Chapter XXXVII

Ang Mga Apo Ni Carmilla
Please Subscribe to read the full chapter

December 31, 2023 

 

 

San Jorge

 

Napaka mahalaga sa akin nitong araw na to dahil bukod sa birthday na namin mamaya ng kakambal ko, ito yung first New Year's Eve na makakasama namin mag celebrate si Minju. Nag desisyon kami na salubungin yung New Year dito sa San Jorge.

 

 

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa baba, tapat ng kwarto ko. Maaga akong bumangon para ilalakad ko sa labas si Sharpay, isasama ko nalang siya dahil parehas kami na kailangan mag light exercise. Busy ang lahat ngayon sa bahay namin sa paghahanda para sa bisperas ng bagong taon. Sinabihan ako ni ate Taeyeon na dapat daw icelebrate yung birthday namin ni Cheche ngayon dahil ito daw yung unang beses na nagkaron ako ng karelasyon. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o inaasar niya lang ako.

 

 

Tulog pa si Minju kaya maingat ang kilos ko at ayaw ko siyang magising. Hinahayaan ko lang siyang matulog dahil alam ko na napagod siya dun sa sunod sunod na travel na ginawa namin. Dapat lang na makabawi siya sa pahinga kasi pagdating ng katapusan ng February, magiging hectic na ulit yung schedule niya.

 

 

Sobrang nag enjoy kami at nasulit namin yung bakasyon sa Hokkaido, ang dami namin napasyalan na lugar at nasubukan na mga activities katulad ng skiing. Parang dalawang magkasunod na araw kami sumubok mag ski at nag overnight din kami sa Otaru, yung town na matagal na niyang gustong puntahan. 

 

 

Kung hindi ko nakilala si Minju malamang hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob sumubok sa mga bagay. Malaki ang pasasalamat ko kasi madami din akong natututunan dahil sakanya.

 

 

 

 

7:30am

 

Pagkatapos mag wash up, lumabas na ako sa sala kasama si Sharpay. Sinuotan ko siya ng leash dahil maglalakad kami ngayon sa bakuran pati sa kalsada.

 

 

"Ate Taeyeon, Cheche." bati ko sa dalawa na nagkakape ngayon sa veranda. "Oh hi there, our little princess." dahan dahan kinuha sakin ni Cheche si Sharpay at niyayakap niya. "Oh gosh, you're not so little anymore." Mukang mababali pa yung kamay ni Cheche nung pinapahiga niya siya sa tabi niya. "Minjeong, your baby is literally getting bigger and heavier."

 

 

"Oo sinabi mo pa. Ate, good morning." lumipat ako ng upuan para tabihan si ate Taeyeon. "Magandang umaga din Kiminjeong, ano handa ka na ba sa birthday niyo ng kapatid mo?"

 

 

"Hahaha oo tsaka sa New Year celebration natin. Excited na ako sa 2024, feeling ko mas maganda pa yung mga ganap sa taon na yan."

 

 

"Aba, natutuwa ako na ganyan ka na mag isip ngayon. Napaka optimistic. Alam mo, maganda para sayo itong taon na to. Madami ka naging kaibigan, iba't ibang tao ang nakakahalubilo mo, nag eexpand yung negosyo mo, nadagdagan ang kliyente niyo ni Layu, tapos ayan nasa buhay mo na si Minju."

 

 

"Hahaha oo nga ate totoo yan, hindi ko inexpect na magiging sobrang saya ng taon na to para sa akin. Kaya thankful talaga ako, ito yung isa sa pinaka masaya kaya hinding hindi ko makakalimutan."

 

 

"Minjeong look at her." pumatong sa lap niya si Sharpay at tumihaya na. "Gisingin mo yan Che, kakagising lang niya matutulog nanaman. Mag eexercise din siya kaya kami lumabas."

 

 

"Hahaha don't pressure her. Hey, can I see the videos na, yung mga videos niyo ni Minju sa Otaru."

 

 

"Andun sa external ko eh, tsaka yung iba nasa phone pa tsaka sa memory card. Ittransfer ko palang, ipapakita ko sayo kapag okay na."

 

 

"Sige ang ganda ng posts niyo eh, let's go back there again. Sama ka samin ate Taeyeon, let's go to Japan tayong family. Isama din natin sila Layu."

 

 

"Oo nga, sumama ka samin ate, hindi pa natin nagagawa yun. Nung nawala na sila lola, hindi na tayo nakaalis."

 

 

"Oo sige ba, basta maluwag ang schedule at siyempre kailangan ko mag paalam. Kailangan may travel authority ako dahil hindi ako pwedeng basta basta lalabas nalang ng bansa."

 

 

"Sa mga susunod na holidays ate baka naman pwede."

 

 

"Sige, tignan natin. Oo nga pala Minjeong, nagpaalam sakin si Minju. Saan ba kayo pupunta sa February?"

 

 

"Pagkatapos ng Valentines day yun ate, sa Hawaii, Honolulu. Susulitin lang namin bago mag start yung shooting ng isang movie niya."

 

 

"Ano yung eksaktong date ng alis niyo para alam ko."

 

 

"Sa February seventeen yung flight namin tapos babalik kami sa Manila ng February twenty four kasi sa twenty seven yung unang araw ng shooting niya. Meron lang siyang commercial shoot sa February eleven Sabado yun, sa Quezon."

 

 

"Ah okay buti maluwag pa yung schedule niya ngayon."

 

 

"Oo nga eh, buti nalang. Nakakapag relax tsaka pahinga siya ng maayos. Che, na-order mo na ba yung regalo ko para kay Minju?"

 

 

"Yup my assistant did, I had to use my credit card ha. It will arrive just in time for Minju's birthday, maybe earlier pa nga."

 

 

"Ganun ba, edi okay. Transfer ko sayo mamaya yung bayad ko. At least may magagamit na siyang bago. Maganda ba reviews nun Che, dba yun din yung gamit mo?"

 

 

"Yes it's made up of memory foam and it is super comfy."

 

 

"Ano yung binili mo?" tanong sakin ni ate. "Yung folding bed na madadala ni Minju pag sa mga shooting location nila. Ang tagal kasi minsan ng call time nila sa taping, kaya yun ang naisipan kong ibigay para sa birthday niya."

 

 

"But you still got her another one, dba?"

 

 

"Oo, para sa birthday niya din yun." tinignan ko saglit yung sala dahil baka gising na si Minju. Ayaw ko na maulit nanaman yung nangyari nung nakaraan, nalaman niya two weeks before yung regalo ko sakanya nung Christmas.

 

 

"So what did you get her?"

 

 

"Yung golf club na favorite niyang gamitin kapag nag lalaro sila ng golf, lob wedge daw tawag dun. Personalized yung pinagawa ko, pina-engrave ko yung pangalan niya. Sakto, idedeliver sa condo bago mag February."

 

 

"Teka how did you know kung saan ka magpapagawa ng ganun? it's amazing that they do engraving."

 

 

"Tinanong ko sa dad niya pati kay ate Tzuyu. Sakto kasi may mga shops sila na snuggest sakin sa QC kaya yun kagad yung pinuntahan ko."

 

 

"Awww that's so nice naman Minjeong, I'm so proud of you. I didn't expect na ganyan ka as a girlfriend. You know how to treat her right."

 

 

"Bakit parang medyo insulto naman yan sinabi mo Che? Ate parang tanga oh."

 

 

"Hahahaha I'm not insulting you head, I am praising you. Dba ate, she's doing a great job in their relationship kaya nakaka proud siya?"

 

 

"Totoo yan. Napaka sweet at thoughtful mo naman talaga. Bilib na bilib na ako sayo. Sigurado kung makakausap mo lang sila lola tsaka si mama, proud na proud din sila sayo."

 

 

"Hahahahahaha totoo ba yan ate o nang iinis ka lang?"

 

 

"Totoo nga, ako mismo proud ako kasi nagmamature ka na. Dba no Che? nagmmature na tong kakambal mo. Nabawasan na din pagiging makulit mo. Nagiiba na, pero maganda naman yung resulta." napapakamot ulo ako at natatawa sa sinasabi ng mga kapatid ko. Ginagawa ko lang naman yung dapat para kay Minju pero kung mag komento sila para akong nakatapos ng masters degree.

 

 

"Yes that's what you call personal development through social interaction."

 

 

"Ano naman yan? ang aga aga ma-nnosebleed nanaman ako. Mag tagalog ka nga muna habang nandito tayo sa San Jorge Cheche pucha ilan buwan nang nagdudugo tsaka napapagod yung utak ko sa mga nakakausap ko. Bawal coño dito ha."

 

 

"Hahahahaha jokes on you, because napunta ka kay Minju. You have to get used to it."

 

 

"hahaha ano pa nga ba. Oo nga pala, mamaya ko nalang ibibigay yung mga pasalubong ko galing sa Sapporo, hintayin ko lang magising si Pumpkin, siya kasi yung nag ayos nung iba."

 

 

"Okay walang problema. Wag mo munang gisingin si Minju at hayaan mo lang na mag pahinga. Anong oras pala kayo aalis papunta sa bayan?"

 

 

"Hindi kami sa bayan ate, walang mabili dun eh. Hintayin ko lang siya magising, magrroadtrip kami papunta sa kabilang probinsya kasama sila Layu. Mag ggrocery kami, sabihin niyo nalang kung may gusto pa kayong ipabili. Che ikaw? tara na sumama ka na sasama din sila Minji."

 

 

"Nag ccrave ako ng iced coffee, sige I'll go with you."

 

 

"Meron dun. Ate punta muna ako kila Ryujin, makiki-kain lang kami ni Sharpay."

 

 

"But I thought she's on a diet?"

 

 

"Hindi, alam mo naman na vegetarian tong baby ko." kinarga ko na yung alaga ko na ang sarap ng higa sa kandungan ni Cheche. "Alis na kami ate. Mamaya ko na babalikan si Minju, tulog pa eh."

 

 

"Oo sige. Yung van nalang ang gamitin niyo mamaya, may karga pa yung likod ng pick-up."

 

 

 

 

 

4:00pm

 

*tumutugtog sa speakers sa bakuran ng mga Kim: I Miss You by blink-182*

 

 

"Gisele! phone mo ba yan naka-connect? sige lang patugtog ka pa! Ganda lagi ng tugtog kapag playlist mo eh."

 

 

"Alright Kiminjeong."

 

 

Nanggaling na kami kanina sa mall para mag grocery nung mga ingredients sa lulutuin ni Minju. Gusto daw niyang magluto ngayon ng iba-ibang putahe para sa birthday namin ni Cheche. Sinabi ko sakanya na wag na dahil baka mapagod siya, pero nagpupumilit yung Pumpkin ko kasi bihira lang naman daw niyang gawin to at ako lagi yung nagluluto para sakanya. Mamayang alas sais pa naman siya maguumpisa kaya may oras pa kami na tumanga at maglaro dito sa bakuran.  

 

 

Nakatambay kaming lahat dito sa ilalim ng puno ng mangga katabi lang ng bahay namin. Kakadating lang din nila Sorin at Gisele, sasaluhan nila kami sa pag salubong ng bagong taon mamayang gabi. Inimbita ko din si Imperia dahil mag isa siya ngayon sa mansyon. Pero sinabi nila na hindi daw sigurado kung lalabas at makakarating siya.

 

 

"Pumpkin ito na, bangon ka saglit." nilagay ko yung unan sa ulunan ni Minju. Nakahiga sila ngayon ni Cheche sa papag habang nanonood nung nilalaro namin na cornhole game. Dinalan ko siya ng unan para komportable siya at hindi mangalay. "Naiinitan ka ba?" tinapat ko sakanila yung electric fan na pinababa ko dito kanina.

 

 

"No. I'm okay thank you."

 

 

"Si Minju lang dinalan mo ng pillow, bakit ako hindi?" apela sakin ng kakambal ko. "Tinanong kita kanina kung gusto mo pero hindi ka sumagot. Wag ka na mang-guilty, magpakuha ka nalang." tinitignan niya ako ng masama at mukang mangiinis pa. "Dito ka lang Pumpkin wait lang ha, tawagin mo ako kapag magluluto na tayo."

 

 

"Okay Pook." bumalik ako kung nasaan yung mga kalaro ko.

 

 

 

 

 

Magsisimula na kaming maglaro ng cornhole, ito yung laruan na nabili ko dun sa Duty Free sa airport nung isang araw.

 

 

"Sito halika, kampi kita!" 

 

 

"Ayaw ko Kiminjeong malabo mata mo! dito ako kay Layu."

 

 

"Ah ganyan ka ha sige! Layu kampi nalang kayo ni Gisele tsaka ni Sito, kakampi ko si Minji tsaka si Sorin!"

 

 

"Wag kang umano Kiminjeong, alam mo na hindi pwedeng maglaro si Gigi tsaka si Sorin nito. Lugi tayo kaya mamaya nalang sila!" narinig ko na natawa si Sorin. "Second game nalang kayo ha."

 

 

"It's fine."

 

 

"O sige game na!" tumakbo ako kung nasaan yung isang board na may butas at nilapag ko yung apat na bags na may buhangin sa loob.

 

 

"Yung ibabato niyo dapat dito mag landing sa board o mashoot sa butas. Pag na-shoot sa butas twenty points kagad yun. Pag nag land sa damo hindi counted okay?"

 

 

"Okay!" sigaw ni Layu at nung side kick niyang bata na kanina pa nag sstrategize. 

 

 

"Minji galingan mo ha, tag dalawa tayo. Gusto mo ba mauna?"

 

 

"Oo Kiminjeong ako una tapos ikaw."

 

 

"Kiminjeong ano premyo nito?!" tanong ni Layu.

 

 

"Yung matalo siya magmamaneho papunta sa dagat bukas ng gabi!"

 

 

"Ano ba yan, yung lang? napaka walang kwenta, sa dagat lang naman tayo pupunta bukas ng gabi!"

 

 

"O sige ganito nalang ang unang maka-limang panalo, makakatanggap ng five thousand pesos galing kay Cheche!"

 

 

"Yehey!!!!!" nagpalakpakan kaming lahat. Nakita ko na napatayo si Cheche sa papag at muka siyang nalilito sa nangyayari.

 

 

"Thank you Cheche!!"

 

 

"Thanks Cheche!"

 

 

"Hahahahaha Pook, Che is asking kung ano daw yun."

 

 

"Cheche iready mo na yung pa-premyo mo sa amin na limang libo!"

 

 

"Wait why?! Nananahimik ako dito Minjeong!"

 

 

"Hahahaha sige na, minsan lang naman eh!"

 

 

"Okay fine sige, fair fight dapat kayo ha no cheating."

 

 

"Ayan na pumayag na siya!! Yeeeheeey! Minji galingan mo ha!!!"

 

 

"Hahaha oo sige Kiminjeong."

 

 

"Layu kayo na mauna!"

 

 

"Teka sandali, Kiminjeong yung anak mo, kunin mo nga to! Inaamoy niya yung mga bag."

 

 

"Ano ba yan, teka nga. Gigi please, paki buhat naman muna si Sharpay." pakiusap ko kay Gisele na nakatayo sa tabi nila Ryujin.

 

 

"Okay." kinarga niya si sharpay ng isang braso lang yung gamit kaya nagulat ako. Nakita ko na niyakap siya ni Ryujin para takpan, nagpapanggap siya na tinutulungan si Gisele sa pagbuhat.

 

 

Nagkitinginan kami ni Minji, alam ko at sigurado ako na napanood niya yung ginawa ni Gisele, binuhat niya si Sharpay ng walang kahira-hirap. Napansin ko din na nagulat siya pero ngayon natatawa nalang dahil sa nakita niya.

 

 

"Layu dali na! Tumira ka na!" tatlo yung hawak niyang maliit na sand bag at isa naman yung nakay Sito.

 

 

"Okay ito na!" unang bato ni Ryujin, nag landing sa gitna board kaya pasok.

 

 

"Minji ikaw na." pumwesto siya sabay bumato ng isa, malinaw na nag landing din sa board at pasok na pasok. "Okay Layu ikaw na, dun mo ibato malapit sa gate!"

 

 

"Hahahahaha muka mo. Saluhin mo to Kiminjeong!"pagbato niya lumagpas at dumulas sa board. "Hahaha o ayan mintis! Go Minji kaya mo yan!" pumwesto ulit siya sabay bato ng malakas.

 

 

"Hayup ang galing!" pa-overhead yung hagis na ginawa ni Minji sa sandbag kaya saktong sakto sa butas. "Hahahahaha o ano kayo Ryujin?!"

 

 

"Boom may twenty points kagad kami!!! hahahahaha" nagpunta ako sa gitna at inasar asar ko sila Ryujin.

 

 

"Babawi kami!!" pinapanood ko na tinatantya niya yung board sabay bato ng malakas. Kitang kita ko kung pano nag landing yung tinira niya sa tabi ng butas pero hindi na-shoot. Ako na ang susunod, kanina pa kami nag ppractice game kaya sigurado pasok to.

 

 

Pumwesto ako at pumorma kung pano mag pitch sa baseball.

 

 

"Hoy ano yan?"

 

 

"Bakit?!"

 

 

"Wag kang madaya Kiminjeong, Minji paatrasin mo nga yan! Hindi ka pwedeng lumagpas sa dulo ng board ano ka." tinignan ko kung saan ako nakatayo, lagpas na lagpas pala ako sa board nang hindi ko namamalayan. Pagkatapos kong umatras pumwesto na ulit ako.

 

 

"Ramdam ko na kami ni Minji ang makakatanggap ng 5k!" sigaw ko sabay bato ng malakas sa board. Rinig ko yung malakas na lagapak, nag land nga sa gitna pero hindi naman na-shoot.

 

 

"O ikaw na Sito. Jusko ka galingan mo ha. Sayo nakasalalay yung last shot natin. Sige na pwesto." mukang sinusukat pa ng mga kalaban namin yung distansya at pagitan ng dalawang cornhole board. Pinagaaralan din nila yung direksyon kung paano babato. Lamang na lamang kami dahil yung tatlo na naibato namin ay pumasok lahat sa board.

 

 

"Ang tagal niyo naman dalawa! Sito bilis magbabagong taon na hindi ka pa din tumitira!"

 

 

"Sandali lang naman Kiminjeong pinagiisipan pa namin kung pano." Lumayo ako sa board dahil mukang babato na siya. Pinapanood namin kung pano pumwesto si Sito, yung itsura niya parang stance ng maglalaro ng bowling.

 

 

"Pasok to!!" pag sigaw niya binato niya pailalim yung sandbag. Ang taas ng inabot sa ere, sinundan ko ng tingin kung saan papunta hanggang sa...

 

 

"Three all!! hahahahahaha walang kadaya daya at walang mintis pasok na pasok sa butas nakita niyo naman!" tangina parehas na kami ng score nung na-shoot din ni Sito mismo sa butas yung sandbag na binato niya. Na-pressure tuloy ako dahil sa akin nakasalalay yung winning shot. Kailangan maibato ko to mismo sa board at wag mag landing sa damo. Maghahati pa kami sa premyo pag nagkataon.

 

 

Pinunasan ko maigi yung salamin ko at nag stretching ako saglit. Chneck ko yung kinatatayuan ko, hindi ako lagpas at tama lang yung anggulo. Kayang kaya ko to at ramdam ko na kami ni Minji ang mananalo dito.

 

 

Pagkatapos ng stretching, pumwesto ako habang hawak ko yung sandbag. 

 

 

"Ay ang taray ano yan baseball?!"

 

 

"Wag kang kontra Ryujin!" tinaas ko yung isang tuhod ko at umakmang babato pero trial lang yun. Kailangan kong kunin ang tamang balanse para masakto ko maigi sa butas.

 

 

"Okay ito na."

 

 

"Go my lil Pookie, you can do it!"

 

 

"Awww thank you Pumpkin! I love you." natawa at kinilig ako nung nag cheer pa sakin si Minju. Hindi ko napansin na nakaupo na pala siya sa papag at pinapanood kami.

 

 

Huminga ako ng malalim, inangat ko yung kaliwang binti ko sabay bato ng napaka lakas.

 

 

"Aray wahahaaa-aaaahh waaahhh"

 

 

Napapikit pa ako dahil ramdam na ramdam ko yung pagka perfect ng pagbato ko kaso naputol nung bigla akong may narinig na umiiyak.

 

 

"Kiminjeong natamaan mo sa muka si Sito!"

 

 

"Ha?! ay hala!"

 

 

"Ang layo layo ko pero binato mo ako-aaaahhhh"

 

 

"Huy hindi ko naman sadya yun, wag ka na nga umiyak. O sige ganito nalang, tutal parehas score natin, paghatian nalang natin apat yung premyo!"

 

 

"O ayan na Sito wag ka na umiyak hati na daw tayo!"

 

 

"Put- strategy niyo yan noh Ryujin?"

 

 

"Hoy hindi ah, ikaw dyan yung namamato eh!"

 

 

 

 

 

 

7:30pm Ilan Oras Bago Ang New Year

 

Nandito ako ngayon sa kusina, tinitikman ko yung mga niluto ni Minju. Sinasamahan ko siya dito ngayon dahil hinihintay namin mag alarm yung mga butter cookies na nasa oven. Ito yung ginagawa namin kanina dun sa veranda, gumawa at nag design kaming lahat ng cookies pakana ni Cheche. Napaka gago nung cookies na gawa ni Ryujin, unang kita palang alam ko na kung anong parte ng katawan yung ginawa niya. Nakakatuwa kasi pati yung mga vampirang kaibigan namin, sumali at nag design din sila.

 

 

"Pook, stop eating na mabubusog ka na niyan. Mag ddinner pa ulit tayo mamaya."

 

 

"Tinitikman ko lang tong pasta mo, anong pasta nga ulit to Pumpkin?"

 

 

"Fettuccine alfredo, meat ng chicken yung nilagay ko dyan since you can't eat beef."

 

 

"Kakain ako ng manok ngayon araw para sayo. Ilan years na yung huling kain ko ng chicken."

 

 

"Pwede mo naman iwan yung chicken if you don't wanna eat it. Leave it there, yung pasta lang yung kunin mo."

 

 

"Hindi, okay lang. Kakain ako ng manok ngayon kasi gusto ko ma-enjoy yung mga niluto mo. Tsaka gusto ko itry to." inalis ko yung foil na nakatakip dun sa isang tray. "Ito kakainin ko to mamaya pag nag dinner tayo, itong ano chicken parmesan."

 

 

"It's parmigiana my lil Pookie, chicken parmigiana. Go say it again."

 

 

"Okay chicken parmichana. Chicken parmichana kakainin kita mamaya sa birthday ko."

 

 

"Hahahaha it's parmigiana. Pero okay na yan, call it whatever you want."

 

 

"Pumpkin bukas ba natin gagamitin sa dagat yung mga sky lanterns na binili natin sa Sapporo?"

 

 

"May mga fireworks kayo na binili kanina dba? Yeah tomorrow nalang yung sky lantern, we can fly them there at the beach."

 

 

"Excited na ako, excited na din akong mag wish."

 

 

"Pook what fireworks did you get kanina?"

 

 

"Uhm may mga dragon fireworks ako na binili, may mga sparklers, lusis, kwitis mga ganun tsaka may fountain din. Malamang same lang din to sa mga ginagamit niyo sa Dasma. Kapag New Year ba dun may nagpapaputok?"

 

 

"Not so much, puro sparklers lang kasi bawal sa subdivision."

 

 

"Ahhh okay. Mamaya matutuwa ka dun sa mga fireworks na binili namin ni Layu. Naayos na din namin, ako pa mismo yung naka isip ng design nun. Tignan mo mamaya, maganda yung kakalabasan."

 

 

"Is it safe?" tumango ako sakanya at sinubuan ko siya nung cheese na kinakain ko. "Oo naman."

 

 

Alam ko na matutuwa si ate Taeyeon kapag napanood niya yung mga fireworks mamayang gabi. Naisipan kong bumili nung napadaan kami kanina sa plaza. Nagkwento din samin si Sorin tungkol sa Feria Internacional de la Pirotecnia, ito daw yung fireworks festival na napuntahan niya dati bago pa sila napadpad dito nila Imperia. Nabanggit niya samin na kaparehas daw ng mga binili namin yung mga ginagamit dun.

 

 

"Pumpkin, una na ako sayo maligo?"

 

 

"Yeah okay sige napawisan ka kanina eh. You shower first, susunod ako sayo."

 

 

"Yung shirt pala na red, ikaw nalang mag suot ha. Lagay ko dun sa kama, kunin mo nalang."

 

 

"Okay Pook thank you." nagpaalam muna ako dahil kailangan ko nang maligo. Napaka dami namin ginawang activities ngayon araw kaya naiinitan tsaka medyo nanglalagkit na ako. Pagkatapos namin maglaro kanina nagpunta kaming lahat sa plaza. Pinaghatian namin nila Layu yung limang libo na premyo galing kay Cheche. Yung sakin, dinagdag ko nalang na pangbili ng mga fireworks para may gagamitin kami mamayang gabi.

 

 

 

 

 

 

10:00pm Dalawang Oras Bago Ang Bagong Taon at Birthday

 

"Kiminjeong ano ba naman yan, ang usapan naka red tayong lahat." tinitignan ako ni Ryujin mula ulo hanggang paa at iniinspeksyon niya yung suot ko. "Puting puti, wala manlang bahid ng red."

 

 

"Ha?" tinignan ko yung mga nakaupo malapit sa hagdan ng veranda. Sa kanilang lahat ako lang pala ang naiiba. "eh kasi nga walang nadalang red na damit si Minju kaya pinasuot ko nalang sakanya yung sakin."

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
Thank you so much sa mga nagtiyagang magbasa ng Ang Mga Apo Ni Carmilla fic. This is my second time writing, I appreciate all the readers' comments and analysis. Salamat ulit 😊

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 70: Aww done na
jushshhh #2
Chapter 51: sibuyas bawang, ginisa couple 😂
jushshhh #3
Chapter 38: tanginang yan😭 sobrang significant pa ng 8 sa kanila 🥲
jushshhh #4
Chapter 32: inuna ko basahin yung dulo kaya eto ako nag iisip ano mangyayari kay minju 😭
jushshhh #5
Chapter 28: hindi pa sila pero ang toxic na hahha
iamriou_
1152 streak #6
up!
JiminJeongXXXXX
#7
Uy promoteddddddd
gomtokkim
2142 streak #8
rereading munaaa
Eybrelros #9
Eypey push nanaman bukas ang brankt ni baby kitikiti Lucila namimiss ko na😞
Hera_Jung
#10
Chapter 70: ngayon ko lang na tapos to since break sa school. sobrang ganda ng story na 'to otor. isa 'to sa pinaka maganda and memorable na nabasa ko