mansyon. Sobrang malapit siya saming lahat at inaalagaan namin siya."

 

 

"Tangina, seryoso ba to Minjeong o pinagttripan mo nanaman ako? Ngayon ka pa nananakot kung kailan brownout pa naman! I cannot sleep alone pag ganyan mga sinasabi mo!"

 

 

"Sshhh huy wag ka naman maingay marinig tayo ni ate."

 

 

"Are you crazy? Nananakot ka ngayon pa talaga na ang dilim dilim."

 

 

"Kumalma ka nga tsaka wag ka mag mura kasi andito siya sa harap natin." nakita ko yung pagiiba ng expression sa muka ng kapatid ko. Mukang mas natakot na dahil tumitingin na siya ngayon sa paligid at nakakapit na sakin. "Wag ka matakot ano ba yan."

 

 

"It's a ing ghost Minjeong! what do you expect me to do? tapos sinasabi mo na andito siya?"

 

 

"Sssshh Cheche, bata to kaya wag ka naman magmura please lang. Nagagaya niya yung mga mura eh, pinagbabawalan nga siya ni Imperia na magsabi ng mga ganyan."

 

 

"Minjeon para kang kumakausap sa salamin. Hahahaha"

 

 

"Lucila seryosong usap to, wag ka muna maingay."

 

 

"Is she here?! oh god." Napahawak siya sa mga braso niya at halatang kinikilabutan. "Wag ka matakot Cheche andito naman ako."

 

 

"But it is a ghost! My god halika na lumabas na tayo please!" 

 

 

"Wag kang sumigaw sabi at baka magalit si ate. Wag ka matakot kasi mabait siya at sobrang cute."

 

 

"But the fact that she is dead and you are still talking to her. Tangina napaka creepy. Grabe na yung kilabot ko."

 

 

"Yung mura naman oh. Che makinig ka, hindi mo lang kasi siya nakikita pero sinasabi ko sayo hindi siya nakakatakot. Andito nga siya sa harap natin, ayan o nakatingin sayo ngayon." kumaway pa talaga sakanya si Lucila kaya natawa ako. "Batang babae na tatlong taon, sobrang cute niya, parang siya yung baby namin. Lahat kami inaalagaan siya, lalo si Imperia kaya medyo siga itong bata na to."

 

 

"Oh god. I don't know what to say. Is she a good spirit or, you know."

 

 

"Pinaghihinalaan mong bad spirit itong bulilit na to? Hahahaha asa." nakita ko kung pano napasimangot si Lucila at sumama ang tingin kay Cheche. "Kung pano yung mga bata na nakikita mo, ganun siya pero makaluma yung style. 1920s nung pinanganak siya pero ibahin mo tong bata na to dahil sobrang updated siya lalo sa mga kanta. Impluwensya ni Gisele. Tsaka kahit may pagka pilya at makulit, sobrang bait kaya siya yung pinaka favorite ko na bata sa mundo ng mga patay!" kinuha ko si Lucila at binuhat ko. Humahagikgik pa siya habang niyayakap ko. Alam ko na takang taka na yung kapatid ko sa nasasaksihan niya. "Oh my, this is so surreal Minjeong."

 

 

"Kung pwede lang sana na makita niyo siya, sigurado matutuwa kayo sakanya. Si Layu matagal na din siya gustong makita kaso wala eh, imposible. Si Minji lang ang nakakakita sakanya kasi nga clairvoyant, magkakilala na nga sila."

 

 

"It's weird yet kinda amazing when you think about it."

 

 

"Sobra. Namangha din talaga ako nung first time na nahawakan ko siya. Nakakatuwa din kausap to, magaling sumagot."

 

 

"What's her name again?"

 

 

"Lucila Suarez. Dun nakatira sa mansyon matagal na siya dun, kahit nung hindi pa tayo pinapanganak."

 

 

"Mag iingat ka nga Minjeong when you talk to her. Baka isipin ng ibang tao kung ano na nangyayari sayo. I went to my room just to get my phone tapos narinig kita na nagsasalita, hindi mo pa sinara yung pinto mo."

 

 

"Sorry, thank you sa paalala."

 

 

"Anyway, where is she again?" tinuro ko yung kandungan ko. "Andito siya nakatingin sayo at nakikinig. Subukan mong kausapin."

 

 

"Lucila nice to meet you. Pasensya ka na kung natatakot ako." bati ni Cheche.

 

 

"Uy nice to meet you daw sabi ng kapatid ko. Alam mo ba na artista siya?" pinapaharap ko si Lucila nung pilit siyang sumusubsob sakin. Nagtatago na dahil biglang nahiya nung kinakausap siya. "Anong sasabihin mo? nice to meet you daw." humagikgik nanaman siya at tuluyan nang nagtago. "Che nahihiya siya sayo."

 

 

"I'm sure you are really cute and pretty Lucila. You seem to adore her so much Minjeong."

 

 

"Mas maganda siya sayo Minjeon." nagulat ako sa sinabi nitong bata na kinakalong ko. "Ha? Ulitin mo nga."

 

 

"Mas maganda si Cheche." bulong niya sakin sabay tago.

 

 

"Anong mas maganda pinagsasabi mo dyan? ay wala ka palang loyalty sakin ha. Che mas maganda ka daw sabi niya."

 

 

"Hahahahaha she did? how come even ghosts are roasting your Minjeong?"

 

 

"Kung ano ano sinasabi nito eh, madaming alam."

 

 

"We are the same because Minjeong is my kambal. Magkamuka lang kami and she is even prettier." sagot ni Chaewon kahit hindi naman niya nakikita yung kausap niya.

 

 

"O kita mo na?"

 

 

"Totoo naman po yung sinabi ko."

 

 

"Ah talagang ipipilit mo pa ha. Labas na nga tayo. Ito na yung unan o." binigay ko kay Cheche yung dalawang unan at kumuha pa ako ng isa para kay Catalina. "Dun na tayo mukang mahaba haba pa yung gabi."

 

 

"Definitely. Let's go."

 

 

"Che teka, may aaminin pala kami sayo pero wag ka magagalit ha."

 

 

"What about?"

 

 

"Itong bata na to, madaming beses nang nakapunta sa condo mo kasi pag lumuluwas kami kasama siya. Tsaka alam mo ba yung pinaka paborito niyang tambayan dun? yung gym mo."

 

 

"Wait hold on. The whole time?"

 

 

"Uhm oo, minsan pag umaalis kami ni Catalina naiiwan siya sa place mo kaya nung mga time na andun ka."

 

 

"May kasama ako. I swear I'm gonna fu-"

 

 

"Ops no cursing! hahahahahaha aray!!" tawang tawa ako nung kinalabog niya yung likod ko dahil sa inis niya. "Sige isa pa ang sakit ha, isusumbong na kita kay ate!" lalo pang humagikgik sa tawa itong bata na naka pasan sa likod ko.

 

 

"Sige isusumbong ko din na nagdadala ka ng vampires tsaka multo dito!"

 

 

"Sshhh marinig ka."

 

 

"Minjeong ano na, sasabihin ba natin kay ate Taeyeon yung nangyari na pag convert sayo?"

 

 

"Oo. Nakapag desisyon na ako, sasabihin natin sakanya." pinauna ko nang lumabas si Cheche at sumunod kami sa kanya ni Lucila.

 

 

Next year bago maging kami ni Catalina, gusto ko nang aminin sa ate ko ang lahat ng nangyari sakin itong taon na to. Bilang nakatatandang kapatid namin karapatan niya na malaman kung ano yung matinding pagbabago na naganap sa buhay at katauhan ko. Hindi ko din naman pwedeng itago dahil pag tagal makakahalata na sila na hindi kami tumatanda nila Catalina.

 

 

 

3:00am

 

Kahit pa brownout, okay pa din tumambay sa labas kanina dahil bilog yung buwan at nagdala naman kami ng mga pamaypay. Good for four months yung mga baon na kwento ni Vivian kaya siya yung naging bangka ngayon gabi at kami naman yung mga tga pakinig niya. Namiss namin yung mga ganun tambay. Puro tawanan at kwentuhan na napaka random hanggang magkaayaan nang pumasok at magsi-uwi ng madaling araw.

 

 

Tumutugtog sa headphones ni Catalina: Area Codes by Kali

 

 

"Oo na ssshh wag ka na kumilos."nakatalukbong kami ng kumot habang nakapatong ako kay Catalina at nagkkiss kami. May bata kasi na bigla biglang lumilitaw dito sa kwarto ko kaya nagtatago kami at hindi kami makatodo ng kilos.

 

 

Nakapalibot yung braso niya sa batok ko at yakap niya ako habang patuloy na naglalaban yung mga dila namin. "Uh hmm" snsuck ko yung dila niya at medyo kinakagat naman niya yung labi ko. "ugh" napaungol ako nung humalik nanaman ng napaka lalim si Catalina sabay hatak ng mahina sa buhok ko. "Hmm" pinalibot ko na yung mga braso ko sakanya at niyakap ko ng mahigpit. Ang sarap ng paghalik na ginagawa niya, aggressive, medyo mabilis, babagal sabay didiin tapos ipapasok nanaman niya yung dila niya. Mahirap talaga magpigil kaya hindi kami matapos tapos dito. "Ahh"kinabig ko yung leeg niya at mas nilaliman ko pa yung paghalik kay Catalina. "ILABAS MO PA YUNG DILA MO MINJEONG GUSTO KO ISUBO!" agad kong tinakpan yung bibig niya at lumabas ako sa kumot nung nagsalita nanaman siya ng malakas. "Baba yung boses jusko andyan lang si Cheche sa katabing kwarto sabi." inalis ko yung headphones na gamit niya. "Ano ba naman Catalina, gabi gabi nalang na matutulog tayo kailangan bang nakasuot ka nito? kaya napapalakas yung boses mo eh."

 

 

"Gusto ko lang naman gamitin at makinig ng mga kanta. Hindi ba pwede?"

 

 

"Hindi naman sa hindi pwede pero kasi tuwing matutulog tayo kailangan pa talaga naka headphones at nagpapatugtog ka?! Parang nakatahi na yan sa ulo mo eh." hindi ko napigilan magtaas ng boses dahil naiirita na talaga ako.

 

 

"Bakit nagagalit ka sakin Minjeong?"

 

 

"Hindi ako nagagalit, sinasabi ko lang."

 

 

"Okay sige hindi na. O ito na yung headphones mo. Pasensya ka na na hinihiram at ginagamit ko." napalakas yung abot niya sakin at napansin ko na parang namumula yung pisngi niya. "Wag ka mag alala hindi ko na ulit gagamitin yan."

 

 

"Huy teka nga," tumayo bigla si Catalina kaya hinatak ko siya pabalik sa kama. "Baba I'm sorry hindi naman sa ganun, hindi ko naman pinagdadamot yan sayo. Okay lang na gamitin mo, ang sakin lang para kasing nagiging parte na ng ulo mo yan headphones na yan. Tuwing gabi nalang na natutulog tayo hanggang pag gising suot suot mo yan, ni-hindi ka na nga makatagilid sa kama dahil dyan."

 

 

"Gusto ko lang naman makinig ng mga kanta. Tsaka mas sumasarap kasi ang tulog ko."

 

 

"Oo naiintindihan ko naman yun. O sige okay lang kung nakakatulong pala yan sa pagtulog mo. Gusto ko lang na maging komportable ka Catalina. Napapansin ko kasi minsan na gusto mong tumagilid pero hindi mo magawa kapag suot mo yan, tsaka hindi mo kasi namamalayan na ang lakas ng boses mo." pilit ko siyang inaya at pinahiga sa tabi ko. Kinuha ko din yung headphones at sinuot ko na sa ulo niya. "O ito na yung phone mo, makinig ka na ulit. l'm sorry." hindi na sumagot si Catalina pero tinanggap niya yung phone na inabot ko. Umayos na din ako ng higa at niyakap ko na yung unan.

 

 

Tumagilid ako saglit para tignan ang ginagawa niya, mukang nagpapatugtog na ulit dahil nakahiga na siya at nakapikit na. Bumangon ako para mag good night sakanya bago ko hinalikan sa pisngi."I love you."  Nung hindi siya kumikibo, tumalikod at pumikit na din ako.

 

 

"Hmm, o ano yun?" naramdaman ko nalang yung mga kamay niya na dahan dahan yumayakap sakin. Naka back hug sakin si Catalina habang nakahiga kami. Bigla siyang bumangon at sinilip ako. "I love you too. Sorry Minjeong." mahinang sambit niya."Okay lang. Matulog ka na." binuklat at inayos ko yung kumot namin. "Usog ka pa dito para makumutan ka." lumapit siya at mas yumakap sakin."Bubu bakit nagkukumot ka ngayon?"

 

 

"Ha? ang ginaw eh hindi ka ba giniginaw? Ang lamig ng simoy ng hangin kahit hindi umuulan."

 

 

"Napansin ko nga din. Parang biglang nagbago yung panahon."

 

 

"Nung nakatambay tayo sa labas kanina sobrang init pero nung andito na tayo sa kwarto tangina para tayong nasa loob ng ref."

 

 

"Hahahaha totoo. Akala ko naman ako lang ang nakapansin." banggit ni Catalina, ito yung nahalata ko pag pasok namin dito sa kwarto pero nakalimutan ko lang sabihin sakanya. Kanina, pagkatapos namin mag wash up at humiga sa kama, ramdam ko na mas lumamig pa.

 

 

"Ano ba temperature ngayon, sandali nga check ko. Parang ang weirdo na biglang lumamig, o hindi kaya babagyo?"

 

 

"Pero bilog ang buwan at madaming bituin sa langit." inabot ko yung phone ko sa nightstand at tinignan ko yung weather. "Wala naman ulan." banggit ko habang chncheck ko yung temperature."Ano nakalagay, ilan?"

 

 

Nakakapagtaka lalo nung nakita ko yung temperature sa phone ko. Thirty four degrees celsius ngayon dito sa San Jorge tapos ganito kaginaw. "Thirty four, pano nangyari? hahaha pero okay lang kasi para tayong naka aircon. Tsaka mas masarap mag cuddle at matulog lalo na katabi kita." binalik ko yung phone ko sabay ayos ng higa. "Hahaha oo nga, dali na hug na Minjeongie."

 

 

"Hahaha oo na ito na. Bati na tayo?"

 

 

"Siyempre, hindi naman tumatagal ang away natin. Dali na Bubu dyan ako sayo." inayos niya muna yung headphones bago ako pumasok sa kumot. Niyakap ko si Catalina nung sumiksik at sumandal na yung ulo niya sakin. "Mas okay yung ganito kalamig noh kesa sobrang init."

 

 

 

 

Araw ng Halloween Party 11:00am sa Mansión de los Condenar

 

 

Tumutugtog sa speakers sa bakuran ng mansyon: America Has A Problem by Beyonce

 

 

Andito ako sa tree house para mag linis at inaayos ko yung mga laruan pati yung cabinet ni Lucila. "Pwede na po?"

 

 

"Oo sige andun sila Gisele dun ka lang sakanila. Wag pupunta sa bangin tsaka sa gate ha, teka wag mo muna suotin yan!" lalabas na dapat siya pero pinigilan ko. Hindi ko kagad napansin na sinuot na pala niya yung kapa ng paniki na costume nya. "mamaya pa pag dumating na sila Cheche. Alas sais pa yung start ng party."

 

 

"Minjeon sabi ni doctora Yesenia mag titik or teeth ako."

 

 

"Trick or treat? oo nga mamaya pa din yun pag andito na lahat. Mag gaganun kayong dalawa ni Sito. Lucila nasaan pala yung water gun mo bakit wala dito?"

 

 

"Bababa na po ako, bbye!" hindi manlang ako sinagot at naglaho siya sa hangin. Simula nung narinig niya yung patugtog nila Gisele kanina pa siya atat na atat bumaba sa bakuran.

 

 

Sobrang abala kaming lahat ngayon dito sa mansyon, nag aayos sa kusina sila Catalina at si doc Yeji at nasa bakuran naman yung iba. Tinatapos nila yung pag dedecorate sa lamesa, kinalat na yung mga lanterns sa damo at inayos din nila yung hiniram na sound system sa barangay hall. Maaga nagpunta dito si Ryujin dahil kailangan namin matapos sa paghahanda bago pa magtakip silim.

 

 

Maaga akong nagising, naglinis ako sa unang palapag ng mansyon,winalis ko yung bakuran at isinabay ko na din itong tree house. Aayusin ko lang dapat yung mga laruan pero napilitan akong linisin ng buo dahil nakakaamoy ako ng bawang dito mismo sa loob. Sure ako na bawang yun dahil medyo nahilo at nawala ako sa balanse nung suminghot ako ng malakas.

 

 

[static sound]

 

 

[static sound] "Bubu,"

 

 

[static sound] "Minjeongie naririnig mo ba ako?"

 

 

[static sound] "Hello?"

 

 

Pinapakinggan ko lang si Catalina na nagraradyo sa walkie talkie ni Lucila. Andun siya ngayon sa loob ng mansyon.

 

 

[static sound] "Alam ko na andyan ka sa taas kaya ginamit ko to."

 

 

[static sound] "Minjeong?"

 

 

Dinampot ko yung walkie talkie at sinagot ko siya. Malamang may iuutos nanaman sila o may kailangan sakin si Catalina.

 

 

[static sound]

 

 

[static sound]

 

 

*press* "Hello ano po ang order niyo?"

 

 

[static sound] "Naririnig mo ba ako? hindi ka sumasagot."

 

 

[static sound] *press* "Ay wala pong ganyan pangalan dito." pinipigilan ko yung tawa ko dahil nararamdaman ko na mapipikon siya.

 

 

[static sound] "Bu, tapos ka na ba dyan sa taas. Hindi ka pa babalik dito?"

 

 

[static sound] *press* "Sino po yun?"

 

 

[static sound] "Ano ba Minjeong!"

 

 

[static sound] *press* "Wala ako dito Catalina wrong number ka bye! Eeeeeeehhh toot toot toot"

 

 

[static sound] "Minjeong isa!!"

 

 

[static sound] *press* "Hahahahahahaha joke lang, ano ba yun? Baba ang cute lalo ng boses mo kapag sa walkie talkie. Mas nadagdagan tuloy yung naffeel ko para sayo. Mga isa't kalahating patak."

 

 

[static sound] "Hahaha kung ano ano nanaman sinasabi mo.

 

 

 [static sound] *press* "O bakit parang kinikilig ka?"

 

 

 [static sound] "Hahahaha wag ka makulit."

 

 

[static sound] *press* "Bakit mo ako hinahanap at bakit ka nag raradyo? over."

 

 

[static sound] "Anong over? Gusto ko lang sabihin na alas kwatro maligo ka na at mag rready na tayo."

 

 

[static sound]  *press* "Napaka advanced mo naman mag isip alas onse palang ng umaga, over."

 

 

[static sound] "Pinapaalala ko lang sayo dahil baka mahuli ka nanaman kumilos."

 

 

[static sound]  *press* "Okay. Tapos na ako dito kaya pupunta na ako dyan. Over."

 

 

[static sound] "Sige, naayos na namin ni Yesenia yung mga snacks at yung ibang pagkain na dala niya, ilalabas nalang natin mamayang hapon."

 

 

[static sound]  *press* "Okay. Yung mga drinks nilagay ko na sa cooler kanina. Over."

 

 

[static sound] "Ano ba yan over ka ng over. Seryoso ako Minjeong."

 

 

[static sound]  *press* "Seryoso din ako Baba. Over."

 

 

[static sound] "Bumaba ka na dito kung ayaw mong i-over kita dyan Minjeongie."

 

 

[static sound] *press* "Ha ha ha ha ha, over."

 

 

[static sound] "Isa!"

 

 

[static sound]  *press* "Oo na punta na ako dyan."

 

 

 

 

Mula dito sa railing ng tree house sinakyan ko yung walis tingting na pinanglinis ko sabay lipad kung nasaan sila Ryujin. Dahan dahan yung lipad ko at dun ako nag landing mismo kung saan sila nakatayo.

 

 

"Ay tangina may pa-grand entrance pa. Ano bang trip mo? tsaka anong ginagawa mo Kiminjeong bakit parang ikaw lang yung hindi tumutulong?"

 

 

"Kanina pa ako naglilinis nung wala pang liwanag. Layu hahaha ano to?! wow naman!" manghang mangha ako nung nakita ko na may nakasabit pala na disco ball dito kung saan kami nakatayo. Napansin ko din na parang may space na malawak at gawa sa kahoy."ano to, stage?"

 

 

"O ano okay ba? nagpahanap pa ako ng plywood kila mang Dante para may dance floor tayo."

 

 

"Ayos to, sino nakaisip?"

 

 

"Sino pa nga ba, kami ni Hon. Halloween party nga eh. Sulitin natin yung hiniram ko na speaker kila Chairman. Okay ba Kiminjeong, maganda?"

 

 

"Oo sobra, ang cool ng idea niyo. Sigurado magugustuhan nila Vivian to. Tsaka yung design dito sa bakuran natin ang ganda, para yung sa mga horror house sa amusement park. Picturan natin ng madami."

 

 

"Oo lalo na mamayang gabi kapag nakasindi na yung mga ilaw. Saan ka ba pupunta?"pinakita ko yung hawak kong dust pan, mga walis pati na din yung mga trash bag. "Ibabalik ko lang to tapos tutulong na ako dun sa loob."

 

 

"O sige. Oo nga pala makikiligo ako sa cr niyo mamaya ha."

 

 

"Sige dun ka nalang sa taas, may mga toiletries na din dun, gamitin mo yung sakin."

 

 

Nag teleport ako papunta sa hapag kainan dahil baka kailangan nila ng tulong sa mga handa mamaya.

 

 

Nagpunta ako sa kusina pero wala na si Catalina at si doc Yeji lang yung may inaayos sa ref.

 

 

"Catalina?" sigaw ko habang tumatakbo ako paakyat sa hagdan. "Baba" wala siya sa ibang area ng mansyon kaya sigurado bumalik na siya sa kwarto namin. "Catalina? Catalina my baby asaan ka?!" Naabutan ko siya na may inaayos sa aparador.

 

 

"Hinahanap kita kanina pa. Nammiss na kita." Yumakap ako at sinasadya ko talagang higpitan dahil inaasar ko siya. Binibigatan ko din yung katawan ko at mukang hindi siya nakakahalata."I miss you." bulong ko habang knkiss ko siya sa pinsgi.

 

 

"Minjeongie aray ko naman. Wag ka magpabigat ng ganyan."

 

 

"Sorry. I'm sorry Catalina my baby."

 

 

"Hahahaha kung ano ano nanaman tinatawag mo sa akin. Grabe ramdam ko ang pagka galak mo. Ang saya saya mo ngayon Minjeong, nag uumapaw." nakatanggap ako ng peck at halik sa magkabilang pisngi nung hinarap ako ni Catalina."Ikaw din, naffeel ko na masaya ka. Ba, pwede ko ba ulit makita yung costume ko?"

 

 

"Nanaman? hindi na kakaayos ko lang. Ilan beses mo nang tinitignan yun."

 

 

"Ano ba yan o sige na nga mamaya nalang. Anong gagawin natin mukang okay na sila sa baba. Nakaayos na din lahat, natakpan na yung mga lamesa."

 

 

"May nakalimutan ka. Isipin mo mabuti."

 

 

"Ano?"

 

 

"Yung mga bungo na ilalagay mo."

 

 

"Ah oo nga pala. Buti pinaalala mo. Saan mo tinago yun?"

 

 

"Sa pinaka taas, dun ko sinadyang itago para hindi mahanap ni Lucila, gusto niyang paglaruan."

 

 

"Dun sa tuktok, sa attic? Bakit dun, samahan mo ako. Alam mo na hindi ako umaakyat dun kasi natatakot ako."

 

 

"Ano ba yan napaka duwag mo talaga. Ikaw pinipili mo lang ang pagiging matapang mo. Sige ako na ang bahala kumuha mamaya."

 

 

"Okay, labas muna ako, dun lang ako kila Layu. Sunod ka nalang."

 

 

"Mag aayos muna ako dito, pero Bubu umakyat ka dito bago mag alas kwatro. Maligo ka na."

 

 

"Okay."

 

 

 

 

5:20pm 

 

Nakabihis na kami ni Catalina at ngayon nag aayos nalang. Hindi ko inakala na seryosohang party pala yung magaganap dito sa mansyon. Ang lakas ng sounds sa baba at lahat kami parang may

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1151 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko