Chapter V

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Ano kaya tong nararamdaman ko, first time kong makita itong patay sa kabaong pero parang may biglang nag spark sa loob ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, ramdam ko na kinakabahan ako na halos umaabot na sa tiyan ko. Parang tumigil ang oras, siya lang ang nakikita ko at tanging yung paboritong kanta lang ni Layu ang naririnig ko sa utak ko. Sino kaya itong nasa harap ko, bakit parang matagal ko na siyang kilala. Ramdam ko yung koneksyon namin kahit pa muka siyang malamig, matigas at hindi na gumagalaw.

 

 

"Hoy! Kiminjeong! Ano ba, na-pako ka na dyan."

 

 

"Ha?"

 

 

"Bakit ka nakatitig dyan?"

 

 

"Hindi nag iisip lang ako. Layu sino kaya to?" hindi ko pa din inaalis yung tingin ko sa babae na nakahiga dito sa kabaong. Pinagmamasdan ko yung detalye ng muka niya, napaka tangos ng ilong, yung labi niya mukang kissable siguro to nung nabubuhay pa siya tapos napansin ko din na may nunal siya malapit sa bibig. "Kiminjeong!" nagising yung diwa ko ng sumigaw nanaman si Ryujin. "Ano ba! nakakagulat ka, ang ingay ingay mo."

 

 

"Hindi ka na gumagalaw dyan!"

 

 

"Hindi, iniisip ko lang kung sino siya. Kilala mo ba to, nakita mo na ba dati to sa purok natin o sa bayan?"

 

 

"Yun nga gusto ko itanong sayo, baka naman kamag anak niyo to na ibuburol dito?"

 

 

"Ha? wala naman kami nabalitaan na namatay."

 

 

"O baka naman kamag anak niyo na matagal ng namatay tapos pina wax para ma-preserve."

 

 

"Hindi, hindi ko nga alam eh tsaka hindi ko to kilala." 

 

 

"Tingin ko pina-wax nga to. Ang galing eh mukang natutulog lang. Yung buhok niya, parang sa buhay na tao pa din." lumipat ako sa bandang ulunan at ginaya ko si Layu. Hinawakan ko din yung buhok nung nakahiga. "Kung pina-wax edi ibig sabihin totoong tao to?"

 

 

"Malamang gago. Tingin ko kamag anak niyo to baka hindi ka lang updated. Ano nga pangalan niya, dba nakita mo dyan kanina?" sinilip ko ulit yung nakaukit na silver sa bandang paanan. "Catalina, ito nga siguro yung pangalan niya. Layu grabe ang ganda niya, mas maganda pa siya sa ibang artista na kakilala ni Cheche."

 

 

"Oo nga eh ang ganda ng muka, sayang naman ang bata niya namatay."

 

 

"Ano kaya kwento niya tsaka bakit siya nandito sa mansyon?"

 

 

"Tanga ano pa nga ba! Hindi nagpapatira ng tao si Mang Dante pero nag negosyo siya dito ng funeral parlor." mukang tama nga ang hinala ni Ryujin. Walang tumira pero may ginagawa sila dito.

 

 

"Ay tangina oo nga noh. Ang gago naman, jusko magagalit si ate Taeyeon nito. Teka nga, yan tatlong natitirang kabaong may laman din kaya? pero ang galing noh walang amoy bulok."

 

 

"Oo wala naman masamang amoy, tara silipin natin. Kawawa sila noh kasi basta basta iniwan nalang dito, itanong natin kay Mang Dante sino pamilya nila para makuha nila tong bangkay ng maayos."

 

 

"Oo, tama. Hindi pwedeng naka tambak lang sila dito baka mabulok. Tsaka bahay to noh, hindi naman to funeral parlor tangina naman. Pinalabas na malas para makapag negosyo ng illegal, alam mo sigurado ako walang permit to."

 

 

"Sigurado yan kasi kung meron alam na dapat ni Mayora. Kailangan maibalik sa mga pamilya nila tong mga to para mailibing ng maayos."

 

 

"May naisip ako, kapag kinausap natin si Mang Dante, hahayaan ko nalang siya na tapusin tong mga to para makuha ng mga pamilya nila. Baka kasi hinihintay sila para iburol."

 

 

"Oo tama yan. Alam mo ba kung saan nakatira yun?"

 

 

"Sasabihin ko nalang kay ate na papuntahin niya bukas para kakausapin natin. Pero hindi ko na siya isusumbong, papalampasin ko na tong ginawa niya."

 

 

"Alam mo tarantado ka pero napaka bait at pasensyosa mo talagang tao. Nagagalit ka pero ang bilis mo magpatawad."

 

 

"Ay salamat ha, nakaka-touch naman yan sinabi mo leche ka. Silipin nga natin tong natirang tatlo baka may inaagnas na dito eh. Tignan lang natin bago tayo umuwi. Kailangan ko na makabalik sa bahay nammiss ko na si Sharpay, baka hinahanap na ako nun."

 

 

"Sige sige sabi sayo dapat isinama mo nalang yung anak mong biik eh, unahin natin yung nasa kabilang dulo. Pusta ko talaga may laman din yan. Pero bago natin buksan yun, isara muna natin to, si Catalina."

 

 

"Ano? isasara mo na? Hindi wag nalang muna, mamaya nalang. Tignan muna natin tong mga to."

 

 

"Bakit? o sige na nga tara na." nagpunta kami sa kabilang dulo, yung kabaong na gawa sa kahoy pero may bronze sa bawat kanto. Inangat niya kagad yun takip, "Kiminjeong, ayaw bumukas naka lock." sinusubukan ni Ryujin tanggalin yung lock na mukang gawa sa tanso. Matigas nga at ayaw ng matanggal. "Alam ko na, sorry pero kailangan ko gawin to." kinuha ko yung crowbar na pinang bukas ko ng bintana at pilit kong binuksan yung lock. "O ayan na, inaangat din ba ng buo yung takip?" sinilip ko yung gilid, pwede atang buksan gaya ng normal na kabaong. "Tinutulak lang pala, buksan mo na." inangat ni Ryujin ng kaunti yung takip at sinilip yung nasa loob, "May laman nga to pero walang amoy. Tulungan mo ako ang bigat masyado, ano ba naman tong mga kabaong na to ayaw magpa bukas?!" tumabi ako kay Ryujin at hinawakan na namin pareho yung takip. "Bibilang ako, isa..." nagsimula akong magbilang at inangat namin yung takip ng kabaong. May bangkay nanaman na nakahiga, babae na mahaba yung buhok at sobrang tangos ng ilong. "Kiminjeong, white girl to oh, gago foreigner!" tinignan ko mabuti yung nakahiga, pareho nung nasa kabilang dulo nakasuot din siya ng mahabang dress na kulay itim. Sinubukan kong hawakan yung damit niya, ang kapal ng tela at parang napakainit nito pag sinuot. "Sino naman kaya to, muka siyang may lahing caucasian. Saan kaya pinag kukuha ni Mang Dante itong mga kliyente niya?"

 

 

Kinalabit ako ni Ryujin nung tumabi siya sakin."Napansin mo ba, ang bata nilang dalawa tapos ang gaganda." parehas lang din pala kami ng naiisip. Sobrang nakakapag taka itong mga nakikita namin dito sa mansyon. Madami talagang kailangan ipaliwanag samin si Mang Dante.

 

 

"Tingin mo, ka-edad natin sila?" pahabol na tanong ni Ryujin. "Hindi ko alam eh, pero grabe bakit naman sila napunta dito. Nakakapag taka talaga, yung isa foreigner pa. Tignan na nga natin yung natitirang dalawa." pinagtulungan namin isara yung takip ng kabaong. Iniisip ko yung babae na nakahiga, ka-hulma niya yung nang peste sakin sa panaginip ko, yun yung araw na kinatok ako nila Manang Carmen kaya ako nagising. O pwede din na dahil sa suot niyang damit at kulay ng buhok niya na medyo brown.

 

 

Lumipat kami sa katabi, itong kabaong na to ang pinaka pansinin kapag nakikita na sa liwanag. Yung itsura ng kabaong, dark brown na papunta na sa kulay itim, may mga silver kada kanto at bawat gilid may lock. "Anong pangalan yung nakasulat dito?" tanong sakin ni Ryujin. "Impierna" pinunasan ko muna yung salamin ko at binasa ko ulit yung pangalan na nakaukit. "Ay Imperia pala, mali ako ng basa. Tanggalin ko na yung lock dito, ikaw na yun dyan." binuksan ko na yung lock sa paanan at yung isa sa kaliwa. "Ito na yung bareta Layu, ikaw na yung mag alis dyan." inabot ko sakanya yung crowbar at nagsimula na siyang buksan yung natitira pa na dalawang lock. "Hala gago," pumunta ako sa tabi niya para tignan kung ano yung nangyari. "Hala nasira, nako sayang naman, natanggal ng buo. Sige hayaan mo na ayusin nalang natin mamaya." nagpunta na si Ryujin sa tapat ng kabaong at binuksan ang pinaka huling lock. Pagka angat namin, grabe. Para kaming nakakita ng diosa na naka higa at wala ng buhay, jusko ang ganda din nitong bangkay na tinitignan namin. "Gago bakit naman ang gaganda nila tapos ang aga namatay? Mukang bata pa din to eh, tsaka tignan mo Kiminjeong, napansin ko iba yung damit nito ni Impierna kesa dun sa dalawa. Baka naman princess kemme to kung saan bansa." 

 

 

"Hahahahahahaha tanga anong Impierna! Imperia, yun yung nakalagay dyan. Pangalan kaya niya yun o brand nitong kabaong?"

 

 

"Hindi na importante yan, ang pinagtataka ko lang, bakit puro babae yung mga patay na nandito tapos ang gaganda nila. Saan sila nakuha ni Mang Dante, sino pamilya nitong mga to. Wala naman ako nakitang ganito kagaganda sa probinsya natin noh. Bukod sayo tsaka sakin pala, tsaka kay mayora tsaka kay Cheche tsaka kay Minji."

 

 

"Tangina nilahat mo na, bakit di mo pa isama si Sito?"

 

 

"Hahahahaha gago, naiintindihan mo naman siguro yung ibig kong sabihin."

 

 

"Pero totoo sobrang ganda, parang mga hindi bangkay eh. Tsaka iisa itsura nila tignan mo, yung nasa magkabilang dulo parehas maganda muka, mahaba buhok tsaka nakasuot ng itim na mahabang damit. Tapos ito din, hindi kaya magkapatid sila ito tsaka yung Catalina?"

 

 

"Hindi ko alam eh. Sa sobrang ganda muka silang buhay. Teka nga kaya mo ba sila hawakan? pakiramdaman mo lang kung matigas o malamig."

 

 

"Ako lang hahawak? dapat tayong dalawa!" sigaw ko sakanya at medyo natatawa ako. Akala ata ni Ryujin maiisahan niya ako, baka kasi may mikrobyo na tong mga to lalo kung matagal ng nakatago dito. "Sige pero mamaya na natin tignan kung matigas sila, silipin muna natin yung natitira pang isa. Halika isara na natin to." pinagtulungan namin isara yung takip nitong kay Imperia. Isa pang napansin ko, masyadong mabigat ang mga takip, ibig sabihin puro gawa talaga sa magagandang kahoy yung mga kabaong na to. Tsaka malinis at wala manlang alikabok.

 

 

Tumapat naman kami ngayon dito sa kabaong na may nakaukit na malaking dragon sa ibabaw. Ito nalang yung natira na hindi pa namin nabubuksan. "Iangat na natin anong oras na. Sige, tulak!" sabay namin tinulak pataas yung takip, at gaya nung tatlo meron nanaman bangkay ng babae na mahaba ang buhok at nakaitim. "Grabe, ang bata naman namatay nito." komento ko habang tinitignan ko yung muka nitong nakahiga sa harap namin. "Ano sa tingin mo kinamatay nila? ito sigurado ako hindi ko pa siya nakikita kahit kailan dito satin." tinignan ko yung katabi ko, mukang natameme at natahimik na. "Huy, Layu! ano ba yan."

 

 

"Tinatawag mo ako? Ano yun?"

 

 

"Sabi ko ang babata nila namatay ano sa tingin mo dahilan, nagkasakit? tsaka sigurado hindi sila taga dito satin. Kahit kailan pati sa bayan hindi ko pa nakita tong mga to. Maliban lang dun sa isa sa dulo, yung may Sorin na pangalan. Kahawig niya ata yung nang gugulo sa panaginip ko." hindi nanaman siya sumagot at nakatingin lang siya dito sa nakahiga. "Huy!" pumalakpak ako malapit sa muka niya kaya nagulat siya. "Ano ba yan nakakagulat ka naman Kiminjeong."

 

 

"Hahahahaha para kasi akong walang kausap dito eh. Masyado ka naman nakatitig dyan."

 

 

"Hindi kasi, pano ko ba, basta."

 

 

"Ano yun?"

 

 

"Ang ganda kasi niya parang nahumaling ako bigla alam mo yun. Tapos nacurious ako sa kung sino siya at ano ba yung buhay niya."

 

 

"Ah, baka kasi ngayon lang tayo nakakita ng mga ganitong patay. Hindi sila mukang patay noh, mukang natutulog lang. Pero naaamoy mo ba?"

 

 

 "Yung parang pabango ng matanda? oo naaamoy ko sakanila ba galing yun? hindi din sila amoy formalin." umamoy ako sa kwarto, ang lakas ng amoy na parang bulaklak at amoy pabango ng matanda. "Amuyin mo kaya siya ng malapitan Layu, para malaman natin."

 

 

"Ha?! gago ka ba? mamaya may sakit yan eh."

 

 

"Wala yan sus, tignan nalang nga natin kung matigas o malamig sila."

 

 

"Ako lang hahawak?! dapat ikaw din napaka daya mo ha!"

 

 

"Hahahahahaha para hahawak lang eh. Tara dun tayo sa dulo yun yung hawakan natin." Inaya ko siya na lumipat dun sa nakahiga sa dulo.

 

 

"Eh kakasara lang natin sa kabaong nun eh, bubuksan nanaman natin? ang bigat kaya baka maipit pa kamay natin dun."

 

 

"Hindi naman kasi yun yung sinasabi ko eh, ayan" tinuro ko yung isa pang naiwan na nakabukas. "tignan natin kung matigas, yan yung nasa kabilang dulo yung may nakalagay na Catalina."

 

 

"Bakit hindi nalang ito Kiminjeong? nasa harap na natin mismo."

 

 

"Eh kasi ano, mas mukang luma yung kabaong nun eh, baka mas matigas siya."

 

 

"Ano?" ang bagal naman makaintindi nito ni Ryujin nakakainis. "Baka kasi ano, basta yun nalang yung tignan natin."

 

 

"Ayaw ko! Gusto ko ito eh, andito na tayo. Tsaka mas mukang mabait to, sigurado ako cute to nung nabubuhay pa siya."

 

 

"Ha tangina sinabihan mo ng cute yung bangkay? Ano ba pinagsasabi mo? O sige, ikaw dito dun ako sa isa kung ayaw mo. Maghiwalay tayo."

 

 

"Sige, pero sabay tayo wag mo akong dadayain Kiminjeong!" bumalik na ako sa pinaka dulong kabaong, kay Catalina kung yun man ang pangalan niya. Tinignan ko siya, muka talagang siyang natutulog kaya hindi siya nakakatakot. "Handa ka na?" tanong sakin ni Ryujin. "Saan natin hahawakan?!" pasigaw na tanong ko sakanya. "Ha? ano ba naman tanong yan! Dali na, aabutin na tayo ng tanghali dito. Ang ingay mo!" binalik ko na yung tingin ko sa nakahiga sa harap ko. "Layu ito na gagawin ko na!" dahan dahan kong hinawakan yung muka niya. Sobrang lamig ng balat niya pero napaka lambot na maihahalintulad sa buhay na tao. Tsaka grabe, ang ganda talaga ng muka niya.

 

 

"Layu ang lambot at ang kinis ng muka niya!"    "Kiminjeong ang lambot ng kamay niya!"

 

 

"Ay kamay pala! Ang lambot ng kamay niya Layu!"

 

 

Nilingon ko siya, hindi ko siya makita dahil natatakpan siya ng takip ng kabaong."Seryoso nakahawak na ako ng patay dati pero hindi ganito. Ano nga pangalan nito?" nagpunta siya sa likod at sinilip niya yung nakaukit sa takip. "Grabe parang hindi patay to si Gitele." tinignan ko yung binabasa niya, nung binasa ko yun kanina parang hindi naman yun yung nakalagay. "Layu, pangalan niya Gisele, relax ka lang. Masyado ka ata na-eexcite." binigkas at binasa niya ulit. "Gisele. Ang ganda niya tapos ang ganda ng pangalan niya grabe bagay sakanya. Alam mo sobrang nanghihinayang ako sa buhay nila. Sayang ang aga nila pumanaw."

 

 

"Oo nga eh, pero sandali naisip ko lang. Malamig lang sila pero hindi matigas, hindi kaya mga natutulog lang to?!" nagkatinginan kami, alam ko na posible nga to. Sa mga nangyayari at natutuklasan n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1150 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2141 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko