Chapter XLVIII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

May 2024

 

5:30pm Quezon City

 

"Grabe sa buong buhay ko ngayon lang ako natakot tsaka kinabahan ng ganito, pano ko kaya siya kakausapin, Layu ano?"

 

 

"Kinakabahan din ako Kiminjeong pero si Cheche naman yun eh, kakambal mo. Ikaw ang pinaka may kilala sakanya. Basta maging natural ka lang, sabihin mo na lahat, hindi malayo na maiintindihan niya din. Tsaka kung di mo talaga kaya, gamitin mo yung intro na sinulat ko para sayo." hinahap ko yung phone ko para tignan yung snend niya. "Saan mo ba kinopya to? parang tanga eh. Pero tingin mo ba itatakwil niya ako?"

 

 

"Mahal ka ng kakambal mo. Baka magugulat, matatakot at madidismaya siya sa nangyari sayo at sa ginawa natin na pagtago pero hindi ka itatakwil nun. Pwedeng hindi niya matanggap sa una pero posible na maintindihan niya din pag tagal."

 

 

"Pero mag ready kayo ha, hindi malabo na paalisin niya tayo dito sa condo kapag nalaman niya yung tungkol sa... tangina kinakabahan talaga ako!" tumabi at humawak ako kay Catalina na nakaupo ngayon sa kabilang sofa. "Minjeongie napaka lamig na ng kamay mo."

 

 

"You will be okay Kiminjeong, calm down." pagkumbinsi sakin ni Gisele.

 

 

"Pano pag nagalit siya Gigi, hindi ganun kadali yun. Vampira kayo tapos naging vampira din ako. Pano pag umabot kagad kay ate, tapos nagalit siya. Pano kapag pinaalis niya kayo sa mansyon?"

 

 

"Wag mo kasing pangunahan."

 

 

"Pano kapag nalaman ng ibang tao, ano na mangyayari satin? mapipilitan tayong umalis sa San Jorge. Hindi ko kaya na malayo sakanila ni ate." 

 

 

"Maiintindihan niya kapag pinaliwanag mo ng maayos, may tiwala ako sa kapatid mo. Tsaka nung magkakasama nga tayo kanina nakita mo naman kung gano kasaya si Cheche na andito ka. Natutuwa siya na tuluyan ka nang gumagaling."

 

 

"Catalina bakit napaka kalamado mo? pano kapag nagalit siya dahil sinalinan niyo ako."

 

 

"Gusto mo ba na samahan kita kapag kinausap mo siya?" nag presenta si Catalina pero gusto ko na kaming dalawang magkapatid lang ang mag uusap.

 

 

"Hindi na, ako na ang bahala. Baka madamay ka pa, ayaw ko ng gulo."

 

 

"Minjeong damay talaga ako dito dahil ako mismo ang nagsalin sayo. Hindi madali itong kakaharapin natin."

 

 

"Hindi lang yung kapakanan ko yung iniisip ko. Ayaw ko talaga na may gawin sila na mapapahamak kayo lalo ka na. Hindi ko kaya kapag may nangyari sayo."

 

 

"Hindi ko nakikita na magagalit si Cheche. Hindi ko yun nakita sa mga mata niya nung nakausap ko siya kanina."

 

 

"Sigurado ka ba dyan?"

 

 

"Oo. Kaya kumalma ka at maniwala ka sa sinasabi ko sayo."

 

 

"Grabe sana nga matanggap niya. Yun lang ang hiling ko." napatingin ako dun sa nagpapatay sindi na ilaw sa hallway katapat ng mga kwarto. "Lucila halika nga dito, wag ka dyan! mapupundi yung mga ilaw dahil sayo eh! Wag ka makialam dyan."

 

 

"Minjeon! mas maganda dito kaysa sa mansyon! Catalina pwede po ba dito nalang ako titira?" pinapanood namin siya na naglalakad galing sa hallway. "Hindi pwede yan gusto mo Lucila. Dun ka lang sa mansyon kasama namin."

 

 

"Catalina hindi ba pwede magpalit ng damit si Lucila ayan nalang talaga yung suot niya?"

 

 

"Espirito siya Minjeong, wala siyang katawan tao. Hindi niya kailangan ng mga gamit."

 

 

"Alam niyo hindi ko talaga maintindihan eh, sino ba yan Lucila na yan? nung isang linggo niyo pa kinakausap yan eh. Hindi pa din ba kayo tapos na gaguhin ako?" napatingin ako dahil sa sinabi ni Ryujin. Hinuli ko si Lucila nung magtatangka nanaman siyang tumakbo. "Dito ka lang. Wag ka makikialam sa mga gamit baka makasira ka pa. Bago namin siyang alaga Layu, hindi kita niloloko sabi ko sayo totoo siya. Nakikita namin, andito siya ngayon buhat ko."tumingin sakin si Lucila sabay lingon ng nakasimangot kay Ryujin. Nung nakaraan niya pa kami tinatanong kung sino si Lucila pero kapag naman pinapaliwanag ko kung sino akala niya tinatakot lang namin siya at nagiimbento daw kami para pagtripan siya.

 

 

"Ang hirap paniwalaan eh lalo ka na Kiminjeong ang lakas mo pa naman manggago."

 

 

"Anong gagawin ko para maniwala ka? O sige ganito nalang, Lucila kapag natutulog si Layu sa madaling araw, magpakita ka sa tabi niya o kaya hatakin mo yung paa niya ng malakas yung magugulat siya."

 

 

"Hoy gago Kiminjeong! dba sabi niyo multo yan, baka takutin ako niyan sira ka."

 

 

"Hindi ko gusto ang dila nitong kaibigan mo Minjeon. Kanina pa siya sa eroplano, tanong ng tanong nakakainis."

 

 

"Hahaha dila? tabas ng dila yun."

 

 

"Hey Lucila, be nice. Ryujin is my girlfriend."

 

 

"Ano ba ang nagustuhan mo sakanya Gisele? siya nalang ba ang natitirang tao sa mundo?"

 

 

"Lucila ano ba yan, ikaw mag ingat ka sa mga sinasabi mo ha, best friend ko si Layu sobrang bait niya tsaka kadikit ko yan forever."

 

 

"Bakit ano ba sinabi niya?" kita sa muka ni Ryujin na naguguluhan siya at hindi niya alam kung maniniwala ba siya samin."Nakakainis ka daw kasi tanong ka ng tanong. Hahaha"

 

 

"Lucila wag mo pagsabihan ng ganyan si Layu, matalik na kaibigan siya ni Minjeongie, dba kilala mo naman siya. Gumalang ka sa mas nakakatanda sayo."

 

 

"Tanong kasi siya ng tanong at ayaw niyang tumigil kahit kanina pa sinasabi ni Minjeon kung sino ako."

 

 

"Tangina ang wweirdo niyo, nakikipag usap kayo sa hangin. Ano ba talagang trip niyo?"

 

 

"Nakita mo na Minjeon. Maniniwala lang siya kapag nakita niya ako."

 

 

"Hon please do not curse in front of her she tends to imitate everything." paalala ni Gisele. Hindi kasi namin pinaparinig kay Lucila yung mga salitang hindi maganda dahil para siyang voice recorder, napagsabihan siya ni Imperia nung nakaraan dahil ginaya niya yung F word ni doc Yeji. Gulat na gulat kaming lahat nung kumakain kami ng tanghalian at sinabihan niya yung alaga ni Imperia ng 'ing hell Matilda'.

 

 

"Mabait si Layu hindi ka lang kasi niya naririnig tsaka nakikita." paliwanag ko dito sa bata na nakamasid at ang sama ng tingin kay Ryujin. "Sigurado kapag nakita ka niya matutuwa din siya sayo kasi ang cute cute mo." pinahiga ko yung pagbuhat ko sakanya at kiniliti ko ng mahina yung leeg. "Hahahahahaha" umakto ako na kikiliitin ko pa ulit siya kaya mas tumawa at namumula na. "Tickle torture to. Magkukulit ka pa? sabi ko sayo wag ka makikialam sa mga ilaw tsaka kuryente dba? ang lakas ng energy mo kapag excited ka eh. Lahat ng daanan mo nagbblink."

 

 

"Hindi na po!" sigaw niya habang hinaharang yung kamay ko at tawa pa din ng tawa."Totoo? kanina ka pa nagpapatay sindi ng mga ilaw sabi sayo baka matakot yung kapatid ko wag mo nang gawin yun at wag kang papasok sa kwarto niya."

 

 

"Tangina para kang gago Kiminjeong, ano ba tong pinagdadaanan mo side effect nanaman ba to? anong ginagawa mo dyan sa harap mo? May kinakausap ka ba talaga o nang uulol ka lang?!"

 

 

"Layu sabi nang bawal magmura baka magaya niya! hindi mo kasi siya nakikita, pero kapag nakita mo tong baby na to matutuwa ka sakanya kasi...... para siyang kiti-kiti!" kiniliti ko ulit si Lucila sa leeg kaya grabe yung tawa niya at sumisipa pa. Natatawa lang samin si Catalina at Gisele habang pinapanood nila kami na naghaharutan. "Gusto mo pa ng tickle attack?!" tanong ko bago ko itaas yung kamay ko.

 

 

"Hahahahahaha ayaw ko na! Hindi na ako magkukulit Minjeon!" kiniliti ko ulit ng mahina yung tiyan niya. "hahahahahahahahaha"

 

 

"Sino yun?! narinig niyo yun? parang may tumawa, boses bata." napatigil at nagulat ako nung nag react si Ryujin. "Ha? narinig mo?!"

 

 

"Oo parang nanggaling sa kwarto, mahina pero malinaw." lumingon pa siya at tinignan kung may tao sa hallway. "Parang tunog sa loob na may echo, alam mo yun."

 

 

"Siya yun Layu. Si Lucila." sagot ni Catalina. Nagkatinginan kaming apat at napatigil din sa pagtawa si Lucila. "Naririnig ka niya." seryosong sabi ko. Napangiti siya at tinitignan yung reaksyon ni Ryujin.

 

 

"Layujin! Layujin Layujin Layujin bulol!" tinakpan ko yung bibig niya nung marinig ko yung kinakanta niya. "Wag ka magganyan Lucila masama yan. Layu tinatawag ka niya."

 

 

"Grabe kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niyo. Asan ba siya ngayon?"

 

 

"Andito buhat ko at nakayakap sakin habang pinapanood ka. Gusto mo ba papuntahin ko sa tabi mo?"

 

 

"Sige nga. Lucila?" nagsasalita siya at parang hinahanap niya yung boses.

 

 

"Lucila gusto mo lumapit kay Ryujin?"

 

 

"Ano ba yan." ang sama ng muka niya at nag side eye pa. "Hahaha Layu sorry ayaw niya. Hindi lang natin siya nakikita dati pero sila nakikita pala nila tayo. Ang kulit kausap nito kaya matutuwa ka sakanya. Para siyang si Sito pero mas makulit tsaka pilosopo." Lumapit si Lucila at tumabi kay Ryujin. "Oh my gosh Lucy." komento ni Gisele.

 

 

"Hahahaha loko loko talaga tong bata na to." tawang tawa kami nung tumayo siya sa harap at tinitigan niya mismo sa muka si Ryujin sabay belat. "Layu hahahahaha, may nararamdaman ka ba?" ngayon naman kinakalabit niya yung ilong ni Ryujin at sumasayaw sayaw pa siya. "Ang cute mo talaga pero wag ka makulit. Layu ano may naffeel ka?" ulit na tanong ko.

 

 

"Wala gagi pero ang lamig ng likod ko parang kinikilabutan ako."

 

 

"Hahaha Lucila halika na. Dito ka sakin, tigilan mo na si Layu."

 

 

"Opo" kumandong siya kay Catalina nung tinawag siya. Kapag si Catalina ang may hawak sakanya sigurado na nagbebehave siya at hindi na talaga magtatangka na tumakas.

 

 

"Minjeon asan yung babae na kamuka mo?"

 

 

"Kakambal ko yun si Chaewon malapit na siyang dumating. Hindi ka namin masyado pwedeng kausapin kapag andito siya kasi baka makahalata. Hindi niya maiintindihan eh baka isipin niya nag hahallucinate ako."

 

 

"Natatakot ba siya sakin?"

 

 

"Hindi naman kung hindi ka mananakot. Basta wag mo masyadong galawin yung mga bagay lalo yung mga ilaw napupundi yun kakapatay sindi mo eh, tsaka baka makabasag ka."

 

 

"Ano ba itsura niyan kinakausap mo Kiminjeong naccurious na talaga ako eh nung isang linggo pa kayo ganito."

 

 

"Ang cute niya sobra mukang kerubin kasi half Spanish siya tapos yung buhok niya medyo maiksi na kulot yung dulo, yung suot niya naka dress pang mga makalumang bata, puti. Gusto mo buksan natin yung third eye mo para makita mo na siya?"

 

 

"Ayaw ko nga gago. Buti sana kung siya lang yung kaluluwa na makikita ko."

 

 

"Para nga makita mo na tsaka hindi mo kami pagbintangan na nakikipagusap sa hangin."

 

 

"Hindi talaga ako naniniwala sure ako imbento mo nanaman to."

 

 

"Naniwala ka nga sa milagro epal ka, Ryujin sinasabi ko sayo bawiin mo yung mga pinagkkwento mo dun sa mga kapitbahay natin tsaka dun sa mga tauhan sa farm. Leche ka kulang nalang gumawa ka ng shrine o magbenta ka na ng picture ko. Talagang with conviction ka pa sa mga pinagkakalat mo eh, bawiin mo yung punyemas na miracle baby na yun nakakahiya sobra! Hindi tuloy ako makapunta sa farm!"

 

 

"hahahahaha oo babawiin ko din naman yun. Malay ko ba na naging vampira ka pala noh tanga. Tsaka wag mo akong madaliin, iniisip ko pa kung pano dahil kapag nagkamali ako ng pag explain mapapahiya kami ni Mayora. Mas madami pa nga yun sinabihan sa munisipyo."

 

 

"Jusko naman si ate. Ayan yung mga kagagawan niyo, bawiin mo yun Ryujin sinasabi ko na. Niloloko tuloy ako ni Yuqi epal ka kung ano ano hinihirit niya sakin."

 

 

"Si Yuqi? Ano sabi?"

 

 

"Nung nagpagawa ako ng kabaong dba ang tagal namin nag usap. Sa sobrang pagkahook niya sa miracle baby story mo tignan mo hindi manlang siya nagtanong kung bakit ako nagpapagawa ng ataul na queen size. Tsaka ito pa, may business proposal daw siya sakin."

 

 

"Muka talagang pera to si Yuqi. Anong business proposal naman yan, wag mo sabihin na nagpauto ka?"

 

 

"Siyempre hindi. Magpanggap daw kami na nakakagamot ako ng mga may sakit tapos may rate. Siya na din daw yun bahala sa merch. Magbebenta pa daw kami ng milagrosong tubig na ilalagay niya sa bote ng mineral water tsaka tshirt na may muka ko. Ang gago dba?" kita ko kung pano sila nagtakip ng throw pillow at nagsiksikan ng sabay ni Gisele kakapigil ng tawa. "Sige tangina pagtawanan niyo pa akong dalawa, hayup ka Layu dahil sa mga kwento mong dagdag bawas magiging faith healer pa ako sa San Jorge walang hiya. Kaya ayusin mo yun Ryujin."

 

 

"Hahahaha oo na nga! ayaw mo yun nakakatulong ka sa candidacy ni mayora kapag tumakbo siya ng governor sa susunod na taon. Isang boto kapalit tshirt na may muka mo at isang bote ng milagrosong tubig." nakailag siya nung binato ko siya ng unan.

 

 

"Ang gago mo Layu. Sabihan mo din si Yuqi na manahimik na. Isa din yun ang galing dumaldal eh."

 

 

"Minjeongie wag kayo magmura naririnig ni Lucila." tinatakpan pala ni Catalina yung tenga nung bulilit na nakikinig sa usapan namin. "Sorry. Wag mo gagayahin yung mga salitang yun okay?" tumabi ako sakanila at niyakap ako ni Catalina. Lumipat din sakin si Lucila. Hindi ko siya pwedeng pakawalan dahil parang nagiging triple yung pagka kiti-kiti niya dito sa condo. Halos naging orb nalang siya sa sobrang likot lalo kanina nung nakita niya yung park tsaka playground sa baba.

 

 

"Sigurado ka mamaya, hindi mo kailangan ng tulong ko kapag kinausap mo na si Cheche?" tanong ni Ryujin dahil ito talaga yung balak namin. Aaminin na namin kung bakit kami napilitan wag sabihin yung tungkol sa mga vampira sa mansyon.

 

 

"Tatawagin nalang kita kapag nagkaproblema."

 

 

Lumuwas kami ng umaga ng Biyernes papunta dito sa condo sa Quezon City. Nakapag desisyon na kasi ako at wala nang bawian to, sasabihin ko na talaga sa kakambal ko yung totoong nangyari sakin pati yung bagong pagkatao ko. Hindi ko na kasi matagalan na may tinatago ako sakanya, umaasa ako na mapapatawad at maiintindihan niya kami. Kahit nakakatakot, tatanggapin ko nalang kung ano ang mangyayari. Siguro magkakaron ako ng lakas ng loob na sabihin kay ate Taeyeon kapag naintindihan at natanggap na ako ni Cheche.

 

 

Apat kami na nagpunta dito, nagpaiwan si Sorin dahil walang kasama si Imperia sa mansyon. Kami lang talaga dapat ang luluwas kaso nga lang nagdrama si Lucila kaya hindi siya natiis ni Catalina. Sila pa mismo ni Imperia ang nagpumilit sakin na isama ko dito sa condo yung bata dahil para daw masubukan niyang makapunta sa ibang lugar. Ewan ko ba halos isang buwan na din silang ganito, nag iba na ang turing nila kay Lucila at nakikita ko na napapamahal na talaga siya sakanila. Naging mabait na kasi siya at masunurin sa amin lahat kaya kinakagiliwan namin siya kahit ubod ng pilya.

 

 

Handa na din ako na dalawin si Minju, mula nung magkasama kami sa Quezon ngayon ko nalang ulit siya makikita. Kahit pa iba na at wala na yung puot na nararamdaman ko nung bago ako namatay hindi ko maintatanggi na mabigat pa din sa loob ko na makita siya sa ganun kalagayan. Oras na para makita ko kung nasaan siya. Balak ko din dumalaw sa magulang niya sa Linggo, nakausap namin sila kanina ni Cheche sa phone at nagpaalam ako na pupunta ako sa bahay nila sa Makati. Ako lang ang mag isang pupunta, naintindihan naman ni Catalina kaya pumayag kagad siya. Nababahala pa siya nung una pero alam naman niya na kaya ko na. 

 

 

 

 

10:30pm

 

Nakaupo ako sa kwarto ni Cheche at naghihintay na matapos siya sa night routine niya. Nasabi ko na sakanya na kailangan namin mag usap. Sa totoo lang hindi ako mapirmi kanina pang umaga dahil kabado ako. Kahit pano lumalakas yung loob ko dahil kasama ko si Catalina. Alam ko na kahit anong mangyari hinding hindi ako mag iisa dahil alam ko na lagi siyang nandyan para sakin.

 

 

"Minjeong. Dito ka nalang kaya matulog?" lumabas si Cheche sa bathroom at mukang tapos na mag wash up . "ang tagal na kitang hindi nakakatabi." 

 

 

"Oo pwede din. Okay ka na ba?" tumayo ako at nilapitan ko siya."Yeah I am done." umupo siya sa kama at lumipat naman ako sa bench na nakapwesto sa paanan.

 

 

"What's up, what do we need to talk about?"

 

 

"Ah, tungkol sakin." panimula ko. "What about you? sana mali ang hinala ko Minjeong." hindi ko inexpect yung binanggit niya. "Anong hinala?"

 

 

"Minju is a close friend of mine and she is very important to me. Turning four months palang nung namatay siya. Care to explain kung ano ang meron kayo ni Catalina?"

 

 

"Anong ibig mong sabihin?" ito yung napapansin ni Catalina na sinabi niya sakin nung umaga palang, kailangan daw namin umayos ng kilos dahil hindi maganda yung dating kay Cheche, hindi niya nagugustuhan. Tama yung mga nabasa niya sa mata ng kapatid ko.

 

 

"Kakamatay palang ng girlfriend mo but here you are, may mutual understanding na kagad kayo ni Catalina. You think that's okay? I have nothing against Catalina since she is my friend as well, pero mahiya ka naman Minjeong. Kung umasta kayo parang kayo na eh. Umamin ka nga, is she your girlfriend?"

 

 

"Hindi, hindi ko siya girlfriend. Hindi mo maggets pero kung ano yung meron kaming dalawa mas matimbang pa yun sa kahit anong relasyon, hindi mo nga maikukumpara eh."

 

 

"How can you be this casual? do you realize na mas malala pa yan sinabi mo?"

 

 

"Totoo naman, mas higit sa lahat ng relasyon yung kung ano ang meron kami." napasimangot si Cheche at mas hindi niya ata nagustuhan yung sinabi ko. "I hope you are joking."

 

 

"Hindi."

 

 

"What do you even mean? have some decency, dapat pinatagal mo naman ng ilan months bago ka naghanap ng kapalit."

 

 

"Hindi pa kami magkarelasyon ni Catalina, naghihintay kami ng isang taon as respect sa pagkawala ni Minju."

 

 

"Wow lag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1151 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko