Chapter XXXVI

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

Second Week of December

 

 

7:30am

 

"Gusto mo ba mag drive ate Tzuyu?" biro ko nung nakita ko na naka settle na kaming tatlo sa kotse. "Haha no, thank you. My driving is not the best."

 

 

"Haha sige ako nalang hanggang pag-uwi. Ready na Pumpkin, wala ka na ba naiwan sa loob?" nauna nang lumabas sa gate yung van kung saan nakasakay yung parents nila. Andito pa kami sa drop off. May kinuha pa siya sa bedroom kaya kakababa lang niya.

 

 

Tinignan niya yung mga gamit sa bag niya, yung phone and wallet ko andun na din sa loob at mukang kumpleto naman na. "Okay na Pook, let's go."

 

 

Tinapakan ko maigi yung brake at pinindot ko na yung start button. Pang ilan beses na din pina-drive sakin ni Minju itong SUV niya kaya nakabisado ko na. Kapag hinahatid ko siya sa malalayong shooting location nila o kapag nag rroadtrip kaming dalawa ito yung madalas na ginagamit namin yung Range Rover Velar. Nag iisip ako kung bibili ako ng kotse para may sasakyan ako dito sa Manila, kaso kumokontra lagi yung kakambal ko dahil pwede naman daw akong humiram sakanya. Pinaguusapan pa namin ni Minju, pero baka sa susunod na taon bibili na ako kahit yung sedan lang.

 

 

"Pook before we drive straight to Highlands we'll drop by a shop muna, where is the shop located?" tinawag ni Minju si ate Tzuyu na nakaupo sa back seat.

 

 

"No need, there are golf shops in Highlands naman, I only have to get a new glove. How about you?"

 

 

"Minjeong needs to get a shirt. We can also pass by Splendido or Nuvali, mas complete yung shops dun. You'll have more choices."

 

 

"Nuvali is nearer than the other one, yeah it's fine, we can go there."

 

 

Napansin ko na mukang may snsearch si Minju sa phone niya. Kailangan namin makahanap ng sports center ngayon umaga na nagtitinda ng mga gamit pang golf. Sarado pa daw kasi yung mga nasa Makati kaya maghahanap nalang kami ng iba.

 

 

"The one in Leviste kasi is closed pa. Sa Nuvali nalang. Pook, may pupuntahan tayo before we go to highlands. Wait, let me just.." si Minju na yung nag pin sa screen nung place sa navigation."Okay sige, sundan ko nalang to."

 

 

"We'll play golf later this afternoon. Are you thrilled?"

 

 

"Oo haha, hindi ko pa na-try mag golf ngayon palang."

 

 

"I hope magustuhan mo. Muka lang boring at first because it is a quiet sport but once you get the hang of it, I'm sure you'll get stoked and mag eenjoy ka. Pwede sayo yun kasi hindi ka mapapagod, it is not that strenuous naman."

 

 

"Sige basta game ako, susubukan ko din mamaya kapag nag laro kayo."

 

 

 

 

 

11:00am

 

Nakarating kami dito sa rest house nila sa Tagaytay Highlands bago pa mag 10am, medyo bumagal akong mag drive kanina dahil sobrang foggy ng daan tsaka umaambon. Naunang makarating yung parents nila Minju, kinailangan pa kasi namin dumaan sa Nuvali. Nagpunta kami dun para maghanap ng glove at bumili din ako ng shirt na pang golf.

 

 

Na-meet ko kanina yung ibang relatives nila, pinakilala din ako ni tita sa mga kapatid niya. Sobrang kabado pa ako nung una pero nawala din dahil sobrang welcoming at ang bait nila. Yung mga pinsan nalang nila Minju na manggagaling sa Southwoods yung hinihintay namin dumating.

 

 

Napaka ganda ng lugar pati yung design ng rest house. Four storey modern type cabin na may anim na bedrooms. Bawat kwarto meron balcony na may view. Silang dalawa ng ate niya yung nag tour sakin kanina, pinakita nila yung gazebo, yung garden sa likod, yung pool area pati yung villa na may extra rooms sa tapat nito.

 

 

May kanya kanyang bedroom si Minju tsaka si ate Tzuyu. Naisipan namin na ipasok yung mga gamit, kaya nakatambay lang kami ngayon dito sa kwarto. Tatawagin nalang daw kami kapag magsisimula na yung lunch.

 

 

Sobrang komportable dito sa bedroom ni Minju. Iniwan lang namin na naka open yung mga bintana dahil foggy tsaka sobrang lamig pa din sa labas kahit malapit na magtanghali. Nagtitingin din kami kanina ng mga lumang photos sa album. Pinakita niya sakin yung mga pictures nung mga bata pa sila at nagbabakasyon sila dito.

 

 

 

 

"Minjeong"

 

 

"Hmm,"

 

 

"Umayos ka na."

 

 

"Ayaw ko."

 

 

Nakatago ako dito sa mga unan habang naguusap kami dahil ang sama ng loob ko at nawala ako sa mood. Matindi yung pagsisisi ko sa pagkakamali na nagawa ko ngayon ngayon lang.

 

 

"Pook it's okay, ganun pa din naman, we're still going."

 

 

"Hindi okay yun." kanina pa ako kinakausap at kinakalma ni Minju dahil naiirita talaga ako ngayon.

 

 

"Don't blame yourself na, hindi mo naman sinadya kaya nabasa ko." inaalis niya yung mga unan na nakatabon sakin at sinisilip niya yung muka ko. "Minjeong I told you it's okay. Ilan days nalang Christmas na. I appreciate your gift and thank you." hinahatak niya ako habang nagtatago ako dito sa ilalim ng mga unan. "It won't make a difference naman kahit ngayon mo na-reveal yung gift mo sakin instead of Christmas day. Hindi na important yun."

 

 

"Sayang kasi eh. Nakakadismaya, nabuko kagad yung surprise ko eh December sixteen palang ngayon. First time ko magbibigay ng Christmas gift sa girlfriend kaya napaka big deal sakin nito Minju."

 

 

"It doesn't matter naman kung ngayon mo na sinabi sakin. We're still gonna travel on the twenty six kaya sobrang excited ako. Thank you Pook, sobrang nagustuhan ko yung gift mo para sakin."

 

 

"Ano kaya yun wala pang Christmas pero nabisto mo na yung gift ko. Parang wala tuloy akong regalo sayo sa twenty five kasi nalaman mo na kagad ngayon."

 

 

"Hahahaha stop whining na nga, it's the same napaaga ka lang ng sabi that's it."

 

 

"Binalot ko pa nga yung ticket pati yung passport mo na may visa tapos ganun lang pala, na-spoil yung surprise ng dahil lang sa katangahan ko. Grabe Pumpkin ang tanga ko talaga minsan, nakaka dismaya. Bakit ba kasi ako na-wrong send sayo? Issend ko dapat yun sa manager mo eh tapos sayo ko pa mismo na-send."

 

 

"Hahaha okay na yun tapos na. Sobrang natuwa ako and na-appreciate ko. Hindi ko inexpect na ganun yung Christmas gift mo sakin Minjeong. Let's just enjoy it okay? First trip natin yun as a couple. It's very special to me."

 

 

"Pero ibibigay ko pa din sayo sa twenty five ng nakabalot ha, gusto ko ma-surprise ka pa din. Sayang talaga eh."

 

 

"Hahahaha yeah sige, I'll be surprised when I see the tickets and the hotel booking kahit na-send mo na sakin yung buong travel details and itinerary natin."

 

 

"Hahahaha o tignan mo na, nang iinis ka pa eh."

 

 

"Hahahahaha I'm kidding. Stop being upset na and I'm serious when I say that I appreciate your gift. Yung effort mo grabe. I didn't notice na nakikipag coordinate ka na pala sa manager ko. How did you know all my schedule?"

 

 

"Yung manager mo, siya nagsabi sakin lahat. Nung isang buwan pa inaayos ng travel agency yung trip natin. Tinulungan ako ng assistant mo sa required travel documents. Tsaka nagpaalam din ako sa parents mo. Sa twenty six yung flight natin, mag stay tayo dun hanggang December thirty tapos sa susunod na araw uuwi na tayo sa San Jorge."

 

 

"Hindi ka ba mapapagod kung sunod sunod yung travel natin?"

 

 

"Hindi naman. Kaya inayos ng travel agency yung san transpo natin para hindi tayo maglakad ng malayo. Nakapag paalam na din ako sa doctor ko, pumayag siya basta wag lang daw kalimutan inumin yung mga gamot."

 

 

"That's quite impressive. Ang galing mo magtago."

 

 

"Hahahaha oo, tignan mo kahit minsan hindi mo nahalata na inaayos ko yung sa travel natin. Okay na sana yung sa suprise trip kaso ang tanga ko talaga, ako din mismo yung naglaglag sa sarili ko."

 

 

"Hayaan mo na, learn to let go. I'm sure mag eenjoy tayo on our very first trip. Thanks Pook for the Christmas gift. I love you." pumatong sakin sa si Minju at hinalikan ako sa labi. Niyakap ko siya at mas nilaliman ko pa yung paghalik sakanya. "I love you too, buti naman natuwa ka at nagusutuhan mo. Ang tagal tagal kong iniisip kung ano yung gift na ibibigay ko sayo sa pasko. Naisip ko travel nalang para maiba naman."

 

 

"Why did you choose Japan?"

 

 

"Naisip ko maiksi lang yung free day mo pagkatapos ng Christmas kaya sa Japan nalang tayo para hindi masyadong malayo."

 

 

"But why in Hokkaido?"

 

 

"Bukod sa nabanggit mo yun dati. Tinanong ko din kay Cheche, nakapunta ka na daw sa Tokyo tsaka sa Osaka kaya dun ko nalang naisip na dalin ka. Tinanong ko din yung best friend mo. Sabi ni Hyewon matutuwa ka daw kapag dun tayo nagpunta. Nabanggit niya din na matagal mo na daw gusto makita yung snow light path?"

 

 

"Yes, the Otaru snow light path. I've been wanting to go to Sapporo but I don't have time and my friends are too busy."

 

 

"Yun pala eh. Okay lang ba na ako nalang sasama sayo dun?"

 

 

"What a stupid question Minjeong. Wala na akong ibang gusto kasama mag travel kung hindi ikaw. Ikaw na lagi yung first option ko. I found myself a girlfriend and a travel buddy. Thank you so much Pook."

 

 

"You're welcome Pumpkin. Excited na ako, first time ko na makakapunta sa Japan."

 

 

"Wait but we'll also travel in February in the US. Nasabi mo na ba kay ate Taeyeon?"

 

 

"Kay Layu ko palang nasabi pero papayag naman yun si ate. Sa 2026 pa expiration ng tourist visa ko kaya walang problema. Grabe Minju, ang saya ko dahil na-eexperience ko yung mga ganito kasama ka."

 

 

"So am I. Minjeong, I'm serious. Tayong dalawa madami pa tayong gagawin. Kaya please, palakasin mo yung heart mo okay? magpagaling ka."

 

 

"Oo Minju promise yan. Madami pa tayong susubukan gawin tsaka mga lugar na pupuntahan."

 

 

"I'm so happy talaga na naging tayo. That's one of the best decisions I've ever made."

 

 

"Ganun din ako. Sobrang thankful ako na naging tayo. Halika nga dito, papaiyakin mo nanaman ako eh." hinila ko siya para halikan. Niyayakap ko si Minju habang nakahiga siya dito sa ibabaw ko. "I love you Pumpkin." bulong ko bago ko siya niyakap ng mahigpit.

 

 

"I love you too."

 

 

"Hold on, I think someone's at the door." Natigilan ako sa paghalik sakanya, nung biglang may kumatok. "Tinatawag na ba tayo?"

 

 

"I think so." Bumangon kami para tignan kung sino yung kumakatok sa pinto. Pagbukas niya, pinapatawag na daw kami sa baba dahil dumating na yung pinsan nila.

 

 

 

 

 

12:00pm

 

"Pook I would like you to meet my cousin Sakura." 

 

 

"Hi nice to meet you, ako si Kiminjeong." inabot ko yung kamay ko at nakipag shake hands ako sakanya. "It's nice to meet you too, Kiminjeong right?"

 

 

"Oo, Ki-min-jeong."

 

 

"Right, got it. Kiminjeong. What a cool name."

 

 

"She is the one I was telling you about Kkura, my girlfriend." banggit ni Minju. "Sweet. I've heard a lot of good things about you." nag lean forward siya samin at may binulong. "Honestly you look good together. You look amazing. " pansin ko na mukang nag iingat si Sakura sa sinasabi niya dahil may mga ibang kamag anak sila na kakadating lang din.

 

 

"Everyone in the family knows that Minjeong is my girlfriend. Hahaha it's fine."

 

 

"My bad. Well then that's good. I'm happy for you Minmin, you obviously look inlove and you're glowing."

 

 

"Thank you. Pook siya yung cousin namin who also lives in Japan. By the way Kkura we will be traveling to Hokkaido after Christmas."

 

 

"You are? That's two weeks from now. Winter is the perfect time to visit. There are some towns that you shouldn't miss, I can give you suggestions."

 

 

"Yeah please do. Thank you Kkura."

 

 

"Hey guys, uhm Minmin the two have just arrived here in Highlands, but mom said that we can start having lunch now."nagpunta si ate Tzuyu dito sa balcony para ayain kami. "Okay, malapit na pala sila. Let's go Kkura. Pook?" inabot ko yung kamay ni Minju at tumayo na ako dito sa bench na inuupuan ko. "Okay Pumpkin." sabay sabay kaming nagtungo sa dining area. 

 

 

 

 

 

Akala ko simpleng lunch yung gagawin namin ngayon, nung pag pasok namin sa dining meron palang catering. Hindi ko lang napansin kanina dahil dun naka pwesto banda sa balcony yung mga pagkain. Marami pala yung kamag anak nila na dadating ngayon kaya para tuloy akong nasama sa family reunion.

 

 

Nagsimula na din kaming kumain. Napili namin umupo sa isang table na nakahiwalay na nasa tapat ng bintana. Gusto ko itong pwesto na to dahil tanaw na tanaw yung mga pine trees sa labas tsaka mahangin dito.

 

 

"How is it, do you like the food?" tanong sakin ni Minju. "Masarap, kahit pa hindi ako kumuha ng beef tsaka pork. Ang sarap nito." Kahit pa walang karne yung kinakain ko sobrang sarap pa din nung pagkain na nakahanda. Karamihan Filipino food pero nahaluan din ng pasta tsaka meron din choices ng sushi.

 

 

"Hiiiiii my favorite humans!!!" napatingin kami sa mga dumating. "Here they come." nakatingin kami dun sa dalawang dumating. Tumungo sila kung saan nakaupo yung mga parents ni Minju para bumati.

 

 

"What's up cousins?" tumayo si Minju, ate Tzuyu at si Sakura. "Hey, it's nice to see you." Binati at niyakap nila yung mga bagong dating. Malamang ito yung pinsan nila na magkapatid. Hindi ko sigurado pero parang ang babata nila tsaka muka silang kambal.

 

 

"Wait a minute, I'm starving. Let me get some food and we'll get back to you guys."

 

 

"Excuse us," paalam nung isa na mukang napaka demure at tahimik.

 

 

Pasimple akong dumikit at bumaling kay Minju dahil may gusto akong itanong sakanya. "Pumpkin, bakit ganun parang kumukulot yung salita ng pinsan mo?"

 

 

"They grew up in Australia, kaya medyo thick yung accent nila."

 

 

"Half sila?"

 

 

"No, pure. They were born in Melbourne. But they can understand tagalog."

 

 

"Ahhh okay."

 

 

 

 

2:30pm

 

Lumipat kami sa isang sala kung saan nandun yung entertainment area at fireplace, nakatambay kami ngayon dito kasama yung mga pinsan nila. Hindi ko naman inakala na pagkatapos ng pananghalian may naghihintay pala sakin na interrogation at mapupunta ako sa hot seat. Medyo kakaiba yung mga trip nung pinsan nila na mas bata.

 

 

Yung pwesto namin ngayon, nakaupo ako sa sofa katabi ni Minju, nasa bean bag si ate Tzuyu at nakaupo yung tatlo sa sofa katapat nitong samin.

 

 

"Say it again Kiminjeong, you've been confusing and interchanging our names for the past two hours. I'm starting to get offended." hirit sakin ni Hanni, yung pinsan ni Minju. Siya pala yung ate sakanilang dalawa. Parang si ate Tzuyu at yung Pumpkin ko, dalawang taon din ang agwat ng edad nila ng kapatid niya.

 

 

"Hahahahaha hindi na nga, sorry. Okay uhh, ikaw si Hanni and yung sister mo na nakaupo sa tabi mo, si Haerin."

 

 

"There you go, I swear to god if you confuse us one more time. Anyway, I have a few questions to ask, we're not yet done."

 

 

Grabe tong bata na to,bilib ako dahil napaka taas ng energy niya. Parang hindi napapagod at nauubusan ng topic na paguusapan. Ang dami na niyang tinatanong sakin kanina pa, daig niya pa mag interrogate yung mga police sa San Jorge. Nung mas matagal na namin silang nakakausap dun ko na-realize kung sino yung naaalala ko sakanya. Yung dating niya parang parehas kay Vivian, hindi malabo na magkasundo sila nito ni Hanni. Si Haerin naman napaka tahimik lang kaya ang naaalala ko tuloy sakanya ay si Minji. Pati sa kilos pareho sila. Yung pinsan nila na si Sakura, tahimik lang na nakikinig sa pa-interview sakin ni Hanni pero game at masayahin din siya. Nakakatuwa kasi ang bilis maging panatag ng loob ko sakanila kaya hindi na ako nahihiya at hindi ako naiilang. Masasabi ko na masarap silang kasama, hindi sila maarte at sa una lang pala sila mukang nakaka-intimidate.

 

 

"I'm not done so please listen to my questions. Kiminjeong you are not free to go yet."

 

 

"Okay sige ano ba yun, sasagutin ko lahat ng natitirang tanong mo."

 

 

"Hahaha take it easy on her naman kasi Hanni, na-cculture shock sayo yung lil Pook ko. Some of your questions are too direct to the point and they're a bit harsh."

 

 

"For real? Are you?"

 

 

"Hahaha okay lang ako Pumpkin." humawak ako sa kamay ni Minju at umayos ako ng upo. Sa totoo lang nag eenjoy ako sa mga tinatanong ng pinsan niya, napaka random at nakakabigla kaya na-chchallenge tuloy ako. Nasasagot ko lahat ng mga tanong na binabato niya sakin kanina pa.

 

 

"You heard that Pumpkin?" natawa kami nung ginaya niya yung pananalita ni Minju. "My questions are not harsh, they just happened to be realistic and sensible. I wanna get to know my cousin's girlfriend. This is a mere background check, if you wanna call it that."

 

 

"Haha Minmin I wanna see how it goes, just let her. Hanni please continue." comment ni ate Tzuyu. Mukang bentang benta sakanila itong mga antics ng pinsan nila na parang sugo ni Vivian. Ang pinagkaiba lang kumukulot yung salita niya kasi ang lakas ng Australian accent.

 

 

"I just found out that you are the twin sister of Chantal." tumango at nag thumbs up ako sakanya. "I've met your sister a couple of times, she's such a sweetheart, ughh love her. What is your full name?" nagkatinginan kami ni Minju at natawa sa tanong niya. Parang palaktaw laktaw yung mga topic na sinasabi niya.

 

 

"Minjeong Kim. Sigurado itatanong mo din kung bakit Kiminjeong. Pinagbaliktad lang yun. Mas gusto ko kasi na tinatawag ako na kasama yung apelido."

 

 

"Cool. You should all start calling me PhamHanni from now on. Does it make sense to you guys?" tumingin siya kay Sakura at kay ate Tzuyu na nakaupo sa bean bag. "Well yeah, it does."

 

 

"Alright. Where did the two of you meet?" tinuro niya kaming dalawa na nakaupo sa harap niya. Partida kumakain pa siya ngayon ng dessert sa platito kahit pa patuloy lang siya sa interview niya.

 

 

"Do I have to answer as well or yung lil Pook ko lang dapat yung sasagot?" tanong ni Minju.

 

 

"I want Kiminjeong to answer all of my questions. This is a test. I am here to find out if she can pass the vibe check." tinignan niya ako ng seryoso sabay ngiti. "Pumpkin nakakatakot naman tong pinsan mo. Ano ba trip nito? hahaha" bulong ko kay Minju. "Hayaan mo siya, gustong gusto niya yung mga ganyan tsaka hindi siya napapagod kakadaldal. Makulit talaga yan. Just go with it."

 

 

"Hahaha okay. Ano na nga yung next question mo Hanni?"

 

 

"Where did the two of you meet? Ate Minmin and you."

 

 

"Ahh na-meet ko na siya dati sa photo shoot nila ng kakambal ko. Pero naki

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1151 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko