Chapter XLI

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

April 2024

 

7:00pm Miyerkules sa Bahay ni Yesenia  

 

Kakagising ko lang, simula nung ginawa nila sa akin yung pagsalin nag iba na halos lahat ng kinagawian ko. Nagbago ang oras ng pag tulog ko, hindi na ako giniginaw at naiinitan, hindi na ako kinakapos ng hininga, hindi na ako inuubo at higit sa lahat kahit minsan hindi na ako nakaramdam ng gutom. Wala, ibang iba na, hindi na din ako natatakam sa mga pagkain na kinasanayan ko dati.

 

 

Halos mag iisang buwan na ang nakalipas mula nung maatake ako sa puso. Hanggang ngayon dito pa din kami tumutuloy ni Catalina sa bahay ni doctora Yeji. Hindi pa ako pwedeng bumalik sa bahay namin dahil hindi pa ako nakikita at nadadasalan ni Imperia. Ito yung isa sa mga hindi nagpapatulog sa akin ngayon, natatakot ako na malaman niya yung ginawang pagbuhay sakin nila Catalina. Alam ko na hindi niya ako matatanggap at magagalit talaga siya sa pagsuway nila sa tatlong pinaka mahalagang utos para lang buhayin ako. Bahala na kung anong mangayayari, pero ang hiling ko lang, sana wag niya kaming sasaktan at wag niyang idadamay yung mga kapatid ko.

 

 

"Hello!"

 

 

"Ahhhh! Ano ba yan!!!" nananahimik akong nakahiga dito sa guest room nang bigla nalang may lumitaw dito sa loob mismo ng kumot ko.

 

 

"Nakakagulat ka naman grabe ang gulo pa ng buhok mo."

 

 

"Wag mong sabihin na isa kang vampira na takot sa multo Minjeong?"

 

 

"Bakit kasi," magiiba sana ako ng pwesto pero pag angat ko ng kumot may muka na nakatingin at nakangiti sa akin sa loob. "Bakit andyan ka, dito ka ba natulog?"

 

 

"Ano sa tingin mo?" namimilosopong sagot niya."Sandali nga, tingin ka dito."pinaupo ko siya sa tabi ko para aayusin ko yung buhok niya na natatakip sa muka niya. "Kanina ka pa ba gising, saan ka nanaman galing? asan ba yung tali ng buhok mo?"

 

 

"Kakagising ko lang din." hinahawi ko yung buhok niya at inayos ko yung butones ng pajama niya dahil napansin ko na hindi pantay.

 

 

"O ayan maayos na. Kumain ka na ba?"

 

 

"Hindi pa, kasi hinihintay kita." nung bumangon sa kama si Catalina, may napansin ako sa suot niya. Magka terno pa talaga yung pajama na suot namin at parehas pa ng kulay. Ito yung regalo niya sakin na binili daw niya nung isang araw dito sa bayan.

 

 

"May sarili kang kwarto na binigay ni doc Yeji pero tuwing umaga dito ka pa din natutulog."

 

 

"Wala akong ataul dito, hindi ako makakatulog ng mahimbing. Lumilipat ako dito sa kwarto mo kasi masarap ang tulog ko kapag katabi kita."

 

 

"Napaka straightforward mo naman. Catalina, may gusto akong itanong sayo."

 

 

"Ano yun?"

 

 

"Pano ko maaayos yung oras ng pagtulog ko? ayaw ko kasi ng ganito gusto ko sana kapareho pa din ng dati. Kasi pag tagal balak ko nang bumalik sa trabaho."

 

 

"Saka mo na isipin yan Minjeong. Unahin mo yung mga bagay na importante."

 

 

"Tulad ng?"

 

 

"Yung dasal mula kay Imperia sinabi mo sa amin na handa ka na. Sa biyernes ng umaga, pupunta na tayo sa Mansión de los Condenar. Magpapakita na ako sa kapatid ko at malalaman na din nila Gisele na ikaw ang bagong kalahi namin."

 

 

"Baka naman dukutin ng ate mo yung puso ko. Hindi nga ako na-bypass surgery tapos dudukutin din naman pala niya, edi wala din."

 

 

"Nakapag plano na tayo nila Yesenia hindi ba? Kami ang makikipag usap sakanya, ipapaliwanag namin lahat hanggang sa maintindihan niya. Hindi ka dapat matakot Minjeong. Tingin ko matatanggap naman ni Imperia basta kailangan ko lang magpaliwanag ng maayos."

 

 

"Okay sige may tiwala ako sainyo ng apo mo. Tara na." bumangon na ako sa kama at isinama ko siya papasok sa banyo. "Mag wash up na tayo." aya ko sakanya.

 

 

"Sabay tayo?"

 

 

"Oo ayaw mo ba? lagi kaya tayong sabay. Tsaka andito din naman yung mga gamit mo kasi tuwing umaga dito ka natutulog."

 

 

"Masasanay na ako sa ganito Minjeong at nagugustuhan ko na."

 

 

"Ako din, mukang ilan daan taon naman tayo na ganito eh, kaya kailangan na natin masanay. Wala tayong choice, mukang masstuck tayo sa isa't isa." nagsimula na akong mag toothbrush at nagsimula na din siyang maghilamos. Napansin ko yung paraan kung pano siya mag lagay ng facial wash, halos mabura na yung muka niya sa lakas ng pressure."Catalina, sabi ko sayo yung kamay mo dapat light lang. Mag toner tsaka moisturizer ka din pagkatapos." paalala ko.

 

 

"Okay Minjeongie."

 

 

"Ano gagawin natin ngayon araw? Hindi ba ako pwedeng lumabas, dito lang talaga tayo sa bahay ni doc Yeji?"

 

 

"Pwede tayong umalis kahit pa gabi ngayon. Makakapunta ka na din kung saan saan, isang pikit mo lang makakalipat ka na sa lugar na gusto mo. Pwede ka din lumipad."

 

 

"Grabe Catalina, inaasam asam ko lang to dati tapos ngayon totoong nangyayari na."

 

 

"Pero mag ingat ka at wag magpadalos dalos dahil hindi tayo pwedeng makita ng mga tao."

 

 

"Ganito pala yung buhay niyo noh. Masyadong relax, wala kayong ginagawa masyado tsaka wala kayong iniintindi?"

 

 

"Oo at hawak namin ang oras namin. Wala kaming responsibilidad kahit kanino. Hindi din kami nagkakasakit, nagagawa namin kahit ano, kung maisipan mong pumunta sa mga lugar na gusto mo, mabibisita mo kagad yun."

 

 

Pagkatapos kong mag toothbrush pati maghilamos kinuha ko yung towel at dahan dahan kong dinadampi sa muka ko. "Tapos ka na ba?" napansin ko si Catalina. Tumango siya habang inaayos yung mga ginamit niya. Hinatak ko siya palapit sakin at pinatayo ko sa harap ko. "Pikit ka. Nabasa nanaman yung pajama mo."maingat kong pinunasan yung muka niya bago ko siya nilagyan ng toner. Nagugulat at napapaatras siya dahil medyo malamig yung pinapahid ko. Pagtapos niya, nilagyan ko din yung muka ko. "Patuyuin mo muna tapos mag apply ka ng moisturizer." paalala ko sakanya.

 

 

"Sige, salamat."

 

 

"Catalina, ngayon ko na-rrealize na ang saya nitong pagiibang katauhan ko. Kasi tignan mo, ang dami ko nang magagawa ngayon. Yung mga bagay na napaka imposible para sa mga normal na tao, lahat pwede ko nang subukan."

 

 

"Hindi mo na din kailangan mamroblema sa mga bagay bagay. Hindi mo na nga kailangan mag trabaho."

 

 

"Ha? pero parang nakakainip din yung walang ginagawa tapos maghapon lang naka tanga. Hindi ko kaya yung ganun."

 

 

"Hindi ka maiinip basta umisip ka lang ng mga gagawin, katulad ng mga interest o mga hobbies na gusto mong subukan."

 

 

"Pero kung hindi magttrabaho pano naman kikita? edi wala kang pang gastos. Pano mo bubuhayin yung sarili mo?"

 

 

"Dugo."

 

 

"Ano ba yan."

 

 

"Sa totoo lang hindi mo na kailangan magtrabaho, naalala mo ba yung mga pinakita ko sayo dati sa ibaba ng mansyon? yung mga pag aari ko?"

 

 

"Oo ang dami mong gold tapos ayaw mo akong bigyan kahit isang piraso lang."

 

 

"Tayo ang itinakda, kaya ikaw na Minjeong ang kabiyak ko at wala nang iba. Kung ano ang pag aari ko, sayo na din yun."

 

 

"Ha? tangina conjugal? may ganun sa inyo?!"

 

 

"Oo agad agad, sa atin dalawa na yun. Tsaka napaka dami nun, ano naman ang gagawin ko hindi ko mauubos yun mag isa. Ngayon na dumating ka na, siyempre may kahati na ako."

 

 

"Hala?!! seryoso ka? tangina ang swerte ko naman Catalina totoo ba o niloloko mo nanaman ako?!"

 

 

"Oo seryoso ako dahil ganun talaga ang kinasanayan. Sinabi ko naman sayo, ako at ikaw. Iisa na tayo ngayon, ikaw na ang kabiyak ko."

 

 

"Instant yun?"

 

 

"Oo. Dahil hangga't buhay at humihinga ka, sa akin ka lang Minjeongie."

 

 

"Tangina grabe wala akong masabi. Talagang ako ba yung nakatakda para sayo? baka naman namali ka lang ng kutob tapos ibang tao pala dapat."

 

 

"Matindi ang pruweba na meron tayo. Kaya din hindi ako natatakot na harapin si Imperia. Mapapatunayan ko sakanya na hindi kami nagkamali, dahil nagawa ko na buhayin ka."

 

 

Kumuha ako ng unan at nilagay ko sa harap ko. "Dito yung ulo mo, lalagyan kita nitong moisturizer." pagtapik ko sa unan bigla siyang sumulpot at inabot na sakin yung gagamitin namin. "Okay pikit ka."nag simula na akong lagyan siya.

 

 

"Hindi ko pa nasasabi to pero salamat sa ginawa mo Catalina. Pati na din nung sinubukan mo kaming iligtas ni Minju, kahit pa ganun ang kinalabasan, salamat pa din sayo. Tinaya mo yung buhay mo, sinuway mo pa lahat para lang hindi ako tuluyang mamatay."

 

 

"Alam mo naman ang dahilan ko Minjeong. Kung hindi kita naabutan malamang, hindi na din ako tatagal dito sa mundo niyo."

 

 

"Wag kang mag alala dahil hindi kita bibiguin at hindi kita sasaktan Catalina. Ang laki ng utang na loob ko sa ginawa mo. Hindi matutumbasan yung galak ng mga kapatid ko nung nalaman nila na buhay at ligtas ako."

 

 

"Pero dadating ang panahon na kailangan mo nang aminin sakanila. Magiging madali para sa lahat kapag nalaman nila."

 

 

"Oo sasabihin ko din pero kailangan ko humanap ng magandang timing. Kasi sigurado magagalit si ate at may posibilidad na hindi niya tayo matanggap."

 

 

"Basta tapusin na muna natin yung dasal na kailangan mo, madami kasi akong katanungan tungkol sayo Minjeong. Hindi ikaw yung pangkaraniwan na nasalinan, ibang iba ka sa lahat ng mga nasaksihan ko."

 

 

"Pano kung fake vampire lang pala ako Catalina, tangina wala akong silbi? ano yun lipad lipad lang ako tsaka teleport? ni-hindi nga ako makainom ng dugo eh. Bakit ba ako ganito, may mali ba sa dugo mo?"

 

 

"Anong sabi mo? pinaghihinalaan mo ba yung dugo ko?"

 

 

"Hindi naman pero naisip ko lang. Hindi kaya dahil to sa kakakain mo ng kung ano anong pagkain ng mga tao, baka kaya nagkaron ng mali sa dugo mo. Baka naman may sakit ka, alam mo yun yung parang baog."

 

 

"Ano ba yan mga pinagsasabi mo Minjeong manahimik ka nga. Sinisisi mo talaga yung dugo ko?"

 

 

"Hahahaha eh kasi ang weird eh wala akong power, parang may mali sakin. Para akong vampire na hindi nag develop ng maayos. O baka hindi compatible yung dugo natin?"

 

 

"Malalaman din natin yan. O baka ganun talaga ang tadhana. Binigyan ako ng vampira na walang kwenta at muka lang tuta." sumulpot ako sa tabi niya, tinaas ko siya sa ere at ibinagsak ko siya sa kama kaya nagulat siya.

 

 

"Bakit mo ako hinagis?"

 

 

"Tinawag mo akong tuta."

 

 

"Baka kasi yun ang pakinabang ko sayo. Nabigyan ako ng vampira na walang silbi para lang meron akong yayakapin gabi gabi at meron akong alagang tuta."

 

 

"Tuta pala ha, o sige."

 

 

"Hahahahaha aray ko Minjeong biro lang!" dinala ko siya sa bubong ng bahay ni doc Yeji at umaakto ako na ihuhulog ko siya sa pinaka tuktok. "Pag tinawag mo pa akong tuta babaliin at dudurugin ko yan mga buto mo!" banta ko sakanya.

 

 

"Hala nakakatakot." sa isang iglap dinala niya ulit ako sa kama at dinadaganan niya ako. Umangat siya sa pagkakatago sakin at sinilip yung muka ko. "Tingin mo natatakot ako sayo?" Nakakairita dahil natatawa at parang nangiinis pa talaga yung muka niya."Ang epal mo Catalina." mas hinigpitan ko pa ang kapit ko sakanya at pinahiga ko siya sa ilalim ko.

 

 

"Hahahaha joke lang. Wag ka magulo Minjeong at masisira itong kama ni Yesenia. Baka kung ano pa ang isipin niya na ginagawa natin dito sa loob ng kwarto."

 

 

"Tinatawag mo akong tuta tsaka hindi mo ako sineseryoso, pinapamuka mo ba sakin na wala akong kayang gawin?"  

 

 

"Wala akong sinasabing ganyan binibiro lang naman kita. Wag kang magulo. Kakagising mo lang kung ano ano na ginagawa mo, dito ka na sakin gusto kitang yakapin." humiga ako sa ibabaw niya at niyakap niya ako.

 

 

"Catalina, ano ba talaga tong relasyon natin? medyo hindi ko pa din maintindihan. Bakit sobra yung saya na nararamdaman ko tuwing magkasama tayo, tsaka bakit bigla nalang nabura ang lahat at naging ganito na?"

 

 

"Sinagot na ni Yesenia yan tanong mo."

 

 

"Magkarelasyon ba tayo, parang girlfriend kita?"

 

 

"Higit pa dun Minjeong. Napaka babaw ng relasyon ng mga tao kumpara sa kung ano ang meron tayong dalawa."

 

 

"Sandali, so para tayong nagkaron ng union, parang kinasal ganun?"

 

 

"Ang kulit mo naman Minjeong higit pa nga dun dba, hindi ito kapareho nung sa mga mortal, dahil dugo ko yung dumadaloy sayo kaya mas matindi ang pag iisa natin. Kapag isa satin ay namatay, hindi na din magtatagal ang buhay ng isa."

 

 

"Tangina grabe naman. Eh pano kung nagkamali ka? tapos hindi pala dapat ako. Tsaka pano kung hnhostage mo lang pala ako, para mapilitan ako tapos gawa gawa mo lang lahat ng yan?"

 

 

"Sige, isa pa! Masyado kang makulit, nagsisimula na akong mabwisit sayo."

 

 

"Hahahaha okay hindi na. Ang pikon mo talaga nagtatanong lang naman ako."

 

 

"Gusto kong malaman. Ano ba ang nararamdaman mo para sa akin Minjeong? Alam ko na hindi mo ako mahal pero meron tayong koneksyon na mas matindi pa dun."

 

 

"Ano yung totoong nararamdaman ko sayo? Wala bukod sa nakakairita ka." hinigpitan niya yung hawak niya sakin sabay bigla akong sinakal. "Hahaha ang sakit!! Ang brutal mo naman Catalina, ganito ba yung relasyon natin? puro nalang pisikalan?!"

 

 

"Hihigpitan ko pa to kapag hindi mo ako sinagot ng maayos. Ano nga?!"

 

 

"Tap out na, ano ba gusto mong malaman?!"

 

 

"Anong totoong nararamdaman mo ngayon sa nangyayari sa atin at para sa akin? dahil ngayon na kauri na kita, hirap na akong basahin yan isip mo."

 

 

"Bago sakin tong nararamdaman ko, hindi lang basta saya kaya hindi ko ma-explain. Para akong ibang tao na napunta sa ibang mundo. Pati yung mga emosyon ko ibang iba na kaya nagugulat pa din ako. Wala akong naiisip na problema, ang alam ko lang masaya ako. Kumpleto na lahat ng kailangan ko sa mundo at wala na din akong hinahanap pa kasi kasama na kita."

 

 

"Parehas lang tayo ng nararamdaman. Yan talaga ang epekto kapag nahanap na ng vampira yung itinakda para sakanya. Ganito mismo ang pakiramdam nun."

 

 

"Lahat ba ng vampira meron nakatakda para sakanila? ano nga tawag niyo dun, staker?"

 

 

"Hindi nangyayari sa lahat ang ganito. Kahit pa nagkakaron sila ng ka-relasyon hindi ibig sabihin na yun ang nakatakda para sakanila. Yung iba naman katulad ko, umaabot ng ilan daan taon bago nila nahanap yung para sakanila."

 

 

"Pano mo nalaman na ako yung sayo?"

 

 

"Iba ang dating ng dugo mo sa akin, sobrang pinapalakas ako niyan at ang bango. Higit pa dun, kahit saan lupalop ka mapadpad makikita kita sa pamamagitan ng isang kurap lang, kaya alam ko na ikaw talaga yung para sakin."

 

 

"Nakakamangha Catalina sobra."

 

 

"Sa ngayon ba, may nararamdaman ka bang kalungkutan o sama ng loob?"

 

 

"Wala. Kaya nga naisip ko na ang saya pala maging patay kung ganito lang din kasi wala ka nang pproblemahin."

 

 

"Ganyan ang kinakahinatnan ng mga kaluluwa ng mortal. Maliban lang sa iba na hindi makatawid, o yung mga kaluluwang may galit at hindi matanggap na patay na sila, mga hindi matahimik."

 

 

"Kung tuluyan akong namatay, nasaan kaya ako ngayon?"

 

 

"Tingin ko naglalakbay ka na patungo dun sa magandang lugar at patawarin mo ako dito sa sasabihin ko Minjeong pero sigurado ako na magkasama dapat kayo ni Minju."

 

 

"Pano mo nasabi na sa magandang lugar ako pupunta, tingin mo ba nasa magandang kalagayan na si Minju?"

 

 

"Oo tingin ko naman tahimik na siya. Ganyan ang pakiramdam mo ngayon, wala kang mabigat na dala dala kaya kung tuluyan kang pumanaw, mabilis kang makakatawid."

 

 

"Ramdam ko talaga na wala na akong kailangan intindihin pa. Pagkatapos ba nung dasal pwede na akong matulog sa bahay namin?"

 

 

"Hindi ka pa namin pwedeng pakawalan sa mundo ng mga tao at hayaan bumalik sa normal na buhay mo hangga't hindi natin nalalaman kung anong klaseng vampira ka. Napaka delikado kasi nun, baka magulat kami na nagsasalin ka na pala sa ibang tao."

 

 

"Pano kung wala akong kakayahan Catalina. Pinahamak mo yung sarili mo tapos wala naman pala akong kwenta."

 

 

"Imposible kaya wag kang magsalita ng ganyan."

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1151 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko