Chapter L

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

TW: Violence

 

2:00am Sabado 

 

Sinadya kong gumising ng mas maaga para makapag handa ng mga pagkain at gamit na dadalin namin ni Catalina.

 

 

Pupunta kami sa isang burol dito sa San Jorge, ito yung tourist spot na meron malaking krus sa taas na dinadayo ng mga tao kapag mahal na araw. Naisipan kong dalin siya dun dahil nung isang beses na nag ddrive kami, na-curious siya kung ano yung pinupuntahan ng mga tao dun.

 

 

Mag ttrek kami mamayang papunta tsaka pabalik. Kapag nakarating na sa pinaka taas, magteteleport nalang kami para makaupo mismo dun sa krus. Okay yung spot na yun dahil napaka ganda ng view, tanaw na tanaw yung mga bundok pati na din yung mga kalapit na probinsya. Dun kami mag bbreakfast mamaya habang nanonood ng sunrise.

 

 

Hindi na bago ang madaling araw na date samin ni Catalina, minsan talaga kakaiba at sa alanganin oras kami umaalis. Mas maganda kasi mamasyal kapag tulog lahat ng mga tao para makakilos kami ng libre at hindi namin kailangan maging maingat masyado.

 

 

"Good morning." bati ko kay Catalina na natatabunan ng kumot. Ang sarap ng tulog niya at hindi manlang umiimik."Good morning Catalina." ulit na bati ko sakanya. Inaayos ko yung buhok niya na natatakip sa muka niya. "Kailangan na natin umalis." gumalaw siya pero kinuha lang yung unan.

 

 

"Halika na, mag ready ka na." knkiss ko si Catalina sa cheeks habang ginigising ko siya kaso mukang walang epekto dahil nakapikit pa din. "Catalina." niyakap ko siya at binubulungan ko. "Bangon ka na."

 

 

"Hmmm? bakit ang aga?"

 

 

"Sabi mo gusto mo ng morning date ngayon araw, kaya ito. May hinanda ako para sayo. Halika na kasi mag ttrekking pa tayo, isang oras din yun. Tsaka kailangan natin makabalik before 7am kasi uuwi na si Cheche sa QC."

 

 

"Bakit ang layo?"

 

 

"Eh kasi nga aakyat tayo dun sa pinaka taas. Magugustuhan mo dun, manonood tayo ng sunrise. Halika na, mag wash up ka, mamaya ka nalang maligo pag uwi natin. Tsaka may madadaanan tayo na maliit na falls dun sa trail pwede tayo mag swimming."

 

 

"Minjeongie." hinatak niya ako kaya ngayon nakahiga na ako sakanya habang yakap ko siya. "Gising ka na." bulong ko.

 

 

"Minjeongie buhat." inaabot niya sakin yung arms niya kaya hinatak ko siya patayo. Napansin ko na nakapikit si Catalina at natutulog pa kahit nagsasalita na. "Wag ka malikot ha." binuhat ko siya ng pahiga dahil nattulog pa din siya. "Okay, halika na." Nag teleport kami papasok sa cr habang buhat ko siya.

 

 

Pagkababa ko sakanya inalalayan ko papunta sa tapat ng lababo. "Okay, maghilamos ka na tsaka toothbrush." 

 

 

"Hmmm?"

 

 

"Gumising ka naman ano ba yan ito na, nasa cr na tayo." nakatayo kami at nakasandal siya sakin pero natutulog pa din.

 

 

"Huy." tinatapik ko yung muka niya pero ayaw talagang magising.

 

 

"Sandali, ako na mag wwash up sayo." pinaakbay ko sakin si Catalina at tumapat kami sa lababo para babasain ko yung muka niya. "Okay, maghihilamos ka na." binasa ko ng ilan beses yung muka niya para malagyan ko ng facial wash. "Tingin ka sakin." hinawakan ko yung baba niya at hinarap ko sakin. Tulog pa din si Catalina kaya pinasandal ko muna. "Catalina para naman akong may alagang malaking baby nito. Umayos ka naman ng tayo." sinasabon ko ng dahan dahan yung muka niya kahit pa natutulog siya. "Gumanun ka baka malagyan ka ng sabon sa ilong." nakasandal siya sa pader habang sinasabunan ko ng facial wash. Talagang kahit anong kilos ko hindi pa din siya nagigising. "Dito ka," inaakay ko ulit siya para hihilamusan ko ng tubig. "Tumapat ka dito para hindi mabasa yung pajama mo." naka akbay sakin yung braso niya kaya para akong may lasing na hinihilamusan. "Mag toothbrush ka na." inabot ko yung toothbrush na may toothpaste at binuksan ko yung gripo para makapag gargle siya. "Toothbrush ka na dali na, mag gargle ka muna."

 

 

"Ikaw na." para akong may bitbit na walang malay. Talagang ayaw niyang gumising kaya pati yung pag toothbrush ayaw niyang gawin. "Anong ako, ako mag ttoothbrush? naligo na nga ako tsaka nakapag toothbrush na ako kanina pa. Mag brush ka na mabilis lang to."

 

 

"Ikaw na Minjeongie."

 

 

"Jusko ano ba yan, nakainom ka ba ng sleeping pills, bakit hindi ka magising? o ito na. Inumin mo yung tubig magmumog ka tapos idura mo." tinapat ko yung muka niya sa lababo, sumalok ako ng tubig sa kamay ko at pinainom ko sakanya. "Gargle, tapos idura mo." kahit pa nakapikit sinunod niya din yung sinabi ko.

 

 

"Mag Ah ka, open your mouth," nakatalikod at nakasandal siya sa lababo habang nagsimula na akong ibrush yung ngipin niya. "Catalina nung isang araw pinaguusapan natin na pwede tayo mag enroll sa university sa mga susunod na taon, pero kung ganito ka tuwing umaga, alam mo wag nalang." hawak ng kaliwang kamay ko yung pisngi niya at tntoothbrushan ko siya ng dahan dahan habang nakapikit. "Mukang nakikita ko na yung mangyayari satin kapag maaga yung schedule ng pasok." tulog pa din siya kahit kinakausap ko siya. Ayaw niya kasi maniwala kagabi na dapat maaga kami magising. Nanggugulo at nang aasar pa siya kaya pasado alas dose na siya nakatulog. Antok na antok at ayaw tuloy niyang kumilos ngayon.

 

 

"Tapos na, para ka talagang baby minsan." sumalok ulit ako ng tubig para mag ggargle siya. Nung matapos na sa wash up, pinunasan ko yung muka niya at nagteleport kami pabalik sa kama. 

 

 

Inayos ko yung mga damit na isusuot ni Catalina, pinili ko yung rash guard pati yung workout pants dahil malayo yung lalakarin namin tsaka magsswimming kami mamaya.

 

 

Nilingon ko siya, akala ko bumangon na pero natutulog pa din pala. "Magbihis ka na dali na." binuksan ko yung butones ng mga pajama niya at sinuotan ko na ng sports bra pati ng innerwear niya. Sinunod ko din isuot yung rash guard, kumuha ako ng dry fit shirt ko na ipapatong ko sa rash guard niya at pinalitan ko din yung underwear niya. "Catalina, para akong may alaga. Gumising ka naman." tinatapik ko siya ng mahina sa muka pero nakabukas pa talaga yung bibig niya.

 

 

"Five minutes."

 

 

"Five minutes eh nakaka thirty minutes ka na. Tignan mo nakapag ready ka na nga kahit tulog ka eh." nung nakapag palit na siya ng underwear at nakasuot na ng workout pants. Sinuotan ko na siya ng medyas at kinuha ko na yung rubber shoes niya.

 

 

"Hmmm ughhh" pinapanood ko siya na nagsstretch na may pag ikot pa sa kama. Sa wakas mukang gigising na din siya. "Bangon na, aalis na tayo. Buti pala kagabi ko pa inayos yung bag natin. Dalin mo na yung phone mo halika na."

 

 

"hmmm? Minjeongie hug." hinatak ko siya patayo kahit nag uunat unat pa siya sa kama. "Ang tagal mo halika na maglalakad pa tayo."

 

 

"Okay." bumangon siya at nakaabang na ako sa pinto. "Nakabihis na ako Minjeong?!" natawa ako sa itsura niya, parang gulat na gulat dahil nakaayos tsaka nakasapatos na siya."Hahahaha ewan ko sayo. Halika na nga." 

 

 

 

 

3:00am

 

Nagpark ako dito sa open space malapit sa paanan ng burol. Pwede kaming umakyat sa hagdan para makaabot sa tuktok pero mas gusto namin na masubukan mag trekking para makadaan kami sa falls pagbaba namin mamaya.

 

 

Nakaupo kami sa unahan ng sasakyan at tinitignan namin yung mapa na na-download ko. "May dumadaan ba talaga sa lugar na yan?" tanong ni Catalina.

 

 

"Oo meron, yung mga foreigner na nadadayo dito sa San Jorge nag ttrekking dyan. Pwede tayo dun sa hagdan na mataas pero walang thrill pag dun eh, kaya dito tayo sa masukal."

 

 

"Okay halika na Minjeongie, ako na magdadala nung mga gamit natin ano ba yung mga dinala mo?"

 

 

"Yung breakfast natin, tapos dito sa backpack mga pamalit na damit. Tara na." bumaba na kami ng sasakyan at kinuha namin yung mga gamit sa back seat. "Catalina wait lang, lagyan ulit kita nito." tumingala siya at nilagyan ko ulit ng bug spray sa leeg pati sa mga kamay niya. Nagulat ako nung bigla akong hinalikan ni Catalina sa labi. "Nagising ako dun ah." biro ko.

 

 

"I love you Minjeongie, thank you kasi lagi mo akong inaasikaso."

 

 

"Siyempre aalagaan kita, ikaw na yung asawa ko eh." hinalikan ko ulit siya sa labi nung matapos ako sa pag apply ng bug spray samin. "Dyan tayo papasok." tinuro ko yung pinaka opening ng gubat.

 

 

"Madaming engkanto na naninirahan dyan sigurado yan, maging maayos dapat yung date natin Minjeong at wala munang makikipag away. Mangako ka."

 

 

"Oo. Kailan ba ako nakipag away Catalina? hindi ako ganun."

 

 

"Basta kapag may mga tumitingin o nagtangkang kumausap satin, wag mong papansinin."

 

 

"Okay. Promise, walang gulo at walang away."

 

 

 

 

3:40am

 

Hindi pa tumatagal ng thirty minutes yung trekking namin kanina ng mapikon bigla si Catalina. Nawala siya sa mood kaya ito kami ngayon nakaupo na dito sa malaking cross na gawa sa semento sa pinaka tuktok ng burol.

 

 

Bigla siyang nagalit nung may kumausap samin sa kagubatan. Tinuro ko lang naman kung saan yung daan pababa kaya hindi ko gets kung bakit nagalit siya dahil dun. Nung magpapatuloy na kaming maglakad kanina nagulat nalang ako na hinawakan niya ako ng mahigpit at tineleport ako papunta sa cross kaya mas napaaga yung dating namin.

 

 

Tinatabihan ko siya pero lumalayo siya sakin, kanina pa kami parang kabute na naghahabulan at nagpapalipat lipat dito sa tuktok ng cross. Mainit pa din ang ulo ni Catalina kaya maingat ako sa mga sinasabi ko.

 

 

 

 

 

Nilabas ko na yung dala kong thermos na may kape at kumuha ako ng tag isang paper cup. "Sayo to." tinanggap niya yung inabot ko pero hindi niya ako tinitignan. "Gusto mo na ba kumain? masyado pa maaga eh. Akala ko kasi dadating tayo dito mga 5am na. Mamaya nalang o gusto mo ngayon na?"

 

 

"Bakit mo ba kinausap yun Minjeong?!"

 

 

"Alin ba? yung kaninang naliligaw? nagtanong lang naman siya."

 

 

"Ang bilis mo talaga magpaloko basta sa maganda."

 

 

"Ano?"

 

 

"Engkanto yun, naniniwala ka na naliligaw siya eh dito siya nakatira sa gubat, kabisado niya tong lugar na to! nagpauto ka nanaman!"

 

 

"Eh malay ko ba kung naliligaw talaga yun Catalina, bakit ka ba sumisigaw? Wag mo na probelmahin kasi tapos na, umalis din naman siya kagad."

 

 

"Umamin ka, kinausap mo siya kasi maganda siya kaya nagtiwala ka kagad. Ang bilis mong maloko, diwata yun Minjeong, iba lang yung itsura pero engkanto pa din yun! Yung ibang mga engkanto tinatakot at sinisigawan mo pero nung siya, "Hi ano name mo? Nakakairita ka talaga ang pabebe mo pa!"

 

 

"Hala, ayos ka ha."

 

 

"Magkasama tayo pero nakuha mo pang makipagkilala sa iba."

 

 

"Ano ba naman tinuro ko lang yung daan."

 

 

Ang aga pa pero kung ano ano yung mga kinakagalit ni Catalina. Hindi ko inakala na sobrang big deal pala sakanya nung tinuro ko dun sa babaeng nakaputi yung daan pababa.

 

 

"Ano ba gusto mo, hindi ko ba dapat kinausap kahit nagtanong lang naman ng direksyon?"

 

 

"Bakit mo ba siya kinausap, tsaka bakit ang bilis mo magtiwala?"

 

 

"Kasi nga nagtanong ng direksyon tsaka naliligaw siya. Tsaka tayong dalawa naman yung kinakausap niya kanina di ba, bakit ka nagagalit?"

 

 

"Nung unang litaw palang niya sayo na kagad siya nakatingin! Ikaw yung ipinunta niya dun, sinadya niyang magpakita sayo."

 

 

"Akala mo lang yun. Tsaka ikaw din naman tinitignan ka niya."

 

 

"Nagtanong lang ng direksyon, kailangan makipagkilala ka pa? yung ibang engkanto halos ibaon mo na sa ilalim ng lupa. Pero dun sa diwata na yun napakabait at matulungin mo."

 

 

"Jusko, ano ba problema mo? lumitaw siya sa gilid natin edi nag hi ako, nagtanong siya edi sinagot ko. Wala naman masama dun." 

 

 

"Kinausap mo siya dahil nagandahan ka, unang kita mo palang sakanya naramdaman ko na nabighani ka."

 

 

"Ay wow. Wag mo akong pagbintangan ng ganyan Catalina ha. Yung nafeel mo kanina, nagulat kasi ako na biglang may lumabas dun sa gilid, tapos ang ayos ng itsura niya."

 

 

"Kita mo na tama ako, nagandahan ka talaga sakanya. Bahala ka na sa buhay mo Minjeong! Ayaw ko na."

 

 

"Anong ayaw mo na eh hindi pa nga nagiging tayo, next year pa. Wag ka nga ganyan, akala ko ba walang away sa date natin eh bakit inaaway mo ako? Grabe ka, nakaupo pa naman tayo sa crucifix ngayon pero nangaaway ka."

 

 

"Manahimik ka na nga Minjeong."

 

 

"Kasalanan ko ba na lumitaw siya sa dinaanan natin?"

 

 

"Todo paliwanag ka pa sa direksyon kahit tga dito siya, nakakairita. bakit ka nakipagkilala?"

 

 

"Tinanong ko lang yung pangalan, tsaka dba inintroduce pa nga kita, sinabi ko na asawa kita. Hindi mo kailangan magalit Catalina, wag mong palakihin dahil ang babaw ng pnproblema mo."

 

 

"Sabihin mo sakin yung pangalan niya. Alam mo ba na pwede kang makursunadahan at hindi ka niya titigilan."

 

 

"Asa naman na magagawa niya yun."

 

 

"Sabihin mo sakin yung pangalan."

 

 

"Nakalimutan ko na."

 

 

"Isa!!!"

 

 

"Doyeon."

 

 

"Tignan mo na Minjeong, nakabisado mo pa yung pangalan."

 

 

"Luh" magsasalita pa dapat ako pero natigilan ako sa sinabi niya. Nagtanong siya pero nung sinagot ko nagalit pa din. Hindi naman red days ni Catalina pero ang lakas ng topak niya.

 

 

"Sorry na."Niyakap ko siya pero umiwas siya sakin.

 

 

"Magkasama tayo pero nakikipag kilala ka kung kanikanino. Ano gusto mong maramdaman ko, matuwa ako?"

 

 

"Wala naman kasi akong masamang intensyon. Tinanong ko lang kasi nga naliligaw siya."

 

 

"Umamin ka nga Minjeong, kuntento ka ba talaga sa akin?"

 

 

"Ano ba yan tanong mo? Catalina alam mo naman na ikaw lang yung gusto ko. Ikaw lang yung pinaka magandang nilalang sa paningin ko kahit pa ang lakas ng topak mo." tumalikod siya sabay teleport sa kabila pero sinundan ko kagad siya. "Wala ka ba tiwala sakin?" tumabi ako sakanya at naupo kami dito sa pinakadulo ng cross.

 

 

"Bakit wala kang tiwala kahit nararamdaman mo naman yung emosyon ko?"

 

 

"Pano kapag dumating yung araw na napagod at nagsasawa ka na sa akin Minjeong?"

 

 

"Bakit mo naman naisip yan?"

 

 

"Gusto ko malaman, pag tagal magsasawa ka kaya sa akin?"

 

 

"Hindi. Kahit ilang libong taon tayo magsama hindi ako magsasawa sayo kasi gustong gusto kita. Kahit pa bad mood ka minsan, pikunin ka at medyo nakakairita yung pagiging topakin mo, hindi ako magsasawa sayo." hindi siya sumasagot pero humawak siya sa kamay ko na nakayakap sakanya."I'm sorry kung namisinterpret mo yung kanina. Tinanong ko lang talaga yung pangalan kasi akala ko naliligaw siya."

 

 

Hindi pa din siya lumilingon, pero nakasandal na siya sakin."Ikaw lang yung gusto ko tsaka ikaw lang yung mahal na mahal ko Catalina." mas pinasandal ko pa siya at pinatong ko yung baba ko sa balikat niya. "Sorry din sa inasal ko Minjeong. Hindi ko kasi mapigilan, nainis ako dahil masyado kang ganado makipagusap sakanya."

 

 

"Sorry. Tandaan mo hindi naman ako gagawa ng mga ganun bagay noh. Tsaka bakit naman ako papatol sa engkanto? eh asawa ko nga yung pinaka magandang vampire ng San Jorge. Yung vampire na piko- ahhhh!" 

 

 

"Sandali kumapit ka!"

 

 

"Ayan kasi kung ano ano sinasabi mo. Ahh kapit!!" nung pinalo niya ako muntik kaming mahulog pareho pero buti nakalipad kagad siya at nahawakan niya yung braso ko. "Jusko, parang nagising ako dun ah. Lipat na tayo Catalina wag tayo dito, lalagapak tayo sa semento ang taas nito. Hindi ako pwedeng magka injury may sleepover kami ni Layu."

 

 

"Dito ka, kumapit ka sakin Minjeong." umupo ako sa tabi niya at hindi ako tumitingin sa baba. Ramdam ko pa din yung nginig sa kamay ko nung muntik kaming mahulog. "Okay ka lang?" tanong niya sakin.

 

 

"Oo. Wag ka na magalit sa mga mabababaw na bagay ha. Wala naman saysay yun, tsaka kailangan natin ng tiwala Catalina. Ilan taon tayong magsasama."

 

 

"Sorry na mabilis akong mag selos."

 

 

"Parehas lang naman tayo, pero kailangan natin bawasan yun. Sobrang tricky nitong relasyon natin. Kahit pa tayo yung para sa isa't isa, magiging sobrang challenging kung pano natin immaintain na maging maayos yung relasyon."

 

 

"Oo, kaya kailangan talaga na mahabang pasensya. Pwede kasing maghiwalay tayo pero kahit anong mangyari, hahanap hanapin pa din natin ang isa't isa. Kaya kahit pa iba ang makatuluyan mo, sa akin ka pa din uuwi Minjeongie."

 

 

"Iba makatuluyan? yuck ayaw ko ng ganun. Ikaw lang gusto ko Catalina, hindi ko maimagine na mapupunta ako sa iba. Kung hindi ikaw tangina wag nalang."

 

 

"Totoo?" natawa at medyo nairita ako nung makita ko yung smile niya. Hindi na niya mapigilan yung smile niya na pang inis, ngumingiti siya ng nakalabas pa yung ngipin. "Oo totoo. Tsaka alam ko na tayo na talaga forever."

 

 

"Awww I love you Minjeongie." sumiksik siya sa leeg ko at yumakap sakin. "Wow naman napaka sweet mo na ngayon parang kanina lang galit na galit ka sakin. Ihulog kaya kita dito Catalina?" kumapit kagad ako sakanya nung pinalo niya ako ng mahina."Hahahaha nakakainis ka, ang lakas mo mang asar."

 

 

"Hahahaha sabi mo pa kanina walang mag aaway, pero wala pang thirty minutes inaway mo na kagad ako epal ka hahahahaha."

 

 

"Nakakainis ka kasi, naging matulungin ka bigla dahil lang maganda siya."

 

 

"Tama na ayan ka nanaman. Dito ka na nga, malapit na tayong magbreakfast pero dito ka muna sakin." Lumipat kami sa parte ng cross na pwedeng sumandal. Nag straddle sakin si Catalina. Nakasandal yung ulo niya sa ulo ko at magkayakap kami habang pinapanood namin yung buwan.

 

 

Bigla ko naalala yung isa sa mga binasang rules ni Imperia."Dba sabi sa rules hindi tayo pwede sa mga sagradong lugar. Pano yan, andito tayo mismo sa cross."

 

 

"Hindi naman simbahan to, kaya ayos lang. Isa pa, napaka dami na natin nilabag na tuntunin."

 

 

"Sana talaga wala nang bumalik kahit isa sa mga ninuno niyo."

 

 

"Oo dahil mamamatay kagad tayong anim sa dami ng mga parusa na ipapataw satin. Sigurado kami ni Yesenia ang uunahin."

 

 

"Haha asa, hindi naman mangyayari yun."

 

 

 

 

 

5:30am

 

Masasabi ko na nagustuhan talaga ni Catalina yung mga pagkain na binaon namin ngayon. Nakakailan thank you na siya sakin at paulit ulit niyang sinasabi kung gano siya kaswerte dahil sobrang maalaga daw ako na karelasyon.

 

 

Sandwich, cheese, itlog tsaka mga fruits lang naman yung dinala ko pero kung mag react siya grabe, talagang na-appreciate niya at nakakailan sabi na siya sakin kung gano niya ako kamahal at hinding hindi na daw ako makakawala sakanya. Natutuwa ako kasi sobrang appreciative siya sa maliliit na bagay na ginagawa ko para sakanya.

 

 

"Pati itong coffee hinanda mo kanina?"

 

 

"Oo nag brew ako nung malapit na mag alas dos. Tinulungan ako ni Lucila sa kusina. Alam mo nakakatuwa, kanina ko lang nalaman na natutulog pala yung batang yun noh?"

 

 

"Oo hahaha, kaya nagulat din ako dati. Bihira niya gawin yun kasi hindi naman niya kailangan matulog. Tsaka kapag natutulog siya, minsan andun siya nakasiksik sa kabaong ni Imperia. Magkatabi sila."

 

 

"Dun nga siya nagpunta kanina, nagulat ako nung binuhat siya ni Imperia tapos pinatulog niya. Nakakatuwa nga eh, love-hate relationship sila  pero grabe close sila noh, tsaka inaalagaan talaga niya yung bata."

 

 

"Oo ganun lang yun kapatid ko, masungit at mabilis magalit pero mapagmahal tsaka maalaga. Yan ang dahilan kung bakit malakas ang loob ni Lucila na magmaldita sa mansyon. Alam niya na hindi siya pwedeng awayin ng ibang kaluluwa."

 

 

"Catalina sila Sharpay, kapag ba kinagat ng vampire tapos nakainom ng dugo. Macconvert din?"

 

 

"May nangyari na ganyan dati, pero hindi namin kadugo yung gumawa. Hindi niya matanggap na mamamatay na yung aso niya kaya sinalinan niya."

 

 

"Anong nangyari?"

 

 

"Kakaiba kasi ang hayup, napaka lakas nila. Kaya siya mismo hindi niya na-control yung alaga niya."

 

 

"Namatay yung aso?"

 

 

"Nakapatay yung aso ng mga tao."

 

 

"Ay puta. Delikado pala."

 

 

Kinuha ko yung thermos at nilagyan ko ulit yung cup ng kape at inabot ko kagad kay Catalina. "Kung gusto mo pa nitong coffee na to, madami pa tayong stock sa mansyon. Ito yung binili natin sa coffee shop dun sa Manila."

 

 

"Oo masarap nga to, thank you sa paghanda ng breakfast Minjeongie pati dito sa date natin. Sobrang thoughtful at maasikaso ka talaga."

 

 

"Ganun ka din naman, mas maalaga ka pa nga sakin. Ayan na pala yung sunrise, haha hindi na natin namalayan."

 

 

"Ang ganda." tinuro niya yung sunrise sa likod ng mga bundok. "Grabe ang ganda talaga ng San Jorge. Tignan mo yung clouds, para tayong nasa painting. Masaya ako Catalina na nagagawa natin to."

 

 

"Paumpisa palang to, sobrang madami pa tayong gagawin." hinawakan ko yung muka ni Catalina at hinalikan ko siya sa labi ng medyo matagal. "I love you."

 

 

"I love you too. Dalian na natin Minjeong gusto ko na mag swimming."

 

 

 

 

6:15am

 

Hindi ko alam kung trespassing ba tong ginagawa namin, pero wala naman kasing nakalagay na no swimming sign kaya pumasok pa din kami dito. Hindi lang kami ang gumagawa nito, tsaka sigurado yung ibang mga nag ttrekking dumadaan at naglulublob din dito para magpalamig.

 

 

"Aaaaaaaaah!" *splash*

 

 

"Hahahahaha Catalina yung ulo mo ha! Baka mauntog ka sa bato mag ingat ka!"

 

 

"Ang sarap ng tubig! Ayaw mo na tumalon?!" tanong niya sakin habang lumalangoy siya sa ilalim mismo ng falls.

 

 

"Okay na ako!"

 

 

Nagsswimming lang kami kanina hanggang sa nag aya si Catalina na mag contest kami ng most creative diving. Mula sa pinaka tuktok ng falls tumatalon kami pababa. Buti nalang maingay ang bagsak ng tubig kaya walang nakakarinig samin.

 

 

Kung ano anong pakulo yung mga ginagawa namin. Naglalambitin pa ako sa mga ugat ng puno sabay dive, tumatalon din ako ng patalikod. Pero sobrang galing nung mga ginagawa niya, manghang mangha ako sa reverse diving na pakana ni Catalina. Mula sa ilalim ng tubig lilipad siya pabalik sa taas sabay dive mula sa pinaka tuktok na una muka.

 

 

"Minjeongie ikaw na!!!" aya niya sakin. Andun siya ngayon sa pinaka tuktok at nakasandal sa bato.

 

 

"Ayaw ko na, lalangoy nalang ako dito. Baka mapilay ako eh!! Awat na halika na dito baka mauntog ka pa! bumaba ka na!"

 

 

"Isa nalang!!" nagteleport siya sa mas mataas pa na bato. "Minjeongie!!"

 

 

"Hahahaha sandali!" kinuha ko saglit yung camera para kukuhaan ko siya ng video. "Hahaha sige nga pakita, mag exhibition ka! Wait irerecord ko!!"

 

 

"Okay sige!" pumwesto siya sa isang sanga nung pinaka mataas na puno. "Mag ingat ka!!!!" babala ko sakanya. Stunt man ata yung peg ni Catalina ngayon umaga kaya kanina pa ako natatawa sakanya. Ang taas ng energy at ang likot niya.

 

 

"O sige na naka record na to, game na!"

 

 

"I love you Minjeongieeeee!!!!" sabay talon at tumbling kaya natawa ako."Hahahahahahhaha ang galing galing mo talaga sa mga ganito!!!" Ang tangkad niya pero nakakailan ikot pa siya sa ere bago mag dive sa tubig.

 

 

"Ang sarap." lumitaw siya dito sa tabi ko at kumapit sakin. "Halika na nga dito. Maya maya lang uuwi na tayo. Sulitin na natin."

 

 

"Nagugutom ulit ako." nakayakap sakin si Catalina habang ako na yung lumalangoy para sakanya. "Panong hindi ka magugutom, umagang umaga nag aacrobat ka dito sa gubat ang ingay ingay mo pa."

 

 

"Hahaha ang sarap kasi ng tubig tsaka ang ganda dito. Solo natin yung lugar."

 

 

"Oo maganda talaga. Halika Catalina, kapit ka, sisisid tayo pero ako yung lalangoy. Last na to tapos mag ready na tayo pauwi."

 

 

"Okay. Gagawin mo ba ulit yung kanina?"

 

 

"Yung sisisid tapos biglang lilipad pataas? Oo gusto mo ba?" tumango siya nung lumingon ako. "Kumapit ka!! ready?!"

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1151 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko