Carmilla

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

4:30am Mansión de los Condenar

 

 

*malakas na pag iyak* 

 

 

"Minjeon gising!"

 

 

"Wag ka mamatay!"

 

 

"Catalina tulungan mo siya!"

 

 

"Gumising ka na, pinaalis ko na yung salbahe!"

 

 

"Gising ka na! Aalis nalang ako kung wala ka dito Minjeon. Maglalakbay na ako."

 

 

"Wag mo ako iwan. Sino na ang kalaro ko? Ayaw ko na dito."

 

 

"Nalulungkot ako. Wag ka umalis."

 

 

*tuloy tuloy na pag iyak*

 

 

"Malulungkot si Catalina. Iiyak siya. Magiging nakakatakot ulit siya pag nawala ka."

 

 

"Ayaw ko na dito. Wag mo ako iwan mag isa."

 

 

"Minjeon mahal kita."

 

 

"hughhhhgghffppp agh"

 

 

*sunod sunod na pag ubo*

 

 

"ughh haaa-agghh"

 

 

Nanlalabo yung mata, nahihilo at parang blanko yung utak ko pero narinig ko at ramdam ko na may umaalog sakin. Pinilit kong bumangon para tignan. Nung maupo ko, nakahiga pala ako sa sahig at nakita ko si Lucila. Nakayakap siya sakin at umiiyak siya. "ughh" tinukod ko yung kanan kamay ko at hinawakan ko yung ulo niya. Napansin ko din na may mansta ng dugo yung muka niya.

 

 

"Ughhh aray" napahawak ako sa muka tsaka sa leeg ko. Duguan ako at basang basa yung damit ko. "Minjeon?!" umangat yung muka niya at napatingin sakin.

 

 

"Lucila? Lucila bakit ka, agghh sandali, yung sugat ko." pinaupo ko siya sa tabi ko at binuksan ko yung dalawang butones ng pajama ko. "Lucila, teka saan nagpunta yung," kinapa ko yung dibdib ko at hinahanap ko yung malaking butas na nagdurugo kanina. "Kailangan ko ng tulong" mas binuksan ko pa yung pajama ko na puro dugo. "Bakit nawala,"kinakapa ko yung sugat at tinatapalan ko pero wala akong makita.

 

 

"Lucila buhay ako?! buhay pa ba ako?!" sinampal ko ng mahina yung muka ko. "Pano nangyari?" nilapitan ko si Catalina na nakahiga sa sahig. "Baba!" kinapa ko ulit yung dibdib ko dahil sigurado ako naramdaman ko yung saksak at nakita ko na dinukot ng vampira yung puso ko. Basang basa pa din itong damit ko at nalalasahan ko pa yung isinuka kong dugo kanina.

 

 

Sinubukan ko pang ilusot yung kamay ko pero nawala na talaga yung malaking sugat na nakabuka."Pano nangyari," hindi ko mapigilan mapatanong sa sarili ko. Nakakapagtaka na ang gaan ng pakiramdam ko at ang lakas ko kahit alam ko na mamamatay na ako kanina.

 

 

"Catalina." kinalabit ko siya habang hindi ako tumitigil sa pagkapa sa dibdib ko. Walang bakas ng sugat at nawala na din yung matinding sakit dahil dun sa pagbaon ng kamay sa likod ko.

 

 

"Pero pano nawala at nag hilom mag isa."

 

 

Pinupunasan ko yung dugo sa bibig ko at kinakapa ko ulit yung bandang kanan ng dibdib ko. Hindi ako pwedeng magkamali, nung yumuko ako kanina nakita ko yung naghalong dugo at yung parang laman na hawak hawak niya.

 

 

"Baba aalis na tayo." nung hinawakan ko yung muka ni Catalina biglang pumasok sa isip ko yung lagi nilang sinasabi sakin.

 

 

"Wag mo kasing kalimutan. Hindi ka dapat matakot Minjeong, dahil sa tayo ang itinakda, ako lang ang pwedeng pumatay sayo."

 

 

"Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko kanina? you are each others' staker. Ikaw at si Nana Catalina, since kayo ang itinakda kayo lang din ang may karapatan na pumatay sa isa't isa. You have the right to stake each others' heart. Now since you are together, no other vampire has the right to kill you because that is included in the ultimate rules. Kahit sino pa sa mga nakakataas hindi nila kayo pwedeng galawin, kahit pa si Nana Imperia. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi nila kayo paparusahan."

 

 

"Catalina!!! Baba!! Buhay na buhay ako, hindi ako namatay!" hindi ko napigilan umiyak."Akala ko hindi na kita makakasama." niyakap ko siya at hinalikan ko sa pisngi. "Akala ko katapusan ko na, pero hindi. Andito pa din ako, buhay ako!" niyayakap ko at inaalog ko na siya pero tulog na tulog pa din si Catalina. "Lucila halika dito." sa sobrang saya ko niyakap ko din siya at pinaghahalikan ko sa pisngi ng paulit ulit. "Hahaha Minjeon ang dumi mo, kadiri."

 

 

"Kadiri ako? bakit ka pala umiiyak?"

 

 

"Kasi natatakot ako na aalis ka na. Wag mo na ulit ako iiwan."

 

 

"Ha? hindi. Hindi ko gagawin yun. Hindi ko kayo iiwan ni Catalina kahit anong mangyari. Pero teka, kailangan natin magmadali. Nakita mo ba siya, yung vampira na mahabang buhok?! Saan siya nagpunta?"

 

 

"Umalis siya. Sabi niya hindi siya mang aaway pero salbahe pala. Napaka sinungaling kaya ginamit ko sakanya ito!!"pumwesto siya sa harap ko sabay hatak nung nakatago sa likod niya.

 

 

"Anong sinasabi mo, kilala mo siya?"

 

 

"Nakakausap ko siya pero inutusan niya ako na wag ko sabihin. Lagi ka niya tinitignan ng masama kaya binabantayan kita. Pero sabi niya hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino kasi magagalit sakin si Imperia."

 

 

"Ay tang- sorry. Teka sabi mo ginamit mo yung laruan mo?"

 

 

"Oo, binaril ko siya." pinakita niya sakin yung hawak niyang water gun. "Hindi ka na niya sasaktan Minjeon dahil andito ako."

 

 

"Binasa mo ng tubig tapos umalis na? nakita mo ba kung saan siya nagpunta?!"

 

 

"Nakita ko na naging paniki at lumipad sa labas. Sumisigaw siya nung binasa ko." hinawakan ko yung kamay ni Lucila at kinuha ko yung water gun. Nilapit ko sa muka ko para amoyin. "Bakit parang iba to." sininghot ko dahil parang may amoy yung tubig. "Aaaaaaaahhh!" naihagis ko ng hindi sadya dahil ramdam ko na parang dudugo yung ilong ko sa sobrang tapang ng amoy. "Ano to?!!" kinuha kagad ni Lucila yung water gun at ngayon yakap yakap niya. "Ano ang laman niyan? ilayo mo ang sakit sa ulo! Ano yan Lucila? ilayo mo sakin."

 

 

"Tubig na may bawang at sili. Ito ang tinuro sa akin ni Layujin gamitin ko daw to kapag may vampira na nang away sayo. Siya ang may gawa nito."

 

 

"Si Layu?! teka sandali nga, hindi ko maintindihan." kinuha ko sa bulsa yung phone ko para tignan yung oras. Trenta minutos nalang at mag aalas singko na pala ng umaga. "Halika, aalis na tayo dito. Kailangan nang magising ni Imperia at ni Catalina. Mamamatay tayong lahat kapag bumalik pa yung vampira." lumuhod ako sa tabi ni Catalina at binuhat ko siya. Wala na akong magagawa kung hindi buhatin silang magkapatid at iteteleport ko papunta sa bahay ni doc Yeji. 

 

 

"Kumapit ka lang sa akin Lucila at wag na wag kang lalayo. Tsaka kung pwede, magpaka invisible ka para hindi ka niya masaktan."

 

 

"Opo Minjeon." chneck ko yung bulsa ko at kinapa ko yung wallet pati yung lighter. Kahit pa duguan yung bibig at yung buong katawan ko, wala na akong pake. Hindi na ako magpapalit ng damit dahil kailangan na namin makaalis. "Lucila halika, hawakan mo mabuti yan laruan mo." nung buhat ko si Catalina at nakapasan na sakin si Lucila, nagteleport kami sa kwarto sa baba para kunin si Imperia.

 

 

"Ugghhh bilis!! Imperia! Gumising ka!" tinatapik ko yung muka niya. "Gumising naman kayong dalawa ano ba!!" tinapik ko ng malakas at inaalog ko na din yung balikat niya. "Pucha, wala nang oras halika na!!" binuhat ko siya at nilagay ko sa balikat ko. Nakasabit sila sa magkabilang balikat ko at nakakapit naman sakin si Lucila. "Putangina wag na wag na kayong iinom sa susunod!! Tara na! Aaaaaahhhhhh!!! Lucila halika dito!!!" tumakbo siya sa likod ko at naibagsak ko sa lapag yung dalawang magkapatid. Nakita ko na napaimpit si Catalina kaya mukang gigising na siya.

 

 

"Saan ang punta niyo? Walang aalis sa pamamahay na ito." ang lakas ng kabog ng dibdib ko nung lumitaw galing sa bintana yung vampira na ang haba ng buhok.

 

 

"Hindi kayo pwedeng umalis."

 

 

"Ano ba ang gusto mo sa amin?!" pasimple kong kinuha kay Lucila yung water gun para pupusitsitan ko sa muka itong vampira na humaharang sa harap ko. 

 

 

"Nakakapagtaka na hindi ka namamatay. Totoo ba na kayo ng apo ko ang itinakda?" 

 

 

"Oo!"  "AAAAAHHHHH!!!" habang papalapit siya sa amin pinusitsit ko ng malakas yung water gun sa muka niya hanggang sa napahiga na siya sa sahig. "Lucila gisingin mo tong dalawa!!" habang namimilipit sa sakit itong vampira lumapit ako sakanya at sinipa ko. "Ughhmm sige aghhh!" Nakita ko na tatayo siya kaya sinipa ko ulit ng malakas hanggang sa dumulas siya sa pinaka dulong pader nitong kwarto.

 

 

"Hindi ako papayag na sasaktan mo kami!" nilingon ko yung dalawang nakahiga. Niyuyugyog na sila ni Lucila pero ayaw pa din magising. "Saan ka pupunta?! Dito ka lang!" hinablot ko siya sa leeg at sinubsob ko sa pader yung muka bago ko tinira ng water gun. Parang dudugo na yung ilong ko sa amoy pero tinitiis ko nalang.

 

 

"Pinatay mo ako!"

 

 

"AAAAAAHHH!" binasa ko ulit siya nung magtatangka pa siyang mag teleport. "Sinabi mo walang aalis. Kaya sige. Matira matibay tayo." nilingon ko ulit sila, talagang ang sarap pa din ng tulog nung dalawa at hindi manlang kumikilos. "Baba ano ba gumising ka na nga!!!!" sigaw ko kay Catalina.

 

 

"Hoy! ahhh!" laking gulat ko nang biglang nag iba yung kausap ko at nag anyong paniki. Ang laki niya kaya nakakakilabot yung itsura.

 

 

"Ahhh . Pano mo.." sa sobrang hapdi siguro ng muka niya at hindi na niya alam kung pano pa siya tatakas kaya nag ibang anyo.

 

 

"Minjeon sa likod!!" paglingon ko nasa likod ko yung paniki at aatakihin ako. Tumalon ako kagad at sinuntok ko siya. "Halika dito, hindi ka makakatakas!!" pumiglas siya kaya nakawala. Lumipad din ako at sinundan ko siya. "Aggghhhh tumigil ka na!" Paikot ikot siya ngayon dito sa kwarto at parang hindi alam kung saan pupunta pero hindi ako tumigil sa paghabol sakanya. "Humanda ka!" nung mahahablot ko na siya, hinuli ko yung pakpak at inipit ko siya sa braso ko kahit pa napaka lakas ng pag piglas niya.

 

 

"Aggghhhh!!!" halos mapamura ako nung kinagat ako sa braso nitong paniki. "Aray!!!!" kinagat nanaman niya yung kaliwang kamay ko kaya napapasigaw ako sa hapdi. "Tumigil ka kung ayaw mo na sunugin kita!"

 

 

"Tangina ayaw mong tumigil ha. Ahhh uggghhhhhh! Pwe!" sa sobrang bwisit ko, kinagat ko siya sa ulo pero dumura din ako kagad. Narinig ko yung pag iyak niya at nandiri ako sa ginawa ko kaya hinagis ko na siya sa lapag. Bumalik siya sa katawan tao at ngayon mukang nanghihina na. "Sinasabi sakin ng mga apo mo malakas ka daw. Tignan natin kung totoo." dinampot ko siya sa batok at pinagbabalibag ko yung likod. Nagpapalit palit ako sa paghampas sakanya sa pader at sa sahig nitong kwarto nila Imperia.

 

 

"Tama nga ang nakikita ko. Masamang budhi ka." 

 

 

"Talaga!" kinuha ko ulit siya sa leeg at hinampas ko sa sahig. Napansin ko na parang nabanlian ng kumukulong tubig yung muka niya dahil may lapnos at mukang nanghihina na talaga siya. "Papatayin kita. Hindi ko hahayaan na saktan mo sila Catalina. Ako yung makakalaban mo." hinablot ko yung mahaba niyang buhok at binitin ko siya bago ko binalibag ng paulit ulit. 

 

 

"Hindi ka na makakatakas!" pinalibot ko yung mga braso ko sa leeg niya at sinakal ko. Chnchokehold ko siya para sigurado na hindi siya makakalipad at makakapag teleport paalis dito sa mansyon.

 

 

Tinignan ko yung oras, pasado alas singko na ng umaga. Maya maya lang sisikat na yung araw kaya alam ko na ang gagawin ko. May plano na ako. Naalala ko yung mga nabanggit sakin dati nila doc Yeji, makaluma at tradisyonal hindi lang sa paniniwala pero pati sa pamumuhay ang lola nila. Panigurado, hindi sanay sa sinag ng araw kaya pwedeng masunog kapag binilad ko siya.

 

 

"Bitawan mo ako kung ayaw mo na pagsisihan mo lahat ng ginagawa mo Minjeong."

 

 

"Hindi!" mas hinigpitan ko pa yung kapit sa leeg niya. Kahit pa nakakatakot yung itsura niya, wala na akong pakialam. Mas tumodo na ang lakas ng loob ko lalo nung mapatunayan ko na kahit anong pagsaksak o pagdukot ang gawin niya sa puso ko, hindi ako mamamatay.

 

 

"Lucila!! Halika!" lumapit siya samin na dala dala pa din yung water gun. Hindi ako makapaniwala, itong batang to pala ang magsasalba ng buhay naming lahat.

 

 

"Lucila, makinig ka, parehas lang to sa ginagawa natin dati. Itapat mo lang yan sakanya, magteteleport tayo paakyat sa kwarto namin. Kapag pumiglas siya tirahin mo kagad gamit yung water gun mo. Isakto mo sakanya sa muka mismo, pero wag mo akong babasain dahil maiiyak ako sa hapdi! Hindi ko kaya ang bawang. Katulad ng pinapraktis natin palagi kapag binabasa mo ng water gun yung mga lamok at butiki. Magagamit mo yun ngayon okay?"

 

 

"Opo Minjeon!" napansin ko na nakasimangot pa siya at seryoso yung muka pero ang cute lang at hindi nakaka-intimidate. Akala ata ni Lucila naglalaro na ulit kami. 

 

 

"Pagbilang ko ng tatlo, lipat tayo sa taas. Itapat mo lang sakanya yan ha? Wag ka matatakot andito ako. Mahal kita Lucila, hindi kita iiwan."

 

 

"Opo."

 

 

"Pinagtutulungan niyo ako, hahahahahaha hindi mo nga talaga alam ang mga kakayahan ko. Itong kaluluwa na ito, kaya kitang ihatid sa impyerno sa isang iglap lang."

 

 

"Lucila basain mo yung paa niya! Tirahin mo!" 

 

 

"Hmmm sinungaling!" 

 

 

"AAAAAHH! Tama na!!"  

 

 

"Kahit pa apo mo si Catalina, lalabanan kita. Hindi na ako natatakot sayo. Lucila, halika na!"

 

 

"Aghh!! Aww ahh aray" sinuntok ko siya sa muka at tinulak ko sa sahig nung kinagat niya ako. "Halata na nanghihina ka na. Hindi kita hahayaan makawala." Kinulong ko ulit siya sa braso ko at isinama ko dito sa tapat ng aparador namin. May kailangan akong kunin para sigurado na hindi siya makakatakas bago pa sumikat ang araw. Kahit pa mag teleport o maging paniki siya, hindi niya ako matatakbuhan dahil wala akong balak humiwalay sakanya. 

 

 

Binuksan ko yung aparador at hinanap ko yung box kung saan nakatago yung mga toys. Dinampot ko kagad yung posas, yung belt na mahaba at kinuha ko din yung mga shackles. 

 

 

"Lucila! itapat mo sakanya para maikabit ko to. Tirahin mo kapag pumiglas o nagtangkang lumipad!"

 

 

"Opo Minjeon!" pumwesto siya at tinapat kagad sa vampira yung water gun. "Akin na yung kamay mo!" pinilit kong agawin yung kamay niya kahit pa pinipigilan niya. Sinuot ko sakanya yung posas at sinuot ko naman sa kamay ko yung isa. Sigurado na hindi na siya makakawala dahil hinigpitan ko na ng todo. "Lucila, ishoot mo sa dalawang paa niya to!" sinipa ko yung likod ng tuhod kaya dalawa kami na natumba sa sahig.

 

 

"Pagsisisihan mo ang mga ginagawa mo sa akin. Tingin mo matutuwa si Imperia at si Catalina kapag nalaman nila to?" hindi ko siya pinansin. Tinulungan ko na si Lucila na ishoot yung shackles sa magkabilang paa niya para hindi siya makatakbo. Alam ko na kayang kaya niyang pigtasin to sa pamamagitan lang ng tingin, at kayang kaya niya kaming saktan sa pamamagitan lang ng isip niya pero wala na kasi akong choice. Desperado na ako. Gagawin ko ang lahat ng pwede para lang hindi niya mapatay at maparusahan lahat ng nakatira dito sa mansyon.

 

 

"Yung mga vampira lalo si Catalina, ililigtas ko sila. Hindi ako makakapayag na parusahan mo sila. Kahit sino ang manakit sakanila, may kalalagyan sila sakin yan ang tatandaan mo." sinikipan ko ng todo yung shackles sa paa niya, hinatak ko ng malakas para sigurado na hindi niya matatanggal. "Halika na. Lucila, itapat mo lang sakanya yan, lalabas tayo malapit sa bangin." nagteleport kami habang nakaposas sakin yung vampira. Dinala ko siya dito sa labas, sa baba ng torre ng tangke ng tubig para dito ko siya itatali. "Lucila! kuhaan mo ako ng isang upuan!" naglaho siya sa ere at bumalik dito na may dalang kahoy na upuan.

 

 

"Hahahahahaha ikaw lang ata ang vampira na walang kakayahan. Walang silbi." nagulat ako na tumawa siya ng malakas at nagtaas ng boses. Nakakatakot siya pero hindi ko nalang iintindihin.

 

 

Pnwesto ko sa poste yung upuan at tinulak ko siya para maupo. Inalis ko muna yung posas na nakakabit sa kamay ko at kinuha ko yung mahabang strap na ipangtatali ko sa bakal.

 

 

"Ano ang ginagawa mo sa akin? Papatayin mo ba ako? hindi ganun kadali yun. Halata sa mga kilos mo at nararamdaman kita. Amoy na amoy ko ang takot na nanggagaling sayo Minjeong. Nagmamatapang ka lang. Tignan mo yun oh, kilala mo ba siya?"

 

 

"Huh?" napatingin ako dun sa ilalim ng puno na tinuro niya. "Sino yun." kinusot ko yung mata ko at tinignan ko mabuti. May babae na nakatayo sa ilalim ng puno sa pinaka dulo. Nung mas lumapit ako. "Tangina totoo ba to." kitang kita ko at kabisado ko siya. Kinakawayan at tinatawag niya ako.

 

 

"Minju?!! Minju!! Minju sandali!! Aaaaahhh aray ko!!" tatakbo na ako para puntahan si Minju pero bigla akong binasa ni Lucila. "Minjeon wag ka maniwala. Walang tao dun sa puno!"

 

 

"Ha? pero nakita ko si Minju."

 

 

"Niloloko ka niya. Sinungaling siya."

 

 

"Hahahaha nagmamatapang pero sa loob loob mo. Gusto mo nang tumakbo at sumiksik kay Catalina o magsusumbong ka nanaman sa ate mo na walang ibang ginawa kung hindi tiisin ang mga kapalpakan mo." parang nagpanting yung tenga ko nung marinig ko na binanggit niya si ate Taeyeon.

 

 

Huminga ako ng malalim at may binulong ako kay Lucila.

 

 

"Dadalin ko po dito?"

 

 

"Oo pareho. Andun yun sa kusina tapos yung isang supot na sabi mo tinatago ni Ryujin. Kailangan ko din yun."

 

 

"Akala mo ba matatalo mo ako? Isang mababang uring vampira na may kakamping paslit na kaluluwa. Hahahaha nagpapagod ka at nagsasayang ng oras."

 

 

"Pook! Pook!"

 

 

"Minju." nagtayuan yung mga balahibo ko nung nandito na siya sa harap ko at hinawakan ako sa muka.

 

 

"Kailan kita makakasama Minjeong? Ang lungkot kung nasaan ako. Malungkot at malamig sa himlayan ko."

 

 

"Pumpkin."

 

 

"Bakit mo ako pinagpalit? Ang bilis mo naman akong kinalimutan."

 

 

"Hindi ka totoo. Hindi ka ganyan makipag usap." Pumikit ako at kinalma ko ang sarili ko. "Kilala ko si Minju. Pumpkin mahal na mahal kita, malalim kung ano ang meron tayo. Alam ko na maiintindihan mo ako. Hindi ka ganyan mag isip."

 

 

"Bakit mo siya pinatay Minjeong? Nananahimik si Minju pero siya ang namatay dahil sa mga kagagawan mo."

 

 

Alam ko na tinatakot at iniintimidate lang ako kaya hindi ko nalang papansinin. Patuloy lang ako sa pagtali sakanya sa poste nitong tangke ng tubig habang nakaupo siya sa upuan. Tinali ko yung mga paa pati na din yung mga kamay niya sa likod. Nagtataka din ako dahil halata sa itsura niya na nanghihina siya kaya parang hindi niya magamit sakin yung mga kapangyarihan niya.

 

 

"Minjeon ito na po!" sinuot ko kagad yung rubber gloves na inabot sakin ni Lucila at dumakot ako dun sa supot ng sili. Piniga ko kagad at tiniis ko nalang yung anghang at amoy.

 

 

"Anong gagawin mo?!!" sigaw niya sakin. Alam ko naman na isang tingin niya lang sa mata ko nababasa na niya kaya ngayon nakikita ko na natatakot siya.

 

 

"Vampira wag mong balakin gawin yan. Inuto mo ang mga apo ko kaya sila nagiging ganyan!" hindi ako sumagot. Nilapit ko yung kanan kamay ko na may hawak na napisang sili at pinosas ko ulit sa kaliwang kamay niya.

 

 

"Anong gagawin mo sa akin?! Alisin mo yan!! Wag! Wag Minjeong!! Aaaaaaaaahhhh!" nakakakilabot dahil nag iba ang boses niya at naglabasan na yung mga pangil niya. "Buksan mo yung kamay mo." utos ko. "Bakit?! Tama na!! Wag mong gawin yan. Maawa ka sakin!!!"

 

 

"Isa!!!" nung pumipiglas at nagwawala siya pilit kong binuklat yung mga daliri niya at pinasak ko yung mga piniga kong sili. "Hawakan mo lang tong kamay ko, hindi ka makakawala."

 

 

"Hindi ka na dapat mabuhay! Wala kang awa at wala kang kaluluwa. Tama nga ang sinabi ng mga sirena, isa kang demonyo!!!" hinigpitan ko ang pagkakahawak sakanya at pilit kong isinara yung kamay. "Aaaaaaaah!! bitawan mo ako, alisin mo to. Hindi mo manlang ako ginalang!"

 

 

"Ngayon, wala tayong ibang gagawin kung hindi hintayin na sumikat ang araw." tumayo ako sa tabi niya at hinigpitan ko pa yung hawak sa kamay niya na puro sili.

 

 

"Bubu?"

 

 

"Huh, Catalina." nakita ko siya na lumilipad palabas ng mansyon."Dyan ka lang Catalina!!! Bumalik ka sa loob, wag kang lalabas!" pinagbawalan ko siya dahil hindi niya pwedeng makita to. "Pumasok ka sa loob!!!!" hindi siya nakinig at lumipad pa din kung nasaan ako.

 

 

"Catalina ano ba!!!"

 

 

"Minjeong Anong ginagawa mo?!" nakita ko na nakatitig siya sa muka ko at kinikilatis yung itsura ko. "Bubu anong nangyayari bakit duguan ka?!" ramdam ko yung pagaalala niya at ngayon naman hinahawakan niya ako.

 

 

"Bumalik ka na dun Catalina wag matigas ang ulo mo!"

 

 

"Sino yan?!" pilit kong hinaharangan yung nakatali dito sa likod ko pero huli na ang lahat dahil andito na siya at nakita na niya. Balak ko sanang patayin itong lola nila bago pa sila magising para wala na kaming problema.

 

 

"Anong ibig sabihin nito?! Anong nangyayari dito Minjeong?!!"

 

 

"Wala nga pumasok ka na!"

 

 

"Umusog ka, ano yan?! sino siya?!" ang lakas niya kaya napunta ako sa gilid at nakita na niya yung tinatakpan ko. "Sandali,"

 

 

"Catalina sige na dun ka na sa loob."

 

 

"Sandali lang sabi." nakita ko na minumukaan niya.

 

 

"Baba I'm sorry. Patawarin niyo sana ako Catalina, may bumalik na hindi natin inaasahan."

 

 

"Sino siya?" pilit niyang kinikilala kung sino yung nakaupo sa tabi ko. "Sandali, Minjeong.. Anong sinabi mo?"

 

 

"Yung kinakatakutan natin lahat, nan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2143 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko