Chapter VIII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

TW: Violence & Blood

 

8:00pm Sabado

 

Hindi ko lubos maisip kung pano nangyari to. Gising na gising  at nakatayo sila ngayon dito sa harap namin. Kakakita ko lang sakanila kanina, nakahiga silang apat sa body bag at sigurado ako na wala na silang buhay.

 

 

"Panong nagkamali tayo? Hoy Ryujin, bakit may dugo yung pisngi mo?! pati sa leeg, tumutulo sa tshirt mo!"

 

 

"Kiminjeong, papatayin aray wag!!!" nakita ko kung pano tusukin nung Gisele yung leeg ni Ryujin gamit yung daliri niya. "Wag mo siyang saktan!" susugurin ko sana siya pero ramdam ko na may humawak sa bewang ko sabay hinila ako ng malakas.

 

 

"Wag mo gawin yan! teka hindi ko- aww aray, teka bitawan mo ko, hindi ako makahinga!" bigla akong sinakal at tinulak sa pader ni Catalina. "Layu, awatin mo to, alisin mo yung kamay mo bitawan mo ko!!!" sinubukan ko siyang tuhurin pero nagulat ako ng bigla niya akong inangat mula sa sahig.

 

 

"Kiminjeong papatayin na nila tayo,"

 

 

"Lumaban ka! Bitawan mo ko!" hinihigpitan niya yung pagsakal niya sakin at ramdam ko na tinataas niya ako mula sa sahig. Pilit kong inaalis yung kamay niya na nakadiin sa leeg ko pero napaka lakas niya. Kahit anong papipiglas at sipa ang gawin ko, hindi ko siya maawat. "Siguraduhin mo lang na papatayin mo ko." bulong ko sakanya habang nakatitig ako sa mga mata niya, hindi na din ako pumiglas pa dahil nagdidilim na yung paningin ko at hindi na ako makahinga. Hindi ako natatakot kahit pa patayin na niya ako ngayon, mas nananaig pa nga yung tuwa dahil konti nalang makikita ko na yung lola ko.

 

 

"heeeehh uhhh huuufhh ugh ugghh" hawak ko yung leeg ko at nag hahabol ako ng hininga pagkatapos niya akong ibagsak dito sa sahig. Akala ko tapos na siya pero binitbit nanaman niya ako sa collar ng tshirt ko sabay hinampas yung likod ko sa pader. "Tama na!" pakiusap ko sakanya. Tinitignan ko yung muka nung nananakit sakin, si Catalina nga talaga to, siya mismo yung patay na kinakausap ko kanina bago namin siya ipasok sa body bag.

 

 

"Tama na," ulit na pakiusap ko sakanya habang pinipigilan ko yung kamay niya pero mukang wala siyang balak tumigil. Tinitignan niya ako sa mata na parang inaaral niya yung bawat detalye ng muka ko. Iba pala ang itsura niya kapag gising, maganda siya pero grabe bakit naman ganito, nakakatakot. Yung mata niya ang ganda dahil ibang kulay pero ang tapang niya tumingin na para bang gusto niyang higupin yung kaluluwa ko. Ano bang problema nito, bakit galit na galit siya sakin at gusto niya akong saktan.

 

 

"Sandali anong ginagawa mo?!!" hindi siya nagsasalita pero nilalapit niya yung muka niya sakin ng dahan dahan at inaamoy niya yung leeg ko. Gusto ko sanang pumikit pero hindi ko mapigilan yung sarili ko na pagmasdan yung muka niya. Alam ko na mali na naiisip ko pa to ngayon pero grabe ang ganda talaga niya, sobrang ganda."Catalina, uhh pwede ba lumayo ka konti kasi.." naiilang ako kasi ang lapit na talaga ng muka niya sakin at nararamdaman ko na yung hininga niya. Konting konti nalang yung pagitan ng labi niya sa labi ko. Nag hahalo halo tuloy yung nararamdaman ko ngayon at parang nahihiya akong tumingin sa mga mata niya.

 

 

**tumugtog nanaman sa utak ni Kiminjeong habang palapit ng palapit yung muka nung bangkay na nabuhay: Sway by Bic Runga**

 

 

"Hindi pa ako handa sa ganito, Catalina maghunos dili ka, ayaw ko mapahiya sayo kasi wala pa talaga akong experience, hindi ako marunong humal- AAAAAAAAHHHH!!!" Tangina yung ngipin niya biglang nag iba, kitang kita ko kung pano humaba yung dalawang pangil nung binuka niya yung bibig niya. "Lumayo ka sakin, lumayo ka!" pumikit na ako dahil alam ko na ang mangyayari. Ito na ang nalalabing oras ko, kakagatin niya ako sa leeg hanggang sa maubos ang dugo ko.

 

 

Habang nakapikit ako, nagdasal ako at humingi ng tawad, kinalma ko nalang ang sarili ko at nagisip ng magagandang senaryo. Alam ko naman na ang kahihinatnan ko at tanggap ko na, hanggang dito nalang talaga ako.

 

 

Habang nararamdaman ko na yung bibig niya na unti unting dumadampi sa leeg ko, ito yung isa sa mga pumasok sa isip ko ngayon. Nag flashback sa utak ko yung ate ko, yung kambal ko, pati na din yung mga alaala ng lolo at lola namin nung magkakasama pa kami. Sana wag nila akong kakalimutan at sigurado naman na magkikita kita pa kami ulit sa kabilang buhay.

 

 

"Layu pag namatay ako tandaan mo to, ang laking pasasalamat ko na ikaw yung naging best friend ko!" dumilat ako para silipin si Ryujin, halos gumuho yung mundo ko nung makita ko na nakahiga siya sa sahig at hindi na gumagalaw. Hawak nung Gisele yung muka niya. Pinatay nila siya ng ganun ganun lang at hindi manlang kami nakalaban.

 

 

"Kayong apat humanda kayo sakin! Lalo ka na Catalina kahit pa patayin mo ako ngayon, babalikan pa rin kita!" kahit nahihirapan akong huminga dahil sa kamay niya na naka diin sa leeg ko. Pinilit ko pa din na pagbantaan sila. 

 

 

"Ano ang sinabi ko sayo Imperia, kakaiba siya nakita mo na?" hindi ko na tinignan kung sino yung nagsalita, pumikit na ako at hinayaan ko nalang na bumaon yung mga pangil niya sa leeg ko. 

 

 

 

 

 

3:30am Linggo

 

**SPLASH**

 

 

"Gumising kayong dalawa!"

 

 

"Wala pa din malay itong nakasalamin. Buhusan mo pa ng isa."

 

 

"Huy ano ba ya-"

 

 

**SPLASH**

 

 

 "Pffftpppffpwe!!!!" kinukusot ko yung mata ko. Nagising nalang ako na basang basa at nilalamig. Nakaupo kami dito sa sahig ng sala. Wala ako masyado makita dahil nung pagbuhos sakin ng tubig tumalsik yung salamin ko.

 

 

"Kiminjeong?"narinig ko yung boses ni Ryujin, pilit kong pinunasan yung mata ko hanggang sa makita ko na siya. "Layu!!" grabe yung tuwa ko ng malaman ko na buhay pa siya kaya lumapit ako sakanya para yumakap. "Okay ka lang, hindi ka ba nila sinaktan?" tanong ko sakanya habang hinahaplos ko yung ulo niya."Nawalan ata ako ng malay pero ayos lang ako, ikaw yung inaalala ko dahil ang tagal ka niyang sinasakal kanina. Akala ko kung ano nangyari sayo."

 

 

"Masakit lang tong leeg tsaka batok ko pero okay naman ako. Layu hindi pa ba tayo patay?"

 

 

"Humihinga pa naman tayo. Tumalikod ka para makita ko kung may sugat ka, pakita din ng leeg mo." sinunod ko yung sinabi ni Ryujin, tinignan niya mabuti yung buong katawan ko. Lalo sa tagiliran pati yung ulo ko. "Wala ka naman sugat may marka lang yung panga tsaka leeg mo. Ayan kitang kita yung bakas ng kamay ang laki ng pasa mo."

 

 

"Ikaw ba?" tinignan ko yung leeg niya, hindi ko masyado maaninag dahil malabo yung paningin ko pero napansin ko na may sugat. "Layu may dugo ka sa leeg. Sandali titignan ko mabuti, masakit ba?" kinuha ko sa bulsa yung phone ko para bubuksan ko yung flashlight. Pag dukot ko, sobrang nadurog yung puso ko sa nakita ko."Layu," dahan dahan kong inaabot sakanya. "tignan mo."

 

 

**Mahinang pag iyak**

 

 

"Ay puta Kiminjeong, basag yung screen ng phone mo." tinitignan namin dalawa yung bago kong cell phone na binili pa namin sa Maynila nung Miyerkules. Sinubukan kong pindutin, ayaw bumukas. "Nabasa pa."

 

 

**Tuloy tuloy na hikbi**

 

 

"Tama na wag ka ng umiyak, hayaan mo na yan ang importante buhay tayo. Mapapalitan naman yan eh, pwede ka pang bumili ulit."

 

 

"Nakakasama ng loob Layu, ang tagal tagal kong pinag isipan kung bibili ako. Cnash ko pa tangina kahit ang mahal mahal kasi akala ko tatagal sakin to ng ilan taon. Tapos naaksaya lang ng ganito. Asan ba yung mga putanginang bangkay na yan?"

 

 

**Tuloy tuloy na hikbi** "humanda kayo sakin kala niyo dyan."

 

 

"Hinahanap mo ba kami? andito sa harap niyo, tapos na ba kayong dalawa?" inaaninag ko kung saan galing yung nagsasalita, napaka labo ng mata ko kaya mga itim na anino lang yung nakikita ko."Catalina iabot mo sakanya yung salamin niya." may babae na nagsasalita pero hindi ko alam kung sino sakanilang apat yun.

 

 

May nag abot sakin ng salamin ko at isinuot ko din kagad. Tinignan ko muna si Ryujin kung ayos lang ba siya. Huling kita ko sakanya nakahiga siya sa sahig at wala ng malay. Hinawakan ko yung likod niya, parehas kami na basang basa. Tahimik lang siya, hindi siya masyado nagsasalita at nakaupo lang sa tabi ko. "Pakita ulit ng leeg mo." nung tinagilid niya yung ulo niya, meron ngang sugat na mukang malalim. Kaso naalala ko hindi nga pala tao itong mga to kaya posible na, "Layu mukang nakagat ka, magiging kauri mo sila!"

 

 

"Kauri? bakit ano ba sa tingin mo ang uri namin Kiminjeong?" may nagsalita nanaman. Medyo madilim dito sa sala at tanging yung isang bombilya lang na kumukurapkurap yung bukas. Nung umangat ako ng tingin, nakita ko yung apat na babaeng nakaitim, naglalakad sila palapit dito sa sulok kung saan kami nakaupo. Hindi ko sila pinansin at inasikaso ko lang si Ryujin, tinulungan ko siyang sumandal sa pader dahil kita ko na nanghihina siya. "Ano nararamdaman mo, nahihilo ka ba?" pilit kong tinitignan yung sugat niya sa leeg at pinupunasan ko gamit yung tshirt niya.

 

 

"Kiminjeong mag usap nalang tayo pag uwi. Hwag ka magpahalata dahil mukang naririnig tayo." mahinang bulong niya sakin, nakatingin samin yung apat kaya tumango nalang ako.

 

 

"Inuulit ko, ano sa tingin mo ang uri namin?" tanong nung isa, naalala ko siya yung pinaka nakakakilabot ang itsura dahil sa damit at ayos niya. Ngayon na gising na siya, putangina sobrang ganda nga talaga at mukang diosa kaso nakakatakot.

 

 

Pasimple akong tumingin kay Catalina, andun siya nakatayo sa tabi nung Gisele. Aaminin ko, medyo natuwa ako nung malaman ko na hindi pa pala siya patay, kaso nga lang sa kasamaang palad, totoo pala na siya ay hindi normal na tao, tama nga yung nakwento ni ate, sila ay mga vampira na naninirahan dito sa mansyon. 

 

 

"Ano ang uri namin Kiminjeong?" nagtanong nanaman siya. Pano kaya niya nalaman ang pangalan ko.

 

 

"Wag mo akong kausapin!" pagsigaw ko nagulat nalang ako na nakahawak nanaman sa leeg ko si Catalina at sinasakal niya ako. "Makikipag usap kami sainyo, wag mo ng saktan yung kaibigan ko. Itigil mo na yan." pagmamakaawa ni Ryujin. Bakit parang kami pa yung kailangan makiusap dito sa mga to eh sila naman yung biglang napunta dito sa mansyon tsaka wala naman kaming ginawa sakanila bukod sa nanakawin lang dapat namin yung mga kabaong at ililibing namin sila.

 

 

"Sagutin mo ang mga katanungan ni Imperia kung ayaw mong ubusin ko yan dugo mo." hindi ko makita kung sino yung naguutos sakin dahil ibinibitin nanaman ako ni Catalina sa pader. Nakaangat ang mga paa ko sa sahig at tanging yung muka ko lang ang hawak niya. Sinusubukan kong kagatin yung kamay niya pero masyadong nakalapat yung palad niya kaya hindi ko magawa. "Aray ang sakit, hindi ako makasalita dahil sa kamay mo. Alisin mo na sasagot na ako!"

 

 

**BLAAAG**

 

 

"Aray ko yung likod ko!" pwede naman niya akong ibaba nalang ng maayos sa sahig pero talagang hinagis niya pa ako palabas sa sala kaya napadpad ako sa hallway. Hindi na tama to, wala naman kaming ginagawa sakanila pero tuloy lang yung pag atake niya sakin. Hindi ko na mapigilan at sumusobra na talaga siya.

 

 

"Ikaw tangina ka ang ganda mo sana pero kanina ka pa nananakit eh. Ano ba problema mo?!"naglalakad na ulit ako papasok sa sala habang hawak ko yung ulo ko na nabukulan. Sobrang namangha ako nung nakalipat siya ng pwesto sa isang pitik lang. Kitang kita ko yung ginawa niya, nakatayo siya sa tabi nung mukang diosa pero bigla siyang sumulpot dito sa harapan ko.

 

 

"Aray ko!!Tumigil ka na nga!" pagalit na sigaw ko sakanya. Nakaisa nanaman siya, tinulak niya ako ng malakas kaya napasubsob ako sa sulok. "Yung kamay ko mababali na kanina ka pa nakakarami ka na!" sasakalin niya ako pero naiharang ko kagad yung kamay ko.

 

 

"Bakit ka ba nananakit?! Tangina nito!" kahit maganda siya at kinikilig ako sakanya, hindi ko na mapigilan na murahin siya. "Ano bang problema niyo samin, dahil ba sa kabaong kaya niyo ginagawa to?!Isang beses pa na saktan mo ko sisikmuraan na kita kahit matangkad ka!"

 

 

"Kiminjeong mga vampira sila," hindi ko marinig yung sinasabi ni Ryujin. Nabingi ata ako kakahampas ng ulo ko kanina pa. "Ano?"

 

 

"Tama yung mga kumakalat na kwento, ganun nga sila. Mga vampira."

 

 

"Eh bakit nung kahapon hindi naman ano," hirap kaming magsalita ni Ryujin dahil meron apat na nakikinig at nakabantay samin. "Ano?!" tanong niya sakin. "Kahapon dba, hindi naman nag ano yung mga katawan. Alam mo na."

 

 

"Gustong sabihin ng kaibigan mo na hindi gumana yung mga ginawa niyo saamin. Ano ang masasabi niyo? Anong klaseng nilalang kami?"

 

 

"Malay ko bakit hindi ikaw magsabi. Dami mong eklat edi ikaw magsabi." sagot ko dun sa Imperia na kanina pa nag gguessing game. Nakita ko na susugurin nanaman ako nitong isa kaya umilag at pumikit na kagad ako. "Ma'am pwede ba sabihan mo tong alagad mo, ang dami ko ng pasa ang dami ko na din pilay dahil sakanya. Kanina pa siya nananakit nakakapikon na!"

 

 

"Totoo nga ang sinasabi mo Sorin, kakaiba itong mga ito. Walang takot." banggit ni Imperia dun sa katabi niya na mukang foreigner.

 

 

"Ma'am pwede na po ba kami umuwi, kasi hinahanap na kami ng magulang namin eh baka mapagalitan kami."paalam ni Ryujin. Sana lang payagan kami at maawa samin. 

 

 

"Alam ko na hinahanap nila kayo, kakakita ko lang sakanila. Pero hindi kayo ang mag dedesisyon dahil tanging ako lang ang nasusunod dito."

 

 

"Tangina, tara na nga Layu wag mo ng pansinin yan umuwi na tayo." Tumayo na ako at inakay ko na si Ryujin. "uuwi na po kami." paalam ko dun sa mukang diosa na parang pinuno nitong tatlo.

 

 

**BLAAAG**

 

**BLAAAG**

 

**BLAAAG**

 

**BLAAAG**

 

**BLAAAG**

 

**BLAAAG**

 

**BLAAAG**

 

 

Napanganga at napalunok ako ng biglang sumarado lahat ng bintana at mga pinto dito sa mansyon. Hindi ko alam kung pano niya ginawa yun pero malamang isa lang ang ibig sabihin nito. Lagot nga talaga kami ni Ryujin at mukang hindi na kami makakalabas ng buhay dito.

 

 

"Hindi naman tayo pinatay ano pa ba gusto nila satin?" tanong ko kay Ryujin. Dahan dahan kaming bumabalik dun sa sulok kung saan nila kami pinaupo kanina. Nakita ko na basang basa ng tubig kaya hindi na kami pwedeng bumalik dun. "Ma'am pwede ba kaming umupo nalang dito?" tinanong ko na yung Imperia dahil mukang siya naman yung pala desisyon sakanilang apat. "Dito po, pwede ba kami umupo? kasi basa dun sa sulok eh. Malamig baka lagnatin kami. Pwede po ba dito nalang?"tinuro ko yung dalawang upuan na dinala namin kahapon. "Sige umupo kayo kahit saan niyo gusto." nagulat ako na pumayag siya at hindi siya nagalit.

 

 

"Tara Layu." tinulungan ko siya umupo bago ko hinatak yung isang upuan para magkatabi kami at mahaharangan ko kapag may aatake sakanya. "Nahihilo ka ba?" hinawakan ko yung noo niya. "Ayos lang ako Kiminjeong, umupo ka na."

 

 

Hindi ko alam kung bakit ayaw pa nila kaming paalisin, pero hindi din naman nila kami pinapatay. Ang dami kong gustong itanong pero hindi na kailangan dahil napatunayan na namin. Totoo nga yung sinasabi ni ate Taeyeon, hindi sila normal na tao. Sobrang nagtataka lang ako kung bakit walang bisa sakanila yung mga pinaggagawa namin kahapon, kahit isa dun walang gumana at puro palpak.

 

 

"Ma'am" nagtaas ako ng kamay habang nakaupo kami ngayon sa harap nila. "Bakit hindi niyo pa kami paalisin, ano pang kailangan niyo samin?" nag aalangan akong magtanong lalo na nung napatingin ako dun sa isang gigil na gigil sakin kanina pa. Bawa't kilos ko parang gusto niyang balibaliin yung mga buto ko.

 

 

Hindi sumagot yung Imperia at tinitignan niya kami ni Ryujin. "Ma'am pwede ano, pauwiin niyo na kahit itong kaibigan ko lang. Kasi sigurado nag aalala na yung mga magulang niya." hindi pa din siya sumagot at nakatingin lang siya sakin. Nakakaubos ng pasensya kausap tong mga to walang hiya. Nakakatitig at mukang nagiisip ng masama samin, yung ang ginagawa nila ngayon.

 

 

Pagkatapos nung mga nangyari kanina, kahit pa nalaman ko na vampira talaga sila hindi naman ganun kalaki yung epekto sakin. Aaminin ko, kinakabahan ako ngayon pero hindi ako natatakot. Wala naman kawalan sakin kahit ano pa ang mangyari, kahit patayin nila ako ngayon na mismo wala akong pake. Si Ryujin lang yung iniisip ko kasi nadadamay siya dahil sakin.

 

 

Medyo napipikon na ako dahil muka akong tanga na nagsasalita dito tapos ni isa sakanila walang s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1149 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2140 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko