Chapter XXVIII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Songs for this chapter:

Fools By Troye Sivan

Too Late by SZA

(you may click the song links)

 

 

 

4:30pm 

 

Pagkatapos dumating ng mga taga mansyon, parang ako at si Minju pa tuloy ang naging bisita. Ang saya saya nilang lahat pero hindi ko talaga maiwasan na maging awkward. Aminado ako na may kasalanan ako kay Catalina pero hindi ko nagugustuhan kung pano yung pakikitungo niya sa amin ni Minju. Pinakilala ni Cheche at ni Ryujin kanina si Minju sakanya pero ngumiti lang siya at hindi niya talaga binati. Sinusubukan siyang kausapin ni Minju pero umalis siya kagad at tumabi dun sa kung sino man yung kasama niya na dayo dito sa San Jorge. Ibang iba din yung inaasta niya ngayon, napaka masayahin, madaldal, makwento at napaka friendly niya sa lahat, maliban samin ng Pumpkin ko dahil parang hindi kami nag eexist. Pati sila Ryujin at Minji, nanibago sa kung pano siya.

 

 

Hindi ko maiwasan mabahala dahil sigurado ako na hindi alam nitong lalaki yung totoong pagkatao nila Catalina. Ewan ko kung ano ang mga napagusapan nilang dalawa pero napaka delikado at mahirap magtiwala basta basta. Pwede silang mapahamak kapag may nag interes at nagkalat ng kwento tungkol sa lahi nila.

 

 

 

 

 

Nakatambay pa din kami dito sa ilalim ng puno ng mangga, magkatabi kaming tatlo nila Minji, Ryujin at magkahiwalay kami ngayon ni Minju. Nagpakuha pa si ate Taeyeon ng mga upuan, lamesa at nagpahanda din siya ng iba't ibang meryenda nung nalaman niya na dumating sila Gisele. Binati niya din sila kanina at inimbita sa handaan na gaganapin bukas dito sa bakuran namin.

 

 

Tahimik akong nanonood at nakikinig sa usapan, iniinterview ni Vivian at Cheche si Catalina pati yung kaibigan niya. Ito yung lintik na akala mo kung sino na nangungulit sakanya dun sa coffee shop sa mall sa Santa Rita. Kahit minsan hindi nabanggit sa akin ni Catalina na nakakausap niya to, kaya hindi ko talaga maintindihan kung pano sila nagkita at kung bakit parang close na sila ngayon. Pinagbantaan ko na to dati pero talagang ang tigas ng muka niya, nagpakita pa mismo dito sa bahay namin.

 

 

"Ah okay I get it, so the two of you met in a coffee shop? but this is the first time that you actually went out?"

 

 

"Pangalawang beses Cheche kasi kumain kami sa labas kagabi." pinapanood ko lang si Catalina na ganadong ganado sumagot sa mga tanong sakanila.

 

 

"Oo dun ko nakilala si Catalina, sa totoo lang hindi maganda yung unang interaction namin dahil nakulitan ata siya sakin. Magkasama kayo nun, hindi ba Minjeong?" parang nag panting yung tenga ko. Sinamaan ko ng tingin itong kupal nung tinawag niya ako sa first name ko. "Sandali ah, sino ka ba?"

 

 

"Uhm sorry. Sinama lang naman ako dito ni Catalina."

 

 

"Hindi kita kaano ano at hindi kita kilala kaya wag mo akong tawagin niyan. Kiminjeong yung pangalan ko, wala kang karapatan na tawagin akong Minjeong." hindi ko mapigilan maasar. Napipikon talaga ako dito sa pagmumuka nito. Feel na feel ni gago na naka hot seat sila at lahat ng atensyon nakatuon sakanila. Isa pa tong kakambal ko tsaka si Vivian, hindi nalang manahimik. Kanina pa tanong ng tanong ng mga bagay na hindi naman importante.

 

 

"Kiminjeong" tumabi sakin ni Ryujin at inakbayan ako. "Ayos ka lang ba? relax."

 

 

"Oo Layu, feeling close kasi eh parang gago. Hindi ko naman siya kilala pero tinatawag ako ng Minjeong. Sino ba talaga to?"

 

 

"Ngayon ko lang siya nakita."

 

 

"Pook? bakit ang sungit mo?" lumipat sa tabi ko si Minju at naramdaman ko na napahawak siya sa braso ko. Hindi kami masyadong nagdidikit lalo na ngayon na ang dami namin at may ibang tao pa. "Okay ka lang ba?"

 

 

"I'm sorry Pumpkin. Hindi ko kasi siya kilala tapos ganyan yung tawag niya. Feeling close masyado eh, ayaw ko ng ganun."

 

 

"Hayaan mo na baka hindi niya kasi alam." hinawakan ko yung kamay ni Minju bago niya alisin. Ito pa yung isang problema, biglang nagdala ng kung sino sino dito si Catalina, kailangan tuloy na maging maingat kami sa kilos namin. Kung kanina libre akong hawakan at yakapin si Minju, ngayon hindi ko na magawa dahil meron ibang tao. Mahirap na baka makuhaan pa kami ng picture o may kumalat na storya tungkol sakanya.

 

 

"I'm sorry about that Jeno, naiinip at naiinitan ata yung sister ko kaya wala siya sa mood. Anyway going back to Viv's question you met Catalina in a coffee shop. Are you working there, like full time?"

 

 

"Full time kasi sa akin yung coffee shop na yun. Goal ko kasi talaga na magkron ng ganun tsaka hilig ko din magluto kaya naisipan kong mag open ng cafe tsaka ng isang restaurant. Almost four years na yung business ko."

 

 

"That's nice, and ang bata mo nag start. You mentioned that you are also a chef right?"

 

 

"Oo yun yung tinapos ko. Nag aral ako ng Culinary sa CCA, pagkatapos nun nag training din ako sa Singapore for being a barista, hanggang sa bumalik na ako sa Santa Rita to open my own business."

 

 

"CCA graduate ka pala. So do you have any favorite cuisine to cook, what's your forte?"

 

 

"More on specialty diets. Ayan kagaya siguro ng mga ginagawa niyong tatlo na mga celebrities, Low-carb, Paleo and Mediterannean Diet. Yun yung focus ko."

 

 

"Ang cool talaga na meron friend na chef.  Dba we also have a friend who's working as a chef Vivs but did he go abroad na?"

 

 

"Yes he migrated to Switzerland. There are perks pag chef yung friend mo, sometimes free meals at his restaurants then if there's a get together in his place or another friend's house nag vvolunteer pa yun magluto. You're so lucky Catalina because you're gonna be eating good. Right Jeno?"

 

 

"Hahaha for sure. Kung bibigyan niya ako ng chance, ipagluluto ko siya araw araw. Sorry, mabilis ba masaydo Catalina?"

 

 

"Hahaha okay lang."

 

 

Hindi ko maitago kung ano yung totoong reaksyon ko, malamang yung itsura ko ngayon ganito yung pagmumuka ko kapag nanonood ako ng mga baka na kinakatay at inahin baboy na nanganganak sa farm. Magkakahalong kilabot at diri yung nararamdaman ko.

 

 

"Catalina napag luto ka na ba ni Jeno?" hindi pa pala tapos itong tanungan session courtesy nitong chismosa kong kapatid at yung best friend niyang si Vivian, may pahabol pa sila.

 

 

"Hindi pa kasi kahapon lang kami nagkita at nagkausap ulit, pero sabi niya na sa susunod." humarap at ngumiti pa talaga siya sa katabi niya. Parang may mali talaga sa nasasaksihan ko ngayon, ang ganda pa ng ngitian nila sa isa't isa habang tinatanong sila nila Cheche. Hindi naman ganito yung totoo ni Catalina, malamang nagpapanggap nanaman siya. "Pero kanina nag promise siya sakin na ipagluluto daw niya ako."pagpapatuloy niya. Napasimangot ako nung nagkatinginan kami. Ano kayang trip nito, pagkatapos niyang sabihin yun bigla siyang tumingin sa akin na akala mo maiinggit ako na ipagluluto siya nung Jeno.

 

 

"I know it's cliché and all but for me it's true... You can contradict me or whatever but I believe that the way to a woman's heart is through her stomach."

 

 

"Ah talaga ba hindi sa leeg? Tss stomach eh puro hilaw naman kinakain niyan." bulong ko sa sarili ko bago ko chneck yung phone ko.

 

 

"Sinong kumakain ng hilaw?"

 

 

"Ha?" hindi ko alam ang isasagot ko nung magtanong si Ryujin. Napalakas ata yung pagkakasabi ko kaya nag react siya. "Ano yung hilaw Kiminjeong?

 

 

"Wala. Sabi ko yung mga bunga ng mangga dyan sa taas hilaw pa. Uy Layu ano yun?" tumayo ako nung napansin ko yung lumilipad sa tapat ng gate. "Alin?"

 

 

"Ayun yung nasa labasan, teka nga."

 

 

"Hey where are you going?"hinatak ni Minju yung tshirt ko kaya napatigil ako. "Ano yun Minju?" 

 

 

"Saan ka pupunta?" tanong niya sakin. Tinignan ko muna kung may mga nakatingin sa amin bago ko siya nilapitan. Nasa magkabilang dulo kami ng papag kaya kailangan ko pang umikot.

 

 

"Ah titignan ko lang sana yung ginagawa nila Sito dun sa gate. Okay ka lang ba dito? andito naman sila Ryujin."

 

 

"Yeah I'm fine. Sige, I can see you from here naman."

 

 

"Pumpkin iwan ko na muna sayo to ha." pinahawak ko kay Minju yung phone ko."babalik din ako kagad titignan ko lang yung nilalaro nila. Sama ka nalang kaya sakin?"

 

 

"No I'm okay here pook, I'll stay. Gusto mo ba makipag laro sakanila? you may go na."

 

 

"Okay, mabilis lang ako. Layu, dun muna ako."

 

 

"O sige." tinapik ko yung balikat niya bago ako umalis. Nung naglakad na ako, hindi ko sinasadya pero napatingin ako dun sa isang nakaupo sa beach chair katapat namin. Nakakatakot si Catalina, ganito yung mga titig niya sakin nung mga panahon na lagi niya akong binabalibag. Hindi ko nalang siya pinansin para walang gulo at dumiretso na ako kung nasaan sila Sito.

 

 

 

 

 

 

Nakatawag pansin sakin yung mga laruan na pinapalipad ng mga bata malapit sa gate. Na-curious ako dahil halos lahat sila may hawak na ganun at sabay sabay nilang tinitira sa ere.

 

 

"Sito ano yan?!" excited akong lumapit sakanila."Ito? helicopter slingshot. Ang galing nito Kiminjeong tsaka umiilaw pa"

 

 

"Saan niyo nabili yan?"

 

 

"Dun sa plaza, may nagpapalaro at ito yung premyo. Malapit sa mga tindahan ng mga laruan."

 

 

"Yan yung premyo, hindi ba pwedeng bumili nalang?"

 

 

"Hindi pwede, kailangan mo maglaro at manalo. Pero napaka hirap nung laro kaya hindi ka basta basta makakakuha nito."

 

 

"Sito parang gusto ko niyan wala ka na bang extra?"

 

 

"Isa lang yung laruan ko dahil mahirap manalo dun sa palaro. Naka pitong subok pa nga ako."

 

 

"Grabe hindi kaya dinadaya kayo nun? Baka naman may daya yung laro para mapilitan kayong magbayad at sumubok ng ilan beses."

 

 

"Hindi ko alam pero mahirap talaga yun. Lalo ka na Kiminjeong napaka labo ng mata mo, baka hindi ka manalo."

 

 

"Pahiram ako." kinuha ko sakanya yung helicopter slingshot, nilagay ko kagad sa goma at tinira ko pataas. "O bakit ayaw?" tumakbo siya para kunin yung nahulog na elesi. "Subukan mo ulit, tirahin mo pataas." kinuha ko yung plastic na elesi at kinabit ko sa tirador. Lumayo muna ako kay Sito bago ko tinira papunta sa langit. Palpak ang lipad, hindi manlang tumaas kahit konti. "Ano ba yan bakit parang supot kapag ako yung tumitira?"

 

 

"Ako Kiminjeong, tignan mo kung pano yung ginagawa ko." nag demo ulit siya, tinira niya pataas at sobrang smooth ng lipad. "Bakit ang layo ng inaabot nung sayo? Ako nga ulit, pasubok." kinuha ko yung tirador, kinabit ko mabuti yung elesi at tinatantya ko muna yung angle bago ko tirahin ng malakas.

 

 

"Bilang ka Sito ito sigurado na to."

 

 

"Okay itaas mo na yung kamay mo. Isa.... dalawa....  tatlo!" 

 

 

"Ano ba yan bakit ayaw?!" ang weirdo nitong laruan ni Sito, ang ayos naman ng pagkakatira ko tsaka maayos din yung anggulo ng mga kamay ko. Wala naman hangin pero ang baba lang ng inabot, ni hindi manlang tumaas ng konti. "Isa pa Sito, hindi ako titigil hangga't hindi ko na-llaunch ng maayos sa ere to." ako na mismo ang pumulot at kinabit ko kagad sa tirador. "Okay.... sapul ka ngayon!!!"

 

 

"EEEEh!! hahahahahahaha ano ba yan Kiminjeong! hindi ka marunong?"

 

 

"Bakit ganun?! bakit parang may nakaharang sa ere kaya ayaw umakyat? Inihipan mo ata Sito eh!! bakit ayaw sakin!!"

 

 

"Ganito lang kasi irelax mo yung kamay mo." tinira niya, ang taas ng inabot at ang ganda pa ng paglanding sa harap namin. "Sito subukan ko pa nga isa pa. Magaling ako sa tirador, expert ako dun dba, pero bakit ayaw gumana sakin niyang laruan mo?" 

 

 

"Relax mo lang kamay mo. Yan"

 

 

"Ganito dba?!"

 

 

"Oo tama yan! Tapos itapat mo ng dahan dahan sa langit, sabay.. sige bitaw!!!" 

 

 

"Aray!!!" 

 

 

"Hahahahahahahahaha tumalsik sa muka mo hahahaha pano mo ginawa yun? tsaka bakit bumabalik kapag ikaw?" 

 

 

"Nakita mo? hahahaha nakita mo din ba? bakit ganun, ayaw sakin niyang laruan mo! parang bumanda at bumalik sa muka ko, ang sakit ha! pano nangyari yun eh ginaya lang naman kita?"

 

 

"Hahahahaha hindi ko alam sayo, tama naman yung pag gamit mo pero bakit nga bumabanda pabalik sayo yung elesi? hahahahahaha. Pinagttripan ka talaga ng hangin Kiminjeong. Ganito lang naman." sinundan ko ng tingin yung pinalipad niya, nilagay ko pa yung dalawang kamay ko sa noo para makita ko yung laruan ni Sito na lumilipad sa ere. Umaabot talaga ng napakataas at ang ganda ng landing kapag siya yung gumagawa.

 

 

"Sito ito huli na talaga to, naiirita na ako kapag ayaw pa din hindi ko na susubukan yang lintik na laruan na yan. Baka mabasagan pa ako ng salamin dahil dyan."

 

 

"Ito subukan mo Kiminjeong, ginagawa ito ng ibang mga kalaro ko. Mas maganda ang bagsak kapag meron nito."

 

 

"Sige ano ba yan?" napansin ko na umupo siya at parang may hinahanap sa lapag. "Anong ginagawa mo dyan sa lupa? pupunta na tayo sa plaza madudumihan pa yan shorts mo."

 

 

"Kumukuha ako ng bato. Mas maganda ang bagsak kapag may pabigat. Ito pwede to." meron siyang nakuhang maliit na bato pero mukang mabigat. "Baka naman makatama tayo niyan, may mga kotse pa naman dyan sa labasan."

 

 

"Hindi naman aabot dun, Kiminjeong ikaw ang sumubok. Naitali ko na mabuti yung bato, hindi na matatanggal yan." mas na-excite ako nung nakita ko yung batong kinabit niya, yung helicopter slingshot ginawa nang weapon ni Sito. "Ganun ulit dba, titirahin ko lang pataas?"

 

 

"Oo tumungtong ka kaya dyan sa malaking bato para mas mataas pa yung abutin?"

 

 

"Sige sige." tumakbo kaming dalawa sa tapat nung puno ng niyog sa bandang kaliwa ng gate namin. Tinignan ko muna yung Pumpkin ko, busy siyang makipag usap kila Cheche at kakwentuhan niya si Sorin pati si Gisele. Mukang busy naman silang lahat dun dahil tuloy lang ang kainan at usap nila. Mamaya na ako babalik, hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nasusubukan paliparin itong laruan ni Sito.

 

 

Umakyat ako sa batong malaki at pinalayo ko na si Sito."Ayos na ba tong pwesto ko?!" sigaw ko.

 

 

"Oo sige ang taas na niyan!"

 

 

"Kiminjeong ano nanaman ba yan ginagawa mo?!" kailangan kong magfocus pero nadistract ako sa boses ni Ryujin. "Layu mamaya ka na!" malamang naiinggit to at gusto niya din sumali samin kaso hindi niya maiwan si Gisele.

 

 

"Sito bumilang ka hanggang tatlo, titirahin ko na, rocket launch ng SpaceX tong masasaksihan mo!!!"

 

"O sige Kiminjeong, ready!!" pagsigaw niya ng ready kinabit ko na yung elesi na may bato at tinapat ko yung tirador sa langit. "Okay ito na ang SpaceX.... isa...dalawa... tatlo!!!" **TOK**

 

 

Napaka successful ng misyon namin. Tinira ko ng pagka lakas lakas. Inilagay ko pa yung mga kamay ko sa noo dahil mukang napaka taas nga ng inabot nung elesi na pinalipad ko.

 

 

 

 

 

 

Pagkatapos ng ilang minuto....

 

 

"Kiminjeong asan na?! mukang winala mo yung laruan ko!"

 

 

"Ssshh sandali hintayin lang natin, babalik din yun. Wag ka ngang umiyak Sito ano ka ba."

 

 

"Eh winala mo kasi, lagot ako kay mama." nakaupo na siya at nakatago yung ulo sa gitna ng dalawang tuhod niya. Nakatayo pa din ako dito sa bato at naghihintay sa pag landing  nung elesi. Kanina ko pa tinira sa ere yun pero hanggang ngayon hindi pa din bumabalik.

 

 

"Kiminjeong bakit wala pa din. Ano bang ginawa mo?" tanong niya sakin habang humihikbi.

 

 

"Ha? tinira ko pataas kasi sabi mo eh. Bakit nga ang tagal naman bumagsak nun?" bumaba ako sa tinutungtungan kong bato. Nakatingala pa din ako at binabantayan ko yung pag bagsak ng laruan niya.

 

 

"Sigurado ako na diretso naman nung tinira ko kanina, kung tabingi yun edi sana nahulog na kagad dyan. Nakita mo naman eh."

 

 

"Kiminjeong!!"

 

 

"Kiminjeong!!"

 

 

"Huy!!" sadyang hindi ko pinapansin si Ryujin dahil alam ko na naiingit siya sa nilalaro namin at kanina niya pa gustong sumali. 

 

 

"Hoy ano ba! nagbibingi bingihan ka nanaman!"

 

 

"Bakit?!"

 

 

"Mag ayos na daw, pupunta na tayo sa plaza!!"

 

 

"Oo na sige sandali lang!"paalam ko sakanya. Tatakbo na sana ako dun sa bato na kinatatayuan ko kanina pero parang may tumawag nanaman sakin.

 

 

"Minjeong humanda ka." napalingon ako nang marinig ko yung pangalan ko, sigurado ako na may nagsalita malapit sa tenga ko. "Sino yun?" umikot ikot pa ako dahil may bumulong talaga at ang lapit nung boses.

 

 

"Hey Minjeong what are you doing?" narinig ko na pati si Minju tinatawag na ako."Minju? Ano yun?!" hindi ko siya masyado marinig kaya medyo lumapit ako saglit kung saan nakaupo yung Pumpkin ko.

 

 

"Sabi ko anong ginagawa mo dun?"

 

 

"Ah may hinahanap lang kami, okay ka lang ba dyan? babalik na din ako sandali lang."

 

 

"Yeah I'm okay. But we have to go na, halika na dito."

 

 

"Ahh oo sige, sandali lang Minju may hinihintay lang kami. Mga three minutes nalang." nagpunta na ulit ako kung saan kami naglalaro.

 

 

"Ang hirap pa naman mapanalunan nun. Wala na akong laruan. Kiminjeong mapapagalitan ako ni mama." nakita ko na lumuluha na tong batang kalaro ko. "Huy teka sandali, wag mong iyakan yan. Magkano ba yung bili mo dun sa laruan?"

 

 

"Sampu kada laro naka pitong na beses ako bago ko nakuha yan. Ngayon wala na. Ano pang lalaruin ko?" umiiyak na talaga siya at mukang handa nang magsumbong kay ate Taeyeon. "Wag kang umiyak teka, bigyan nalang kita ng two hundred. Bayad ko sayo, ayos na ba yun?" kinapa ko yung bulsa ko para kunin yung wallet ko. Buti nalang may barya ako na tag iisang daan at mababayaran ko kagad siya. "Ito sayo na to, bayad ko sa nawalang laruan mo. Subukan mo nalang ulit mamaya at baka manalo ka nanaman ng premyo dun sa plaza."

 

 

"Wow! Salamat Kiminjeong!" hindi na niya mapigilan ngumiti dahil mas malaki pa yung natanggap niya kesa dun sa ibinayad niya sa palaro.

 

 

"Tama na wag ka nang umiyak, sorry na. Maghanda ka na din at pupunta na tayo sa plaza, maglalakad lang tayo kasama natin sila."

 

 

"Sige, uuwi muna ako sa amin ipapatago ko kay mama itong pera ko. Sobra tong binigay mo. Maraming salamat ulit!" umalis na siya at tumakbo na sa kabilang lote pauwi sa bahay nila Ryujin. 

 

 

Binulsa ko na yung wallet ko at pinunasan ko muna yung muka ko pati yung salamin ko gamit yung tshirt ko bago ako pumunta kung nasaan sila Minju. 

 

 

"Minju." mahinang tawag ko sakanya. "Minju tara-"  *TOK*  "Aray!!" napahawak ako sa noo ko nung may tumama na parang bato.

 

 

"Aray ko saan galing yun?" habang naglalakad ako bigla nalang may tumama sa ulo ko na matigas na bagay. Sa sobrang lakas natamaan ko tuloy yung salamin ko kaya nahulog. Wala akong makita ngayon at nangangapa ako.

 

 

"Minjeong, anong nangyari? ito yung specs mo." sinuot sakin ni Minju yung salamin ko at tinitignan niya yung muka ko. "Bakit ka umaray? let me see." ramdam ko na may masakit at nung kinapa ko, mukang nabukulan ata yung noo ko.

 

 

"Pumpkin ang sakit, may nakatama ata." hinahanap ko kung ano yung tumama sa ulo ko at may tumalsik din sa paa ko na parang bato.

 

 

Tinignan ko maigi yung paligid at hinahanap ko kung sino yung nakatama sakin. Tinignan ko din yung gate, pero wala nang tao dahil kanina pa nag alisan yung mga batang naglalaro.

 

 

"Yan ba yun?" may tinuro si Minju malapit samin. Yun yung elesi na pinalipad ko kanina. Pinulot ko yung laruan."Teka, paano nangyari... kanina pa namin hinahanap to." hawak ko na yung tinira ko kanina sa langit pero ngayon lang bumalik at naglanding pa talaga sa noo ko.

 

 

"Minjeong namumula na. Masakit ba?" kinapa ko yung noo ko, ramdam ko yung kirot at umangat na yung parte na tinamaan. "Medyo pero ayos lang. Wala to."

 

 

"Magkakabukol yan forehead mo, buti hindi dumugo." hinahaplos ni Minju yung noo ko ng paulit ulit. "Ah Pumpkin ano yan ginagawa mo? hahaha."

 

 

"Pinipigilan ko yung bukol."

 

 

"Hahahaha hindi naman makukuha sa ganyan yan eh." natatawa ako sa ginagawa ni Minju, nilalapat at nirrub niya yung palad niya ng paulit ulit dun sa parte ng noo ko na natamaan. "Ah hindi ba effective? malay mo hindi na lalabas kasi flat na."

 

 

"hahahaha ginagawa mo bang lamp yung ulo ko?" 

 

 

"Yeah and I'm waiting for a genie to come out."

 

 

"Hahahaha kahit anong gawin mo walang lalabas na genie dyan, ang weird mo talaga minsan, pero sobrang cute mo." hinila ko siya papunta sakin at niyakap ko. "Hey Minjeong, you are forgetting something."

 

 

"Ano?"

 

 

"We're outside."

 

 

"Hala oo nga. Sorry." nawala sa isip ko na andito kami sa bakuran at may mga kasama kami. Pasimple kong tinignan yung mga nakaupo sa ilalim ng puno. Mukang wala naman nakakita nung niyakap ko si Minju, maliban pala dun sa isa na nakatingin sakin ngayon at mukang gusto nang manakal. Nung lumingon ako, nasakto pa na nagka tinginan kami. Ayaw ko nalang pansinin yung mga ganito ni Catalina at hindi ko nalang muna siya kakausapin. Alam ko na galit siya sakin dahil sa nangyari kahapon at kasalanan ko yun. Hahayaan ko nalang siya at susubukan kong tanungin yung tungkol kay Sharpay kapag medyo malamig na yung ulo niya. 

 

 

"Pumpkin sigurado may bukol ako mamaya, ang sagwa nito."

 

 

"It's okay, lalagyan natin ng ice when we get inside. Or you can cover it with your hair. I think this is the purpose of your bangs."

 

 

"Hahahahaha tama na, ginawa mong kurtina yung bangs ko." inaayos ni Minju yung buhok ko pati yung salamin ko. "Yan okay na. You look good." tinapik niya pa yung magkabilang pisngi ko.

 

 

"Thank you."

 

 

"You are so cute my lil' pook and you smell good. This is becoming my favorite scent, you always smell like a baby talaga."

 

 

"Sasabihin ko din dapat na ang cute mo pero hindi ka lang cute kasi ang ganda mo talaga Minju. Pag nakikita kita napapaalala sakin na sobrang swerte ko."

 

 

"See you're even sweet and cheesy. I can't wait to cuddle and kiss you na."

 

 

"Ako din, mamaya nalang pag nasa loob tayo ng bahay. Buti nalang pumayag si ate na matulog ka sa kwarto ko."

 

 

"Hahaha hindi pumayag yung ate mo, parang napilitan lang siya dahil ang kulit mo."

 

 

"Hahahaha ayaw ko lang masayang yung oras na andito ka, kasama ko." nakita ko na pumasok na si Cheche at nauna nang umakyat sa veranda. "Gusto mo akyat na tayo? pupunta na din tayo sa plaza eh."

 

 

"Alright, are you gonna change your clothes pa or yan na yung suot mo? magpalit ka Minjeong medyo pawis yung likod mo."

 

 

"Okay sige. Pero ikaw din, pili ka ng damit na hindi ka masyado makikilala kasi madaming tao dun ngayon."

 

 

"Yeah, don't worry."

 

 

"Okay. Tara na pero sandali, paalam lang ako sakanila."

 

 

Nagpunta ako sa papag kung saan nakaupo sila Sorin at Gisele. Gusto ko silang ayain na dun nalang umupo sa sala habang hinihintay namin si Cheche na matapos mag ayos. Sila lang ang naiwan dahil umuwi muna saglit si Ryujin at pumasok naman sa bahay si Minji.

 

 

"Gisele, Sorin dun muna kayo sa taas." aya ko sakanila. "Lipat na tayo dun, madilim na kaya medyo malamok na dito, dun nalang kayo. Mabilis nalang magbihis yun si Cheche." 

 

 

"Oo sige Kiminjeong." nung napansin ko na bbwelo na si Sorin para mag tetelport hinatak at pinigilan ko kagad siya. "Huy teka sandali, wag kayong mag ganyan."pasimple ko siyang inaya dito sa gilid at pinagsabihan ko. "Nakakalimutan niyo ata na may mga kasama tayong iba."

 

 

"Oo nga pala. Nawala sa isip ko, sorry Kiminjeong." natatawa pa si Sorin nung narealize niya yung yung gagawin niya. "Wag niyong kalimutan, kami lang ni Ryujin ang may alam kaya wag kayong pakampante. Delikado may ibang tao pa naman."

 

 

"Pasensya na, nasanay kasi ako na tayo tayo lang ang magkakasama. Thank you sa paalala."

 

 

"Okay lang. Halina kayo," napatingin ako dun sa dalawang nakaupo at busy mag usap. "Paki sabi nalang din sakanila na dun muna kayo sa loob ng bahay namin."

 

 

"Catalina dun daw tayo maghintay sa taas sabi ni Kiminjeong."

 

 

"Jeno halika akyat daw muna tayo." aya niya sa kasama.

 

 

"Sorin, Gisele dumaan kayo sa hagdan ha. Umakyat kayo ng normal, bawal teleport dito." paalala ko at natawa silang dalawa bago ko nilapitan si Minju na naghihintay sakin.

 

 

"Tara na Pumpkin, akyat na tayo."

 

 

 

 

 

6:30pm

 

Magkakasama na kaming lahat pati sila manang Carmen. Naglalakad kami ngayon papunta sa plaza para manood sa performance ni Cheche.

 

 

"Wag ka kasing gumalaw, matatamaan mo pa yung salamin ko eh!" sigaw ko dito sa nakasakay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh 20 streak #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh 20 streak #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh 20 streak #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh 20 streak #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1142 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2133 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko